webnovel

Chapter 4

"Cap!" Tawag ni Andre sa kaibigan pagkapasok niya sa kanilang opisina. Tumango naman si Luke sabay tingin sa likod ng bagong dating. "Di ko kasama si Val, Cap." Nakangising sabi ni Andre. "Eh pano yung report na i-sign niya? Siya na lang ang wala ah." Tanong ni Luke. "Eh, dadalin ko na lang sa condo niya mamaya o kaya bukas sa seminar." Sagot ni Andre. "Lakas ah." Nakamot ni Andre ang batok. "Allergic kasi sa mga kagaya natin." Sabi ni Andre bago umupo sa kanyang lamesa para isulat na ang report para kay Valerie. "Halata ko nga. Bakit sa'yo parang hindi naman?" Natingin si Andre dahil nahalata niya ang pag-iiba ng tono ng boses ng kaibigan.

"Iggy ng Phoenix, remember?" Tanong ni Andre. Tumango naman si Luke. Hindi man sila magkakilala personally ay matunog ang pangalan nito dahil sa pareho nilang track records bilang magagaling na Captain ng kani-kanilang SWAT Team.

"What about him?" Tanong ni Luke. "Hindi ko alam ang buong storya pero ayon sa kwento ni Abi, magpinsan ang dalawa and si Iggy, nakaranas siya ng police brutality." Panimula ni Andre. "High school pa lang sila noon ng mapagbintangan si Iggy na minolestiya daw ang classmate pero sa bandang huli ay napatunayan na gawa-gawa lang ang kwento nung mismong biktima kuno." Patuloy ni Andre. "Ano'ng kinalaman ni Dra. Mataray doon?" Natingin ng may ngiti sa labi si Andre sa kaibigan. "Nag-iisang anak lang si Val, kagaya mo, close sila ni Iggy na parang tunay na magkapatid. Nandoon si Val ng kunin ng mga pulis si Iggy. After 1 week binalik si Iggy ng mapatunayan na wala itong kasalanan pero ibang tao na ang bumalik sa kanila. Nagkaroon ng psychological problem si Iggy at nakita lahat ni Val ang hirap na pinagdaan ng pinsan." Patuloy ni Andre. "Eh pano siya nakapasok sa service at ngayon eh Captain pa ng Phoenix"? Tanong ni Luke. "It's because of Val, nag-aral siya ng BS Psychology for Iggy. Tinulungan niya ang pinsan to overcome his trauma and wah-lah, the Captain of Phoenix was born." Pagtatapos ni Andre. "So, magaling pala ang speaker natin bukas?" Tanong ni Luke. "Yeah, pero may isa siyang request eh." Kumunot naman ang noo ni Luke. "Demanding pala si Dra. Mataray." Sabi ni Luke. "Ano naman?" Dugtong niya. "Kung pwede daw sana eh hindi tayo naka uniform bukas." Sagot ni Andre. "Madali lang pala. Wala na bang ibang demand ang Taray Queen?" Tumingin si Andre sa kausap. "Cap, alam mo pansin ko lang ha, ngayon ka lang nagbigay ng name tag na negative sa tao. Madalas sexy, ganda, bait ang binibigay mo." Kumunot naman ang noo ni Luke. "Eh sa mataray siya eh. Wala akong ibang maisip na pangalan." Sagot ni Luke. "Hindi kaya dahil sa hindi mo nagamit ang magic tricks mo sa kanya, Cap?" Nakangising tanong ni Andre. "Mabait si Val, Cap. Kapag nakilala mo siya baka ang ipangalan mo na sa kanya eh Mother Therese." Patuloy ni Andre. "I don't think so. First impression lasts." Sagot naman ni Luke. "Hindi sa lahat ng pagkakataon, Cap." Sabi ni Andre sabay kindat sa kaibigan.

.......

Pinakawalan lang si Val ng Top ng maikwento niya ang buong detalye ng nangyaring hi-jack. Matapos silang magkwentuhan ay muli siyang bumalik sa RR para kamustahin ang kanyang mga pasyente. Nag-rounds din siya sa mga pasyente na naka-admit sa 2nd and 3rd floors ng ospital. Nang matapos ang kanyang rounds ay nadinig naman niya ang pangalan niya sa paging system ng ospital na pinagtaka niya.

"Dra. Villaflores, Dra. Villaflores, please proceed to the Director's Office. Dra. Villaflores, Dra. Villaflores, please proceed to the Director's Office." Kumunot ang noo ng dalaga ng madinig ito. "Bakit kaya?" Pero natapik niya ang sariling noo. "Kuya guard!" Sigaw sa isip ng dalaga saka nagmamadaling pumunta sa Director's Office.

Nang marating ng dalaga ang opisina ng may-ari ng ospital ay kumatok siya at nang madinig ang "come in" mula sa loob ay binuksan na niya ang pinto saka pumasok.

"Valeriana!" Ngumiti ng pagkatamis-tamis si Valerie. "Huwag mo'ng gamitin sa akin 'yang taktika mo na 'yan at alam mo'ng hindi uubra sa akin yan. Gusto mo bang ora mismo eh ihatid kita sa Baguio?" Galit na sabi ng kaharap ng dalaga. "Ninong naman." Tanging nasabi ng dalaga.

Dr. Hendrix Ricafort, may-ari ng Latido del Corazon Hospital kung saan nagtatrabaho si Valerie. Hindi kalakihan ang ospital na ito gaya ng ibang kilalang ospital sa Maynila pero dahil sa galing ng TOP ay nakilala sila ng halos buong Pilipinas.

"Kung hindi pa dahil kay Manong Guard ay hindi ko malalaman na may nangyari na sa'yo. Ano na lang ang sasabihin sa akin ng mga magulang mo?" Halata pa din ang galit sa boses ng Director. "Ninong, hindi naman grabe ang nangyari." Sabi ni Valerie. "Ah, hindi ba? Kaya pala habang nasa Operating Room ka eh dumudugo ang braso mo." Bumuntong hininga si Valerie dahil alam niyang nakapag-report na din ang kaibigang si Mia sa kaharap. Hindi naman niya masisisi ang mga ito dahil laging panakot sa kanila ng kanyang ninong ay mawawalan sila ng trabaho na hindi naman totoo dahil hindi siya papayag. Magmula kasi ng madalas na madamay siya sa mga hostage takings ay mahigpit na ibinilin ng kanyang ninong sa mga staffs ng ospital na kung may mangyayari kay Valerie ay i-report agad sa kanya.

"Ninong, okay lang talaga ako. Daplis lang naman 'to." Sabi ni Valerie. "Ngayon daplis lang, ano na sa susunod? Di ko naman malaman sa'yo bata ka, bakit ba lagi ka na lang nasasangkot sa mga ganoon sitwasyon." Nagtaas lang ng balikat si Valerie dahil hindi din niya alam ang sagot.

"Magpahinga ka na muna. Si Dr. Brillantes muna ang titingin sa mga pasyente mo." Tatanggi sana si Valerie pero nagpatuloy sa pagsasalita ang kanyang Ninong Hendrix. "Lagi na lang kitang pinagbibigyan, Valeriana." Napangiwi si Valerie sa tawag sa kanya ng kaharap. "Lagi na lang akong nagsisinungaling sa mga magulang mo pero sa pagkakataon ito kapag hindi ka sumunod sa pinagagawa ka sa'yo ay sasabihin ko na talaga sa kanila ang mga nangyari." Banta ni Hendrix sa inaanak. "Isang Linggo lang, Ninong, ha?" Tumango naman si Hendrix. "Paano kapag may emergency OR?" Tanong ni Valerie. "Wala ka bang tiwala kay Dr. Brillantes?" Balik tanong ni Hendrix. "Eh paano kapag..." Hindi natapos ni Valerie ang sasabihin dahil muling nagsalita ang kanyang ninong. "Eh paano kung tawagan ko na kaya ngayon ang Daddy at Mommy mo?" Buntong-hininga lang ang naging sagot ni Valerie. "Uwi na!" Sigaw ni Hendrix. "Opo..." Lumabas na si Valerie sa opisina ng kanyang ninong. Pagbukas ng pinto ay nakita niyang muling naka-abang sa kanya ang TOP.

"Sorry, Val." Bungad agad ni Mia. Ngumiti siya at inakabayan ang kaibigan. "Oi, Genesis, ayusin mo ang trabaho mo ha? Kukutusan kita kapag may nangyari sa mga pasyente ko." Baling ni Valerie sa binata. "Sus! Ako pa ba? Kailan ba ko sumablay ha?" Tiwala naman siya sa Assistant Cardiologist niya pero syempre, iba pa din kapag siya ang nagmomonitor sa mga pasyente niya. "Wag kang mag-alala at kami muna ang bahala dito. Sundin mo na lang si Director ng makabalik ka kaagad." Sabi ni Archer. "Oo nga, baka mabakasyon ka ng wala sa oras sa Baguio." Dugtong ni Abi. Tango lang ang isinagot niya sa mga kasama. Inihatid siya ng mga ito sa parking lot kung saan naka-park ang kanyang 2021 BMW 2-Series. Matapos magbilin ay umalis na din siya sa ospital pauwi sa kanyang condo.

下一章