webnovel

I'm gonna kill Veronica

Stan's POV

Ang sakitng ulo ko.

Teka. Paano ako nakauwi? Ahh. Si Aflred siguro.

Bumaba na ako.

"Good Morning."

Tsk! Si Alex. Ang magaling na si Alex.

"Upo ka na dyan. Ihahanda ko na to."

Naupo na ako. No choice. Gutom eh.

"Charan~! Kain ka na. Hmn. Nandyan nap ala yung kotse mo sa labas, ako na yung kumuha sa bar ni kuya."

Umupo sya sa tapat ko. Tahimik lang kaming kumain. Nauna akong natapos kaya niligpit ko na yung pinagkainan ko.

Lumabas na ako. Lilinisin ko na lang ang koste ko.

As usual, I take off my shirt. At inumpisahan ko ng linisan si Veronica.

Maya-Maya.

"Stan.."

Napatingin ako sa pinto. Si Alex.

Hindi ko sya pinansin, tinuloy ko na lang ang paglilinis.

Alex's POV

Lumapit ako sa kanya.

"Stan."

So ganun? Dedma lang ako?

Inagaw ko sa kanya yung hose.

"ANO BA ALEX?!"

Nagitla ako sa pag sigaw nya.

Inaagaw nya ulit sa akin yung hose. Pero hindi ko binibitawan.

Nag agawan lang kami hanggang sa nabasa na ako. Kaso naagaw nya sa akin yung hose.

"Ang kulit kasi!"

Pinatay nya yung hose. Kinuha yung damit nya at pinangpunas sa akin.

Touch naman ako.

"Sorry."

Napatingin sya sa mata ko.

Umiwas din naman sya ng tingin, at balik ulit sa pag lilinis ng kotse nya.

"Umakyat ka na at magbihis ka."

"Ayoko."

Pero hindi nya ako pinansin ay inaatupag pa rin ang paglilinis sa kotse nya.

"Stan! Pansinin mo naman ako."

"Wa epek pa rin. Mukhang masaya sya sa paglilinis. Naiinis na ako. Dapat pala hindi ko na kinuha yung kotse nya sa bar.

"STAN!"

Sumigaw na ako. Kaso wala pa rin talaga.

Sumingit ako sa tapat nya kaya nabasa na naman ako.

"Ano na naman ba Alex?"

"Hi-Hindi mo kasi ako pinapansin. Parang wala kang nakikita, mas pinipili mo pang asikasuhin yung kotse mo."

Ngumiti sya. Pero alam kong pilit.

"How does it feel?"

"Ha?"

"How does it feel na ipagpalit ka sa iba?"

"Stan, kung yung dahil kay Fel--"

"How does it feel na hindi ka pinapansin?"

"Kasi naaw--"

"Tell me, masakit ba?"

"Sh*t naman oh! Inuunahan mo kasi ako eh."

Tahimik lang sya.

"Stan, I choose felix becau-"

"I don't wanna hear your reason Alex. I already knew."

"What do you mean?"

"Ex mo sya. Mahal na mahal mo sya. Alam ko na rin na hindi ka pa nakakapag move on. Na there's a chance na you still choose him over me. And again, divorce."

Maria's POV

May halong lungkot sa tono ng pananalita ni Stan. Inunahan nya na si Alex dahil alam nyang mas masakit kung sa mismong mahal mo mang-gagaling ang mga salitang yun.

"Stan, oo nahihirapan pa rin akong mag move on, pero I'm almost there. Inaaamin ko, concern ako kay felix lalo na nung nabugbog mo sya."

Alam ni Alex sa sarili nya na nagkakaroon na ng puwang sa puso nya ang kanyang asawa. Pero siguro sya na hindi pa nya ito mahal ng lubusan, dahil mayroon pa rin syang natitirang pag-ibig para sa nakaraan nyang inibig, si Felix.

Ayaw nyang saktan si Stan kung sakali mang lumaki muli ang pagkagusto nya kay Felix, gusto nyang matapos muna iyon at malinawan. Bago nya ituloy ang nasimulang puwang ng asawa nya sa kanyang puso.

"So hindi ka concern sa akin?"

Hindi alam ni Stanley kung saan nya nakuha ang lakas ng loob para sabihin yun. Natatakot sya sa isasagot ng asawa.

"Hindi naman sa ganun. Tignan mo yang mukha mo."

Alex's POV

Hinawakan ko ang mukha nya.

"Wala masyadong galos yang mukha mo. Eh sya halos patayin mo na sa suntok."

"What do you expect me to do after I saw him kissing you? Pitikin sa noo?"

Natawa ako sa sinabi nya.

"Hindi ako nakikipag biruan Alex."

"Ikaw naman kasi."

Binitawan ko na ang mukha nya.

"Tapos nagpahalik ka lang?"

"He forced me, ok? Hindi ko ginusto yun."

"Damn! Dapat pala tinuluyan ko na sya!"

"Stop that Stan."

"What? What if he force you again in a worst situation at wala ako?"

"I can manage myself."

"Really? Bakit hindi ka nakapalag sa ginawa nya sayo? So gusto mo nga?"

Nagpameywang na sya sa harap ko.

Gosh! Para akong preso na may nakapatay kung tanungin ako ni Stan! Nakakaloka!

"I was shocked. Hindi ko rin inexpect yun. Nagulat talaga ako. I'm confused that time, kaya siguro hindi ako nakapag react."

"Sabihin mo gusto mo lang."

Tumalikod na sya sa akin at tinuloy ang paglilinis.

Argghh!

Dumampot ako ng bato.

"Argghh! I hate you Stan! Do you want me to kill that f*cking car?"

Humarang sya sa harap ko.

"Don't you dare Alexandra! I'm warning you."

"Then talk to me. Wag mo akong talikuran."

"Stay away from veronica."

"So mas mahal mo pa si Veronica kesa akin?"

Mahal?

"We're been together for almost 2 years!"

"Arggh! I really want to kill her!"

Babatuhin ko na sana yung kotse nya ng bigla nyang hawakan ng mahigpit yung wrist ko at pwersahan na kinuha ang bato.

He really choose veronica.

Nasalampak na lang ako sa lupa at umiyak.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. O.A ba? Ganun din iniisip ko. Kaso ewan ko.

"Hey. Why are you crying?"

Umupo sya sa tapat ko.

"M-Mas pinili mo kasi yang veronica na yan eh."

"Are you jealous to my car?"

"Hindi ako nagseselos sa mga gamit. Ngayon lang."

Inaamin ko. Selosa ako. Sobrang selosa. Pero ngayo lang talaga ako nagselos sa gamit. WTF!!

Natawa sya.

"Stop laughing."

Pinunasan nya yung luha ko.

"Stop crying babe. Oo matagal ko ng kasama si Veronica, pero sino ba ang pinakasalan ko?"

"Kasi.. feeling ko, binusted mo ako."

"Ikaw talaga."

"Gusto ko lang naman mag sorry. Hindi ko nasagot yung tanong ni Felix kasi I'm still confused, and I f*cking hate it! Diba sabi natin hindi na tayo mag-uusap tungkol sa divorce?"

"What if you realize that you still love him?"

Oo nga. Paano kung mangyari yun? Gagawin ko rin ba yung ginawa sa akin ni Felix dati?

Alam ko kung gaano kasakit yun, kahit hindi aminin sa akin ni Stan ang nararamdaman nya, hindi ako manhid para hindi maramdaman yun. Oo brutal ako, physically. Pero hindi ko magagawang saktan emotionally ang taong nagmamahal sa akin.

Kaya ang sagot ko.

"I won't let that happen."

"Who know's?"

"Stan. Believe me. Siguro ngayon hindi ko pa masasabi na nakapag move on na talaga ako, pero I'm almost there. Just stay beside me."

"I will."

He kissed me on my forehead.

"Go change your clothes."

Napatingin ako kay Veronica.

I'm gonna kill you. Soon.

"Stop that look to veronica."

"Fine."

Pumasok na ako sa bahay.

下一章