webnovel

KABANATA 34

Marilou Point of View

Kanina pa ako titig na titig saking sarili mula sa salamin, pinipigilan kong tumulo ang aking mga luha, habang kuyom ang dalawa kong kamao. Napabuntong hininga ako at dali-daling inayos ang aking sarili.

"Maam hinihintay na po kayo ni Sir," marahan akong napalingon saking likuran. Bumungad sakin si Cheche. Ihahatid ako ni Clifford ngayon sa University at simula nong makauwi kami sa bahay ay hindi kami masyadong nag-uusap.

Pababa ako ng hagdanan, kitang-kita mula sa hagdanan na naghihintay sya sakin mula sa sofa. Napalingon sya sakin ng makababa ako sa huling  palapag. Dahan-dahan syang tumayo na nakapamulsa at walang ekspresyon akong tingnan.

"Late kana sa klase mo," ma awtiridad niyang wika. Umirap ako bago sya tinalikuran at tumungo sa parking lot. Bubuksan ko na sana ang pintoan ng kotse ng bigla niya akong inunahan.

Sinamaan ko sya ng tingin!

"Kaya ko na, I dont need your help." usal ko na ikinagalit niya. Inagaw ko ang pintoan at padabog na sinara iyon. Pinapanuod ko syang umikot at pumasok sa driver seat, hindi ko sya magawang tingnan at ramdam na ramdam kong nakatitig sya sakin.

"I don't know why you went back to being maldita, hindi na kita maintindihan, Marilou." suhestyon niya. Napasulyap ako sa kanya na kuyom ang magkabilang kamao. Naglaban kami ng titig, ang kanyang titig na may paawa effect at ako na sobrang galit.

"Edi huwag mo akong kausapin, huwag mo akong intindihin. Fuck!" mura ko at padabog na tumagilid sa upoan. Naramdaman ko ang buntong hininga niya.

Maging sa byahe ay hindi na niya ako kinausap, ayaw na ayaw ko talaga syang tignan dahil nagagalit ako sa mukha niya. Nagagalit ako kong pano kami nagpalitan ng masasakit na salita sa hospital.

~Flashback~

Nakatitig parin ako kay Clifford dahil hindi niya magawang magsalita. Hinintay ko syang magsalita dahil gusto kong malaman ang totoo.

"babe sabihin mo sa kanya," si Zei na paulit-ulit sumasambit. Kanina ko pa ramdam na ramdam ang aking galit.

"Anong nga ba dapat ang sasabihin mo sakin Clifford? May dapat ba akong malaman?" salita ko na mas lalo niyang ikinatahimik. "Sabihin mo, nang sa ganon ay matapos ang usapan na ito." galit kong wika, kuyom ang dalawa kong kamao.

"Wala akong dapat sabihin, dahil alam ko ang ginagawa ko." depensa niya, natawa ako ng mahina bago tignan si Zei na ngayon ay galit ang mukha.

"Okay....if you dont tell me, lets just go home." suhestyon ko na ikinasigaw ni Zei.

"No," aniya na hingal na hingal. "Clifford huwag mo akong iwan." isa-isang tumulo ang luha niya habang sinasabi iyon. Tinignan ko si Clifford at igting panga niya akong tinititigan, ramdam na ramdam ko ang galit niya.

Sobrang sakit sa puso, pakiramdam ko naging maldita ako. Dahan-dahan naglakad si Clifford palapit kay Zei at agad ko namang hinuli ang braso niya, naglaban kami ng titig.

"Uuwi ka o maghihiwalay tayo?" nanlaki ang mata niya sa tanong ko. Napasulyap ako kay Zei at walang emosyon syang nanuod samin. Naramdaman kong umusog si Clifford palayo rason kong bakit nabitawan ko ang braso niya.

Napapikit ako! Sobrang sakit na sakit.

"Hindi mo dapat sinasabi yan, dahil hindi ako bata, Marilou." sa sinabi niyang iyon ang bagsak ang magkabila kong balikat. "At hindi mo maaaring gawin yan dahil alam mo kong ano ang gusto kong mangyari diba? Alam mo ang lahat nang ito." pagtatama niya, umiwas ako ng tingin. Gusto nang tumulo ang aking mga luha ngunit pinipigilan ko parin.

"My only question is will you go home or we will separate? Pero hindi mo magawang sagotin dahil natatakot kang mamili saming dalawa." salaysay ko na ikinakunot ng kanyang noo. "Well, maybe I already know your answer, Clifford." dahan-dahan akong naglakad patungong pintoan.

Oo inaamin ko, hinintay ko syang pigilan niya ako ngunit hindi niya ginawa. Tuluyan na akong lumabas ng kwarto, dali-dali akong lumabas ng hospital na luhaan. Panay tulak ko saking dibdib dahil sobrang sikip na talaga at halos sasabog sa sakit. Panay hawi ko saking mga luha at hinanap kong nasan nakapark si Mang Cholo.

Sobrang bilis ng pangyayari dahil may biglang humila saking braso. Nagtama ang aming mga mata, ang kanyang mata na puro galit.

"Hindi mo dapat ginawa yon, Marilou. Alam mong mahal kita pero huwag mo sana akong papiliin." hingal na hingal niyang salaysay. Binawi ko ang aking braso at hindi niya ako binibitawan.

"Ikaw pa ngayon ang galit?" usal ko. "Ikaw pa talaga ang may ganang magalit sakin? Pano naman ako? Alam mo ba kong ano ang nararamdaman ko huh? Minsan mo na bang tinanong kong okay lang ba ako, kong okay ba ako sa ginagawa nyo, kong okay lang ba sakin na hinihiram ka nila sakin, at kong okay lang ba sakin na makita ko kayong magkayakap, at kong okay lang ba sakin na nagpupuyat ka araw-araw dahil halos na kay Zei ang atensyon mo." salaysay ko habang umiiyak, masama ko syang tinititigan sa sobrang sakit. "Putang'ena Clifford, ni minsan hindi mo yan tinanong. Ang unfair mo!!!" sigaw ko at malakas na binawi ang aking braso. Napaatras ako sa hinawi ang aking mga luha sa mata.

Wala syang masagot at tanging paghilot lang ng kanyang sentidu.

"Fuck!!!!" sigaw niya at napahilamos. "Im fucking tired!!!!!" sigaw niya ulit, ibinalik niya ang tingin sakin na sobrang galit. "Oo inaamin ko hindi ako perpektong asawa mo, pero fuck Marilou nahihirapan narin ako sa sitwasyon ko. Hindi mo alam kong gano ako nasasaktan sa tuwing nag kakaganyan ka! Asawa kita at may responsibilidad ako sayo." halos pabulyaw ang kanyang boses, natawa ako ng mahina.

"Edi lumabas narin ang totoo, na pagod kana sa relasyon natin. Pagod kana sa bweset na arrange marriage na ito. Tutal sa papel lang naman tayo kasal diba? Edi taposin na natin ito." sigaw ko na may tawa. Nababaliw na ako dahil bigla ko iyong nasabi. Natulala si Clifford sa narinig, lumapit sya sakin at hinawakan ang magkabila kong braso.

"Hindi mo naiintindihan ang point ko, may sakit yong tao Marilou, at gusto niya pang mabuhay. Dont be selfish!!" naitulak ko sya dahil sa sinabi niya. Napahagulgol ako ng iyak. Kuyom na kuyom ang dalawa kong kamao!

Ang sakit niyang magsalita, kahit kailan ay hindi ako naging selfish sa kanya.

"Bakit Panginoon ka ba? Dios ka ba? Hawak mo ba ang buhay ni Zei?" sa puntong ito ay natatawa ako kahit umiiyak. Igting panga niya akong tinignan, nakakuyom narin ang magkabila niyang kamao. Hindi ako nagpatalo, napapikit ako at gusto ko nang magsalita ng sobrang sakit. "Kong mamamatay edi mamamatay!!!!" bulyaw ko na ikinalapit niya sakin.

Sobrang bilis ng pangyayari at napapikit ako sa malakas na kalbog saking giliran. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mata at sinundan ang braso niya mula sa gilid ng aking mukha. Nanlaki ang mata ko dahil sinuntok niya ang kotse mula saking likuran.

Hingal na hingal syang humarap sakin. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga.

"Huwag mong sabihin yan!" ma awtoridad niyang wika. Nanlaki ang mata ko dahil may dalawang botel ng luha ang tumulo sa kanyang mata. Napahawak ako saking bibig!

Titig na titig sakin si Clifford, halos matumba ako sa sikmura ko ngayon. Hindi ko maintindihan dahil nagsimula ulit umasim ang aking lalamunan. Hindi ko nagawang pigilan at mabilis kong itinulak si Clifford at sumuka sa gilid.

Napaiyak ako dahil ang iilang suka ay dumaan saking ilong. Napayuko ako at napatulak saking tiyan. Nanghina ako sa kinatatayuan ko ngayon. Naramdaman ko nalang bigla ang kamay ni Clifford saking likuran. Hinimas-himas niya ang likod ko!

"Okay ka lang? Ano bang kinain mo at bigla ka nalang sumuka?" natataranta niyang tanong. Umiling lang ako at napaiyak na parang bata. "Pumasok tayo sa loob, kailangang matignan ka." inalalayan niya ako ngunit pinigilan ko sya.

Nagtama ang mga mata naming dalawa, hinawi niya ang luha ko, napapikit ako.

"Umuwi na tayo please!" mas lalo akong napaiyak pagktapos saibihin iyon. Dahil sa totoo lang ay pagod na pagod ako sa araw na ito. Dahan-dahan tumango si Clifford at binuhat ako.

Maging sa pag uwi namin ay hindi na kami nag-uusap at hinayaan niya akong matulog nalang.

~Enf of Flashback~

Hindi ko sya magawang tignan habang nagmamaneho sya. Hanggang sa dumating kami sa University ay dali-dali kong inayos ang aking sarili, huminto sya sa gilid ng gate at aakmang lalabas ako ng bigla niyang hinila ang aking kamay.

"Ayaw kong pumasok ka sa klase mo na may galit sakin and I am sorry." nakangiti niyang wika. Nagtaas ako ng kilay.

"Okay," sagot ko at binawi ang aking kamay ngunit hindi niya ako binibitawan. "Papasok na ako sa loob, can you please release me?" pagbabanta ko at dahan-dahan niya akong binitawan. Sa puntong ito ay narinig ko ang mahina niyang tawa, lumingon sa kanya na galit. "Anong nakakatawa?" usisa ko umiling sya bilang sagot.

Bumagsak ang mata ko sa phone niyang tumutunog. Nabasa ko iyon at alam na alam kong pangalan iyon ni Zana, sa pangalawang pagkakataon ay ako na naman ang tumawa ng mahina. Napalingon sya sakin!

"Mukhang kailangan kana sa hospital, Doc. Tinatawag ka na ng pasysente mo." padabog kong sagot at mabilisang binuksan ang pinto at padabog iyong sinara. Dali-dali akong naglakad papasok ng University.

Inaamin ko, nasaktan ako sa nakita kanina kaya dinaan ko nalang sa pagmamaldita. Hindi pa ako nakapasok sa room ko ay biglang tumunog ang aking phone. Dali-dali ko iyong kinuha at bumungad sakin ang text ni Clifford.

Husbie:

I already made an appointment with my friend, and you need to check up later. I'll pick you up after lunch. I love you so much, please take care of yourself, asawa ko.

Napahawak ako saking bibig habang may iilang botel ng luha saking dalawang mata. Tumingala ako upang pigilan ang mga luha na gusto pang pumatak. Mahal na mahal din kita Clifford, hindi ko lang talaga alam kong bakit ako nag kakaganito.

Bigla akong kinabahan sa text mo, bigla akong natakot sa iilang araw na pagsusuka ko.

下一章