webnovel

Chapter 45

"Hello. Si McKenzie?" tanong ni Kale sa mga kaibigan nito na kumakain. Nasa canteen sila ngayon, kasalukuyang nanananghalian.

"Kain. Baks?! Ay nandito ka na?! When ka dumating? Pasalubong!" sigaw na bati ni Johansen sa kaibigan. Ngumiti lang siya bilang sagot.

"Kale! Tara kain! Wala si Mc. Busy siya. Ba't mo siya hinahanap?" sagot ni Silver.

"Pakisabi na lang sa kanya na pinapapunta siya sa student council office."

"Sinong nagpapasabi?" wika ni Johansen habang kumakain.

"Si Ashley." Tumaas naman ang kilay ng baklang kaibigan.

"Ichachat ko na kay Zie ngayon. Need na ba niyang pumunta ngayon? Para saan ba yan?" sabat naman ni Tyler kaya napatingin ang mga kaibigan nito.

"Hindi ko rin alam. Basta pakisabi na lang guys sa kanya. Salamat."

"Ba't hindi mo na lang siya ichat? May phone ka naman. Ba't kami pa ang inuutusan mo? Ichat mo na lang kasi siya baks. Close naman na kayo diba?" panunukso ni Johansen. Napangisi si Tyler at Silver. Napansin naman ito ni Johansen at may naglalaro na naman sa isip ni bakla.

"Wala akong load. Alis na ako," walang ganang sagot niya.

"Nahihiya pa eh! Oo na sige na baks, wala ka ng load. Nag-iinarte pa, sige na layas na!"

Paalis na si Kale nang saktong kararating lang ni Natalie matapos mag-order at tinawag siya nito ngunit di niya ito pinansin.

Sakto rin namang dumating si McKenzie at ipinatong ang LV niyang bag sa center ng table kaya nahinto ang mga kaibigan niya. Umupo siya sa tabi ni Tyler.

"Omg, I'm so haggard na," maarteng sambit niya sabay hilot sa sentido. Kanina pa siya busy sa mga pinapagawa sa kanila at may upcoming quizzes pa siya. "Ang daming quizzes. Di pa ako nakakareview!" rant niya sa mga kaibigan.

"So, who's gonna tell her?" maarteng sabi ni Johansen.

"Akala ko ba chinat mo na siya Ty?"

"Oo nga kaso dumating naman na siya-

"Punta ka raw kay Ashley ngayon na," sabat ni Reign sa kanila habang nagmml ito.

"As far as I am not concerned, she's not here. Don't start me with bullshits. Stressed na ako, dadagdagan niyo pa."

"Tanga! Mali-mali ka naman pre. Pumunta si Kale rito, hinahanap ka. Sabi niya punta ka raw sa student council office ngayon," pagtatama ni Black habang binebaby si Aubrey.

"Bakit daw?" Nagkatinginan naman sina Johansen at Tyler na tila nagkakaintindihan sila. Napansin niya ito. "Are you pranking me ha guys? Seriously, it's not funny."

"Pwera biro nga Mc. Punta ka raw sa student council office sabi ni Kale. Magkasunod nga lang kayo na dumating eh. Di rin niya sinabi kung bakit. Try mong pumunta nang malaman mo. Promise, walang halong joke."

"Samahan mo pala ako. Magcar na lang tayo, ang layo at mainit kasi."

"Hintayin mo ako rito. Subukan mong umalis," pagbabanta niya sa kaibigan nang makarating sila sa student council office.

"Basta wag mong tagalan. Five minutes lang."

Pagpasok niya ay nakareceive siya ng chat mula kay Ashley. Tumawag ito sa phone ng office at nag-usap sila. Halos naghintay ng kalahating oras si Silver sa labas.

Sa tagal ng pag-uusap ng magpinsan ay mas marami ang sagutan at tarayan nila sa isa't isa. Simple lang naman sana ang sasabihin sa kanya ni Ashley pero hindi talaga sila magkasundo. Padabog niyang ibinaba ang phone nang matapos dahil no choice siya.

Salubong ang kanyang mga kilay na lumabas.

"Anyare? Ba't nakabusangot ka?"

"Tangina talaga niyang Ashley na yan! Pagala-gala sa Germany ngayon tapos ang dami pala niyang responsibilities dito at sakin niya iiwan! Makakalbo ko talaga siya pag-uwi niya bwisit siya!" nanggigigil sa inis na sabi niya kay Silver at umalis na sila. Nakinig lang ito sa kanya.

"Edi patalsikin mo na lang siya rito para wala ka ng problem. Problem solved," malokong komento naman nito sa kanya.

"Matagal ko na sanang ginawa kaso hindi eh. That's impossible. I don't have any rights in this university. Ako nga ang tagapagmana but everything is problematic. It's my punishment from bullying Nixon," mahinang sambit niya.

"Pero okay naman na kayo diba? Pwede mo namang pakiusapan si Dad mo eh. Temporary lang yang punishment niya sayo. Sama kasi ng ugali mo ayan tuloy."

"Ihatid mo na ako sa room."

Nagpasalamat na siya nang maihatid siya nito. Dire-diretso lang siya sa paglalakad.

"Knight!" tawag nito upang mahinto siya. Nag-aalangan siyang batiin ito dahil natauhan siya na mali ang nararamdaman niya sa tuwing nakikita niya ito at magkalapit sila.

Malakas na naman ang kabog ng dibdib niya lalo na't nakangiti ito sa kanya. Mistulang bingi siya at dire-diretso pa rin sa paglalakad.

Tinawag ulit siya nito pero nakapasok na siya sa kanilang room.

Nagfocus na lang siya sa kanyang quizzes pero sumasagi pa rin sa isip niya si Kale. Napapamura tuloy siya sa kanyang isip nang mahulog ang kanyang calculator.

"Ms. Henderson, what's that noise?" tawag sa kanya ng professor nila sa accounting.

"None sir. I only dropped my calculator sir."

She was done with her classes at nang uwian nila ay kanina pa naghihintay sa kanya si Kale, may dala itong black paper bag.

Huli na bago pa siya makatakas. Napansin na agad siya nito at nilapitan.

"Not here. Follow me." Nagmamadali siyang naglakad habang nakasunod ito sa kanya.

"Iniiwasan mo ba ako? May problema ba?" nag-aalalang tanong ni Kale sa kanya.

"Hindi. Busy lang. Lots of paperworks to do. May kailangan ka ba? Nagmamadali na rin kasi ako," palusot niya kahit na iniiwasan talaga niya ito.

"For you. Pasalubong ko sayo from Thailand. Bye Knight. Ingat ka palagi," at nginitian siya nito.

Pilit niyang itinatago ang kilig na nadarama ngunit nakangiti na rin siya.

"Di ka pa uuwi?"

"Isasabay mo ba ako?" hirit nito sa kanya. Hindi siya nakasagot.

"Biro lang! Mamaya pa ako. May training pa kami. Bye!" at umalis na ito.

Sunod-sunod naman siyang binusinahan ni Silver.

"Hoy malandi! Tara na! Mamaya ka na ngumiti-ngiti diyan! Sakay na!"

Inirapan niya ito at umalis na sila.

"Close na talaga kayo ni Kale no? Himala, kumakaibigan ka na ng mahirap. Alam ko choosy ka sa friends eh. Anong laman niyan? Shabu?"

"Magdrive ka na lang pwede? Adik ba siya? Mahirap ba yong galing ng Thailand tapos nag-aaral pa sa Henderson University? Kahit na scholar siya, sobrang mahal pa rin ng expenses sa university," katwiran niya.

"Adik sayo yie! Wala naman siyang binabayaran sa Henderson ah. Free siya lahat. Bukod sa scholar, varsity pa siya kaya anong pinagsasabi mong mahal ang expenses. May trabaho naman siya at may sinusuportahang anak. Cheap flights naman sa Thailand. Mayaman siya kung galing siyang Europe lalo na sa Switzerland or Luxembourg. Ikaw nga ginagawa mong uwian ang Switzerland, siya pa kaya na Thailand lang."

"What the fuck?! May anak na siya? How did you know? Legit ba?" di makapaniwalang sabi niya. Gusto niyang malaman ang totoo, dahil kung totoo, yari siya. "Wag ka ngang judgemental, porket Thailand lang napuntahan niya, poor na agad. Di mo naman siya lubusang kilala."

"Ba't ikaw? Lubusan mo ba siyang kilala? Hindi mo nga alam na may anak na siya. Ngayon alam mo na dahil sinabi ko sayo. Yan ang kwento samin ni bading. Kaya nga may trabaho raw siya. Kung di ka pa rin naniniwala, ask her."

Natahimik na lang siya hanggang maihatid siya nito sa condo niya.

Itinapon na lang niya basta ang pasalubong sa kanya ni Kale at tila may nabasag matapos niya itong itapon.

Nabasa ang paper at kumalat ang likido sa carpeted floor niya. Matapang ang amoy.

"Tanginang buhay talaga!" naisigaw na lamang niya sa matinding frustration. "All this time, pinagloloko mo lang ako Nixon Oliveros! Bullshit ka! May anak ka na pala tapos todo halik ka sakin! Tangina mo talaga! Manloloko! Tapos ako nagpauto rin! Mabulok ka sana sa impyerno!"

Tumawag na siya ng katulong upang linisin ang kalat niya. Di niya palalampasin ang mga pinaggagagawa sa kanya ni Kale at sisiguruhin niyang magdurusa ito.

***

Wag lang talaga siyang magkamaling magpakita sakin! Lahat na lang manloloko! At ako pa talaga ang nilalapitan! wika ng kanyang isip.

Nagsimula na ang kanyang klase at ganadong-ganado siya sa kanilang recitation. She's acing in every class she has.

Nagdidiwang ang loob niya sa tuwing hindi makasagot ang mga kaklase niya at sinasabihang mga inutil sa kanyang isip. Dahil totoo naman.

Their lunch break came.

Sama-sama silang magkakaibigan sa cafeteria. Nakaupo na ang lahat at nagsimula nang kumain nang dumating si Kale. Niyaya ni Johansen.

Siya agad ang hinanap nito at tatabi na sana nang inunahan siya ni Natalie. Kalmado lang siyang sumusubo ng chicken at hindi ito pinapansin.

"Hi Nic! Namiss kita!" sabay yakap ni Natalie kay Kale na naiirita. Inaabot na ni Natalie ang vanilla shake niya nang tabigin ni McKenzie ang braso nito at natapon kay Kale ang vanilla shake.

"Sorry Nic! Di ko sinasadya! Sorry, sorry talaga! Si Kenz kasi, sinagi ako-

"Nananahimik lang ako rito," unbothered na sagot niya lang. "I'm done guys. Alis na ako," at dinampot na niya ang kanyang Hermés bag.

"Where are you going na bitch?" maarteng tanong sa kanya ni Aubrey.

"Oh, buhay ka pa pala, bestie. There lang ako pupunta. Sama ka?" at umalis na silang tatlo.

"Kenzie, are the rooms here soundproof or not?" pilyang tanong ni Aubrey nang makarating sila sa student council office.

"Why don't you try? Kung marinig ko kayong dalawa edi not soundproof but to maximize your time, iadjust mo na lang yong ungol mo. Paki-mute na lang kasi baka biglang tumawag yong pinsan kong demonyita. Maakusahan pang ako pokpok which I'm not," at magsimula na siyang tumipa sa iMac.

"You're fake. If I remember, you're worse than me."

"Shut up Aubrey! Just do it! Ang dami mo pang sinasabi." She started typing when she received a call from Ashley asking her na papuntahin si Kale sa office upang kausapin ito.

"Why don't you call her directly? Ba't kailangan pang ako? Utos ka nang utos-

"None of your business. Just do it!

She had no choice at padabog itong binabaan.

Pinuntahan agad niya ito sa gym at nadatnan niyang nagtetraining ito.

Nilapitan agad niya si Coach Rachel na nakatutok kay Kale at pinagpaalam si Kale. Isang tawag lang ni Coach Rachel dito ay agad na natigil ang laro at napatingin dito.

Hinihingal at pawisan na lumapit si Kale sa kanila. Tagaktak na ang pawis nito dahil sa pagod ngunit nakuha pa nitong nginitian siya nang makita siya.

Dinedma lang niya ito.

"Hinahanap mo raw ako? Miss mo na yata ako eh," kantyaw ni Kale sa kanya habang nagpupunas ito ng mukha at naglalakad sila patungong student council office.

"Kakausapin ka raw ni Ashley."

Natahimik na ang dalawa hanggang makarating sa office.

Habang magkausap na si Kale at Ashley ay siya namang kabusyhan ni McKenzie sa mga pagpirma ng mga documents.

Nahinto at nagkatinginan silang dalawa nang biglang may umungol.

"What was that? Was that McBitch and you?" Mabilis na tumanggi si Kale at bumalik sila sa kanilang pag-uusap.

Half an hour had paased at nakasimangot si Kale na bumalik kay McKenzie.

"Marami ka pang gagawin? Tulungan na kita," presinta ni Kale dahil napansin niyang stressed na si McKenzie.

"I can manage," masungit niyang sagot habang nag-aayos ng mga papeles at iniinput sa computer.

Napaisip naman si Kale kung may nagawa ba siya rito dahil ang sungit sungit nito sa kanya.

"Are you free later?"

Napataas naman ang kilay ni McKenzie. "And why?"

"Yayayain sana kitang kumain sa labas mamaya kung okay lang sayo?"

"Saan naman? Sa karinderya? No way."

Nagpout si Kale. "Masarap naman sa karinderya ah saka mura pa. Tara na mamayang uwian."

"Sunduin mo ko?" paghahamon ni McKenzie.

"May kotse ka naman di ba? Yon na lang ang gamitin natin," sabay kindat sa kanya.

"At sino ka para gamitin ang car ko? Ayoko. You can leave now," pagmamatigas niya ngunit di naman ito natinag sa mga pasindak niya.

"Marunong naman akong magdrive. Don't worry. Hintayin kita sa room mo mamaya ha? Bawal na umatras. Ang umatras pangit."

"Naniwala tanga."

Ninawakan lang siya ng halik nito sa pisngi na ikinagulat niya at bahagya siyang namula. "Daanan kita mamayang 6pm sa room mo. May training pa kasi ako ng basketball. Wag mo ako masyadong mamiss ha?" at nagflying kiss pa ito sa kanya bago tuluyang umalis.

"Tangina mo talaga, Nixon. Ang lakas mong landiin ako pero...may anak ka na ba talaga?"

***

Naiinip nang naghihintay si McKenzie sa hallway dahil 6pm na ay wala pa rin si Kale.

Madilim na at halos siya na lang ang tao sa kanilang building.

"Knight! Sorry, I'm late haha! Tara na?" at iminuwestra nito ang braso sa kanya. Di niya ito pinansin kahit alam niyang gusto nitong kumapit siya rito.

"Don't you dare to touch my LV bag! Mahal yan," pigil niya nang akmang kukunin nito ang kanyang bag.

Inasar lang naman siya nito. "Kahit bilhan pa kita ng sampung ganyan. Para LV lang eh ang mura mura lang niyan!"

"Oh talaga ba? Kaya mo bang bumili ng ganito? Baka fake lang ang alam mo kaya tigil-tigilan mo talaga akong bwisit ka. Alam mo ba meaning ng LV?"

"Oo naman! Anong palagay mo sakin ignorante? Di ba kasama niyan nong mga Prada, Fendi at Hermès? Mura lang naman talaga yang bag mo. I bet di limited edition yan. Dapat limited edition na lang bilhin mo para unique at ikaw lang ang may ganon. Mura lang naman. Kurot lang yon sa yaman mo."

"Bobo ka talaga. Ang layo naman ng sagot mo. Ba't ba nangingialam ka? If this is my type, be it. Edi kung gusto mo ikaw ang bumili. Ay oo nga pala, magkakarinderya lang pala tayo," ganti niya pero nakangiti lang ito nang malapad na tila inaasar siyang lalo.

"So, who's gonna drive? Ako or ikaw na? Don pa rin tayo sa dati na karinderya." Hindi mawala-wala ang ngiti ganon din ang pagkairita niya rito pero lihim din siyang natutuwa.

"Ako na! Baka ibangga mo pa tong Audi ko. Sakay na!" at sumakay na siya. Nakatayo pa rin ang kasama niya sa labas.

"Hindi mo man lang ba ako pagbubuksan ng pinto? Be gentlewoman naman! Ililibre na nga kita ng dinner-wait! Ito na sasakay na ako wait lang! Di ka talaga mabiro!" pagmamadali nito dahil aalis na siya.

"You like cars?" tanong nito sa kanya habang nasa biyahe sila.

"Di ba obvious?" mataray niyang sagot.

"Ke-babaeng tao mo pero para kang lalaki na naka-megaphone. Pwede ka namang sumagot nang malumanay. Ganyan ka rin ba sa iba? Akala mo may binging kausap eh. Iba ka talaga."

"Talagang mapapasigaw ka kung nakakabwisit ba naman yong kasama mo lagi na makulit na buntot nang buntot tapos tatanga-tanga pa!"

"Baka nakakalimutan mong scholar ako at magaling..." sabay tingin nito sa labi niyang nanunuyo na.

"Pervert! Manyak! Bastos!" Pulang-pula na siya at distracted kay Kale kaya pinatulin niya ang takbo at nakarating na rin sila sa karinderya.

May iilan pa ring kumakain. Pagpasok nila ay binati agad sila ng tindera lalo na si Kale at umorder na ito habang siya ay namimili pa.

"Ano ng sayo? Masarap naman yan lahat. Kung ayaw mo may fried chicken naman," sabi sa kanya nito matapos itong makapag-order.

"Wala bang pizza or burger?" maarteng tanong niya kaya napatingin ang tinderang naghihintay sa kanila.

"Best seller namin yang laing at sisig, ganda. Masarap yan. May chopsuey din at kare-kare. Pili ka lang ganda," nakangiting alok sa kanya ng tindera.

Natatawa sa tabi niya si Kale kaya lihim niya itong kinurot.

"Chopsuey and that one na lang. What's that again?"

"Kare-kare, ganda."

Umupo na silang dalawa.

"Kumuha ka na lang ng gusto mong inumin. Libre ko. Nakita mo na ba yong pasalubong ko? Ang sarap nong wine diba?" sabay subo nito ng dinuguan.

"I haven't. May alak pala but thank you for that. Naalala mo pa ako. How's Thailand?" sabay subo rin niya nang kaunti sa kare-kare.

"Boring but it was fun. Gusto mo bang sumama next time? Ngayon na lang din ako nakapagtravel dahil stress sa studies and work. Unlike you, pwede kang magtravel kahit kailan mo gusto at kahit saan pa."

"Perks of being rich, duh. Yeah but no thanks. Hanggang Europe lang kasi ako. If sa Europe yan, baka sumama pa ako sayo. Ayoko sa mga cheap."

"Let me guess, lagi kang sa Switzerland 'no? Typical country na gustong puntahan ng mga mahihirap or nong mga nangangarap. Boring din don pero mura lang din makapunta," simpleng sagot ni Kale na para bang normal lang sa kanya.

"Alam mo ang yabang mo talaga! Nakapunta ka na ba sa Switzerland to talk like that? You're lying right? I doubt na nakapunta ka na ron," di makapaniwalang sabi niya rito ngunit tinawanan lang siya nito.

"I went there once pero ang boring talaga promise kaya di na ako umulit pa. Palagi ka ata doon eh kaya sanay ka na pero not to offend you, di ko talaga trip sa Switzerland. Ang pangit talaga," sabay higop nito nang mainit na sabaw.

"Napakahangin mo talaga! So tell me, how come na nakapunta ka ron? Scammer ka ba or what? Parang lahat na lang ata na expensive may say ka? I bet you're a scammer," paratang niya pero umiling lang na natatawa ang kanyang kasama.

"Hindi ako scammer! Mahirap lang ako at may trabaho pero marami rin akong sinusuportahan. It's a long story. Wag mo ng alamin. Ang mahalaga kumakain ka ngayon ng libre ko."

"That includes your child di ba? Na sinusuportahan mo. Ba't mo pa ako niyayang kumain? Di ka ba hinahanap o hinihintay ng anak mo?"

Kumunot ang noo ni Kale. "Anong anak? Sinong anak?"

"Don't fool me. Maang-maangan ka pa. Of course you have a child-

"Ah! Wala yon. Hindi ako hahanapin non dahil may nag-aalaga namang iba. Gusto mo ba siyang makita? Di bale, isasama ko siya minsan at ipapakilala sayo. Paniguradong matutuwa yon dahil may bago siyang kalaro na ate."

Natahimik na lang siya sa sinabi nito lalo na nang makita niyang ngumiti ito matapos banggitin ang salitang ate.

Napaisip siya kung sakaling nagkaroon siya ng kapatid. She couldn't imagine na magkakaroon siya ng kahati sa mga bagay na mayroon siya dahil lumaki siyang ibinibigay lahat ng kanyang parents ang mga gusto niya. In short, she's spoiled.

"It's getting late. Tara na. Nabusog ka ba?" yaya sa kanya ni Kale matapos silang kumain.

"Malamang! Pinaubos mo sakin lahat tapos kung ano-ano pang binili mo na pinakain mo sakin!" Kale chuckled then she patted her head. Di naman siya makatingin nang diretso rito. Nagpasalamat na si Kale sa tindera at umalis na sila.

"Sana nabusog kita sa libre ko. Mag-iingat ka palagi sa pagdadrive, Knight," sabi nito sa kanya nang makasakay siya.

"Hindi ka ba sasabay? Get in the car nang makauwi na tayo." Kahit lagi siyang binubwisit nito ay di naman niya ito magawang tiisin dahil sa di niya malamang dahilan ay masaya siya sa tuwing magkasama sila at mabilis ding gumaan ang pakiramdam niya. Narealize din niyang nagkamali siya sa unang pagkakakilala nila dahil hinusgahan niya agad ito ng kung ano-ano. Ibang-iba pala ang ugali nito sa akala niya.

Caring at madaling pakisamahan.

Hindi rin niya inaasahan na ito ang magiging first kiss niya sa isang babae.

Aminin man niya o hindi pero mas gusto niya ang mga halik nito kumpara sa ex niyang doktor na si Royce Genesis. Mas masarap. Mas nakakabaliw.

"Knight? Hello? Okay ka lang ba? Ba't hawak mo ang labi mo? May masakit ba?" concerned nitong tanong at nilapitan siya't pinaharap rito.

"W-Wala! Aalis na ako!" Mabilis siyang sumakay at nagsara ng pinto. Nginisian lang siya nito.

"Mag-iingat ka palagi ha? Huwag mo masyadong bilisan. Dahan-dahan ka lang," at masuyo siyang hinalikan sa pisngi.

Parang tinatambol na naman ang kanyang puso at tila kinikiliti sa bawat salitang binabanggit at paghalik nito.

Naging blangko ang isip niya at ayaw niya pang umalis. Gusto niyang kasamang umuwi si Kale.

"Are you sure na di ka sasa-okay, bye," at pinaharurot na niya ang kotse paalis.

Sa huli ay nanaig ang isip niya na mali ang nararamdaman niya para rito at wala lang ito na dapat niyang kalimutan dahil isa lamang silang hamak na magkaibigan. Lalo na't may anak na ito.

***

"Kenz! McKenzie!" paulit-ulit na tawag sa kanya ni Natalie.

"What?! Wag mo akong kausapin!" stressed na stressed na sagot niya rito dahil nagmamadali na siyang pumasok sa kanyang klase nang masalubong siya nito kasama si Reign, Black at Tyler. Katatapos ng klase ng mga ito.

Hindi na siya nag-abala pang pansinin ang mga ito dahil marami siyang iniisip simula nang makauwi siya kagabi.

Nagquiz sila at hindi niya magawang magfocus. Nauna siyang natapos at napamura na lang dahil ang pangit ng performance niya at ni isa ay wala siyang sure na sagot.

"Hello nyita!" nakakalokong bati sa kanya ni Johansen nang makita siya nitong naglalakad papuntang cafeteria. Wala siyang ganang patulan ito kaya hinayaan na niya. Hindi siya pumapatol sa pangit na maitim.

Mag-isa lang siyang kumakain ng siomai at namili lang ng tubig. Hindi siya nakapwesto sa famous place nila na first time nangyari.

May vacant pa siya na 1 hour at naisip niyang tumambay sa office ng kanyang Daddy pero isinusumpa na niya ito nang sobra dahil sa ginawa nito sa kanya kagabi. Halos maiiyak na siya sa tuwing maalala ang sinapit kaya miserable siya ngayon. Ayaw na niya itong makita pa.

She went back at nagsimula na ulit ang klase niya. After class, pumunta na siya sa student council upang tapusin na ang mga tinambak sa kanya ng mabuti niyang pinsan na si Ashley. Marami pa siyang kailangang itype, iprint at iphotocopy. Lahat ng yon ay iniwan sa kanya na wala siyang kaalam-alam at di niya trabaho.

As she entered the office, she didn't expect na nakahiga si Kale sa isa sa mga sofa doon.

Ba't ba nandito na naman 'tong lesbian na 'to? Palaboy-laboy, aniya ng kanyang isip.

She secretly rolled her eyes and she reminded herself na pagsasabihan ito once magising dahil nasasanay na itong tumambay doon na hindi dapat.

She was about to type on the keyboard when the door opened.

"Nandito ka na pala. Busy again?" Pupungas pa itong lumapit sa kanya.

"You can leave now. There will be no next time na pupunta ka rito dahil bawal ang tumambay," and she proceeded to her work.

Pumwesto ito sa likod niya at niyakap siya habang nakapatong ang baba nito sa balikat niya. Pigil-hininga siya at tila nanigas sa kanyang kinauupuan. Ramdam na ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.

"L-Lumayo ka nga," nauutal niyang sabi rito. Amoy na amoy din niya ang mamahaling pabango nito na parang minsan na niyang naamoy kay Silver. It smelled like Chanel.

"Ipiprint mo na ba yan? Para san ba yan? Parang hindi na ata natapos yang mga ginagawa mo." Naglagay na ito ng A4 bond paper sa printer at hinintay na siyang magprint.

Naging madali ang ginagawa niya dahil tinutulungan siya ni Kale. Ito na ang nag-aasikaso sa mga naprint at pinophotocopy ito habang siya ay print lang nang print at edit.

Di niya maiwasang mapatingin dito dahil tahimik lang ito habang gumagawa. Hanggang ngayon ay di pa rin niya maiwasang mamangha sa itsura nito. Di hamak na mas maputi ito sa kanya. Ang mukha nito ay makinis at malamlam ang kulay itim nitong mga mata.

Kusang tinanggal ng kanyang kamay ang suot nitong beanie kaya lumantad ang kulay abo nitong buhok dahil sa magkahalong kulay itim at puting buhok na ipinagtaka niya.

Bahagyang nagulat si Kale pero hinayaan lang niya si McKenzie na hawak ang beanie niya. "Do you like it when I'm not wearing my beanie?" sabay ayos ng buhok niyang maikli.

"Mas bagay sayong ganyan. Don't wear beanies, nagmumukha kang snatcher. I'll be lying if I tell you that I don't like it. Ganyan ka na lang palagi. Ba't ang dami mong white hairs? Laginka bang stressed? Haha!"

"Oo eh. Nakakastress ka kasi," banat sa kanya nito kaya binato niya sa mukha nito ang beanie. Patawa-tawa na lang ito sa ginawa niya.

Ilang saglit lang ay natapos na sila at naicompile na lahat ni Kale ang mga kailangan niya.

"Finally, natapos din!" at nag-inat siya sa kanyang swivel chair.

"Tara, meryenda," yaya sa kanya na agad siyang umoo.

"Wala ka bang klase? Or pumapasok ka pa rin ba or palaboy-laboy ka na lang talaga?" tanong niya rito habang papunta na sila sa cafeteria.

"Wala akong klase. Vacant ko ng hapon kapag Thursday at kapag Friday, wala akong klase kaya gusto ko na rito sa Henderson eh. Laging walang pasok! More time for work. Di tulad mo, sobrang yaman na kaya di na need magwork o rumaket kasi settled na lahat. Maganda na ang buhay."

"Who told you na di ko na need magwork? There's more to being rich. Being rich is not enough to sustain everything kaya mag-aral ka na lang."

"Haha! Boring na nga mag-aral eh. Sobrang dadali ng mga subjects kaya nakakatamad nang pumasok. I bet it's lonely being rich 'no? Kaya ayoko sa mayaman eh."

Natigilan siya sa sinabi nito at bahagya siyang napaisip. Totoo naman ang sinabi nito na malungkot din ang maging mayaman dahil hindi malalaman ng isang tao kung sino ang tunay at totoo sa kanya kung di dahil sa pera. Maswerte na lang siya dahil lahat ng mga kaibigan niya ay totoo at tapat sa kanya plus lahat sila ay mayayaman.

"Ano bang meron sa mayaman? Lagi kang may say and it seems like may pinanghuhugutan ka. Siguro nabasted ka ng mayamang nilalandi mo," asar niya rito pero siya mismo ay hindi natutuwa sa huling sinabi niya.

"Haha! Never akong nabasted 'no? 'Wag ka masyadong nagpapaniwala sa mga sinasabi ko. Nababasa ko lang yan tapos ikaw naman sineseryoso mo. Kumain na lang tayo!"

"Baka ako yan. Never nabasted. Baka kasi ikaw, walang nanliligaw sayo kaya pano ka mababasted!"

Hinawakan siya nito sa kamay nang mahigpit. "Humanda ka talaga," at namili sila sa cafeteria nang magkaholding hands.

"I need to go," sabi niya kay Kale habang nagpupumiglas sa hawak nito.

"Aalis ka na agad? Di pa tayo kumakain. Pano tong siomai? Ang dami mong inorder," di inaasahang sambit naman sa kanya ni Kale.

"Edi kainin mo na! Aalis na ako!"

"Ha?! Ba't aalis ka na? Kumain ka na muna! Di ko kayang ubusin 'to."

"Fine!"

Kumain na silang dalawa at binilisan niya ang pagkain. Puno na ang kanyang bibig nang bigyan siya ng iced tea ni Kale. Hindi na siya makahinga.

"Dahan-dahan kasi! Ayan tuloy, nabilaukan ka na! Para kasing baboy, nagmamadali."

Siniko niya ito sabay irap.

"I'm done! Uuwi na ako."

"Wait lang! Mamaya ka na lang umuwi. Hintayin mo muna akong ubusin—

"No! Ba't ba ang kulit-kulit mo! May meeting pa ako."

"Itetake out ko na lang pala 'to." Nang makapagtake out na ito ay umalis na sila.

Pag-uwi ni McKenzie ay problemado na agad siya.

She was surprised na nakaunlock ang door knob ng kanyang penthouse. As she entered, bukas ang malaki niyang smart tv at sumalubong sa kanya ang ngiting demonyo ng kanyang Daddy.

"Welcome home sweetie! Have a seat here. Let's have drink." Topless ito at Nike grey shorts. Kagagaling nito sa gym. Nakangiti pa rin ito nang nakakaloko sa kanya. Hindi mababakas sa katawan nito ang katandaan dahil matipuno pa ito at talagang alaga ang katawan sa gym.

Lalong sumama ang loob niya at hindi ito pinansin.

"Sweetie! C'mon, let's have a drink. Nagtatampo ka pa rin ba sakin?" paglalambing nito sa kanya.

"Just leave."

"Okay sweetie but let me tell you one thing. Binenta ko na 'yong Maserati mo. Lumalaki na kasi 'yong utang at pagkalugi ng businesses mo. I can't lend you a money dahil it's your responsibility as a business owner. Who knows na baka itong penthouse mo na ang isunod kong ibenta. Nalulugi na rin kasi. You better look for part-time jobs na and better if you apply for scholarships na rin sa Henderson University. I won't pay for your tuition fees, sweetie," and he winked at her before leaving.

"Argh! Fuck!" Halos maiyak siya dahil sa sinabi ng kanyang Daddy. Nanguha siya ng alak at nagpakalasing dahil sa sunod-sunod na problema.

***

Nakatulala lang siya sa kawalan habang kumakain sa cafeteria ng Skyflakes. Wala mang malasahan at hindi 'yon ang nakasanayan niyang lasa ay wala siyang magawa. These past few days ay hindi na siya sumasama sa kanyang mga kaibigan. Hindi pa rin ulit sila nagkikita ni Kale kaya lalo siyang nalukungkot ay namomroblema.

Aminin man niya o hindi, ito ang nagiging takbuhan niya 'pag may problema siya at ito ang nagiging sandalan niya despite everything she did to Kale.

Sa di inaasahan, nakita agad ng mga mata niya na may kasama itong ibang babae. Namimili ito ng tubig habang nakapulupot ang braso ng babae rito.

"Mamatay na sana lahat ng mga taong nakakabwisit, manloloko at babaero sa mundo," pagsusumpa niya sa hangin nang biglang may isang chinitong lalaki na umupo sa tapat niya.

"Para sayo, magandang binibini," nakangiting sambit nito habang may dalang bouquet of flowers. "Matagal na kitang tinatanaw mula sa malayo. No'ng nakita kita sa hall at ipinakilala ka ni Mr. Henderson, nakuha mo na agad ang atensyon ko. Kaya ngayon nagkaroon na ako ng lakas ng loob para lapitan at ligawan ka," sincere na sabi nito habang diretso ang tingin sa mga mata niya.

"Thank you! Napakapogi mo naman. What's your name?" malanding tanong niya rito habang nilalaro ang dulo ng kanyang buhok.

"I'm Chen Wang. Just call me Chen," nakangiti nitong sagot na halos di na makita ang mata dahil sa kasingkitan nito.

Nag-usap pa sila saglit at nagpaalam na rin si Chen dahil may klase pa ito. Nabura ang ngiti sa labi niya nang makita si Kale na nakapoker face lang na nakatingin sa kanya at walang kaemo-emosyon sabay alis nito. Tinapon na lang basta ang bote na walang laman.

"Nixon!" pagtawag niya pero hindi siya pinansin. Inamoy na lang niya ang bulaklak na bigay sa kanya at nagtungo na sa kanyang klase.

***

"Kenz! Tara, magbar daw tayo! Celebration lang para sa katatapos na quiz!" yaya agad sa kanya ni Natalie nang makasalubong niya ito palabas. Katatapos ng klase nila.

Agad niya itong iniwasan at nagmamadaling naglakad papalayo. Hangga't maaari, ayaw niyang magpakita sa mga kaibigan lalo na kay Silver.

Kinukulit pa rin siya ni Chen sa tuwing makikita siya nito sa campus. Wala naman siyang balak patulan ito.

"Nasaan ka na ba Nixon?" aniya sa sarili. Nagkikita naman sila ni Nixon sa cafeteria ngunit sa tuwing kakausapin niya ito ay bigla namang sumusulpot si Chen na ikinakabwisit niya.

"Kailangan na kailangan na kitang makausap Nixon." Wala na siyang ibang choice kung di lapitan si Nixon dahil alam niyang ito lang ang makakatulong sa kanya.

Kailangan na kasi niyang magtrabaho.

 

下一章