webnovel

Chapter 28: Tickets

LUNA'S POV

"Saan ka ba galing? Kung kailan naman ako nandito saka mo ako hindi pinapansin." Nagtatampo kunyari'ng turan ni Kuya Von sa akin nang makababa ako. Nandito sila sa salas kasama si Lola at mama.

"Hindi bagay sa 'yo maging dramatic." Naupo ako sa tabi ni Lola.

"Kayo'ng dalawa para pa rin talaga kayo'ng mga bata."

"Lola, kasi 'yang si kuya hindi pa rin nagma-mature kasi naman wala pa ring jowa hanggang ngayon."

"'Wag mo 'kong simulan, Luna."

"Totoo naman eh. Ha-ha!" Napatawa na rin sina mama.

"Von, nag-lunch ka na ba?"

"Kumain na ako sa barko kanina, 'ma."

"Okay, good. Maiwan ko muna kayo sandali at gagawa ako ng sandwich para sa 'tin." Tumayo na si mama at nagpunta'ng kusina.

"Alam ba ng papa mo na uuwi ka ngayon, ijo?"

"Nabanggit ko sa kaniya kahapon, Lola. Naiinggit nga eh kasi nakauwi ako."

"Bakit kasi bigla ka'ng napauwi kuya? Hindi ba sabi mo busy ka?" Pinisil niya bigla ang ilong ko.

"Aray! Lola oh!" daing ko. Natawa lang naman si Lola.

"Ayaw mo talaga ako'ng pauwiin, ano?"

"Gusto ko kapag uuwi ka may kasama ka ng girlfriend."

"Tss! Ikaw, sino 'yong Arif na 'yon, huh? Bakit gano'n na lang kung mag-alala sa 'yo? Lola oh may nanliligaw na kay Luna hindi man lang pinapakilala sa atin." Niyapos ko ang braso ni Lola Cora.

"Lola, 'wag ka'ng maniniwala sa kaniya sinisiraan niya ako."

"Ay ano ba naman ang problema kung may nanliligaw na sa apo ko? Maganda ka kasi kaya paniguradong marami ang maghahabol sa 'yong lalaki." Tiningnan ko si Kuya.

"Bleeh! Kaya naman love na love kita lola eh." Hinalikan ko pa siya sa pisngi.

"Lola, ini-spoil niyo si Luna." Pabirong sabi ni Kuya.

"So, sino nga si Arif manliligaw mo? Umamin ka na."

"Hindi nga!"

"Deny pa 'to kinikilig naman." Tinawanan niya ako.

"Hindi nga sabi, Kuya! Dapat kayo ni Azine ang magsama eh." Natigilan sa pagtawa si Kuya.

"Sino?" Medyo sumeryoso si Kuya.

"Si Azine." Ulit ko.

"Sino'ng Azine."

"Secret!" Siya naman ang pinagtawanan ko.

"Azine kamo?"

Napatingin kami kay mama na may dalang tray na may lamang sandwich at juice. Ibinaba niya muna sa center table.

Bakit ba nabanggit ko pa si Azine?

Napakuha na lang ako ng sandwich at binigay ko kay Lola na kinuha naman nito.

"Salamat, apo." Kumuha ako ng sa akin at kumain saka muling niyapos ang braso ni Lola Cora.

"Si Azi-"

"Mama! A-Ang sarap ng sandwich." Inismiran ako ni Kuya at tumingin ulit kay mama. Patay na ako! Si Azine pala ang patay na.

"Si Azine ay isa'ng..." Napapikit na lang ako at hinintay ang sasabihin ni mama.

"Isa siya'ng halaman."

Huh? Oo nga hindi naman alam ni mama na multo si Azine, di ba?

Napatingin ako kay Kuya na nangunot ang noo. Gusto ko'ng matawa ng malakas ngayon at dahil hindi ko mapigilan kaya napatawa na talaga ako. Natigilan ako at napatingin sa kanila. Seryoso sila'ng nakamasid lang sa akin.

"Kailan ka pa nabaliw, apo?"

"Lola naman eh." Bumitaw muna ako kay Lola Cora.

"Bakit ba kayo ganiyan makatingin?" Tukoy ko sa dalawa.

"Para ka kasi'ng baliw." Nag-peace sign na lang ako at kumain ng sandwich.

"What do you mean halaman si Azine, 'ma?"

"Hay naku, 'yon 'yong tanim na bulaklak ni Luna. Ewan ko ba sa bata'ng 'yan kung bakit Azine ang ipinangalan do'n. So weird! 'Wag mo ng isipin 'yon kumain ka na lang nito."

Kinuha ni Kuya Von ang iniabot ni mamang sandwich. Kumuha ako ng juice at uminom. Safe! Hindi pa rin mawala ang kunot sa noo ni Kuya.

Ano ba'ng espesyal sa pangalan ni Azine at nakakunot si Kuya? Lakas talaga ng karisma no'n.

VON ZYKE'S POV

Papunta ako sa kotse kasi may kukunin ako'ng pasalubong para kay Luna. For sure magugustuhan niya 'to. Pagkakuha ko bumalik din agad ako sa loob.

Nakita ko si Luna na mag-isa na lang sa salas kaya nilapitan ko siya. Bago 'yon tinago ko muna sa likod ko ang hawak ko.

"Kuya." Naupo ako sa tabi niya at ibinaba muna ang hawak ko sa likuran.

"I have something for you." Napangiti siya ng maluwang.

"Ano 'yon, kuya?"

"Alam ko'ng magugustuhan mo 'to eh."

Hindi na siya makapaghintay sa ibibigay ko. Kinuha ko ang hawak ko kanina at pinakita sa kaniya.

"Surprise!" Napamulagat siya.

"Wow, tickets! Concert ng BoybandPh?"

"Aha."

Sinubukan niya'ng kunin sa akin pero agad ko'ng itinaas kaya hindi niya nakuha. Napasimangot siya.

"Kuya naman eh. Ibigay mo na sa akin, please?" Napalabi pa siya kaya napatawa ako.

"Okay, I'll give you these... in one condition."

Pinaypay ko pa ang tickets sa concert ng idol boygroup niya. Sabi na nga at magugustuhan niya eh.

"Ano 'yon? Sabihin mo na para mahawakan ko na 'yan, kuya."

Good. Kinuha ko ang cellphone ko at ipinakita sa kaniya ang video nang nangyari kanina.

"Ipaliwanag mo sa akin at makukuha mo agad ang tickets na 'to." Napasimangot si Luna.

"A-Ano'ng gusto mo'ng malaman, Kuya?"

"Everything." Nag-cross arms at nagdikwatro na lang ako habang hinihintay ang sasabihin ni Luna.

"Kanina kasi muntik na ako'ng mabagsakan ng sanga mabuti na lang may nagligtas sa akin, Kuya Von." Napatingin ako sa kaniya.

"Sino'ng nagligtas sa 'yo?"

"K-Kaluluwa." Napatawa ako.

"Alam ko'ng ginu-goodtime mo na naman ako, Luna. Seryoso nga curious ako eh."

"Totoo nga, Kuya. Niligtas ako ng isa'ng kaluluwa. Niligtas ako ng multo." Alam ko kung kailan nagbibiro si Luna at ngayon seryoso siya.

May bigla ako'ng naalala no'ng tinawagan ko si Luna.

FLASHBACK

[ "Nagising lang ako. Bakit late ka na napatawag?" ]

"Ayoko'ng sumingit kay papa at mama, alam ko'ng kinausap ka nila kanina. So, ano kumusta ka na?"

[ "Ayos naman na ako. Ah, kuya may itatanong pala ako sa 'yo." ]

"Go ahead."

[ "Kuya, naniniwala ka ba sa... sa mga multo?" ]

"Scientifically basis, kaming mga doctor ay hindi naniniwala sa mga spirits pero once ko'ng nabasa noon sa isang studies ng isang kilalang doctor na taga-U.S., na talaga raw may mga multo pero hindi lang namin pwedeng basta paniwalaan dahil nga ang science para sa amin ay palaging may mga basehan kung bakit nangyayari at nag-i-exist ang isang bagay kagaya nga ng mga multo. Kung totoo sila ay hindi ko alam dahil hindi pa naman ako nakakakita ng mga multo. Bakit mo nga pala natanong?"

[ "Wala naman curious lang ako. Eh, kuya, hindi ba may mga patient ka'ng comatose? Minsan umaabot ng 1 year, 5 years o minsan lifetime na. Tingin mo kuya totoo kaya 'yong sinasabi nila na naglalakbay na ang kaluluwa ng taong 'yon?" ]

END OF FLASHBACK

"What do you mean?"

"Kuya, nakakakita ako ng multo." Tiningnan ko sa mata si Luna at nagsasabi siya ng totoo.

"Kailan pa?"

"Kailan lang. Long story, Kuya. Binuksan ng isang matanda ang third eye ko kaya nakakakita ako ng mga spirits. Nakakatakot pero kinakaya ko naman kasi hindi naman lahat ng multo ay masasama."

"'Yong nangyari kanina kagagawan ba ng multo 'yon?" Napatango si Luna.

Napatayo ako at napatalikod sa kaniya.

"They're trying to harm you, Luna. You're not safe with their presence." Naramdaman ko'ng napatayo rin si Luna.

"Kuya, hindi naman palagi'ng nangyayari 'yon eh. Masaya ako dahil nakakatulong ako sa mga kaluluwang naliligaw. Parang ikaw lang kuya, masaya ka kapag napapagaling mo ang mga pasyente mo. Ako naman masaya ako kapag nadadala ko sa liwanag ang mga kaluluwa."

Napahinga ako ng malalim. Naiintindihan ko si Luna dahil halos pareho kami ng sitwasyon nagkataon nga lang na multo ang mga pasyente niya.

"Kuya, naniniwala ka ba sa akin?" Marami'ng tao ang nagsasabing baliw ako dahil nagsasalita ako mag-isa. Dahil hindi nila nakikita ang kinakausap ko. Nakasanayan ko na rin naman 'yon, Kuya. Iilan lang ang nakakaintindi sa akin." Napaharap ako kay Luna at hinawakan siya sa magkabilang balikat.

"Syempre naniniwala ako sa 'yo, Luna. Alam ko'ng hindi mo ako pagsisinungalingan. Kaya mo ba?" Napatango siya.

"Thank you, Kuya."

"Ano'ng pinag-uusapan niyo'ng dalawa at para'ng ang seryoso naman ng mga mukha niyo?" Napatingin kami kay Mama.

"Binobola ako ni Luna, Mama, para makuha niya sa akin 'tong tickets sa concert ng BoybandPh niya."

Napatawa kami ni mama. Biglang inagaw sa akin ni Luna ang tickets at naupo sa solo sofa.

"Akin na 'to, huh. Wow, tatlo, Kuya? Sakto sa 'min nina Paulo at Je. Yehey!"

"Hay naku, binigyan mo na naman ng ticket 'yang kapatid mo. Luluwas na naman 'yan ng Maynila para lang makapanood ng concert."

"Syempre naman mama kailangan ko'ng lumuwas para makapanood. Kung sana dito sila sa province natin nagko-concert eh di mas masaya sana."

"Asa ka pa." Pang-aasar ko kay Luna. Nginisihan ko siya.

Asa pa kamo si Author.ಥ⌣ಥ

"Thanks dito, Kuya. Teka, sa Saturday night na pala 'to ah. Makikita ko ulit si Niel!" Nai-excite pa niya'ng sabi. Naupo ako sa mahabang sofa.

"Tawagan mo na lang ako para masundo ko kayo, okay?"

"Okay." Nakamasid pa rin siya sa tickets.

"Teka, tatawagan ko lang sina Paulo para ibalita sa kanila." Tumakbo na siya paakyat sa taas matapos kunin ang bag na nasa sofa.

"Basta may kinalaman talaga kay Niel Murillo para'ng sinisilihan 'yang kapatid mo." Napatawa na lang kami kay mama.

LUNA'S POV

Kinuha ko agad ang cellphone sa bag at nag-video call kay Je at Paulo. Sumampa ako sa kama.

Sinagot agad nila meaning wala sila'ng klase.

"Bakla, ano na balita diyan? Where's Kuya Von?" Si Paulo.

"Nasa baba."

"Sinabon ka na ni Doc Von?" Si Je.

"Oo alam niyo namang wala ako'ng lusot do'n."

"Sinabi mo lahat?" Tanong ulit ni Je.

"Syempre hindi lahat."

"Naniwala naman sa 'yo?" Tanong ni Paulo.

"Oo. No'ng una pinagtawanan niya pa ako pero naniwala din no'ng huli."

"Kapag napanood nila ang video mo for sure kahit 'yong hindi fan ng ghost ay maniniwala na rin na nag-i-exist talaga sila." Si Je.

"Kasama ko ba sa video si Maxine?"

Bigla ko'ng naalala si Maxine. Baka pati siya ay ma-involve pa sa kaguluhan ng buhay ko. Hindi ko pa kasi napapanood ng buo 'yong video.

"Hindi siya nakuhanan, 'yong moments mo lang ang naka-highlights sa video." Paliwanag ni Paulo.

"Mabuti naman pala."

"Bakla, balita ko magkasama daw kayo ni Max nang mangyari ang krimen? Friends na kayo'ng dalawa?" Tanong na naman ni Paulo.

Hindi ko pa nga pala nasasabi kay na Paulo na member na ako ng volleyball team.

"Hindi mo alam, Paula?"

"Ang alin? May hindi ba ako nalalaman, 'day?"

"Hay naku, kinuha ni sir Andrew si Luna sa team ng volleyball kaya sila magkasama ni Max kanina."

"WHAT? Bakit hindi ko alam 'yan? Luna, I can't believe this, naglilihim na ka na sa akin." Nag-peace sign na lang ako sa kaniya.

"Eh, kasi naman palagi ka'ng busy nito'ng mga nakaraang araw. Anyway, meron ako'ng ipapakita sa inyo na magla-light up ng mood nating lahat." Nai-excite ko'ng sabi sa kanila.

"Sabihin mo na." Sabay pa sila'ng dalawa.

Kinuha ko ang ticket na ipinatong ko dito sa kama.

"Charan!"

"Tickets? Niel mo na naman 'yan, ano?" Si Je.

"Of course! Tatlo 'tong binili sa akin ni Kuya. Sasama ba kayo?"

"Syempre naman, Luna. Minsan na nga lang ako makanood ng concerts eh." Nag-thumbs up ako kay Je.

"Go din ako diyan mga bakla. Gusto ko ulit makita si Joao ko." Napatawa na lang kami.

"Assumera. Hindi ka man lang no'n tatapunan ng tingin. Ha-ha!" Pang-aasar ni Je kay Paulo.

"Kailan ba 'yan, Luna?"

"Sa saturday night na 'to. Mag-ready kayo, okay? Susulitin natin ang pagpunta sa Manila."

"Bet ko 'yan. Si Doc Von ang bahala sa atin." Si Paulo.

"Sige na end ko na bababa na ako." Nag-wave lang kami sa isa't isa at pinatay ko na.

Pababa na sana ako sa kama ng magulat ako kay Azine na nakatayo hindi kalayuan sa akin at nakamasid lang.

"K-Kanina ka pa ba diyan?"

"Yes! At sa sobrang excited mo hindi mo man lang ako napansin dito." Masungit niyang sabi. Tuluyan na ako'ng bumaba sa kama.

"Eh kasi... bakit hindi ka kasi umiimik malay ko ba'ng sumulpot ka pala diyan?" Hinarap niya ang isang poster ni Niel.

"Kailangan mo ba talagang pumunta pa sa Manila para lang sa lalaki'ng 'to?"

"Syempre naman." Nai-excite ko'ng sabi pero naitikom ko ang bibig ko ng balingan ako ni Azine at tingnan ako ng masama.

"Paano kung sabihin ko sa 'yo na hindi ka pwede'ng pumunta do'n para manood ng concert niya?" Nginitian ko siya.

"Pupunta pa rin ako." Nilapitan niya ako at tinitigan ng masama.

"E-Eh, di sumama ka na lang sa akin. Hindi mo naman kailangan ng ticket para makapasok sa Araneta Colosseum. At saka malay mo nasa Manila pala ang hinahanap mo'ng kasagutan tungkol sa pagkatao mo. Ano, sasama ka ba?"

"No." Tinalikuran niya ako.

"Okay. Eh, di 'wag kung ayaw."

"Luna," Sabay harap niya sa akin with angry face.

"S-Sasamahan na lang kita." Nginitian ko siya ng maluwang.

Sasama din pala mag-iinarte pa. Hinagilap ko ang aking bag at inilagay doon ang mga ticket. I'm so excited! Parating na ako ulit diyan, BoybandPh! Makikita ko na naman si Niel. He-he!

"Tigilan mo na nga ang kakangiti. Tsk!" Binalingan ko si Azine matapos mailagay ang tickets sa bag at mas malawak pa'ng nginitian.

"Crazy!" Naglaho na lang siya. Napailing na lang ako at bumaba na.

VON ZYKE'S POV

Ano'ng dapat ko'ng gawin kay Luna? Alam ko kung kailan nagsisinungalin at nagsasabi ng totoo ang kapatid ko'ng 'yon. Nakaupo ako dito sa kama sa kwarto ko at pinapanood pa rin 'yong video niya. Honestly, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala.

Biglang tumawag si Papa kaya sinagot ko agad.

[ "Nasa probinsya ka na?" ]

"Yes, 'Pa."

[ "Kumusta diyan?" ] Napatayo ako at humarap sa may bintana.

"Wala nama po'ng problema dito maayos sila'ng lahat."

[ "Good. Ang kapatid mo kumusta?" ]

"She's doing good, 'Pa."

[ "Napanood ko 'yong nangyari kanina kay Luna. Totoo ba 'yon, Von?" ] Hindi siya nagpapahuli basta kay Luna. Napanood niya na pala. Natawa ako ng bahagya.

"Papa, alam mo nanang high-tech na tayo ngayon. 'Wag niyo na lang pansinin ang tungkol do'n." Namulsa ako.

[ "Okay. Kailan balik mo?" ]

"Bukas na rin, 'Pa."

[ "Agad? Baka magtampo ang kapatid mo." ]

"Naiintindihan niya ako, Pa. Marami ko'ng naiwang pasyente sa Maynila kaya kailangan ko agad bumalik."

[ "Sige, mag-iingat ka. Ikumusta mo na lang ako sa kanila." ]

"Okay, 'Pa. Take care!" Binabaan niya na ako ng tawag.

May kumatok sa pinto kaya lumapit ako sa pintuan at pinagbuksan ito.

"Hey, little sis!" Napangiti siya sa akin. Nakapagpalit na siya ng damit.

"Charan!" Pinakita niya sa akin 'yong rackets na nakatago sa likuran niya. Libangan namin ni Luna. Palagi ko naman siya'ng natatalo.

"Lets go?"

"Okay. Gusto mo na namang matalo?"

"In your dreams!" Sinara ko na ang pinto saka siya hinarap.

Inabot niya sa akin ang isang racket na kinuha ko naman.

"Tatalunin kita this time."

"I'm not afraid, little sis." Ginulo ko ang buhok niya.

"Kuya naman eh." Napatawa na lang ako. Inakbayan ko siya at saka kami bumaba. Doon kami dumiretso sa may garden.

ARIF'S POV

"GO, ARIF! WHOA!"

"YEHEY! ANG GALING MO, ARIF!"

"SHOOT! SHOOT! WHOA!"

Naglalaro kami ng basketball ngayon kasama ang mga barkada ko dito lang sa court ng campus. Wala pa naman kasi kami'ng klase eh. Ang dami na namang nanonood. Hindi ko sila pinansin at naglaro na lang.

Habang naglalaro tumakbo sa isipan ko 'yong video ni Luna na napanood ko kanina.

Sumagi din sa isip ko 'yong mga kakaibang napapansin ko sa kaniya.

FLASHBACK

"Sino'ng nginingitian at kinakawayan ni Luna do'n?"

"Huh?"

"Look at Luna. Sino'ng tinatawanan niya?"

"Sa mga friends niya."

"Are you sure?"

"Pero kanina-"

"Max, mabuti pa tumayo ka na diyan at puntahan mo na mga kaklase mo kasi magsisimula na yata ang game."

***********

"May boyfriend ka na ba, Luna."

"Inumin mo muna 'to."

"Here, drink some water."

"Thanks."

"Okay ka na ba?"

"Oo, salamat." Napatingin siya sa may gilid niya kaya napatingin din ako.

Parang may tinitingnan siya do'n na kung sino.

*********

Habang naglalaro ako noon sa may school court nakita ko si Luna na naglalakad hindi kalayuan. Napansin ko na may kinakausap siya. Napahinto muna ako sa paglalaro at nilapitan si Luna.

"Ano'ng ikinamatay mo?" Nangunot ang noo ko.

"Miss?"

"Huh?"

"Sabi mo kasi... Ano'ng ikinamatay ko? I'm not dead yet."

Kinabahan ako kay Luna.

***********

Nakakakita nga siya ng multo pero bakit si Luna pa?

Nawalan ako ng balanse kaya napatumba ako.

"Bro, sorry." Si Nico.

"Ayos lang." Inabot niya sa akin ang kamay niya at tinulungan ako'ng makatayo. Panay react ang mga girls but I don't mind.

"Are you okay?"

"Yeah." Tumabi na muna ako at kinuha ang mimeral water. May naalala ako bigla.

FLASHBACK

"Akala mo siguro ang pinapansin ko lang ay 'yong mga magagandang girls dito sa campus natin, ano?"

" 'Yon nga ang akala ko."

"Then you're wrong, Luna. Alam mo sa tuwing nagkikita tayo palaging involved ang bottled water."

"Oo nga eh pansin ko din."

"Miss bottled water?"

***************

Napangiti ako saka uminom.

LUNA'S POV

Napasalampak ako ng upo sa semento habang habol ang hininga. Ibinaba ko muna sa gilid ko ang raketa.

Ewan ko ba kung bakit palagi ako'ng pagod sa laro'ng 'to. Palagi kasi ako'ng pinaghahabol ni Kuya.

Napatingin ako sa kaniya na nakatawa ng maluwang. Lumapit siya sa akin at naupo din sa tabi ko.

"Ano, kaya mo pa?" Napanguso ako.

"Dinaya mo na naman ako eh."

"Hindi ka talaga mananalo sa akin."

"May next time pa, Kuya. Kulang lang ako sa practice." Tiningnan ako  ni Kuya na nang-aasar.

"Galingan mo kasi, little sis."

"Ginalingan ko naman eh kaso may nangungulit lang na mga multo sa akin."

"Kailangan ko ba'ng magpasalamat sa mga multo na 'yon?"

"Ikaw rin baka hindi ka nila tantanan."

"Sa sunod na lang siguro." Nagkatawanan na lang kami.

____________________________________________________________

Thank you so much everyone! Please, help me to discover this story by other readers, guys. Just SPREAD the story and don't forget to HIT VOTE. Mag-COMMENT na rin kayo below kung may gusto kayo'ng sabihin.

Another thing is mag-FAN na kayo sa akin para mai-dedicate ko sa inyo ang isang chapter.

Salamat! Salamat! Enjoy reading! Just sit back and relax.

Support me, please! 💙💙💙

OTHER STORY:

> Ang Teacher Kong Heartthrob Pero Terror ( https://www.wattpad.com/story/210888996?utm_medium=link&utm_source=android&utm_content=share_writing )

下一章