Malapit na ang katanghalian at lahat ng mga mag-aaral ay abalang ginagawa ang aming mga aralin. Bihira ang mga nagkaklase sa kadahilanang panahon na ng unang pagsusulit at abala pa rin ang lahat sa pag-aaral kahit biyernes na.
Magkatabi kami ni Alice sa bleacher sa basketball court nakaupong nagbabalik aral sa aming mga naisulat. Presko kasi sa lugar na iyon kaya doon namin napili ni Alice mag-aral tulad ng ibang mga mag-aaral.
"Is a mathematical... process... of communicating... finan... cial... information... to..." ang binibigkas ni Alice habang ang mukha niya ay hindi maipinta sa pagaalala ng aming pinag-aralan para sa susunod naming pagsusulit. Hawak niya ang kanyang kuwadernong nakatikom habang ang mga daliri niyang nakaipit sa gitna nito ay tila gusto nang buksan ito upang kanyang silipin.
"Kaloka!!!! Ang hirap!!! Sumasakit na ulo ko!!!" ang reklamo niya agad matapos buksan na ang kanyang mga sinulat upang basahin muli.
Natigil ako sa aking pagsusulat at inayos ang aking halos mahulog nang salamin sa aking ilong sabay tingin sa kanya.
"Alice... una pa lang yang minememorize mo... at yan pa lang ang minememorize mo... wag kasi verbatim unawain mo yung nakasulat mas madali yun..." ang natatawa kong sinabi sa kanya.
"Para sa iyo madali sa akin hindi... " ang naiinis niyang sagot sa akin. Napatingin siya sa di kalayuan sabay nanlaki ang kanyang mga mata.
"Oh.. my.. god!!! Is that Rodel & Nestor kissing?!?!" ang bigla niyang sinabi sa pagkagulat.
Ako'y napatingin sa isang tagong sulok ng court kung saan nakita ko rin ang katatapos lang na maghalikang dalawa.
May kirot pa rin na tumusok sa aking damdamin. Marahil sa inggit o lungkot na di na sa akin si Rodel. Hindi ako sumagot kay Alice at bumalik na lang ako sa aking sinusulat.
"Jasper... alam mo ba yung tungkol kay Rodel na ganun siya?!? Is that the reason why you guys aren't hangging out together?!?" ang tanong niya sa akin habang nanalalaki pa rin ang kanyang mga nakatitig na mga mata sa akin.
"Huwag ka na lang maingay kay Randy ha? Galit sa bakla yun. Huwag na lang din natin pag-usapan pa... pero... Oo..." ang sagot ko sa kanya na hindi man lang siya nililingon ngunit alam kong nabigla siya lalo sa kanyang narinig.
Marahil ay binaha lalo ng katanungan ang kanyang isipan ng mga oras na iyon.
"Babe!" panawag ng boses ni Randy na nanggaling mula gilid ni Alice na tumawag sa aming pansin.
Nakatayo si Randy sa baba ng mga beachers at nakatingin kay Alice dala ang dati niyang yabang at tikas nang una ko siyang makilala. Supladong suplado ang dating at naknakan ng kayabangan.
"Randy! Ang sakit na ng ulo ko! Naubos yata braincells ko agad!" ang daing na pawang humihingi ng awa ni Alice kay Randy.
"Kawawa naman ang babe ko.... halika dito kiss at hug kita para mainspire ka pa magstudy!!" ang panlalambing naman ni Randy sa kanya habang nakaabot ang mga bisig nito. Patapon na itinabi ni Alice ang kanyang kuwaderno at tinungo si Randy.
Agad naghalikan ang dalawa saglit at nagyakapan. Ang tamis ng kanilang pagmamahalan ngunit agad itong naudlot dahil sa maraming makakakita sa kanila at baka masuspend pa sila kung may makakakitang guro sa ginawa nila.
"Humanap nga kayo ng kuwarto... nakakadistract kayo..." ang sabi ko sa dalawang natawa sa aking sinabi.
"Nga pala Jasper, kailangan nila Randy ng lead vocalist nila para sa band nila ng mga kabarkada niya sa village namin. Baka gusto mo sumama since pwede mo naman bitiwan yang choir na yan. Nakuwento ko kasi kay Randy na magaling ka kumanta at magkeyboards, package deal ka na kung sasali ka. Si Randy sa gitara at harmony lang nahihiya kasi kumanta tong boyfriend kong to. Maganda naman boses pero ewan ko ba." ang kuwento ni Alice habang nakangiti naman sa kanyang tumatango sa kanyang mga sinabi si Randy.
"Tol, kailangang kailangan ka namin. Mag-iipon kasi kami ng funds para i-donate sa mga katulad mo dito sa Alabang. Meron kasi outreach program ang homeowners ng Ayala Alabang at ito lang yung nakita naming effective at cool na paraan para makalikom ng donation. At least yung talents natin kikita para makatulong sa iba. Isa pa, we're planning to make this band permanent kung sisikat tayo." ang idinagdag ni Randy sa sinabi ni Alice upang ako'y makumbinsi.
"Yabang nito kung makapagsalita. Oo, mayaman ka na. Makakatulong ako sa mga katulad ko? Maganda yan! Pero may maliit akong problema. Kasya lang kasi sa pang araw-araw ko ang baon ko kahit pamasahe ko sakto lang papunta dito at pauwi ng bahay." ang sagot ko naman.
"Yun lang ba? Eh di ihahatid kita sa inyo o kaya ako na mamamasahe sa iyo. Sabi ko sa iyo di ba? My best friend's best friend is also a friend of mine?" ang nagmamalaki naman niyang sinabi.
"Presko ka nanaman. Hindi kita maintindihan talaga Randy." ang nasabi ko sa aking sarili.
"Oo na... aalis na ako sa choir... magsasabi ako mamaya pero may isang kundisyon ako... magpapabayad ako ng isang dalawang daang piso araw-araw sa pagsali ko sa inyo. Para sa mga tulad ko naman din ang patutunguhan niyan kaya gusto ko ngayon pa lang makatulong na ito kahit sa akin pa lang. Payag ka ba?" ang sagot ko sa kanyang may pagmamalaki.
"Yun lang pala... oo ba! Ano? Call?" ang panghahamon ni Randy sa akin.
"Ayos! May source of income na ako pambaon ko araw-araw! Makakapag-chat pa ako kahit wala si Mariah!" ang nasabik kong sinabi sa akin sarili.
"Call! Kelan ang practice?" ang agad kong sagot naman.
"Mamaya! After ng basketball game namin mamaya! Dito mo ko tagpuin mamaya. Sabay tayo lagi pupunta may kotse ako." ang sagot naman niyang may pagmamayabang pa rin.
"Paghihintayin mo pa ko?! Tumiwalag ka lang kaya sa basketball tulad ng gagawin ko sa choir?" ang sagot ko sa kanyang naiinis.
"Ayaw mo ba? Babayaran na nga kita tapos libre pa sakay sasasakyan ko? Maghihintay ka lang naman saglit. Kung ayaw mo maghintay eh di umuwi ka na lang sa susunod na lang." ang maangas niyang sinagot sa akin.
"Kung di lang talaga ako gipit sa pera!! Hindi ako didikit sa mga tulad mong naknakan ng kayabangan!!" ang sabi ko sa aking sarili.
Wala na akong nagawa. Agad kong inabot ang aking kamay at ganon din siya sa akin at kami ay nagkamayan. Parang isang negosyo lang ang nabuo sa aming dalawa. Si Alice naman ay namangha sa aming naging pag-uusap.
Sumapit ang hapon at natapos na ang paghihirap ng lahat ng mag-aaral. Nakapagpaalam na ako sa choir na aalis na ako sa samahan at si Alice naman ay nagmadaling umuwi gawa ng sakit ng kanyang ulo na dala ng matinding pag-aaral.
Sa basketball court ay naglalaban na ang dalawang koponan. Marami ang nanonood kaya't ako'y umupo na lang sa sahid sa gilid ng mga bleachers. Malalakas na hiyawan ang mariinig sa kapaligiran dahil mainit ang labanan.
Nagmasid lang ako sa aking kapaligiran at napuna si Nestor na nakaupo sa baitang ng bleacher na pinakamalapit sa court katabi ang mga nakaupong kasapi ni Rodel sa kanyang koponan. Masaya niyang chinicheer si Rodel sa paglalaro.
"Hmph! Landi landi naman ng ahas na ito. Magsplit ka nga sa gitna ng court? Sige nga try mo nga? Try mo lang para madurog yang balls mong pokpok ka since hindi mo naman kailangan ng mga yan para kay Rodel." ang natatawa kong ibinulong sa aking sarili habang pinagmamasdan siya.
"Hay.. yaan mo na nga siya Jasper. Wala kang mapapala sa kanya isa pa ang malandi talaga ay yang si Rodel. Yaan mo na magsama yang mga makakating yan." ang wika ko pa sa aking sarili.
Timeout na. Napuna ko na lang na malapit pala ako sa bangko ng kabilang koponan na kasama naman si Randy nang siya ay tumungo dito. Nahirapan kasi akong alamin kung sino ang kasama sa kung anong koponan dahil sa kulay lang ng baller band ang kanilang marka na hindi ko na tinignan pa dahil sa alam kong sasakit lang ang aking paningin sa paghabol ng tingin sa mga ito habang sila ay naglalaro.
Nakita ako ni Randy na nakatingin sa kanya at binalikan ako ng isang matamis na ngiti. Kakaiba nanaman ang kanyang dating, tila napakabait at napakaamo nanaman niya di tulad kanina. Parang nung huli lang matapos namin unang magkakilala.
Kumaway siya at kinausap ang kanilang coach. Tila nakipagpailit muna siya sa isang naghihintay na kasaping nakaupo sa bangko. Nang nakita kong tumango sa kanya ang coach ay agad siyang tumakbo tungo sa aking kinaroroonan.
"Musta? Handa ka na ba?" ang agad niyang tanong sa aking habang humihingal. Kahit halata sa kanyang mukha ang pagkahapo ay nagawa pa rin niyang ipakita ang matamis niyang ngiti. Hindi agad ako nakasagot dahil napatitig lang ako sa kanya.
Nakakaakit pala talaga si Randy, di hamak na mas may itsura siya kay Rodel. Mahalimuyak ang kanyang inilagay na pabango kahit tagaktak na ang kanynag mga pawis. Kahit may kayabangan siya sa harap ng girlfriend niya, ang dating niya ngayon sa aking harapan ay kaaya-ayang talaga.
"Ano? Ready ka na ba?" ang tanong ulit niya sa aking humila sa akin pabalik sa aking ulirat.
"Ah... Oo... ikaw na lang kaya itong hinihintay ko. Kung di lang talaga ako kikita sa gagawin kong ito hindi ako magsasayang ng oras." ang paninisi kong naisagot sa kanya.
"Ganun ba? Sorry ha? Hindi ko kasi alam na medyo late na magsisimula ang game. Bawi na lang ako sa iyo, ha?" ang nakunsensiya naman niyang sagot sa akin na hindi ko inaasahang mangagaling sa kanya.
Tumayo siya sa aking tabi sabay salampak sa sahig at nanood na lang sa nagsimula nanamang laro. Tinitigan ko lang ang gilid ng kanyang maamong mukha na nanonood sa mga naglalaro.
Batid kong di niya pansin ang aking pagtingin. Puno ng hiwaga ang pagkatao ni Randy na pilit kumikiliti sa aking isipan.
Bigla niya akong nilingon at nahuli akong nakatingin sa kanya. Hindi ko naiwasan na magkatapat ang aming mga tingin.
"Wala ka bang towel? Grabe pawis mo oh!" ang palusot ko na lang sa kanya.
Ngumiti lang siya sa akin at inabinalik ang tingin sa mga naglalaro.
Nanood na lang ako ng mga naglalaro at pilit kinalimutan ang lahat. Pansin kong wala na sa court si Rodel hanggang sa napuna kong magkatabi sila ni Nestor at pinupunasan nito ang kanyang likod ng puting towel na may isang nakaburdang mukha ni Elmo sa kanto nito. Ako ang nagregalo noon kay Rodel sa kakaunting naipon ko noon para sa kanyang kaarawan. Hindi ko maiwasang malungkot sa aking nasasaksihan.
Muli akong nilingon ni Randy.
"Ang saya nilang dalawa no? Bakit hindi mo na siya kasama lagi ngayon, Jasper?" ang biglang tanong sa akin ng kanina pa palang nanonood na rin kina Rodel na si Randy. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa aking mga narinig sa kanya. Alam kong galit na galit siya sa mga bakla ngunit parang nakisimpatya siya kay Nestor at Rodel.
"H... ha? A-ano iyon? Sorry hindi ko alam yung tinutukoy mo kung sino?" ang patay malisya ko na lang na tinanong sa kanya. Hindi ko siya matitigan sa aking mga matang nagaambang lumuha.
"Yung best friend mo mukhang may bago nang best friend oh..." ang sagot niya sa akin sabay suro ng kanyang nguso kina Rodel.
"Ah... hindi may di lang kami napagkasunduan at isa pa ayaw kong masyadong nagsasasama sa kanya kasi may mga kumakalat na chismis sa kanya ayaw ko na lang madamay. Isa pa, dapat nakikisama ako sa mga kasing edad ko." ang sagot ko sa kanyang hindi na makahanap ng lusot.
Tila pilit na lang ni Randy tinanggap ang aking paliwanag sabay ngiti sa akin nang nakakaloko.
"Tol, ihi lang ako ha? Dito ka muna. Naiihi na talaga ako." ang paalam niya sa akin na sinagot ko lang ng pagtango.
Pinagmasdan kong muli ang pasimpleng naglalampungan na magnobyo.
"Ako dati yan. Ako gumagawa lahat ng iyan dati. Lahat ng ginagawa niya sa iyo ngayon kahit yang towel na hawak mo. Sa amin dati yan, huwag mong gayahin ako kay Rodel dati dahil kung yan ang mga nagustuhan niya sa iyo ibigsabihin lang ay ako ang tunay niyang minahal at hindi ikaw, Nestor." ang nangigigil kong sinambit sa aking sarili.
"Tang-inang kabaklaan yan... tignan moang best friend natin, walang kaalam-alam na nattyansingan na siya nung Nestor na iyon. Hinipuan kaya ako ng ganong yan nung retreat namin dati." ang narinig ko na lang na nangigigil na sabi ni Randy na nakabalik na palang muli at nakatayo sa aking tabi.
Pabagsak siyang sumalampak sa sahig sa aking tabi at masama ang titig kay Nestor.
"Umihi lang nabago na ang tingin sa mga bagay-bagay? Okay lang. Kahit papaano may kakami ako sa pinanonood ko ngayon." ang natatawa kong sinabi sa aking sarili.
Lumingon siya sa akin at ang kaninang presko niyang tingin ay nanumbalik.
"Ano pre? Tapusin lang natin to ha? Pag nanalo kami magpapraktis tayo pero kung matalo kami kailangan mo sumama sa inuman bago tayo magpraktis. Kaunti lang naman ang iinumin. Magpapainom kami dahil sa pustahan. Sasama ka kahit anong mangyari ha? Uupakan kita pag di ka sumama dahil sinabihan ko na yung mga kasamahan ko na pupunta ka ngayon. Ayaw na ayaw ko ang pumapalya sa mga pinangakuan ko. " ang mayabang at sa pautos na tono niyang sinabi sa akin.
"Ganon?! Hindi kasama ang inuman sa usapan natin!" ang reklamo ko sa kanya.
"Tataasan ko bayad ko sa iyo. Gawin na nating tatlong daan. Basta sumamaka muna sa inuman bago ang ensayo natin sa banda. Hindi ko rin inaasahan eh hanggang sa napasubo na ako sa pamimika ni Rodel kanina. Sasama ka." ang utos niya sa akin. Hindi na ako nakahindi sa kanya.
"May pakiusap lang ako Randy, pwede ba makitext muna? Sabihan ko lang nanay ko kung aabutin ako ng umaga sa pag-uwi dahil mag-aalala yun." ang sabi ko sa kanya.
"Yun lang pala, mamaya na pagtapos ng laro!" ang tila nabanas niyang sinagot sa akin sabay tingin sa mga naglalaro at nagcheer sa kasamahan niya.
"Ano ba itong pinasukan ko." ang nasabi ko sa aking sarili habang umiiling,
Natapos ang mainit na tagisan ng lakas ng dalawang koponan at tulad ng aking kinatatakutan, natalo ang koponan ni Randy.
Wala akong nagawa kundi ang sumama kay Randy sa inuman. Sumakay kaming dalawa sa kanyang kotse. Kailangan daw naming mauna at susunod na lang sila sa aming pupuntahan.
Habang nagmamaneho na si Randy at ako naman ay nasa kanyang tabi lamang ay dumukot siya sa kanyang wallet ng pera at pahagis na inabot sa akin. Nagkandarapa lang akong saluhin ito ngunit nahulog ito sa sahig at kinailangan ko pang hanapin sa sahig ng sasakyan. Unti-untiang naiipon ang inis ko kay Randy sa kanyang inaasta.
"Saan ba yung inuman?" ang tanong ko kay Randy na halata ang pagkapika.
"Sa bahay ko. Ako ang taya eh. May magagawa pa ba ako?" ang mayabang at pabalang niyang sagot sa akin.
Hindi na ako sumagot pa. Alam ko nang tutungo kami sa Ayala Alabang. Ito ang unang pagkakataon na makakapasok ako sa isang executive village.
Hindi kami nag-iimikan ni Randy buong biyahe. Medyo barubal siyang magmaneho ng kanyang sasakyan kaya't dala ng kaba ay pilit kong inaliw ang aking sarili sa mga nakikitang tanawin ng mga naglalakihang mga bahay room na may magagandang ilaw.
Pakiramdam ko ng mga oras na iyon ay wala na ako sa Pilipinas. Sadyang mayayaman ang mga nakatira doon. Ang isang mala mansyon na mga tahanan ay nakatirik sa isang lupaing ilang ektarya ang sukat na napaliligiran ng bakuran. Kahit madilim na ay pinaganda pa rin ang mga bahay ng mga liwanang ng mga ilaw nito.
Tumigil kami sa harap ng isang malaking itim na gate. Marahil ito na ang bahay nila Randy. Pilit kong tinanaw ang kapaligiran ngunit sadyang mataas ang bakuran na binalutan ng halaman para masilip ko lang ang ikalawang palapag nito.
Dalawang nakaputing uniporme na mga babae na may edad na ang nagmamadaling nagbukas ng malalaking gate. Ibinaba ni Randy ang bintana niya at inilabas ang kanyang ulo dito.
"Bilisan niyo naman manang! Nagmamadali ako!" ang naiiritang pautos na sigaw niya sa mga ito na aking ikinabigla.
nang maibalik ni Randy ang kanyang ulo sa loob ay agad niyang kinuha ang kanyang magarang telepono na nakapatong sa kanyang dashboard at may tinawagang numero.
"Babe... I'm home... I'll be drinking tonight with my team mates and Jasper is with me now. Wanna join us tonight?... Want me to pick you up?... Alright, I'll just change first before I go there. I love you my one and only lady!" ang narinig ko lang na malambing na sinabi ni Randy kay Alice sabay baba nito ng telepono.
Napuna niya akong nakatingin sa kanya.
"What?! Is there something on my face, Jasper?" ang naiirita niyang tanong sa akin. Hindi na ako nakasagot at tumingin na lang ng diretso sa harpan ng kotse.
Nang makapasok ako sa sala ay sabay turo si Randy sa isang upuan sa kanilang napakalaking sala. Ang kanilang sala set ay gawa lahat sa nara na magandang maganda ang pagkakagawa at bumagay ang napakakintab nitong barnis sa kabuuhan ng kanilang sala.
"Dun ka muna umupo magbibihis lang ako." ang pautos niyang sinabi sa akin sabay alis ng kanyang suot na jersey. Bumungad sa aking harapan ang mamulamula at napakakinis niyang dibdib. Puna ko ang mga buhok na nagmumula sa kanyang pusod pababa sa loob ng kanyang suot na shorts na panglaro. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanyang pares ng mga mamula-mulang mga utong.
Nang tuluyan niyang maalis ang kanyang jersey ay agad akong tumingin sa ibang bahagi ng sala at nagpatuloy sa pagmamasid sa ganda ng kanilang tahanan.
Hindi na ako pinansin ni Randy at nagmamadali itong umalis marahil upang tunguhin ang kanyang silid para magbihis.
Ilang sandali lang ang lumipas at bumalik si Randy na ganoon pa rin ang kanyang ayos.
"Akala ko ba magbibihis ka na?" ang naiinis kong tinanong sa kanya habang siya naman ay nakatingin sa akin. Maamo ang kanyang mga mata sa pagkakataong ito at mayroon nanamang matamis na ngiti sa kanyang mga labi.
"Hindi ka ba susunod sa akin? Tignan mo yang damit mo buong araw mo na suot, Jasper. Halika, pahiramin muna kita ng masusuot. Pambahay lang naman ang susuutin natin." ang maayos niyang pakikipag-usap sa akin na bakas naman ngayon sa kanya na may pakialam siya sa akin.
"Hindi kita maintindihan. Ang gulo mo!" ang naiinis kong sagot sa kanya.
"Pasensiya na ha? Pressured lang siguro ako. Tara, akyat na tayo sa kuwarto ko para makapagbihis na tayo." ang sabi niya habang nanatili ang kanyang matamis na ngiti sa kanyang mga labi.