HAZEL
"Good morning officers. I called this meeting for an important announcement," pahayag ni Mrs. Cordova, ang adviser ng student council pagkarating nito sa S.C. office.
"Good morning Mrs. Cordova," bati rin namin at sabay-sabay nang umupo.
Halos lahat ng officers ay nandito sa S.C. office maliban kay Dee kaya labing-isa lang kami ngayon. May mahabang mesa sa pagitan ng mga officers at ako ang nakapwesto sa pinakaharap. Katapat ko naman si Lucas at si Mia naman ang katabi nito. Si Mrs. Cordova naman ay nakatayo sa harapan namin at may hawak na white folder.
"Dahil nalalapit na naman ang celebration ng annual events dito sa Maximillian University, ang student council ang naassign sa upcoming pageant event. The upcoming pageant event will be held two to three weeks from now and as officers, I want you to plan and prepare for this. Any violent reactions?" mahabang anunsyo ni ma'am.
Pagkasabi nito ay biglang nagbulong-bulungan ang mga kapwa ko officers samantalang ako naman ay nag-iisip kung ano ang pwedeng gawin dahil ngayon lang kami naassign sa isang pageant event.
Napansin kong biglang nagtaas ng kamay si Mia kaya tinawag siya ni ma'am.
"Yes Ms. Santos?" tanong nito kay Mia.
"Pwede po bang sumali kapag student council officer?" at nakakalokong tumingin sa akin si Mia.
"Of course, Ms. Santos. May balak ka bang sumali?" tugon ni ma'am dito.
"Ay hindi po ako ma'am. Gusto raw po kasing sumali ni Ms. President," nakangiting sagot nito at itinuro ako.
Bumaling naman sa akin si Mrs. Cordova at tinanong ako kung totoo ba 'yong sinabi ni Mia. Hindi kaagad ako makasagot dahil wala naman akong sinabi. Samantalang ang mga ibang officers naman ay biglang tumahimik at nakatingin lang sa amin ni ma'am. Tila naghihintay kung ano ang magiging sagot ko.
Saglit naman akong tumingin kay Mia at pinandilatan ito ng mata at ang bruha ay nginisian lang ako. Dahil hindi naman big deal sa akin ang pagsali ay sumagot na ako kay Mrs. Cordova.
"Opo ma'am, gusto ko pong sumali sa pageant," desidido kong sagot.
Ngumiti naman si Mrs. Cordova sa akin habang ang mga ibang officers ay naghihiyawan lalo na ang mga lalaking may pasipol-sipol pa.
"Okay, that's settled then. Ang gagaling niyo talaga. Itatanong ko pa lang sana sa inyo kung sino ang willing na magrepresent ng organization natin pero meron na agad kayong napili. Very good officers," puri sa amin ni ma'am.
Mayamaya ay pinag-usapan na namin kung ano ang mga dapat gawin at kakailanganin, ang magiging venue, palamuti at kung ano-ano pa. Sinabihan din kami na magpasa kami ng plan at mga documentations. Nagkaroon pa ng ilang palitan ng mga suhestiyon hanggang sa magkasundo ang lahat.
"That's all for today, officers. Thank you for your cooperation and don't forget your attendance. Ms. Chua, ikaw ng bahala rito. Meeting adjourned," pagkasabi nito ay umalis na si ma'am at naiwan na kami.
Nang mailapag ko na ang attendance ay nagpaunahan na silang lahat at bago pa sila makaalis ay nagpatawag ulit ako ng meeting para mapag-usapan na namin ang tungkol sa upcoming pageant event.
Nang nakaupo na ulit sila ay tumayo na ako sa harap at nagsalita na.
"So guys, narinig at naintindihan niyo naman kung ano ang napag-usapan natin with Mrs. Cordova 'di ba? Ifinalize na natin lahat para wala ng problema. Iaassign ko na rin kayo para lahat ay kumikilos at mabilis tayong matapos," seryoso kong paliwanag sa kanila.
"Masusunod po Miss Hazel," nakangiting sagot naman ni Lance, ang aming treasurer. "Ahmm Miss Hazel, buti na lang at naisipan mong sumali. Gusto ko kasing sumali ka dahil napakaganda at talino mo. Ikaw ang pambato ko."
Biglang naghiyawan at nagkantyawan ang lahat nang marinig ang sinabi ni Lance at hinampas-hampas pa nila ang mesa na nakapagpadagdag ng ingay sa buong office.
"Narinig mo 'yon girl? Ang ganda mo raw, haba ng hair!" pang-aasar na naman sa akin ni Mia.
"Apir tayo diyan brader! Para-paraan kay crush ah," panunukso rin ni Lucas kay Lance.
Di ko na lamang sila pinansin at hinintay ko na lamang na tumahimik sila. Nang mapansin nilang tahimik ako ay 'tsaka lang sila nagsitahimik. Idinismiss ko na rin sila pagkatapos.
Kaming tatlo nina Mia at Lucas ang natira dito sa office at nagkwentuhan lang kami saglit.
"Guys, nakita niyo ba si Dee? Dalawang araw na kasi siyang wala," tanong ko sa dalawa.
"Ay girl, hindi eh. Baka busy lang si fafa Dee mo. Tinawagan o tinext mo na ba siya? Try mo ring puntahan sa classroom nila, baka ando'n si prince charming mo," loko-lokong sabi ni to sa akin.
Nagpaalam na ako sa kanila at umalis na ng office. Tinawagan ko ulit si Dee pero dumidiretso lang sa voicemail. Nagtext na rin ako, nagbabakasakaling magreply siya. Marami akong gusting sabihin sa kanya.
Pumunta na ako sa classroom nila Dee pero 'yong prof na lang ang nandoon kaya dito ako nagtanong. Wala daw si Torregozon at absent na naman.
Nag-aalala na tuloy ako kung ano ng nangyari kay Dee at kung nasaan na siya. Habang naglalakad ako ay bigla na lang akong napatapik sa ulo ko.
Ba't hindi ko naisip si Lucy! Masyado ko na atang iniisip si Dee.
Tiningnan ko ang aking phone at di ko namalayan na alas-dose na pala ng tanghali. Dumiretso na ako sa canteen dahil nagugutom na ako. Baka andoon si Lucy.
Nag-order na ako ng pagkain at pinuntahan ang lugar kung saan lagi kaming kumakain ni Lucy. Pagkarating ko do'n ay wala akong Lucy na naabutan. Kadalasan ay nauuna ito sa akin kaya tinawagan ko rin ito pero sa voicemail din dumideretso ang tawag ko.
Nagmadali na akong kumain dahil pupunta ulit ako sa classroom nila Dee para tanungin si Lucy. Nang matapos akong maglunch ay umalis na ako pero sa di inaasahan ay nasalubong ko ang bitch na captain ng cheerleading squad.
Sa pagkakaalam ko ay Kate ang pangalan nito na laging kasama si Dee ko. Isipin ko pa lang ay nag-iinit na ang ulo ko. Kasalukuyan itong nakatingin sa akin kaya tinaasan ko ito ng kilay.
I don't like her lalo na sa pinaggagaawa niya kay Dee ko. Kung di dahil kay Lucy, hindi ko malalaman ang mga 'yon. Dee doesn't deserve that kind of treatment.
Bakit gusto ka rin ba ni Kate? What if alam niya kung nasaan si Dee ngayon?"
Hindi ko naisip ang bagay na 'yon ah. Baka alam ng bitch na 'to kung nasaan si Dee kaya ibababa ko muna ang pride ko at magtatanong.
"Do you know where Dee is?"
"Where is Andy?"
Sabay naming tanong sa isa't isa. Nakatingin lang kami sa isa't isa at mukhang walang may balak magsalita kaya nagsimula na akong maglakad nang bigla niyang hinawakan nang mahigpit ang kaliwang braso ko.
"Where are you going? I'm still talking to you," mataray nitong sabi sa akin.
"To Lucy," tipid kong sagot at hinigit ang braso ko. Bigla itong ngumisi at mabilis na tumakbo paalis.
Nang mapagtanto ko kung ba't ito tumakbo ay sumunod na rin ako. Ang tanga-tanga mo Hazel! Ba't mo sinabi, eh kung maunahan ka kay Dee mo?
Hingal na hingal kaming nakarating sa classroom nila Dee at naabutan naming nagreretouch si Lucy.
"Lucy!" sabay na naman naming tawag dito kaya napahinto ito sa ginagawa at gulat na gulat na lumingon sa amin.
"Anong gina--"
"Where is Andy?"
"Where is Dee?"
"Wala si Drew, may s--"
Biglang tumunog ang phone ko at maging ang kay bitch. Tiningnan namin kung sino ang nagtext. Napatingin na lamang kami sa isa't isa nang mapagtantong mula sa iisang tao galing ang text na aming natanggap.
Wala na akong inaksayang oras at mabilis na tumakbo papuntang parking lot. Hindi rin nagpahuli si bitch at sumakay din sa kotse niya.
Pagkarating namin sa bahay nila Dee ay sabay na naman kaming pumasok at dumiretso sa kwarto nito. Hindi na kami nag-abala pang kumatok. Nadatnan namin itong nakahiga at balot na balot ng kumot.
Mabilis kaming lumapit dito at tinanggal ang nakabalot na kumot. Sabay naming sinipat ito at halos mapaso ako dahil sa sobrang init ni Dee.
"Oh Andy," tanging sambit ni bitch at niyakap si Dee nang mahigpit kaya bigla itong umingit at dahan-dahang nagdilat ng mata.
"K-Kate? H-Hazel?" nanghihinang tawag sa amin ni Dee.
Hinawakan ko naman ang kamay ni Dee at pinisil ito. "Don't worry baby. Dito lang ako sa tabi mo. Aalagaan kita," masuyo kong sabi kay Dee at hinalikan ito sa noo.
Ngunit saglit lang 'yon dahil may asungot na tumikhim at marahas na hinila ang kumot kaya bigla akong napalayo kay Dee. Nanlilisik ang mga matang nakatingin ito sa akin. Ngumisi na lamang ako rito na mas lalong ikinadilim ng mukha niya.
"Aalis muna ako at magluluto ng sopas. Ikaw na munang bahala kay Dee. Palitan mo na rin siya ng damit. 'Di bale saglit lang ako," bilin ko kay asungot.
"Just go and don't tell me what I'm going to do because I know what I'm going to do. And please, ayusin mo ang pagluluto, baka magkasakit lalo si Andy," mataray nitong sabi sa akin at inirapan ako.
Bumaba na ako at pumunta na sa kusina para magluto ng sopas. Tiningnan ko naman kung may mga ingredients na pwede at buti na lang ay hindi ako nabigo. Ginaganahan akong magluto ngayon dahil para sa taong gusto ko ang aking ihahain.
Sasarapan ko ang luto para magustuhan at gumaling agad ang baby ko.
Lumipas pa ang ilang minuto ay natapos na akong magluto at naghain na para sa aming tatlo at syempre espesyal ang para kay Dee ko. Nang okay na ang lahat ay umakyat na ulit ako pabalik sa kwarto ni Dee habang dala ang isang tray.
Pagpasok ko ay wala akong nadatnan. Ibinaba ko muna sa may bedside table ang tray nang makarinig ako ng parang may umuungol. Lumapit ako kung saan nanggagaling ang tunog na iyon at huminto ako sa pinto ng cr at kumatok.
"Dee? Okay ka lang ba?" sigaw ko at pilit na binubuksan ang pinto pero ayaw bumukas. Biglang tumahimik sa loob. Kumatok ulit ako pero mas malakas na.
"Just fucking stop knocking on the door! Just wait, you're disturbing us," sigaw naman ng nasa loob at mababakas ang iritasyon sa boses nito.
Nagsimula ng uminit ang ulo ko dahil sa asungot na 'yon. Subukan niya talagang may gawing hindi maganda kay Dee ko. Ora mismo lalagyan ko ng ihi ng daga 'yong sopas niya.
Umupo na ako sa may gilid ng kama at hinintay silang dalawa. Labinlimang minuto na ang lumipas pero di pa rin sila lumalabas. Nang tatayo na sana ako ay nakarinig ako ng impit na ungol. Paglingon ko ay akay-akay ni asungot si Dee at talagang nakapasok pa ang kaliwang kamay nito sa loob ng hoodie na suot ni Dee at malandi pa itong tumatawa.
"Dee! Ayos ka lang ba? Anong ginawa ng babaeng 'to sa'yo?" bungad ko at sinalubong si Dee.
"Don't worry about Andy. Pinalitan ko lang siya ng damit and of course, we had fun together inside the bathroom," nakangising sagot nito at makahulugang tumingin kay Dee na ngayon ay nakayuko na.
Inalalayan ko na rin si Dee sa kabila upang mabilis namin siyang maihiga sa kama. Nang maiayos na namin ang pwesto niya ay kinuha ko na ang isang bowl ng sopas para kay Dee at sinimulan na siyang pakainin.
"Dee, kainin mo 'tong sopas para magkalaman ang tiyan mo at gumaling ka," sabi ko rito at hinipan ang sopas 'tsaka dahan-dahang isinubo ito sa kanya. Nang susubuan ko uli si Dee ay may asungot na naman at sinubuan din ang baby ko.
Sa buong pagkain namin ay salitan naming sinusubuan si Dee at hindi niya alam kung kanino ang isusubo. Nang patapos ng kumain ay umalis na si asungot at ilang saglit pa ay may dala itong isang basong tubig.
"Andy, take your medicine na para gumaling ka na at makapaglaro na tayo sa kama. Ayokong sa ganitong paraan ka nag-iinit," malanding sabi nito 'tsaka isinubo kay Dee ang gamot at pinainom ng tubig.
"Excuse me, hindi pa pwedeng maggalaw-galaw si Dee kahit na gumaling na siya. Baka mabinat siya, better kung lumayo-layo ka muna sa kanya," paalala ko rito at seryosong tumingin kay asungot.
Tumingin naman ito sa akin at tinaasan ako ng kilay. "No problem. Hazel right? E'di ako ang gagalaw para sa kanya tutal mas gusto ni Andy 'yon," sabay ngiti sa akin ng nakakaloko.
Di na ko na siya pinansin pa at lumabas na para iligpit ang aming pinagkainan. Minadali ko lang ang pagliligpit at bumalik na agad. Pagbalik ko ay nakahiga na rin si asungot sa tabi ni Dee at hati sila sa iisang kumot. Nakasiksik ito sa leeg ni Dee at hindi nakaligtas sa akin ang paggalaw ng kamay nito sa ilalim ng kumot.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at tumabi na rin ako kanan ni Dee at nakihati rin sa kumot. Isinampa ko na ang legs ko sa hita ni Dee at niyakap siya nang mahigpit. Pagtagilid ko paharap kay Dee ay dilat na dilat at nakakamatay na tingin ang ipinupukol sa akin ni asungot ngayon.
Akala mo ikaw lang may karapatang tumabi kay Dee. Syempre ako rin. Manigas ka diyan.
Nginitian ko si Kate ng pagkatamis-tamis at ipinikit na ang aking mga mata. Di ko namalayang nakatulog na ako dahil sa mabangong amoy at init ng katawan ni Dee na nagbibigay ng kakaibang sensasyon sa aking kabuuan.