webnovel

CHAPTER 11: TO POZ!

Napahikab ako habang naglalakad. Ilang oras na kaming walang pahinga at wala naman kaming madadaanang ibang village na pwede naming mabilhan ng kabayo. Hindi naman ako makaimik dahil nga kitang kita ko kay Kaito ang determinasyon niya. Alam ko na gustong gusto niya ng makita ang kapatid niya.

Hindi ko nasabi na maaari ding wala na ang kapatid niya. Pero alam kong nasa likod na ng isip niya ang bagay na iyon, ayaw niya lamang na mapanghinaan ng loob. Ayoko ring isipin iyon.

"Kaito, oh." Inabot ko sa kaniya ang tubig at ininom niya naman yun habang naglalakad. Inabot niya ulit iyon sa akin at ngumiti.

"Salamat." Maikling sagot niya at hindi pa din huminto sa paglalakad hanggang sa abutan na lamang kami ng ulan sa daan. Mabilis ko naman siyang hinila sa pinakamalapit na punong nakita ko.

"Magpahinga muna tayo. Ituloy natin ang paglalakad mamaya." Inabot ko sa kaniya ang rain coat kong dala. Napatingin siya sa akin at saka sa rain coat.

"Gamitin mo na lang. Ayos lang ako." Aniya

I sighed and put the hood of the rain coat on his head and fixes the coat over his shoulder.

"Kapag nagkasakit ka, mahihirapan ka ng makita ang kapatid mo, do you want that?" Tanong ko saka inangat ang tingin sa kaniya. Hindi ko napansin na nakatingin na pala siya sa akin. Namula naman ako at umatras. "Pasensya na."

He put his hand on my head and smiled.

"You're so kind, madam."

Inalis ko ang kamay niya sa ulo ko at napaiwas ng tingin.

"Don't call me that." I said and sits on the root of the tree.

"Why? Hindi ba't iyon naman ang tawag n--"

"Wala tayo sa Chen territory."

"S-sabi ko nga." Napapakamot na sabi niya bago tumahimik na. Naghintay kami na tumila ang ulan. Sakto namang may dumaang karwahe na agad namang kinausap ni Kaito. Papunta din sila sa Poz village kaya naman sumabay na kami.

Habang nasa loob kami ay may isang lalake na mukhang mas matanda sa amin ng isa o dalawang taon. Nakasuot siya ng magara at mukhang galing siya sa noble house tulad ng Chen Clan.

Hindi ko maiwasang pagmasdan siya dahil sa kuryosidad pero tumahimik na lang ako at hindi na nagtanong pa para kumpirmahin ang mga naisip ko. Isa pa, kung ano man ang pakay niya sa Poz, wala na kami doon.

Nakatingin lang siya sa labas kaya hindi ko na siya pinagtuunan pa ng pansin. Wala pang isang oras ay nakarating na kami sa nayon. Sinalubong kami ng mga sirang bahay. Ang mga tao ay para bang nabagsakan ng langit at lupa. May mga usok pa sa ibang parte ng Poz at mukhang kakatapos lang ng isang labanan.

Huminto na ang karwahe at nagpasalamat naman kami at nagbayad saka bumaba na. Bumaba na din ang lalakeng kasama namin sa byahe. Bago siya umalis ay huminto siya sa gilid ko.

"Kung ako sa iyo, pag-iingatan ko ang sarili ko at hindi ako magtitiwala sa kahit na sino." Aniya bago ngumisi at umalis na.

Anong ibig niyang sabihin?

Napakurap ako at napatitig sa kaniya habang palayo siya.

Sino ba ang lalakeng iyon?

"Mira, tara na. Magtanong tanong tayo." Aya ni Kaito kaya naman sinundan ko na siya.

Nagtanong tanong kami kung nakita ba nila yung kapatid ni Kaito, may dalang litrato si Kaito at dinedescribe niya din ang katawan at tangkad ng kapatid niya para mas malinaw. Pero mukhang hindi nila napansin at wala sila sa loob ngayon para mag entertain ng mga tanong. Kaya naman nagpaalam ako kay Kaito para magtanong tanong sa iba at mag obserba.

Napakalungkot ng paligid at medyo madilim din dahil sa usok. May mga dugo sa iba't ibang bahagi ng lugar at may mga nakahandusay pang mga katawan. May mga tao namang mukhang mga healers at volunteers ang may tent sa may parke kung saan dinadala ang mga sugatan.

May batang umiiyak akong napansin malapit sa eskinita kasama ang mama niya. Yung mama niya... mukhang ilang segundo na lang ay babawian na ng buhay. Tumakbo ako palapit sa kanila at chineck ang pulso ng babae. Mahina na...

"Mama!" Tanging nasabi na lamang ng bata habang umiiyak.

Sinubukan kong gumamit ng spell para mapagaling ang sugat niya pero masyadong malalim ang sugat niya sa tiyan. Mukhang nasaksak siya.

"Lumaban ka po..." Mahinang pakiusap ko. Tinignan ako ng babae at inabot ang pisngi ko. May gusto siyang sabihin kaya naman lumapit ako ng kaunti pa.

"P-Pak-kiusap... A-ang anak... ko..." Nanghihinang sabi niya, mahina na ang boses niya at para bang mga bulong na lamang iyong mga kataga niya.

Napatango naman ako at napapikit...

Kahit ako...

W-wala akong magawa...

"S-salama--" Pumikit na siya ng tuluyan at bumagsak ang kamay niya, isang tanda na tuluyan na siyang nawalan ng hininga.

Malakas na umiyak ang bata at paulit-ulit na ginising ang magulang niya ngunit... wala na talaga.

Napatingin ako sa kamay ko at napakuyom.

"Kung malakas lang sana ako..."

Napapikit na lamang ako habang hinihintay na tumahan ang bata. Alam ko ang pakiramdam niya kaya naman hindi ko siya magawang patahanin.

Sa batang edad, nawalan siya ng ina... Hindi ko din alam kung may ama pa siya o mga kapatid. Alam ko na sobrang sakit.

Hinagod ko ang likod niya dahil mukhang anumang oras ay babagsak siya dahil sa pagod sa pag iyak.

Ilang minuto pa siya umiyak pero hindi ko siya iniwan. Ako ang sinabihan ng ina niya kaya naman responsibilidad ko na siya.

Maya maya pa ay tumahan na siya. Namumula at medyo namamaga ang mata niya kakaiyak, hinawakan ko ang buhok niya.

"Nasaan ang papa mo? O mga kapatid mo? May mga kamag anak ka ba?" Tanong ko.

Umiling siya habang sumisinghot singhot.

So ibig sabihin dalawa na lang sila ng mama niya. Pero ngayon, wala na siyang masasandalan.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko ulit.

"L-Lestro." Sagot niya. Kita sa mata niyang hindi niya pa ako pinagkakatiwalaan. Pero halata din na gusto niya ng tulong.

Tumango naman ako at tumayo na.

"Tatawagan ko lang ang kaibigan ko. Pagkatapos... Ililibing na natin ang mama mo." Napakagat ako sa labi. Hindi ko alam kung kailangan ko pang sabihin yun pero alam kong maiintindihan niya.

Bata pa siya pero wala din naman akong magagawa kundi sabihin ang dapat kong sabihin.

"S-si mama.." Naiiyak na naman na sabi niya. Napakurap ako at hinintay ang susunod niyang sasabihin. "M-May mga halimaw na sinaksak siya..." Aniya saka suminghot singhot. Para siyang nagsusumbong sa akin kaya naman wala akong nagawa kundi yakapin na lang siya.

"Mamaya mo na sabihin sa akin o kaya naman sa mga susunod na araw. Kung kelan mo gustong sabihin. Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo."

"M-mm." Nagpipigil ng iyak na sabi niya. Ginulo ko ang buhok niya saka hinawakan ang kamay niya bago tinawagan si Kaito. Pero bago ko pa tuluyang magawa iyon ay may isang malaking pagsabog na nangyare. Agad kong niyakap ang bata at parehas kaming bumagsak.

Nang humupa na ang usok ay mas malinaw kong namataan ang mga halimaw. Ang iba sa kanila ay lumilipad at ang iba ay mabilis na papunta sa mga tao sa paligid.

"A-ANG MGA HALIMAW! TUMAKBO KAYO!" Sigaw ng isang babae. Kumaripas ng takbo ang mga tao at agad ko namang tinulungang tumayo si Lestro.

"Tatakbo tayo Lestro!"

"S-si mama!"

"Pasensya na!" Hinila ko na siya at wala naman siyang nagawa ng makita niya na may humahabol na sa aming halimaw.

Habang tumatakbo ay sinubukan kong patamaan ng apoy ang halimaw pero para bang wala man lang sa kaniya ang atake ko.

"K-Kaito?! Kaito!" Sigaw ko sa energy stone na tanging way of communication lang namin ni Kaito. Pero walang sumasagot.

A-Ano ba naman to!

Bakit naman sobrang daming halimaw dito?!

"A-Ayan na sila!" Sigaw ni Lestro. Agad akong lumingon at nakita ang ilang metro na lang na malaking halimaw. Kulay pula ang mata nito at kulay violet ang katawan. May mga dugo din na lumalabas sa bibig nito.

Malapit na siya!

Hinila ko si Lestro sa likod ko at gumawa ng pana gamit ang apoy. Agad kong pinana ang halimaw pero pinatay niya lamang ang apoy ko na tumama sa katawan niya na para bang isang maliit na insekto.

"H-Hindi man lang siya naapektuhan." Sambit ko.

"Mamamatay na tayo.." Nanginginig na sambit ni Lestro.

Napakuyom ako ng kamao.

"Takbo.. Lestro!" Sigaw ko.

Nanginginig namang sumunod sa utos ko si Lestro, pero bago pa siya makalayo ay isang metro na lang ang layo namin ng halimaw. Nanlaki ang mata ko at sinubukang gumamit ng time spell, para bang naging mabagal ang lahat sa akin... Bago pa ako maabot ng halimaw ay may para bang hangin na dumaan sa gilid ko at agad na pinugutan ng ulo ang halimaw.

Napakurap ako habang pinagmamasdan ang pagbagsak ng halimaw. Pero agad akong napatingin sa pigurang iyon. Ang buhok na iyon...

"Z-Zeid.."

Tumingin siya sa akin at muntik pa akong mapaatras dahil sa ekspresyon niya na para bang papatay ng Mira anumang oras.

Napalunok ako pero agad akong umiwas ng tingin at tumingin sa likod ko. Hindi pa nakakalayo si Lestro at nanginginig siya sa takot. Agad ko siyang pinuntahan at hinimas ang buhok.

"A-ayos na. Pasensya na hindi kita maprotektahan ng maayos.." Sambit ko. Napatingin siya sa akin at umiling.

"M-Maraming salamat po."

Napangiti ako sa sinabi niya at kinuha ang kamay niya.

"Umalis na tayo dito."

"At saan niyo balak pumunta?" Seryosong tanong ni Zeid at lumapit sa akin. Matalim niya akong tinitigan. "You really want to die, don't you? Or you're just completely stupid? Running away from home...You should know that if you do something stupid, it will aff--"

"Affect your family's reputation? Alam ko yun. Pero hindi ako tatalikod sa kaibigan kong nangangailangan. If he needs me, I'll be there for him." Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ko para sabihin yun. Lalo pa't lalong nagdilim ang ekspresyon niya.

"Him? But is he here for you?" Diretsang tanong niya na nagpatahimik sa akin.

"It doesn't matter. I'm not expecting anything in exchange. I'm doing this because--"

"Because you love him?"

"Ano?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Did I guess it right?"

Nagtitigan lang kami. Hindi ko alam pero nakatagal ako sa matalim niyang mga tingin. Napaiwas lang kami ng tingin ng may dumating na namang halimaw at mabilis na papalapit sa amin. Pero mabilis naman iyong napatay ni Zeid na para bang wala lang sa kaniya.

I-Iba talaga ang lakas ng captain.

Napakagat ako ng labi saka hinawakan na ang kamay ni Lestro.

"Tara na."

Mabilis kaming umalis at iniwan na si Zeid sa mga bagong umaatakeng mga halimaw.

B-Bakit ba siya nandito? Teka..

Ibig sabihin dito sila dinispatch ni Captain-Commander?

Yun lang ang posibleng dahilan.

Ah di bale na, kailangan ko ng mahanap si Kaito.

下一章