webnovel

Paano ba mang gising?

Silence.

Silence.

"A-Alex .. Sorry."  Umupo sya sa tabi ko sa kama.

"Why did you do that Stan? Akala ko ba aayusin natin to?"

"Oo nga. Masakit lang talaga yung ulo ko nun Alex kaya wala akong nagaw sa kakulitan ni Jasmin."

"Palusot mo. Sayang lang effort ko para pumunta sa school kanina. Naging cold ka kasi bigla."  Napasimangot na ako. Kasi naman!

"Masama kasi yung gising ko kanina. Masakit na nga ulo ko tapos sinampal mo pa ako."

"Eh hindi ka kasi magising kanina eh."

"But is that the right way para mang gising?"

Napayuko ako.

"No. Pero wala akong maisip eh. Balak pa nga kitang buhusan ng tubig eh."

"WHAT?!"

Bakit? Nagiging honest lang naman ako ah.

Napahawak si Stan sa noo nya.

"You should kiss me para magising ako."

"Is that the right way?"

"Yes."

"Bat nga ba hindi ko naisip yun? Tsk!"

"Puro kasi kabrutalan yang nasa isip mo."

"Sorry. Ok?"

"Hindi ako tumatanggap ng sorry."

"What? Ikaw nga may kasalanan ka pa dyan eh!"

"Ako pala dapat mag sorry. So, sorry."

"Hindi ako tumatanggap ng sorry."

"Hmmn .. Well I think ito ang mas ok."

Ang bilis ng pang yayari. Magkadikit na yung labi naming. I respond ti his kiss.

It's getting hot in here!

Nararamdaman ko na lang na naglalakbay na yung kanang kamay ni Stan sa likod ko, habang yung kaliwang kamay nya naman ay nakahawak sa mukha ko.

Napahawak na lang ako sa batok nya.

Nang biglang ….

"Princess sabi ng Doc—"

Biglang pumasok si Mommy, Daddy, at kuya Alfred.

Naghiwalay agad kami ni Stan.

"A..e.. Wala kaming nakita."  Sabi ni Dad.

Eee. Nakakahiya!

"Go on princess."  Pang-aasar ni Kuya.

"Labas muna kami Anak."

"M-Mom.. ano.."

"Tita.. M-Mali po kayo ng iniisip."  Paliwanag naman ni Stan.

"Alam na naming yan hijo."  Panunukso naman ni Mom.

Lumabas na nga silang tatlo.

Nagkatinginan kami ni Stan at ngumiti sya.

Maya-maya he give me a quick kiss in my lips.

This man. I'm gonna kill him.

.

.

.

Nakauwi na kami sa bahay. Gabi na rin.

Inalalayan ako ni Stan papunta sa room naming. GAHD! Ang sakit ng paa ko!

"Ouch~"

"Hey babe ok ka lang?"

"Mukha ba akong ok? Tsk!"

Nakaupo na ako sa kama.

Nakatayo lang si Stan sa harap ko at nagpameywang.

"What?"  Inis na tanong ko.

"Should we continue?"

"Continue?"

"Yeah. The kiss."

Aba't loko to ah!

"Ito gusto mo?"  Pinakita ko sa kanya yung right fist ko.

"Babe pagbigyan mo na ako."  Umupo sya sa harap ko.

"Tumigil ka nga dyan Stan!"

"Sungit!"

Nahiga na ako sa kama. Tumabi naman sya.

Bat nga ba ako pumayag na ayusin namin to? Paano kung bumalik si Fel—Nah! Malabo na yun mangyari. Pinapaasa ko lang ang sarili ko. Pati bakit ko ba sya iniisip? Diba dapat galit ako sa kanya?

Minsan talaga hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

.

.

.

.

Naalimpungatan ako. Umaga nap ala.

Iinat sana ako ng makaramdam ako ng kirot sa paa ko.

Magkaharap kami ni Stan. Sasampalin ko na sana sya kaso naalala ko yung turo nya sa akin.

Kiniss ko na sya sa Lips nya.

Napadilat naman sya. Wow. Effective.

"Isa pa nga Alex."

"Gising ka na ah. Bangon na dali! May pasok pa tayo."

"Hindi tayo papasok. Hindi ka pa ok. At aalagaan kita."

"Tumigil ka nga! Ginagawa mo pang dahilan yung kalagayan ko sa katamaran mong pumasok. Pati nandya naman si Manang."

"Babe naman.."

"Sasampalin na talaga kita dyan!"

"Oo na!"

Tumayo na kami pareho. Wala na namang kirot yung ulo ko. Sa paa na lang yung medyo masakit.

"Maliligo muna ako."  Sabi ko kay Stan.

"Gusto mo samahan kita?"

"Hindi na kailangan."

Tatayo n asana ako ng kumirot yung paa ko.

"Oh! Dahan-dahan lang."

"Ang sakit pa rin ng paa ko Stan!"

"Do you want me to carry you?"

"Hindi na. Alalayan mo na lang ako."

Hinawakan nya aq sa bewang at right hand.

"Chansing ka ah."

"Ikaw na nga tinutulungan dyan. Iniisipan mo pa ako ng masama."

"Bakit hindi ba?"

"Hindi. Bitawan kita dyan eh."

"Subukan mo. Isusumbong kita kay Kuya John!"

Pinaupo nya ako sa bowl.

"Gusto mo paliguan pa kita?"

"Wag na. Labas!"

Lumabas na rin sya.

Stan's POV

 

Sa tingin ko nagugustuhan ko na si Alex. Pero kung mahal? Hindi ko pa sigurado. Dadating din siguro ako dun.

Nakaupo lang ako sa kama at hinihintay matapos si Alex.

.

.

.

.

Lumipas na ang minute at lumabas na si Alex na naka towel lang.

Nagulat pa sya nung makita nya ako.

"What?"  Tanong ko kasi para na sya ng naistatwa sa kinatatayuan nya.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Hinihintay ka."

Lumapit ako sa kanya. Napa atras sya.

"Wag kang lalapit sakin! Uupakan kita!"

"Relax lang wife, aalalayan kita para makaupo ka sa kama. Hinanda ko na yung damit mo."

"Seryoso ka? Pinakialaman mo ang gamit ko?"

"Why not?"

"Kainis ka!"

Hinawakan ko na sya sa bewang at kamay. Chansing na naman! Haha.

"Hmmn... Ang bango naman ng asawa ko."

"Gusto mo tanggalin ko yang ilong mo?"

"Wag naman babe, paano pa kita maaamoy nyan?"

"Ewan ko sayo."

"Maliligo na ako."

Bago ako pumasok sa C.r. I give him a quick kiss.

Na shock sya.

"Isa pa ba babe?"

"STANLEYY!"

Tumakbo na ako papasok sa C.R.

Haha. I can't help it. Parang gusto ko sya lagging halikan.

Pati yung dapat ikiss nya ako para magising ako, lolokohin ko lang sana sya nun, kaso mukhang naniniwala talaga sya. At ginawa nya nga kanina. Haha.

 

Alex's POV

 

Bumaba na ako. Nagpatulong ako kay Manang.

Nauna na akong kumain. Gutom na kasi ako eh.

Naupo si Manang sa harap ko.

"Hija."

"Po?"

"Magpapa alam sana ako sa iyo. Balak ko sanang umuwi ng Mindoro. Mangangak na kasi si Katrina."

"Talaga po?"

"Oo. Nag-aalala kasi ako dun sa anak ko."

"Sige po Manang. Ok lang po."

"Talaga?"

"Oo naman po. Ikamusta nyo na lang po ako kay Katrina."

"Sige Hija. Salamat."

"Kailan po ang alis nyo?"

"Kung maaari sana ay sa susunod na araw na."

"Bilis naman Manang. Pero sige po. Ingat kayo Manang."

"Salamat Alex."

"Magbibigay ako ng pera mamaya Manang pang grocery nyo para may pasalubong ka kila Katrina."

"Salamat Hija. Malaking tulong yun."

"Kayo naman Manang syempre belong na kayo sa amin."

"Salamat ulit. Sa labas muna ako maglilinis."

"Sige po."

Kumain na lang ako ng kumain. Ang tagal naman ata ni Stan.

"ALEX!!"

Ano bay un? Makasigaw naman!

Tumayo ako pero nakahawak ako sa upuan.

"Hoy lalaki nandito ako!"

Kumaripas ng takbo ang half naked na si Stan papalapit sa akin.

"Oh God!"

Napayakap sya sa akin.

I can't breath! Loko to ah! Papatayin ata ako.

And ow~ his abs! Ulalam~~ Haha.

"A-Ano ba Stan! H-Hindi ako makahinga."

"Akala ko kinain ka na ng lupa!"

Hala! Ano daw?

"Pftt—HAHAHA!"  Ako yan! Haha. Parang sira kasi si Stan. Alalang-alala sya tapos sasabihin nab aka nakain na daw ako ng lupa. Baliw talaga.

"Ba't ka tumatawa?"

"Ikaw naman kasi. Ang OA mo! Haha."

"Kasi naisip ko na hindi ka makalakad tapos paglabas ko ng C.R wala ka."

"Haha! Nagpatulong ako kay Manang."

Hindi pa rin sya bumibitaw ng yakap sa akin.

"Wag kang mawawala ah? Wag mo kong iiwan."

"Ha? San naman ako pupunta?"

"Basta!"

"Oo na."

Nagpupumiglas na ako. Wala ata tong balak na bitawan ako eh.

"Ano ba Stan! Kumain na tayo!"

"Mamaya na. Yakap muna tayo."

Ano ba yan! Parang bata! Ano bang nagyari sa lalaki na to?

Nagpupumiglas pa rin ako. Pasalamat to masakit ang paa ko kaya hindi ko sya matapakan.

Inipon ko ang buo kong lakas at tinulak ko sya. Kaso—

"AHH! My eyes!"

Nakita ko kasing natanggal yung towel nya. Pero promise wala akong nakita. PROMISE! Nagtakip agad ako ng mata.

"Babe ba't mo naman ako hinuhubaran?"

"H-Hindi no!"

"Haha! Babe relax! Look at me."

"Ayoko! Kadiri ka!"

"Babe makikita mo rin naman to eh."

Kahit nakatakip ang dalawang kamay ko sa mata. Alam kong abot tenga ang ngiti ng lalaki na nasa harap ko. Inaasar nya na naman ako.

"Bastos ka! Lumayo ka sakin!"

"Babe naman."

Nararamdaman ko ng lumalapit na sya sa akin! Mommy! Help!

"Binabalaan kita Stan! Wag kang lalapit."

Hinawakan nya ng yung dalawang kamay ko na nakatakip sa mata ko. Narinig ko pa syang tumawa. Paanong hindi sya tatawa eh nanginginig yung kamay ko.

Ewan ko ba. Ngayon ko lang to naramdaman. Siguro dahil nakahubad na sya? Haha!

NaStroke na ata ako. Hindi na talaga ako makagalaw.

Nanlambot na yung kamay ko kaya natanggal nya na sa pagkakatakip sa mata ko. Pero nakapikit pa rin ako.

Lumapit sya sa tenga ko at bumulong.

"Open your eyes my wife."

Arii!! Ramdam na ramdam ko yung paghinga nya sa tenga ko. Paking tape! Parang kakawala na sa katawan ko yung puso ko sa sobrang tibok. Heart attack? Haha. Mamatay na ata ako.

"S-Stan! Umalis ka sa harap ko!"

Magkatapat na kami. Nalalanghap ko na yung hangin na galing sa kanya. Pinagdikit nya yung noo naming.

The he kiss me.

Saglit lang pero feeling ko ang tagal-tagal. May kakaiba sa halik nya. Parang full of emotion.

Pinagdikit nya ulit yung noo naming. At hindi ko namalayan na nakadilat na pala ako at nakatitig na sa maganda nyang mata.

Napatingin ako sa baba. Naka boxer shorts sya.

"Dissapointed?"  Tanong sa akin ng nakangisi na Stan.

"Ewan ko sayo."

Tumalikod na ako at umupo na lang ulit at kumain.

"Babe. Nakulangan ka ba sa view?"

Nilingon ko sya at tinutok sa kanya ang tinidor.

"Woa~ Relax! Magbibihis na ako."

Maya-maya kumain na rin sya.

Inalalayan nya ako papunta sa sala. Nanuod ako.

"Alex."

"O?"  Sagot ko sa kanya ng hindi lumilingon. ANTM na kasi.

"Hindi ako papasok."

Napalingon ako sa kanya.

"Ano na namang kaartihan yan Stanley?"

Tumabi sya sa akin.

"Aalagaan kita."

"Kaya ko sarili ko. Nandito rin naman si Manang."

"Alex nangako ako sa kuya mo."

"Susundin mo talaga si Kuya? Natakot ka no?"

"Hindi ako natakot sa kanya. Gusto rin naman kitang alagaan eh."

Walang reaction lang akong tumingin sa kanya.

"Alex… Please. Listen to me."

"Ano ba Stan?! Hindi tayo magkasundo sa isang bagay! Graduating tayo pareho. Mahalaga ang pagpasok natin! Hindi ka papasok? Anong gagawin natin dito? Tutunganga?"

Napasimganot sya.

Totoo naman eh. Hindi naman ako lumpo para alagaan nya. May isa pa akong paa no? Haler!

Agad syang umalis sa harap ko at padabog na umakyat sa taas.

Maya-maya bumaba na sya at naka uniform na.

Dire-diretso lang sya at ibinagsak ng malakas ang pinto. Nagulat kami ni Manang.

"May saltik talaga."

.

.

.

.

.

Stan's POV

Nandito na ako room.

"Pare problemado ka ata ah. Tungkol ba kay Alex? I heard na naaksidente sya ah. Ayos na ba sya?"  Tanong ni James.

"Oo. Konting galos lang naman."

"Good. Eh bat parang pasan mo ang lahat ng problema sa itsura mo ngayon?"

"Ayaw nya kasing alagaan ko sya. Hindi ko talaga maintindihan ang ugali ng babae na yun."

"Alam mo pare. Ganyan talaga ang mga babae, pabago-bago ng ugali, pabago-bago ng desisyon."

Wow! Galing sa expert sa babae. Tsk!

"Pare iba si Alex. Ibang-iba talaga."

"Hayaan mo na pare. Gusto mo bar na lang tayo pag out?"

"Pass muna ako. Kailangan kong umuwi agad para maasikaso ko si Alex."

"Wow! Sweet husband!"

"Inaayos na kasi namin ang relasyon naming. Kaso magulo talaga sya. Masisiraan na ata ako ng bait!"

"Gahasain ko pare! Haha."

"Loko! Baka mabugbog pa ako ng wala sa oras!"

"Sabagay. Amazona kasi asawa mo eh. Pero pare dapat tayong mga lalaki ang nasusunod."

"Iba na daw ngayon."

"Sinabi ba yan ni Alex?"

"Yeah."

"Haha! I really like your wife."

Napatingin ako sa kanya.

"Pare alam mo naman na crush ko talaga si Alex. Astig kasi sya eh."

"Shut up James."

"Incase na magdivorce kayo balitaan mo ako ah? Para madamayan ko sya. Haha."

Gago to ah!

( BOINK )

"Aray ko naman pare! Bat ka nangbabatok? Nahawa ka na ata kay Alex!"

"Bagay lang sayo yan."

Alex's POV

Nakalipas na ang dalawang araw. At good news! Ok na ang paa ko! Yehey!

"Manang ready ka na?"

"Oo Alex."

Saturday ngayon syempre wala kaming pasok kaya sasamahan ko si Manang mag grocery para sa pag uwi nya mamaya.

"Stanley!"

"Ano?"

Bumaba sya galing sa taas.

"Pahiram ng kotse mo."

Hindi na kasi pumayag sila Mommy na mag kotse pa daw ako.

"Hindi pwede. Ihahatid ko na lang kayo."

"Kainis!"

No choice. Nagpahatid na kami sa mall.

 

Mall.

 

"Sasama ba pa ako?"  Tanong ni Stan.

"Wag na. Bonding namin to ni Manang.

"Sige. Tawag ka na lang kapag susunduin ko na kayo."

"Ok."

Umalis na sya.

"Tara na Manang."

Supermarket.

 

"Manang pili ka lang dyan ng gusto mo."

"Naku Hija! Nakakahiya naman."

"Hala si Manang. Sige lang. Lagay lang ng lagay sa push cart."

Kung ano-ano lang pinaglalagay ko sa push cart naming. Pumunta rin kami sa infant section. Babae daw ang anak ni Katrina kaya bumuli kami ng mga damit.

Kumain na rin kami. Ang saya kasama ni Manang. Namiss ko tuloy bigla si Mama.

Nakaramdam ako ng call of nature.

"Manang. C.R muna ako. Ito po wallet ko. Nandyan po yung cash. Hintayin nyo na lang po ako sa parking lot. Ittxt ko na rin si Stan."

"Sige. Hija."

Tumakbo na agad ako sa C.R.

Hoo! Nakaraos din.

Paglabas ko ng C.R. may nakita akong familiar na tao. Hindi ko alam kung anong nag udyok sa akin para sundan sya.

Pumasok sya sa music store. Hindi ko gusto tong nararamdaman ko. Kinakabahan ako ng sobra.

Pumasok din ako sa loob.

Pagpasok ko. Magkaharap kami.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"A-Alexandra."

Nagbabadya ng tumulo ang luha ko. Tumalikod agad ako at agad na lumabas ng store kaso naabutan nya ako at agad na iniharap sa kanya. Kasabay nun ay ang pagtulo ng luha ko.

"A-Alexandra. I missed you."

Niyakap nya ako bigla. Bakit ganun? Hindi ko magawang magalit sa kanya. Diba dapat pinagsusuntok ko na sya.

Humiwalay din naman sya.

( PAKK )

Hindi ko alam na nasampal ko na pala sya. Parang may sariling buhay ang kamay ko at nagawa ko yun.

"How dare you F-Felix."

"I-I'm sorry Alexandra."

Tumakbo ako ng mabilis. Sobrang bilis. Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan na ako ng tao. Ang mahalaga makalayo ako sa lugar Manang un.

Pagdating ko sa parking lot nandun na agad si Stan at Manang.

"Hija ako na ang tumawag kay Stan, hahanapin ka sana namin sa loob."

"Sorry po. May tinignan po kasi ako."

Hindi ako tumitingin sa kanila. Baka kasi makita nila na namumula yung mata ko.

"Hey Babe. Are you ok?"  Tanong sa akin ni Stan.

"Yeah. Tara na."

Habang nasa byahe, hindi ko maiwasang isipin si Felix.

Napatingin ako sa kamay nya. Nasampal ko sya. Unang beses kong nagawa sa kanya yun.

Oo mahal ko pa rin sya. Hindi naman ganun kadali mag move on lalo na sa sitwasyon ko. Mahal na mahal ko sya, na handa kong sumwayin ang magulang ko para sa kanya. Kung hindi lang sana sya umalis, baka hindi na ako nakasal kay Stan.

Napatingin ako kay Stan. Diretso ang tingin nya sa kalsada. Hay! Ano ba tong nangyayari sakin!

Umalis na si Manang. Ayaw nyang magpahatid sa cubao eh.

Nagluluto na ako ngayon para sa lunch namin.

Phone ringing.

Sh*t! Bigla akong kinabahan.

Kinuha ko na ang cp ko na nakapatong sa table sa kitchen.

Unregister Number.

 

"Sino ka?"

[Wow hanep sa bati Alexandra ah]

Nalaglag ko yung sandok na hawak ko.

"K-Kanino mo nakuha ang number ko?"

[Kay John.]

Si kuya talaga! Nakakainis!

"What do you want?"

[You.]

Umupo ako.

"Wala akong panahon makipag lokohan sayo."

Please felix tigilan mo na to. Baka bumigay ano.

[Alexandra. Let's talk]

Halatang lumungkot ang boses nya.

[Please.]

"Kailan?"

[This night. Same place. Susunduin kita ng 7pm.]

"Wag na. Magtataxi na lang ako."

[Sige. Please Alexandra. Pumunta ka. Salamat]

"Babe?"  Si Stan.

Pinatay ko na agad ang tawag.

"Tara na Stan. Kain na tayo."

Siguro dapat na ring magkausap kami. Para matapos na to. Kahit kasi mahal ko pa rin sya, hindi ko maiwasang isipin yung ginawa nya sa akin.

Ang daming nagbago sa akin. Yung mga dati kong ugali, lahat bumalik. Bago ako nakilala ni Felix, isa akong totally bitch. Mahilig sa racing. Nag-aaral ng taekwondo, pala inum. Pero nung nakilala ko sya, lahat ng ugali ko na yun nawala. Naging good girl ako.

Nung iniwan nya ako. Dun lahat bumalik yung ugali ko.

下一章