webnovel

Loving The Billionaire |Tagalog

作者: Havannah_
现代言情
連載 · 22K 流覽
  • 4 章
    內容
  • 評分
  • N/A
    鼎力相助
摘要

標籤
2 標籤
Chapter 1Chapter 1

One

Pigil ko ang aking hininga habang nakasandal ang likod ko sa pader. Habang ang dalawa niyang mga kamay ay nakasandal sa magkabilang gilid ng aking mukha.

Ramdam ko ang kakaibang kiliti mula sa mga paru-parung naglalaro sa aking tiyan dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko.

Sobrang lapit niya sa akin. Ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko. Kinikilig ako!

Plano ba niya akong halikan?

Mariin akong pumikit at hinintay ang paglapat ng labi niya sa labi ko. Hindi ito ang ideal first kiss ko pero ayos na din dahil siya naman ang ideal guy ko.

Isang minuto na yata ang lumipas pero hindi pa din niya ako hinahalikan. Naiinip na ako.

Mahina siyang tumawa, iyong tawa na tila nakakainsulto kung kaya naman nagmulat na ako ng mata. Pahiya tuloy ako.

"You're not my type," aniya at tinitigan ako ng mariin. Kahit napahiya ako at masakit ang salitang binitawan niya ay pinilit ko pa ding tatagan ang mukha ko at sinalubong ang titig niya.

"Ano ba ang tipo mo?" determinado kong tanong. Gusto kong malaman. Sa tingin ko ay hindi naman ako pangit. Oo, probinsyana ako pero hindi naman nalalayo ang ganda ko sa mga babaeng taga siyudad lalo na kapag nag-ayos ako.

Ngumisi siya at nailing.

Naiinis na siya pero marahil naiisip  niya na pinsan ako ni Ate Tasha na kaibigan niya, kung kaya naman ay pinagpapasensyahan niya ako.

"A woman of your opposite," sagot niya gamit ang mapang-uyam na tono. Nalungkot ako sa sinabi niya.

Wala man lang ba siyang magustuhan kahit isa sa katangian ko? Hindi man lang ba niya pansin ang taglay kong ganda?

"Go home. Stop partying," pagtataboy niya sa akin. Mistula akong asong kalye na tinataboy niya palayo.

"You don't belong here," huli niyang sinabi saka ako tinalikuran.

Ilang gabi na akong nagpupunta dito para lang makita siya. Kahit ano yatang paganda ko ay wala man lang talab sa kaniya.

Pinagmasdan ko siya hanggang sa makabalik siya sa kinauupuan nila ng kaniyang mga kaibigan. Nang makaupo siya ay sinulyapan ako ng iba niyang mga kaibigan.

Ngumiti naman ako at bahagyang kumaway sa kanila. Bumuntong hininga ako, nakakapanlumo ang ganitong pakiramdam. Bago pa ako maiyak ay napagpasiyahan ko ng bumalik sa kinauupuan namin ni Almira.

"Oh, ano, basted ka no?" kantiyaw niya ng makaupo ako sa tabi niya. Umiling lang ako at isa-isang iniisip lahat ng hindi maganda sa akin.

"Almira, pangit ba ako?" tanong ko ng hindi ko makayanang isipin ang bumabagabag sa akin.

Natigilan siya sa pag-inom ng alak at saka ako sinulyapan. Tinitigan niya ako na para bang sinusuri.

"I told you, you are gorgeous!" sinsero niyang compliment sa akin.

"Sinabi ba niya na pangit ka?" tanong niya bago sumimsim sa kaniyang alak.

"Hindi daw ako ang tipo niya. Opposite ko daw ang gusto niya sa isang babae," wika ko, tila batang nagsusumbong.

Tumawa si Almira at umiling-iling.

"Kawawa ka naman, wa-epek ang pagpapaganda mo para sa kaniya. Pabayaan mo na nga kasi siya, mas madami pang guwapo at higit sa kaniya."

Kinuha niya ang isang baso ng alak at nilagay sa kamay ko.

"Mag-inom ka na lang. Para kang namatayan, nandito tayo sa club para magsaya." Kinukumpas niya ang kaniyang ulo at balikat kasabay ng malakas na tugtugin dito sa bar.

Hindi naman para magsaya ang pinunta ko dito eh. Bumuntong hininga ako at hinanap ng aking paningin si Jetro. May katabi na naman siyang babae.

Sexy, flawless, maganda at higit sa lahat halatang mayaman. Yaman lang naman ang wala ako kumpara sa mga babaeng umaaligid sa kaniya.

"Huwag mo ng tignan. Try mong ituon ang pansin mo sa iba," muling paalala ni Almira. Mula ng una kaming magkakilala lagi na niya itong sinasabi sa akin.

Bawal daw magkagusto kay Jetro dahil tipo niya ang hindi marunong magmahal.

Obvious na obvious daw ako kaya lagi niya akong tinutudyo at pinapayuhan.

May tao ba na hindi marunong magmahal? Lahat ng tao capable magmahal.

Siguro ang mga tipo lang nila ang naglalaro pero kapag nahanap na nila ang babaeng para sa kanila ay doon pa lang sila magseseryoso.

At ang swerte ni ate Tasha kay kuya Adrian. Mapapa-sana all ka na lang talaga.

Ako kaya? Paano kaya ako mapapansin ni Jetro. Ni hindi man lang niya ako matapunan ng tingin.

Kahit kaunting pansin man lang sana magiging masaya na ako.

"Huwag kang mainggit sa mga babaeng 'yan. Pang-one night stand lang sila ni Jetro. Swerte na kung gawin siyang FUBU," sabi ni Almira.

"FUBU?" kunot noo kong tanong sa kaniya.

"Fuck buddy. Kapag kailangang magparaos, gagamitin."

Napanganga ako sa sinabi niya. Mayroon pa lang gano'n?

"Pero sila?" tanong ko. Bigla akong na-curious.

"Walang label. No love, just pure lust." Tumango-tango ako.

"Bakit ka interesado, huh?" mapanghusgang tanong ni Almira sa akin.

"Na-curious lang ako. First time kong marinig ang salitang 'yan," sabi ko.

"Hmmm. Don't you ever dare stoop to that level just to be with him." Pinaningkitan niya ako ng mata. Tumango naman ako.

"Malabo," sabi ko.

"Good."

"Malabo na maging FUBU kami, kahit one night stand baka hindi pa 'yan magkakamali sa akin."

Napaubo siya. Pinakita niya sa akin ang panggitnang daliri niya sa akin kaya naman nailing ako.

你也許也喜歡

The Billionaire's Contracted Wife [Tagalog]

***COMPLETED*** The straightforward nature of a contract was completely upended when Tanaga encountered Ashley. His desires extended beyond simply wanting her to be the mother of his heir; he also sought her as a romantic partner in his bed. CEO Tanaga Jones, a billionaire who has always been single and uninterested in having a woman in his life, soon had a change of heart when he crossed paths with Ashley Gusman. Tanaga, who needed an heir for his empire, was adamant about not wanting a wife. Ultimately, he made the unconventional decision to enter into a contract with a woman to bear him a child, and that's when Ashley Gusman entered the picture. ***~*** Ashley Gusman, a determined young Filipina, was driven by her sole ambition to provide a better life for her family. She was willing to go to great lengths to achieve this goal, even taking on the role of a surrogate mother for a Billionaire Heir. If you want to chat with me and have some questions. Join me at Discord. Link below: https://discord.gg/CwtEzBG ==== Other books by the Author: 1] I Accidentally Married a CEO [Completed] 2] The President's Daughter: Royal Whirlwind Romance [Completed] 3] Torn Between Twin Brothers [On-going] Please! Check it out and support it by voting and gifts. ************ Disclaimer: This novel’s story and characters are fictitious. Certain long-standing institutions, agencies, and public offices are mentioned, but the characters involved are wholly imaginary.

AJZHEN · 现代言情
4.8
423 Chs

Adik Sa’yo

Napagkamalang adik at na-inlove sa isang adik! Ito ang dilemma ni Nadia. Dahil sa inggit at galit ng kanyang stepmother matapos ipamana sa kanya ang malaking inheritance ng daddy niya, na-frame up si Nadia at pinasok sa Love and Hope Rehabilitation Center. Adik daw siya at lulong sa bisyo, susmaryosep! Ni yosi nga never niyang nahithit, bato ni Darna pa kaya? No choice si Nadia kung hindi makisama sa mga adik at sumunod sa mga patakaran upang makaalis siya after six months. Pero paano magiging at peace ang pamamalagi niya sa loob ng center kung may isang Jace Devenecia ang gumugulo ng sistema niya? Dahil utang na loob naman, si Jace nang pinakagwapo at pinakaseksing adik sa balat ng lupa! Pakitaan ba naman siya ng nagtitigasang abs. Eh, talaga naman kahit sinung babae ang mahuhulog sa katawan nito. Lalo na at ubod nang sarap lang naman nitong humalik; malululong ka na, mapapaungol ka pa! Hay... paano na? Marupok is real! “Ano ba ang pinatira mo sa’kin at bakit baliw na baliw ako sa’yo?” “Huwag mo nga akong pagbintangan dahil matagal ng may tama ‘yang utak mo!” “Oo, adik talaga ako, adik na adik sa’yo at hinding hindi kita pakakawalan hangga’t hindi ka nagiging akin, dahil Nadia mas matindi ka pa sa kahit anung droga natikman ko at wala ng gamot dito.” Nalintikan na dahil sa kauna-unahang pagkakataon, totoong na-adik si Nadia… na-adik sa makapantindig-balahibong halik, nakakatirik-matang mga haplos at nakakabaliw na pag-ibig. Ito ay kwentong pang-adik… sa kilig! Adik ka ba? Genre: Contemporary Romance, Comedy, Drama TRIGGER WARNINGS: Violence, use of inappropriate words, nudity, loss of a loved one, emotional abuse, self-harm, drug & alcohol use ”Anj Gee Novels” Grim Reapers Chronicles- Completed Adik Sa'yo - On Hold [Sexy Monster Series] Strawberry Bite- Completed Diary ng Birheng Maria- Completed ————— Join our FB group: Cupcake Family PH Like Anj Gee's FB Page: facebook.com/AnjGeeWrites

AnjGee · 现代言情
5.0
18 Chs