webnovel

CHAPTER 34: A CURSE AND A MESSAGE

Kalmado kaming naghihintay sa labas ng karwahe. Nagkekwentuhan kami nina Lieutenant Ren pero alam ko na pare-parehas kaming alerto. Limang minuto na ay hindi pa din bumabalik si Zeid. Pero sabagay, hindi naman ganoon katagal. Nakarinig naman kami ng kaluskos at isang babae ang lumabas mula sa isang parte ng gubat.

"Tulungan...niyo ako..." Aniya saka bigla na lamang bumagsak. May umiyak naman sa bisig niya kaya dali-dali kaming pumunta sa tabi niya. Kinuha ni Lieutenant Ren ang isang sanggol sa babae at ako naman ay agad na inihiga sa binti ko ang ulo ng babae.

"Misis? Gumising ka po!" Inalog alog ko ang balikat niya ng marahan upang magising siya pero hindi siya dumidilat. Pawis na pawis siya at maputla. Inilagay ko ang kamay ko sa noo niya at leeg upang kumpirmahin kung may lagnat siya. Mainit siya.

Napatingin ako sa binti niya. May dugo.

"Mukhang bagong panganak pa lamang ang sanggol." Sabi ni Lieutenant Ren at sinusubukang patahanin ang bata. Hindi ako sigurado kung aabot ang babae na ito sa sentro ng Hiyosko kung ganito ang kalagayan niya. Wala akong alam sa ganitong mga bagay pero tingin ko ay kailangang bumaba ng lagnat niya.

"Manong, pwede ka po bang magkabit ng tent ng mabilis? Tapos pakilagyan ng kumot o kahit na anong malambot na sapin sa loob. Salamat." Sabi ko. Sinunod niya naman ang utos ko. Tumingin ako kay Lieutenant Ren. "Lieutenant, pwede bang magpaapoy ka at mag-init ng tubig? Pahiram din ako ng mga tuwalya o kahit na anong pwede kong magamit. Ako na muna kakarga sa bata." Sabi ko. Tumango siya at marahang inabot sa akin ang bata. Ginawa ko ang lahat para maging komportable ang babae at pinunasan ko na din ang katawan niya. May nadala akong isang bag na may laman na mahabang cotton pants at maluwag na shirt kaya naman binihisan ko siya. May mga bagay na hindi ko na din sasabihin.

Matapos ay saktong dumating din si Zeid at chineck ang ginagawa namin. Kinwento naman ni Lieutenant ang nangyare.

"May kutob ako na konektado ang pangyayaring ito sa nakita ko at nakalap kong impormasyon sa pinakamalapit na village dito." Sabi niya saka tinignan ako. "Ang babaeng yan ay mukhang galing sa Artrias village. Sa ngayon, may kakaibang nangyayare sa village na iyon. May nakapagsabi sa akin na hindi sila pwedeng magsalita dahil mamamatay sila. Pero ang sabi niya sa akin, mag iingat tayo sa sumpa." Dagdag niya pa.

Mag iingat sa sumpa?

"Ano namang ibig sabihin noon?" Mahinang tanong ko.

"Who knows? Kailangang mag imbestiga tayo. Pero kailangan muna nating bumalik ng mabilis sa Hiyosko bago pa may mangyare sa mag nanay na ito. Ilang minuto na lamang ang byahe kaya naman bilisan na natin." Aniya saka sumakay na sa karwahe. Nagligpit naman kami ni Lieutenant Ren at isinakay ang babae sa karwahe. Karga ko naman ang bata na mahimbing ng natutulog sa bisig ko.

Nakita ko sa gilid ng mata ko na napatingin sa akin si Zeid ng matagal bago tumingin sa labas. Napaangat ako ng kilay pero tinignan ko na lamang ang bata. Naputol na rin naman ang pusod niya at nakatali na kaya naman sa tingin ko ay makakasurvive siya. Inamoy ko naman ang bibig ng bata para malaman kung nakainom na siya ng gatas. Naamoy ko ang amoy ng gatas kaya naman napahinga ako ng maluwag.

"Hindi ko alam na bagay pala sayo magbuhat ng bata, Nyssa." Nakangising puna ni Lieutenant Ren saka tumingin sa baby na hawak ko.

Napasulyap naman sa akin si Zeid pero ibinalik din ang tingin sa labas. Inikot ko na lamang ang mata ko bilang sagot. Mga ilang minuto ay natanaw na namin ang gate ng Hiyosko. Chineck ko muna ang babae na ngayon ay nakasandal at nakapikit. Katabi siya ni Lieutenant Ren na paminsan-minsan ay inaayos siya sa upuan niya para hindi siya mahulog.

Pagkapasok namin sa Hiyosko ay dumiretso kaagad ang karwahe sa ospital sa sentro ng Hiyosko. Si Zeid ang nagbuhat sa babae at sumunod naman kami ni Lieutenant Ren. Pinagtitinginan kami pero hindi na namin pinansin iyon. Dinala na ang babae sa isang kwarto at ang doktor naman ay agad na inasikaso ang babae. Inabot ko naman sa isang nurse ang baby para ma-eksamen nila.

Napaupo kami sa labas ng kwarto at napabuntong hininga.

"Kung ano man ang nangyayare sa Artrias, wala kayong magagawa kung hindi aksyunan iyon." Sambit ko saka pinahid ang pawis na namuo sa noo ko. Napatingin naman sakin ang dalawa.

"Sa tingin mo hindi namin naisip yan?" Sarkastikong tanong ni Zeid saka nag 'tsk'.

Nag-iba naman ang ekspresyon ko ng panandalian bago tumayo. Pinagpagan ko ang damit ko na para bang mayroon doong hindi makitang mga alikabok.

"Babalik na ako sa hotel. Naghihintay na sa akin ang trabaho ko." Paalam ko saka tinanguan silang dalawa. Pinigilan naman ako ni Ren.

"Teka, hindi mo na hihintaying gumising iyong babae?" Tanong niya.

Nagkibit balikat naman ako.

"Basta kapag nagtanong siya kung sinong nagpalit ng damit niya, sabihin niyo na babae. Ayoko namang masampal kayong dalawa at matawag na manyakis." Pabiro kong sabi bago tumalikod na at naglakad palayo. Inangat ko ang kanang kamay ko at kumaway ng hindi lumilingon sa kanila.

Dumiretso naman ako sa hotel at nakita si Maxson sa living room na may kausap na babae. Babae na naman. Kung makalingkis din naman ang babae ay para bang hindi niya na hahayaang umalis si Maxson.

"Ahem."

Napalingon sila sa akin. Para namang nawala ang saya sa mukha ng babae at tinignan ako na para bang naiirita siya. Si Maxson naman ay nanlaki ang mata. Mukhang hindi niya inaasahang ngayon ako darating.

"Nyssa!"

"Yes. And hello to you too." Sagot ko saka inangatan ng kilay ang babae na inangatan din ako ng kilay.

"And who is she, babe?" Tanong ng babae at dumikit pa ng kaunti kay Maxson.

Napailing na lamang ako at itinaas ang kamay ko.

"A friend." Sagot ko saka nilagpasan na sila. Pagkaakyat ko sa kwarto ay nasa loob na ang mga dala ko sa beach. Ang bilis ah.

Dumiretso ako sa banyo at naligo. Matapos kong gawin ang lahat lahat ng dapat kong gawin ay umupo ako kaagad sa harap ng desk. May mga papeles kaagad na naghihintay sa akin. Pero mukhang sinimulan ng ayusin ni Maxson ang iba kaya kaunti na lamang ang gagawin ko. Mabuti naman. Siguro ay pasasalamatan ko na lang siya mamaya kapag wala na ang babae niya doon na mataray.

Bago pa man ako makapagbuklat ng folder ay tumunog ang phone ko. Isang message ang sumulpot galing sa hindi kilalang numero.

'Ilang dekada na ang nakalipas, kumusta ka na binibining Nyssa? Kung sa tingin mo ay nakatakas ka na sa kapalaran mo, aking ipapaalala sayo na isang malaking bulok na pag iisip iyan. Kung gusto mo na magkaroon ng kapayapaan ang buhay mo, isa lamang ang kailangan mong gawin. Iyon ay ang sumama ka sa amin at magpakabait. Tingin ko'y malinaw naman sa iyo ang mensaheng ito. Tama ba, binibining Nyssa? Or should I say, binibing Mira?' - - Unknown number

Napakunot naman ang noo ko.

Isang mensahe na naman. Malamang ay may kinalaman ito sa dati kong buhay. More precisely, noong mga panahon na may nagpadala sa akin ng sulat gamit ang palaso. Ang akala ko noon ay sina Kaito ang may gawa noon. Pero kung hanggang ngayon ay may natanggap akong ganitong mensahe, malamang ay mayroon pang tao sa likod ng lahat ng ito.

Sino naman kaya iyon? At ano ba talaga ang kinalaman ko sa lahat ng bagay na ito?

下一章