"May problema ba?" Usisa nito na nakatingin sa akin habang inilalapag ang hawak sa ibabaw ng table, kaya muling nagsalubong ang mga mata namin. Pakiramdam ko ay tila nahihipnotismo ako sa mga matang iyon.
Akmang magsasalita ako pero walang lumalabas na tinig mula sa bibig ko at hindi ko rin maigalaw ang katawan ko.
Muli ko na namang naramdaman ang paglalandas ng daliri nito sa kanang hita ko paakyat hanggang sa umabot na iyon sa laylayan ng suot kong palda. Tila lalabas na sa dibdib ko ang aking puso dahil sa lakas ng pagkabog niyon dulot ng kaba. Ramdam ko na rin ang butil-butil na pawis sa aking noo kasabay ng paghahabol ng hininga.
Alam ko sa sarili kong mali ang ginagawa nito sa akin pero kahit gusto kong pigilan ang ginagawa nito ay hindi ko magawa. Dahil para bang wala akong kontrol sa katawan ko at hindi ito sumusunod sa nais kong gawin.
Ramdam ko ang tila maliliit na boltahe ng kuryente na dumadaloy sa aking hita na nagdudulot ng kilabot sa buong katawan ko.
Napansin ko ang pagguhit nang isang munting ngiti sa mga labi nito habang titig na titig pa rin sa aking mga mata na para bang alam nito ang nararamdaman ko.
Itinigil nito ang ginagawa sa akin at dahan-dahang lumuhod sa pagitan ng mga hita ko habang magkahugpong pa rin ang aming mga mata. Gusto kong umiling at pigilan ito pero hindi ako makagalaw kahit anong pilit ko.
Bumalik lang ako sa sarili ng maghiwalay ang mga mata namin dahil ibinaling nito ang mga mata sa aking mga labi. At dahil naguguluhan pa rin ako sa pangyayari at hindi pa nakakabawi sa pagtataka ay hindi ko napaghandaan ang sunod nitong ginawa.
Nakulong sa lalamunan ko ang isang tili ng walang babalang sinapo nito ang batok ko at kabigin bago mabilis na sinakop ang nakabuka kong mga labi. Nanlaki na lang ang mga mata ko dahil hindi ko mapaniwalaan ang nangyayari sa akin ng mga oras na iyon.
Pero nang makabawi ako sa pagkabigla ay pinilit kong pumalag at kumawala sa kamay nitong nasa batok ko. Pero sa halip na bitawan ako ay pumulupot pa sa baywang ko ang kaliwang braso nito at hinapit pa ako lalo, dahilan para tuluyang paglapat ang mga katawan namin.
Wala sa sariling napapikit akong pumasok sa nakaawang kong bibig ang dila nito at naglumikot doon na para bang may kung anong hinahanap.
Para bang nawalan ako ng lakas at ramdam ko ang paggapang ng init sa bawat himaymay ng aking katawan. Ni hindi ko na namalayan ang pag-alpas ng munting ungol sa aking lalamunan. At kahit tila mapupugto na ang aming mga hininga ay hindi ko magawang tumigil o pigilan ito.
"Hhmm…" Narinig kong ungol nito na nagpabalik sa aking huwisyo. At doon ko napansin na nakapulupot na ang aking mga braso sa batok nito at nakakawit na rin ang mga binti ko sa baywang nito.
Mabilis akong kumalas at marahas itong itinulak. At dahil hindi nito inaasahan ang gagawin ko ay paupo itong bumagsak sa sahig. Marahas akong napahugot ng hininga ng tuluyang maghiwalay ang aming mga labi. At maging ito ay habol rin ang hininga habang nakangiti.
"Ba-bakit? Anong? Paano?" Sunud-sunod kong tanong kahit na hinihingal pa rin. Dahil naguguluhan ako sa mga nangyari.
Alam ko ang mga naganap at kahit gusto kong pigilan ay parang wala akong kontrol sa aking sarili.
"Sshhh. Huwag mo nang masyadong isipin ang mga nangyari dahil nakatakda na ang lahat ng ito. Mahinang sabi nito habang marahang inaayos ang nagulo kong buhok at kasuotan. "At hindi ka maaaring umiwas at magtago pagkatapos ng araw na ito dahil kahit saan ka magpunta malalaman at masusundan ka namin." Pagkatapos nitong sabihin iyon ay tumayo na ito at inayos ang nagusot na damit. "Halika ipakikita ko sa iyo ang stock room," sabi nito at inilahad ang kaliwang kamay.
At dahil panlalambot ay wala na akong nagawa kundi tanggapin ang nakalahad nitong kamay at inalalayan akong tumayo. Bago kami naglakad palapit sa pinto.
"Teka lang…" pigil ko rito habang hinihila ang kamay mula sa pagkakahawak nito.
"Huwag kang mag-alala dahil wala silang pakialam kung ano man ang gawin ko," sabi nito na mas humigpit pa ang hawak sa kamay ko bago tuluyang lumabas ng opisina nito.
"Pero…"
"At hindi ka nila magagawan ng kahit na ano dahil mananagot sila sa akin," seryosong sabi nito habang naglalakad kami palapit sa isang kulay pulang pinto na ilang hakbang lang ang layo mula sa opisina nito.
Pero dahil hindi ako sanay sa ganoong sitwasyon ay napayuko na ako upang itago ang pamumula ng aking buong mukha
At dahil hindi ako nakatingin sa nilalakaran namin ay hindi ko napaghandaan ang paghinto ni sir Alexander, dahilan para bumunggo ako sa likuran nito.
"Narito na tato," anunsiyo nito. At nang mag-angat ako ng tingin ay doon ko nalamang nasa tapat na pala kami ng pulang pinto. Inilabas nito ang isang bungkos ng susi mula sa bulsa ng suot nitong slacks para buksan ang pinto.
Tahimik kaming pumasok sa loob at muli nitong isinara ang pinto bago binuksan ang mga ilaw. Nang mag-liwanag ang loob ng kwarto ay inilibot ko ang paningin sa paligid at doon ko nakita ang patung-patong na iba't ibang laki ng kahon. Ang iba ay mas mataas pa sa akin.
"Kapag nagsimula ka na sa training mo bibigyan kita ng duplicate ng susi para mabuksan mo ang pinto kung may kailangang stock. Kailangan mong bantayan at ilista lahat ng ilalabas at ipapasok sa kwartong ito. Isusulat mo rin kung sino ang lumabas at pumasok dito. Naiintindihan mo ba? "
"Opo."
"Kailangan mong maging mahigpit dahil ang dating taga-record dito ay lagi na lang nawawalan at wala siyang maiturong salarin kaya naisip namin na inside job ang nangyayaring nakawan. "
"Opo. "
"Good. Bukas ka na magsimula. Sumabay ka na lang ulit kay Melanie pagpasok. "
"Opo. "
Ikinagulat ko ang paghila nito sa akin kasunod ang paglapat ng likod ko sa mga kahon. Pagkatapos ay itinukod nito ang mga braso sa magkabilang side ng ulo ko kaya lumapat ang katawan nito sa akin.
"Itigil mo iyan... " Bulong nito sa tapat ng kanang tenga ko sa boses na tila nanggigigil.
"Ang alin po?" Kinakabahang tanong ko.
"Ang paulit-ulit na pagsasabi ng opo kapag may ibinibilin akong dapat mong gawin," sagot nito na may diin ang salitang opo.
Napapitlag at nangilabot ako ng maramdaman ko ang paglalandas ng dila nito sa kanang pisngi ko.
"Ha? Anong? Bakit? Hindi ko maintindihan," sabi ko sa kinakabahan at naguguluhang tinig.
"Huwag kang mag-alala hindi ako galit. Pero may ibang parte ng katawan ko ang nagagalit," bulong nito kasabay ng pagdiin ng ibang bahagi ng katawan nito sa akin. At dahil mas matangkad ito sa akin ng ilang pulgada ay sa bandang puson ko lumapat ang umbok sq harapan nito na nagpasinghap sa akin.
"Teka lang. Huwag po. " Pigil ko rito habang itinutulak ito sa may bandang dibdib.
"Hindi pa oras kaya wala kang dapat ipangamba." Makahulugang sabi nito bago tuluyang lumayo sa akin at tumayo ng maayos. Pero hindi ko pa rin magawang kumilos dahil sa panlalambot. "Halika na. P'wede ka nang umuwi para makapagpahinga ka at ng maganda ang simula ng araw mo bukas." Pagkatapos ay muli nito hinawakan ang kanang kamay ko at bahagya akong hinila, dahilan para tumama ako sa dibdib nito dahil hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon.
Bago pa ako makalayo rito ay mabilis nitong hinawakan ang batok ko at sinakop ng mga labi nito ang mga labi ko. At muli ko na namang naramdaman ang paglukob ng kakaibang init at sensasyon sa bawat himaymay ng aking katawan na nagpaungol sa akin.
Sinamantala naman nito ang bahagyang pagbuka ng aking bibig at ipinasok ang dila sa loob ng bibig ko na parang ahas na kumikiwal at ginagalugad ang bawat sulok ng aking bibig. Bigla kong naimulat ang aking mga matang hindi ko napansing nakapikit na pala nang maramdaman kong tila umaabot na iyon sa lalamunan ko.
"Hmp!" Palag ko sabay pukpok sa dibdib nito dahil hindi na ako makahinga. At doon lang ito tila natauhan at agad na kumalas kaya pareho naming habol ang hininga. Akala ko ay bibitiwan na ako nito pero nanatiling nakahawak sa batok ko ang kanang kamay nito at pinagdikit ang aming mga noo.