webnovel

ALEXANDER

"Panginoon? Ano'ng ibig mong sabihin?" Nagtataka at naguguluhang tanong ko. Pero kahit ano'ng gawin kong pag-iisip ay hindi ko malaman kung sino ang tinutukoy nito.

Unti-unti ng lumalabas ang matutulis kong mga ngipin at ang mahahaba kong mga kuko. Habang nanginginig ang buo kong katawan dahil sa galit na nararamdaman. Kahit gustung-gusto ko na itong sugurin ay hindi ko magawa dahil sa tuwing kikilos ako ay humihigpit ang kamay nitong nasa leeg ni Liane.

"Wala akong pakialam kung sino ang panginoon mo. Bitiwan mo siya." Mariing sani ko sa nanginginig na tinig habang nagtatagis ang mga bagang. Nakita ko ang pagbuka ng bibig nito para magsalita nang maramdaman ko ang pagdaan ng hangin sa kanan ko. At nakita ko na lang ang muling pagtilapon ng lalaki, at ang paglitaw ni Chris sa tabi ko buhat si Liane na habol ang hininga habang sapo ang dumudugong leeg kasabay ang paglitaw nina Sam at Jake.

"Alisin mo na siya rito at gamutin agad ang mga sugat niya," utos ko rito habang hindi inaalis ang tingin sa lalaki. Agad naman itong sumunod.

"Sasamahan ko sila," sabi ni Sam na bigla na ring nawala sa tabi ko. Habang si Jake naman ay agad ng sinugod ang lalaki at binigyan ng isang malakas na suntok sa kaliwang pisngi at dahil hindi nito inaasahan ang gagawin ni Jake ay muli itong tumalsik.

Pero agad ding nakabawi ang lalaki at sinugod si Jake na pinaulanan ng sunud-sunod na suntok at sipa na walang ibang nagawa si Jake kundi ang sanggain ang mga iyon. Hanggang sa tumilapon si Jake sa tambak ng mga kahon. Kaya naman sinugod ko na rin ito at sinipa pero nagawa nitong iwasan iyon sa pamamagitan ng pagtalon paatras.

"Sino ka? At sino ang tinutukoy mong panginoon? Paano ka nakapasok dito?" Sunud-sunod kong tanong pero tinawanan lang ako nito. Kaya muli ko itong sinugod at sa pagkakataong ito ay nagawa ko itong hawakan sa leeg at itinaas sa ere. Wala akong pakialam kahit bumaon ang mga kuko ko sa leeg nito.

At sa halip na makaramdam ito ng takot ay muli lang itong tumawa ng malakas. Na lalong ikinapanginig ng buong katawan ko dahil sa galit.

"Wala talaga kayong kaalam-alam, no? Hindi ba sinabi ng mga magulang ninyo ang tungkol sa kahinaan ng harang?" Nanunuyang tanong nito kahit na nahihirapan itong magsalita.

"Ano'ng ibig mong sabihin!" Sigaw ko na lalong hinigpitan ang pagkakasakal dito.

"Manginig na kayo sa takot dahil magsisimula na ang pagbabalik at paghihiganti niya." Nakangising sabi nito habang unti-unting naglalaho mula sa pagkakasakal ko.

"Hindi… Hindi!" Umaalingawngaw na sigaw ko nang tuluyan itong maglaho at tanging ang malakas na halakhak na lang nito ang naiwan.

"Alex, kailangan na nating pumunta kay Liane. At ang tungkol sa harang kailangan na rin nating pagtuunan ng pansin ang ibig sabihin ng lalaking iyon." Hinihingal na sabi ni Jake mula sa aking likuran dahilan para bahagyang mabawasan ang labis na galit sa dibdib ko.

"Tama ka. Saka ko na iintindihin ang nangyari dito sa stock room." At bago pa ito muling makapagsalita ay mabilis na akong umalis sa lugar na iyon at tinakbo ang direksyon ng bahay namin. At kahit hindi ko tingnan ay alam kong nakasunod na rin sa akin si Jake.

Nabawasan man ang galit na aking nararamdaman para sa lalaking iyon ay napalitan naman iyon ng ibang mas matinding emosyon. Ang takot na kahit kailan ay hindi ko pa naramdaman sa buong buhay ko.

Nang makita ko ang sitwasyon ni Liane habang nakatusok sa leeg nito ang matutulis na kuko ng lalaki. At alam kong anumang oras na gustuhin ng kalaban na patayin si Liane ay madali nitong magagawa, sa pamamagitan lang ng pagbaon ng mga kukong iyon sa lalamunan ni Liane.

At dahil sa pangyayaring iyon na nagpakita sa akin na ano mang oras ay maaaring mawala sa akin, sa amin si Liane. Kaya bago pa man kami makarating sa bahay ay nakabuo na ako ng isang desisyon na alam kong sasang-ayunan ang mga kapatid ko. At kahit anong mangyari ay hindi matatapos ang araw na ito na hindi namin ganap na naaangkin si Liane. Para na rin sa kaligtasan niya ang gagawin namin.

下一章