webnovel

Meeting the Mom

Chapter 11

- Third Person's POV -

Nakababa na sila pareho at nakahanda na ang lamesa para sa magiging laro nila. Nakangisi lang si Sensui habang nakatingin kay Bell na nasa Billiard Table ang paningin.

"Mauna ka na." Mayabang na sabi ni Sensui habang nakangisi parin. "Baka kasi matalo ka." Dagdag nya pa.

"Tsk. Yabang talaga." Bulong ni Taguro. Huminga muna sya ng malalim bago nya ipinorma ang tako nya. Tapos nang itira nya ay nahulog ang apat na bola.

"Lakas makatyamba, ahh?" Mayabang na sabi ni Sensui.

"Tsk. Baka number one ako sa Leyte." Mayabang din na sabi ni Taguro. Muling pumorma si Taguro at naghahanda na ulit tumira.

"Bilisan mo, Taguro." Panggugulo ni Sensui. "Ano ba yan. Ang bagal." Kunwaring reklamo nya. "Taguro, ano na? Gaganyan ka nalang ba talaga?" Panggugulo pa nya. Dahil sa inis ni Bell ay tumira nalang sya ng walang kasiguraduhan.

"Heh... Ako na." Nakangising bulong ni Sensui. Pumorma sya para tumira habang si Bell naman ay nakaisip na ng pwede nyang panggulo kay Sensui.

"Sensui, bakit ang gwapo mo?" Biglang salita ni Taguro. Dahil sa gulat ni Sensui ay na tira nya ang bola pero wala doon ang atensyon nya, ang atensyon nya ay sa sinabi ni Taguro.

"Ano sinabi mo?" Gulat na tanong ni Sensui habang si Taguro ay nakangisi at parang nanalo na agad. "Ang gwapo ko?"

"Bingi!! Sabi ko ang g*go mo!" Nataawang sabi nya. Si Sensui naman ay napabuga nalang ng hangin dahil hindi sya makapaniwala. Nagpatuloy sila sa paglalaro at nanalo na si Taguro.

"Tyamba! Isa pa." Reklamo nya. Pumayag naman agad si Taguro. Makalipas ang mahigit tatlong oras ay palaging si Taguro ang nananalo at ayaw talagang tanggapin iyon ni Sensui kaya nakakarami na sila ng laro.

Nakatingin lang si Sensui habang nakaporma na si Taguro. Nagulat sya ng ngumiti ito sa kanya at biglang pumikit. Sya naman ay pinanood lang ito. Nang itira nito ang kanyang tako ay nahulog nya ang bola kaya mabilis na umangal si Sensui.

"What the h*ll? You're cheating! H-How did you do that?!"

"Number one sa Leyte." Mayabang na sabi ni Taguro. Lumipat ito ng pwesto ang agad na pumorma. Para hindi na manalo si Taguro, naisipan nanaman sya i-distract ni Sensui. 

"Taguro! May ipis sa ulo mo!" Biglang sigaw ni Sensui at itinuro pa ang uulo ni Bell. 

"Hindi ako takot sa ipis." Nakangising sagot ni Taguro.

"May lindol!" Sigaw ulit ni Sensui.

"Hindi din ako takot sa lindol." Mayabang paring sabi ni Taguro. Sumama ang muhka ni Devin at may naisip pang isa. Lumapit sya kay Bell at tinanong ito nang...

"Ehh, sa akin? Takot ka?" Seryosong tanong ni Sensui. Ayon nanaman ang magnetic force at hinihila nanaman ang mata nilang dalawa. Pareho silang nakatitig sa mata ng isa't isa habang may nakatingin sa kanila sa likod. Kanina pa sila pinapanood. 

Pumunta muna tayo sa Mommy nila Sensui. Pagkadating nya palang ay lungkot na agad ang bumungad sa kanya. Wala kasi ang panganay nyang nasa comma parin. Hindi din sya masyadong nabibisita ng bestfriend nitong kadalasan nyang kakwentuhan. 

Tapos nandito ang anak nyang si Devin. Pagpasok nya palang ay agad na syang sinalubong ng ingay ng dalawang tao. Ang isa ay parang nagrereklamo at parang parehong ayaw magpatalo. Ang isang boses ay kaboses ng bunso nya kaya alam na nyang ito iyon. 

"Taguro! Ang daya mo!" Sigaw ng bunso nya.

"Anong madaya. Kanina pa tayo naglalaro, Sensui. Ayaw mo pa kasing tanggapin na natalo ka ng isang Arabella." Mayabang naman na sabi ng isang babae. 

"Ma'am, nandito na po pala kayo?" Tanong ni Manang sa kanya. 

"What's that noise?" Tanong nya. 

"Ahh, may bisita po kasi si Sir Devin. Si Taguro po." Parang kinikilig na sabi ni Manang. 

"Taguro?" Tanong pa nya. Tumango naman ang mayordoma nila sa kanya. Lumapit sya doon sa may bandang likod nila at doon nya sila pinanood. Nagulat pa sya sa mga naging galaw ng anak nya. He's not like that to other girls. Including her. The last time she saw her son like this is when he's in a relationship. 

"Ehh,  sa akin? Takot ka?" Tanong ni Sensui. 

"Asa ka." Sagot ni Bell. Tumira ito at naipasok nya ang bola. Si Devin naman ay hindi makapaniwala sa nangyari. 

"What the h*ll?" Muli nyang singhal dahil hindi sya makapaniwala sa nangyari. 

"Devin." Rinig nilang tawag ng Mommy ni Sensui sa kanya. Nagulat silang dalawa at agad na napaharap sa likod nila. Si Bell ay medyo nagtaka kung sino ito habang si Devin naman ay medyo naistatwa sa kinatatayuan nya. 

"Mom..." Mahinang sabi ni Devin.

"You have a visitor?" Tanong nito habang ang paningin ay nakay Bell. 

"Yeah. Ahm... Mom, this is Tagu--- I mean, Arabella." Sabi ni Devin at tumingin kay Taguro. 

"Bell po." Sabi ni Taguro tapos ngumiti. 

"Hello, I'm Devin's Mom." Sabi nya. Nagkatinginan naman sila Taguro at Sensui. 

"Ahm... Actually, pauwi na din si Bell, Mom---" 

"No." Pagputol ng Mommy nya sa kanya. "Sabayan mo na kaming mag-dinner, Bell." Sabi ng Mommy ni Devin. 

"Hindi na po, baka hanapin din po kasi ako ng Daddy ko." Pagsakay ni Taguro kay Devin. 

"Please..." Sabi naman ng Mommy ni Devin. Nilingon muna ni Taguro si Devin bago tumango. 

A Few Moments Later. . . 

"So, what are you guys doing here, except playing billiards?" Tanong ni Emily, Mommy ni Devin. 

"May gagawin po kasi kaming project. Napasarap po kasi kami sa paglalaro." Natatawang sagot ni Bell. 

"Project?" Tanong pa ni Emily.

"Anti-bullying po." Sagot ni Bell. Bigla namang hinawakan ni Devin ang kamay nya mula sa ilalim ng lamesa kaya napatingin sya dito. Binigyan sya nito ng tingin na mali ang isinagot nya. 

"Devin, are you in trouble again?" Tanong ni Emily kay Sensui. Tumingin pa ito kay Sensui kaya mas humigpit ang pgkakahawak ni Sensui sa kamay nya.

"Voluntary po yon." Biglang sabi ni Bell kaya bumalik sa kanya ang atensyon ng Mommy ni Devin.

"Is that so?" Sabi naman ni Emily tapos ibinalik ang atensyon sa pagkain. "Can I ask you, Bell?" Biglang sabi ni Emily kaya kinabahan nanaman si Devin. Napansin iyon ni Bell kaya pinisil-pisil nya ang kamay nito.

'Ganyan kasi ang ginagawa nya kapag nangyayari din to sa kuya nya.'

"You know, Devin has a reputation in school. Is he's doing that can cause trouble?" Tanong ni Emily habang nakikinig naman sa kanya si Bell. Ang atensyon naman ni Devin ay nasa pagkain pero nasa kamay din nilang magkahawak.

"Ahh... Magaling naman po sya. Hindi naman po sya pumapasok sa kahit na anong gulo." Nakangiting sagot ni Bell. Napatingin naman si Devin sa kanya at napatitig. "Mabait po si Devin. Noong nakilala ko nga po sya ay naging magkaibigan kami agad. Magaling din po sya sa academic, at sa basketball. Magaling po syang mag-triple shot at mag-dribble." Sabi nya pa kaya tuluyan nang natulala sa kanya si Devin. Si Emily naman ay nakikinig pero nakatingin din sa anak nyang nakatitig sa babaeng katabi nito.

"Is that so?" Sabi nya at hindi parin nya nabawi ang atensyon ni Devin kay Bell.

"Manonood po ba kayo ng laban nila?" Tanong pa ni Bell.

"I don't know." Sabi ni Emily habang umiiling. "The last time I watch ay si Damien pa ang team captain." Sabi ni Emily. Tumango-tango pa si Bell bago nagsalita ulit.

"Sana po makanood kayo sa interhigh." Nakangiting sabi ni Bell.

"Yeah, maybe." Sabi nya habang sinulyapan saglit si Devin na ngumunguya pero nakatingin parin sa babaeng katabi nya. "I'm so glad na napapaligiran si Devin ng mga mababait na tao. What's your name again?"

"Arabella Romero po." Sabi ni Bell.

"Romero?" Tanong ni Emily. "I don't know if you know this person. Pero hindi ko nalang tatanungin. How about your family?"

"Ahh... Anak lang po ako sa labas ng Daddy ko." Mahinang sagot ni Bell. Si Devin nama na bumalik na sa pagkain ay napatingin nanaman kay Bell at naawa din.

"Ohh, Sorry..." Nahihiyang sabi ni Emily.

"Ok lang po. Wala pong nakakaalam non sa school. Ayoko po kasing magalit sa akin yung half sister ko." Sabi ni Bell habang pilit na nakangiti.

"You know, hija. I admire you because of your braveness." Nakangiting sabi ni Emily.

"Thank you po." Nakangiting sabi ni Bell.

A Few Moments Later. . .

"So, sino yung half sister mo? Kilala ba namin?" Tanong ni Devin nang nang nandoon na sila sa loob ng study room at nagsisimula na.

"Ahh... Si Heaven." Sagot ni Bell.

"Heaven Sai?" Tanong naman ni Devin. Tumango naman sa kanya si Bell.

"Ang ganda nya, noh?" Tanong ni Bell.

"Tsk. Mas maganda ka pa doon, ehh. Ang tunay na maganda, mabait." Sabi ni Devin. Kinuha nito ang wallet nya at kinuha doon ang 10, 000.

"Para saan yan?" Tanong ni Bell.

"Yung utang ko." Sagot ni Devin.

"Tsk. Ok na. Pero akin na yan." Sabi ni Bell tapos kinuha ang perang nasa lamesa.

"Bakit kailangan mo pang magtrabaho, ehh, mayaman naman ang Daddy mo?" Tanong ni Devin.

"Ahh... Trip ko lang." Sabi ni Bell.

"Trip? Ehh, diba sabi mo mahirap ang ginagawa mo?" Tanong pa ni Devin.

"Oo nga. Pero pag nag-18 na ako. Ako na ang pinakamayamang tao sa buong mundo." Mayabang na sabi ni Bell.

"Talaga lang, ha?" Sabi ni Devin.

"Oo nga." Natatawang sabi ni Bell.

- To Be Continued -

(Mon, July 12, 2021)

下一章