webnovel

Chapter 7

Alice

Natapos ang isang linggo na hindi na ako muling kinausap pa ni Raven. Maging ang bigyan ako ng tingin ay hindi na rin nito ginagawa, iyong mga pangungulit nito at nakakaasar na pagbati sa umaga ay wala na rin.

Naging masungit ito sa akin at halatang iniiwasan talaga ako. Magkatabi parin naman kami sa classroom, ngunit ramdam ko na iba na ang awra nito kaysa sa dati.

Mas mahirap na siyang lapitan ngayon, na tingin pa lamang nito ay alam mong naghahatid na ito ng panganib.

Ayoko naman na unahan siya ng pansin. Baka kasi isipin nito masyado akong nagpapapansin. Ayoko rin na magtanong, dahil baka hindi rin ako nito sagutin.

Naging tahimik na ito at hindi gaya noong unang linggo ng pasukan na palagi akong kinukulit.

Napansin ko rin na mas lalong lumala ang pagiging bulakbol nito sa klase. Madalas pa nga eh, nag cucutting class ito. At madalas, ako lamang ang gumagawa ng mga activity na dapat ay sana dalawa kami.

Mabuti nalang dahil nakakayanan ko parin na gawin ang lahat nang mag-isa kahit na wala ang anumang tulong o ideya na galing sa kanya.

Ganoon talaga siguro. Madalas, may mga estudyanteng katulad niya na makikilala natin.

Hindi ko maintindihan, dahil ang buong akala ko ay magiging isang ganap na magkaibigan na kami. Pero hindi pala. Dahil hindi iyon nangyari.

Tandang-tanda ko pa ang mga nangyari noong nakaraang Sabado sa library. Hindi ko malilimutan ang kakaibang kilos na ipinakita nito sa akin. Akala ko...basta na lamang niyang makukuha ang first kiss ko.

Akala ko noon, kapag nasa ganoong sitwasyon ka eh madali lamang ang tumakas, o ang makawala. Pero hindi pala, dahil oras na nandoon kana sa ganoong sitwasyon, mapapatulala ka na lang bigla na para bang hinihigop ka ng kanyang mga mata. Hindi mo magawang ikilos ang iyong katawan at ang tanging magagawa mo lamang ay ang hintayin ang paglapat ng mga labi niya.

Mabuti na lamang...hindi niya iyon itinuloy.

Ngunit dahil sa nangyari na iyon, simula noon, nagbago na ang lahat. Nagbago si Raven ng pakikitungo sa akin at iyon ang hindi ko maintindihan.

Katatapos ko lamang sa pagkain ng pananghalian, noong agad kong iniwanan ang aking mga kaibigan. Para habulin si Raven dahil nakita ko itong nagmamadaling lumabas ng Canteen.

Nakarating ito sa parking lot kung nasaan ang kanyang kotse. Mayroon din itong kausap sa kanyang telepono na animo'y seryoso ang kanilang pinag-uusapan.

At nang matapos na sila sa kanilang pag-uusap ay mabilis na napalingon ito sa aking direksyon. Kahit na gustuhin ko pa man ang magtago ay hindi ko na nagawa pa dahil huli na.

Napatikhim ako habang napapakamot sa aking batok. Dahan-dahan din na inihakbang ang aking mga paa papalapit sa kanya, habang ang kanyang mga mata naman ay tahimik lamang na pinanonood ako.

Walang emosyon ang kanyang mga mata nang tuluyan akong huminto sa kanyang harapan. Tahimik lamang din na tinignan ko ito ng mataman sa kanyang mukha. Noon naman muling bumalik sa aking isipan ang mga nangyari noong araw na iyon. Lalo na ang pag walk out nito.

"May gusto ka ba sa akin?" Diretsahan na tanong ko sa kanya na maging ako ay nagulat din at hindi alam kung saan ko ba nakuha ang mga salitang iyon.

Pero wala akong sagot na nakuha mula sa kanya. Maging ang expression ng mukha nito ay ganoon parin, hindi nagbabago. Tila ba isa siyang robot na walang emosyon.

Kaya naman agad na napatawa ako ng may pagka alanganin upang tanggalin ang awkward na namamagitan sa aming dalawa.

Noon naman sumingit ang isa na namang katanungan sa aking isipan. Dahilan upang makaramdam ako ng pagkainis. Pinilit ko na kalimutan nalang ang lahat, kasi baka may problema lang talaga ito, sa pamilya niya o baka sa love life niya.

Pero...hindi ko mapigilan na hindi magtanong. Lalo pa at may kinalaman iyon sa magiging grades namin.

"Wala ka ba talagang pakialam sa grades mo?" Panimula ko. "Kung hindi ka nag-aalala pwes sana kahit makipag cooperate ka nalang dahil mag partner tayo, Raven! Hindi lang grades mo ang nakasalalay dito pati na rin sakin!"

Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagkagulat nito sa biglang pag taas ng boses ko. Ngunit mabilis niya iyong naitago sa pamamagitan ng pag-iwas ng kanyang mga mata. Hindi parin ito umiimik na parang bang napakataas ng kanyang pride.

"Hanggang kailan ka ba magiging ganyan? Kung wala kang planong grumaduate sana huwag ka ng mandamay ng iba dahil ako, gustong-gusto kong maka graduate!" Nag-uunahan sa pagtaas baba ang aking dibdib dahil sa inis sa kanya.

Bakit parang wala siyang naririnig? Naiiyak na ako sa inis pero wala parin siyang pakialam. Hays!

"Alam mo? Sana hindi nalang ikaw ang naging--"

"Ginusto ko bang maging partner mo?!" Biglang putol nito sa akin habang magkasalubong ang mga kilay.

"Matalino ka, sigurado namang kayang-kaya mo na 'yun. Hindi mo na ako kailangan pa o ang tulong mula sa ibang tao. Huwag mo na akong isama pa sa ano mang gagawin mo, o maging ang pangalan ko. Sa tingin ko mas magiging magaan ang lahat para sayo at pati na rin iyang loob mo. Gets?" Dagdag pa niya at tinignan ako na may pagka mayabang.

What the hell!

Wala akong masabi dahil sa mga salitang binitiwan nito. Ano ba talagang problema niya?

Galit ba siya sa akin? Bakit? Ano bang nagawa ko sa kanya para gawin niya ito?

Ahhh. Napapatango ako sa aking sarili. May kinalaman ba ito sa nangyari noong nakaraang Sabado? Hindi ba ako nga dapat ang mainis sa kanya dahil muntikan na niya akong mahalikan ng walang pahintulot?! Baliw ba siya?

"If you have nothing else to say, can you please get out of my way?" Utos nito bago ako nilagpasan.

Napapikit ako ng mariin. "HOY!" Pagtawag ko sa kanya. Agad naman itong natigilan.

"Pwede ba, wag ka namang umakto na parang bata. Magcocollege na tayo, please naman kahit konting coope--"

"Simula ngayon, hindi na tayo magka grupo. Okay na?" Muling putol nito sa akin atsaka dirediretso nang nag lakad at pumasok sa kanyang kotse, binuhay ang makina at mabilis na sinasibad iyon papalayo.

Napapapikit at nanghihina ang tuhod na napahinga na lamang ako ng hangin sa ere.

Ginawa ko na rin naman siguro ang part ko bilang partner niya, hindi ba? Hindi ko naman pweding pilitin ang taong ayaw makinig. Kung ayaw niyang pumasa, pwes ako gusto ko.

Bahala siya sa buhay niya. Malaki na siya!

----

Kahit yata sa aking trabaho eh naririnig ko parin ang mga nakakainis na sinabi ni Raven sa akin kanina. Kahit na iyong itsura niya, nakikita ko sa mga pinggan na hinuhugasan ko.

Bakit naman kasi ganon siya? Gusto ko lang din naman na tulungan siya ah. Nagmamagandang loob lang naman ako, isa pa, hindi pwede na ako nalang ang gagawa ng lahat. Hindi siya matututo kapag palagi na lamang siyang ganon.

Argh!

Bakit ba ako nagkakaganito? Pakialam ko ba sa babaeng iyon? Ah, basta ako pagbubutihin ko nalang. Ayokong bumagsak 'no? Isa pa, kailangan kong i-maintain ang grades ko para makakuha ng scholarship. Sayang din' yun! Ang mahal kaya mag-aral ng Law.

Hindi ko mapigilan ang mapahawak sa aking sikmura noong biglang makaramdam ng gutom.

Maghahating gabi na naman pala, pero heto parin ako. Nag-aabang ng masasakyang jeep pauwi.

Magkakalahating oras na kasi akong nandito pero wala parin akong nahahagilap na masasakyan. Wala na bang dumaraan dito kapag ganitong oras? Naman oh!

Sinubukan ko ang maglakad sa unahan papunta sa kabilang kanto, pero hindi ko naman inaasahan na madadaanan ko ang may medyo madilim na eskinita kung saan mayroong apat na kalalakihan na nag-iinuman.

Mabilis na napalunok ako ng maraming beses at binilisan ang paglakad. Narinig ko ang mga ito nagtatawanan, alam kung sumusunod na sila ngayon sa akin kaya agad din na nanginig ang aking mga tuhod at buong katawan.

Jusko! Ano ba naman itong nangyayari sa akin?

"Miss! Sandali!" Sigaw ng isa sa kanila ngunit hindi parin ako humihinto, o maging ang lumilingon sa mga ito.

Narinig ko na may sumisipol dahilan upang mas lalo akong makaramdam ng sobrang kaba.

Kung dati, napapanood ko lamang ito sa mga pelikula ngayon naman nangyayari na sa akin. Baka bukas, makita nalang ang katawan ko na palutang-lutang sa Manila bay habang nakalabalot sa sako.

"Miss, hindi naman kami masamang tao. Makikipag kwentuhan lang kami." Wika pa noong isa.

Hindi ko na napigilan pa ang mapaluha. Natatakot na ako. Kahit isa, wala na akong nakikita na ibang tao rito. Wala na akong malalapitan. Wala ng sasaklolo sa akin oras na may mangyaring masama.

Sinubukan ko na rin ang tumakbo, pero dahil sa panay luha na ang aking mga mata at nanlalabo na ito kaya mabilis akong natalisod at nadapa. Takot na takot na ako. Wala na akong ibang naririnig ngayon kung hindi malakas na pintig ng aking puso.

Jusko! Tulungan niyo ako.

Hanggang sa tuluyan na nga akong naabutan ng mga ito. Mukha lang silang mga ka edad ko, pero makikita sa kanilang mukha na hindi sila marunong gumawa ng tama.

"M-Maawa na po k-kayo sa akin..." Umiiyak na paki usap ko habang niyayakap ang sarili.

Dahil sa sugat na natamo ko sa aking tuhod at braso, kaya hindi ko na magawang ibangon ang aking sarili. Kahit tumakbo yata, hindi ko na rin magagawa pa.

Narinig ko na napatawa iyong isa. Iyong tawa na alam mong may binabalak na hindi maganda.

"Putcha pare, jackpot! Ang gandaaaa. Ang kinis!" Parang aso na uulol na sabi nito habang naka tingin sa akin.

"At mukhang mabango. Nyahahahaha!" Dagdag naman ng isa pa nilang kasama.

Hindi ko na alam ang gagawin. Wala akong ibang magawa kung hindi ang magdasal. Na sana ay kahit isang sasakyan ay may mapadaan. Sana kahit isa, mayroong tulmulong sa akin.

Dahan-dahan na nilapitan ako ng isa at hahawakan na sana ang aking pisngi ng bigla ko itong itinulak papalayo.

"Wag...wag kang lalapit!" Sigaw ko rito ngunit pinagtawanan lamang nila ako.

"Please! Parang awa niyo na..." Nanginginig ang boses habang patuloy na pumapatak ang luha na pakiusap ko sa kanila.

"Mga lalaki nga naman." Rinig kong sabi ng isang boses mula sa aking likuran. Boses ng isang babae, boses na alam ko kung sino ang nag mamay-ari.

Natigilan ako. Hindi ko alam pero pakiramdam ko, safe na ako ngayon. Mas lalo akong naiyak dahil alam kong may magliligtas na sa akin.

"Sinabi niya, huwag niyo siyang lapitan. Nakikiusap na nga, diba? Tapos pagtatawan niyo pa." Agad itong pinagtinginan ng apat.

"Wow! Pare, at may isa pang dumating." Natatawang sabi noong hahawak sana sa akin.

"Gusto yatang makisali sa atin." Dagdag naman ng isa.

Kaya lang, nakalimutan ko yata na babae rin nga pala siyang tulad ko. Ano nga bang laban nito sa apat na lalaking nasa harap namin.

"Sure, I'll join you." Rinig kong sabi ni Raven kaya mabilis akong napalingon sa kanya para siya ay pigilan.

Agad na nagtama ang aming mga mata. Halos manindig ang balahibo sa aking buong katawan sa lamig ng mga tingin nito sa akin.

Hindi nagtagal ang kanyang mga mata sa akin, nang muli niya iyong ibinalik sa apat. Iyong malamig na mga tingin nito ay biglang naglaho at napalitan ng matatalim at nakakapangilabot.

"Raven, please..." Pakiusap ko. "Humingi ka nalang ng tulong. M-Mapapahamak ka lang." Lumuluhang pakiusap ko sa kanya pero hindi ako nito pinansin at nagpatuloy lamang sa paghakbang palapit sa akin kung nasaan din nakatayo ang apat.

"Bingi ka ba?!" Sigaw ko.

Napalunok ito at muling sinalubong ang aking mga mata. "I want you to close your eyes." Sabi nito sa akin. Magsasalita pa sana ako ng muli siyang magsalita. "Please!"

Kahit na natatakot din para sa kanya, ay sinunod ko na lamang din ang ipinag-uutos nito. Dahan-dahan na ipinikit ko ang aking mga mata. At noong nagawa ko na ay muli siyang nagsalita.

"Good. Now, count to ten and you can open your eyes again." Napatango ako at nagsimula na rin agad sa pagbilang.

Naririnig ko ang iba't ibang tunog mula sa aking likuran. Pati na rin ang iba't ibang pag-inda na aking naririnig mula sa mga kalalakihan.

Hindi pa ako tapos sa aking pagbilang nang may biglang humawak sa aking balikat.

"You're safe now." Rinig kong sabi ni Raven sa mahinang boses.

Bago ko pa man muling maimulat ang aking mga mata ay mabilis na akong napayakap sa kanya. Habang paulit-ulit na nagpapasalamat.

"T-Thank you." Pagpapasalamat ko bago napa ngawa ng tuluyan.

Pero pinagtawanan lamang ako nito. Iyong tawa na unti-unti nagpapagaan ng aking nararamdaman.

"Sa tingin mo ba gagahasain ka ng mga iyon? Huwag kang mag-alala, dahil kahit rapist hindi ka papatulan." Pang-aasar niya dahilan upang mas lalong naging malakas ang aking pag-iyak.

"Waaahhh. Ang sama-sama mo." Napapahagulhol na dagdag ko pa.

Patuloy lamang ako sa aking pag-iyak hanggang sa maramdaman ko nalang na unti-unti akong umaangat sa lupa.

At sa pagmulat ng aking mga mata, buhat na pala ako ni Raven papunta sa kanyang sasakyan.

"S-Saan mo ako dadalhin?" Lumuluha parin ako pero hindi na katulad ng kanina.

"Kailangan kong gamutin yang sugat mo." Wika niya. "Huwag ka ng umangal pa. Simula ngayon, responsibility na kita." Dagdag pa niya. At magsasalita na sana akong muli noong muli na naman niya akong pigilan.

"Whether you like it or not." Pagkatapos ay dahan-dahan na ipinasok niya ako sa loob ng kanyang kotse.

Hindi ko naman mapigilan ang mapatitig sa maganda nitong mukha. "Paano mo naman ako naging responsibility?" Tanong ko.

Napangiti lamang ito at ginulo ang buhok ko. "I'm your partner, remember?" Bakit parang ang saya-saya niya? Parang kanina lang ayaw na niya akong maging ka grupo o partner.

Isa pa, paano niya ako nabuhat ng ganoon na parang wala lang sa kanya?

"What?" Natatawa na tanong nito sa akin.

Napasinghot muna ako bago nagsalita.

"O-Okay ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan? B-Baka kasi mabagok yang ulo mo kanina eh kaya kung anu-ano ang pinagsasabi mo."

Ang sumunod na ginawa nito ay hindi ko rin inaasahan. Awtomatikong napayuko siya para i-level ang kanyang mukha sa akin. Pagkatapos ay binigyan ako ng isang ngiti na alam mong humihingi ito ng tawad.

Hindi ko mapigilan ang mapalunok muli. Ang lapit na naman ng mukha namin sa isa't isa.

"I'm sorry for what happened earlier. I'm sorry for the words I said. I didn't mean that, believe me." Sabi niya bago napalunok.

"I-I promise, from now on I will be your good partner. I will study hard, I will cooperate with you, and...and I will only listen to you." Sinasabi niya ang mga iyon nang nakatingin lamang ng diretso sa mga mata ko.

Napalunok ako. Napakunot ang noo ko. Bakit ganon? Bakit biglang naging weird ang pintig ng puso ko? Kung kanina ang bilis-bilis ng kabog dahil sa takot. Ngayon naman, napakabilis din ng pagtibok nito pero iyon ay dahil sa mga sinasabi ni Raven.

"Now I have found my reason to be a good student. And that's you. You are my reason, Alice." Pagkatapos ay muling ginulo nito ang buhok ko.

Pero ako naman, heto. Kusa na lamang napatulala sa kawalan. At pakiramdam ko rin, nangangamatis na ang aking buong itsura.

"H-Huh?" Napaangisi lamang ito halatang nagpipigil sa pag tawa.

"Hakdog." Natatawnag sagot niya. Agad naman na binigyan ko ito ng masamang tingin.

Ano ba talaga ang nangyayari? Bakit kailangan may ganitong eksena?

下一章