webnovel

Devil 74: Seige

Someone's POV

NAPATIIM bagang si Seige nang makita sa monitor ang ginawang pagtalo ng isang cyborg sa kanyang shadow hunter sa rooftop ng hospital na pag-aari ng mga Montero.

Just who the hell's made her to be that strong?

Nagngingitngit ang kaloobang saad niya sa isip.

Masama siyang tumingin sa babaeng cyborg na nakangisi pa habang walang pakundangan na binalibag ang isa sa mga shadow hunter na sya mismo ang gumawa.

Naiinis siya dahil nagbigay siya ng effort at oras sa paggawa dito tapos ganun ganun lang itong matatalo ng isang cyborg.

Nang mapatumba nito ang kanyang shadow hunter ay nakangisi pang lumapit rito ang babae.

"Eto to, chto u tebya yest'? Tss! Ochen' zhal'. Menya toshnit ot etogo." (Is this what you've got? Tss! Such a pity. It makes me sick.) Nakangising turan nito bago hinablot ang ulo ng shadow hunter niya at walang sabing hiniklas iyon dahilan upang maputol ang leeg nito at nawala na ito sa monitor.

Napapikit siya sa inis at marahas na napabutong hininga.

"Lina slabeyet, a drugiye stanovyatsya sil'neye. Ne govorya uzhe o tom parne, kotoryy lezhit v posteli." (Lyna is getting weak but the others are getting stronger. Not to mention that kid who's lying in bed.) Napalingon siya sa nagsalita .

Nagsindi ng sigarilyo si Dr. Krox saka tumingin sa kanya.

"What should you do now Seige? Even if Akzil is there, there are some cyborgs and unidentifying person who's making them stronger. Besides, Akzil didn't really destroy their lab. They're stronger than I thought." Anito na para bang sinasabi na wala siyang panama sa mga ito.

Mas lalo siyang nakaramdam ng pagka-inis.

Pinindot niya ang intercom at nagsalita.

"Release the clones and send them to the Philippines." Aniya.

"But Dr. Seige, they're not fully developed yet we may have encounter a-!"

"Send them or I'll kill you. Send everyone of them!" Sigaw niya rito.

"Y-yes sir."

Marahas niyang pinatay ang intercom.

Ngunit natigilan siya nang marinig ang pagtawa ni Dr. Krox.

"Vy deystvitel'no dumayete, chto vashe izobreteniye mozhet nas udovletvorit'? Dazhe Aktsil ne poluchil agenta KH." (Do you really think that you're inventions can satisfy us? Even Akzil didn't get Agent X.) Anito.

Napatiim bagang siya. May punto ito. Kahit naman nagawang iactivate ni Akzil si Electro ay kulang parin iyon upang makuha nila ang nais nila.

Tumayo siya at inayos ang kanyang mga gamit.

"What are you doing?" Takang tanong sa kanya ni Dr. Krox.

Napangisi siya rito.

"I will monitor those trash myself." Aniya rito. Napakunot noo ito sa sinabi niya.

"What the hell are you thinking?" Galit na turan ni Dr. Krox na para bang hindi nagugustuhan ang nais nyang mangyari.

"If my inventions can't bring Jack Ryder to me. Then I will get that bead myself!" Matigas niyang sagot rito.

Nanlaki ang mga mata ni Dr. Krox. Agad niyang pinigilan sa braso si Seige.

"Ty ne v svoyem ume? Ty ponyal, o chem ty govorish' ?!" (Are you crazy? Do you realized what are you talking about?!) Galit na asik nito sa kanya.

Alam niya ang ibig nitong sabihin. Ngunit kung sakaling wala na siyang choice pa kundi ang kumilos ng personal ay wala na siyang magagawa.

"I know what I'm doing Dr. Krox." Seryosong turan niya rito.

Sandali siyang tinitigan ni Dr. Krox at hindi ito makapaniwala sa kanyang determinasyon.

"You can't do this Seige. There has to be another way! We just have to wait for-!" Asik nito.

Naputol ang sasabihin nito nang tanggalin ni Seige ang kamay nito sa braso niya.

"I've been waiting for so long to get her back, Dr. Krox. Don't you think it's time for me to leave this place and see the real world? Besides, I've been locked up here since I was born!" Matigas na turan niya habang nakatitig dito.

Napabitaw sa kanya si Dr. Krox. Tinalikuran na niya ito at akmang aalis nang muli itong magsalita.

"What if you kill her?"

Natigilan siya. Ang mga salitang iyon ang pinakaayaw nyang marinig. Kasabay ng alaalang matagal na niyang gustong kalimutan.

"If we meet in a different world. We'll create our own destiny. That's a promise."

"But how will I know that it's you if we are in a different world?"

"You will. Because you are the only one who knew the real me."

"But now, you have to kill me."

"How can I do that? I want to protect you!"

"Killing me is protecting me."

"But-!"

"Protect me Seige."

Napapikit ng mariin si Seige saka lumingon kay Dr. Krox.

"Killing her is protecting her." Aniya at tuluyan nang lumabas ng monitor room.

Di naman makapaniwala si Dr. Krox sa narinig.

Just what the hell is he trying to do? After all the thing's we've done?

Mabilis niyang pinindot ang caller ng suot na relo.

"Yes Dr. Krox?" Sagot ng kabilang linya.

"Seige is planning to leave the Hive. Do everything you want to stop him. We can't risk to let him leave like that!" Utos niya rito.

"What?! B-but Dr. Krox. It is Dr. Seige we are talking about! What should we do if he-!"

"Stop panicking and do your best to stop him!" Asik niya rito at pinutol na ang linya.

Hindi niya pwedeng hayaan na lamang si Seige sa gusto nito.

Minsan na nilang napabayaang makatakas si Project Lyna at nakita na rin niya kung paano ito nagtransform. Hindi na niya kakayanin pa kung si Seige na mismo ang magtransform.

Hindi makakaya ng lahat kapag ito na ang naging demonyo. Dahil kapag nangyari iyon.

Siguradong mabubura na ang planetang ginagalawan nila.

Katulad ng ginawa nito sa mundong iyon.

Samantala...

Napataas naman ang kilay ni Seige nang makita ang mga nakaumang na baril at kung ano ano pang sandata upang pigilan siya sa nais gawin.

Bahagya siyang napangiti habang pinapanood ang nanginginig na mga katawan ng mga taong nais siyang pigilan.

How pathetic! I can't believe I managed to cooperate with them when I can just kill them all in just a snap of my finger.

Hindi niya pinansin ang mga ito at hinayaan lamang ang mga ito sa mga nais nitong gawin.

Nang lumampas siya sa line kung saan hindi dapat niya lampasan ay nagpaulan na ang mga ito ng bala at kung ano anong pampasabog sa kanya.

Subalit sa isang kumpas lamang ng kanyang kamay ay nahawi ang daraanan niya at lumutang sa ere ang lahat ng bala at baril maging ang mga tao roon.

Paglampas niya sa pintong iyon ay muling nagkaroon ng maingay na putok ng mga baril na may kung ano anong kemikal sa kanya. Subalit gaya ng nauna ay walang kahirap hirap lamang niya itong hinawi at nagpatuloy sa paglalakad.

Nang makalampas sa isa pang pinto ay natigilan siya nang makita ang isang batang babae sa daraanan niya.

Iyon ang batang si Lyna. Ang batang eneksperiment nila at nabuhay matapos maging bahay ng wargon ang katawan nito.

Napangisi siya. Nasa imitation room siya kung saan makikita ng kung sinumang papasok roon ang mga pangyayari sa nakaraang buhay nito.

So, this is what Lyna been thru when she passed this room? Aniya sa isip.

Alam niya iyon dahil isa rin siya sa mga gumawa ng room na iyon upang pigilan ang mga subjects na nais tumakas.

Nagpatuloy lamang siya sa paglalakad at hindi ito pinansin subalit nanlaki ang mga mata niya nang magbago ang hitsura ni Lyna at naging isang dalaga na kamukhang kamukha ng taong matagal na niyang gustong makita.

Arisha..!

Hindi siya makapaniwala sa nakikita. Alam niyang hologram lamang ito subalit paano itong napunta roon?

Hindi niya kailanman pinakita sa kahit na kanino ang totoong hitsura nito kaya nagtataka at naguguluhan siya kung bakit nakikita niya ngayon ang mukha ng babaeng nais niyang makita nang matagal nang panahon.

At ang mas kinagugulat pa niya ay nagagawa nitong ngumiti at maglakad papunta sa kanya.

Dr. Krox could never make something like this. Neither Akzil or anyone.

But how..?

"Seige." Nanlaki pa ang mga mata niya nang marinig ang boses ni Arisha.

"H-how can you..?"

Napangiti itong lalo saka mas lumapit pa sa kanya.

Inilagay nito ang mga kamay sa likuran nito saka sinilip ang mukha niya na parang ang tangkad tangkad nito gayung hanggang balikat lamang niya ito. Bagay na madalas nitong gawin noon.

"Where are you going?" Tanong nito.

Nagpalinga linga siya sa paligid ngunit tanging sila lamang ang naroon.

"H-how can you talk to me?" Di makapaniwalang tanong niya.

Ngumiti ito. "Can't I talk to you? Are you going somewhere? Can I come with you?" Anito.

Napatitig lamang siya rito at hindi malaman ang gagawin.

Ilang sandali pa nang matauhan siya at inisip na guni guni lamang niya ang nakikita.

Nilampasan na lamang niya ito saka nagpatuloy sa paglalakad.

"Seige?!" Takang tanong pa nito sa kanya. Ngunit hindi niya ito pinansin.

"Are you just walking away, leaving this girl unguarded with me?"

Natigilan siya sa paglalakad at dahan dahang napalingon sa nagsalita. Nanlaki pa ang mga mata niya nang makitang hawak sa leeg ng lalaki si Arisha.

Jack Ryder!!?

Isa rin itong hologram. Subalit nagagawa nitong saktan ang hologram ni Arisha.

Naalarma siya sa nakita.

"What the hell??! What do you think you're doing??!" Sigaw niya rito. Wala na siyang pakialam kung hologram lamang ang mga ito. Ngunit ang makitang sinasaktan ng kung sino ang babaeng mahal niya ay di niya kayang tanggapin kahit imitation pa iyon.

Napangisi si Jack Ryder at hinawakan sa panga si Arisha saka kinabig palapit sa mukha nito.

Napatingala naman si Arisha at waring nasasaktan sa ginagawa dito.

"Seige.." Tawag nito sa kanya na animo'y humihingi ng tulong.

Agad niya itong hinawakan sa braso upang hilahin subalit tumagos lamang sa balat niya ang braso nito.

Galit na napatingin siya kay Jack Ryder na noon ay nakangisi.

"If you do something with her. I'll swear to kill you!" Matigas niyang banta rito.

Tinitigan naman siya ni Jack.

"Really? And how are going to do that? You can't touch me. Besides, you already killed me did you not?" Anito na nagpatigil sa kanya.

Napatiim bagang siya sa sinabi nito.

"Don't push me on my limit Jack. I can kill Lyna when I see her at once." Banta niya rito.

Ngunit nagulat siya nang bigla itong tumawa ng malakas.

"Did you had an amnesia? You already killed both of us Seige. You killed me and my love a long time ago did you not?" Anito saka nanlisik ang mga mata.

Napaigik sa sakit si Arisha nang dumiin ang pagkakahawak rito ni Jack.

"Stop touching her!" Sigaw niya kay Jack.

Ngunit napangisi lamang ito sa kanya.

"Beg me." Utos nito sa kanya. Habang pinapasadahan ng daliri nito ang labi ni Arisha.

Naikuyom niya ang mga palad.

Sa pagkakataong iyon ay parang wala na naman siyang magawa kundi panoorin ang paghihirap ng taong mahal niya.

Arisha!!

Napatingin siya kay Jack na matalim ang tingin sa kanya taliwas sa hitsura nito nung una niyang makita.

"Kneel and beg me, Seige." Dagdag pa nito na lalong nagpangitngit sa kalooban niya.

Tiningnan niya ito ng masama.

"Do you think I am stupid enough to obey you?" Matigas na turan niya rito.

Napangisi ito sa kanya saka hinapit sa beywang si Arisha.

"I know you're a genius Seige. But being a genius won't save the one you love. Isn't that what you told me when you killed my love?" Ani Jack Ryder saka inilapit ang mukha sa leeg ni Arisha.

"Stop touching her!" Sigaw niya rito subalit tinawanan lang siya nito.

"Seige..!" Ani Arisha habang inaabot sa kanya ang kamay nito at umiiyak.

Napapikit siya ng mariin at wala sa sariling napaluhod sa mga ito.

"Stop it! RELEASE HER!!I...I'm begging you!" Sigaw niya habang nakatingin kay Arisha na umiiyak na.

Don't cry my lady!! Don't cry!!! I will bring you back!!! And we'll live in this world that you promised me. We'll create our own destiny here remember?

"How pathetic!" Ani Jack Ryder at nanlaki pa ang mga mata niya nang tumagos sa dibdib ni Arisha ang kamay ni Jack na may matutulis na kuko.

"NOOOO!!! ARISHAAAA!!!" Gimbal na sigaw niya at mabilis itong nilapitan nang bumagsak ito sa sahig.

Niyakap niya ito subalit tumagos lamang dito ang mga kamay niya. Napapikit siya at nanubig ang mga mata.

Nakita na naman niya ang pangyayaring ito na pilit niyang kinakalimutan.

Malutong na tawa ni Jack Ryder ang nagpagising sa kanya. Matapos nitong tumawa ay matalim itong tumingin sa kanya.

"Now you know. How I felt, when you killed the woman I love in front of my very own eyes! It's not me who killed her Seige. It is you!" Anito at nanlaki pa ang mga mata niya nang magbago ang anyo ni Jack at naging siya.

Maging ang silid na iyon ay dagling nagbago at naging kamukha ng mundong pinanggalingan nila. Ang mundo kung saan nasusulat ang araw ng kanilang kamatayan.

Hindi siya makapaniwala. Napatingin siya kay Arisha at sa lalaking kamukha niya.

Napaatras siya habang palipat lipat ang tingin sa mga ito.

Lumuhod ang lalaking kamukha niya at ikinandong ang ulo ni Arisha.

"Arisha.. I'm sorry.." Malamlam ang mga matang anas nito.

"It's not your fault Seige. This is my destiny. We meant to kill each other even we doesn't want to, right?" Anito sabay ngiti ngunit nagbago din ang reaksyon nito nang sumuka ito ng dugo.

"I'm sorry.." Tanging nasabi na lamang ng kamukha niya.

"If we meet in a different world. We'll create our own destiny. That's a promise." Ani Arisha.

"But how will I know that it's you if we are in a different world?"

Hinaplos nito ang mukha ng lalaking kamukha niya.

"You will. Because you are the only one who knew the real me." Anito saka ngumiti ng matamis.

"But now, you have to kill me."

"Arisha.." May pag-aalinlangang turan nito.

"You have to Seige."

"How can I do that? I want to protect you!" Sigaw nito.

"Killing me is protecting me." Nakangiting turan ng babaeng mahal niya.

"But-!"

"Protect me Seige." Natigilan ang kamukha niya at napaluha. Kinuha nito ang katana sa gilid nito at iniumang sa dibdib ng nakangiting babae.

Noo!! Don't do that!!! You don't have to do that!!!

"Haaaahhhh!" Sigaw ng kamukha niya at nanlaki na lamang ang mga mata niya nang makita ang pagtarak ng espada nito sa dibdib ni Arisha at ilang sandali lamang ay naglaho na ang katawan nito na parang bula.

"Nooooo!!!" Sigaw niya kasabay ng pagtulo ng luha niya.

"This is your fault." Anang lalaki na kamukha niya na masama ang tingin sa kanya.

Nakaramdam siya ng takot rito. Takot na baka totoo ang mga sinabi nito.

Natatakot siya.

Natatakot siya sa sarili niya. Dahil kung hindi lamang siya naging ganid sa kapangyarihan noon ay baka kasama parin niya si Arisha ngayon.

Kasalanan niya ang lahat.

Kasalanan niya kung bakit nawala ang babaeng mahal niya. Kasalanan niya kung bakit nagkaroon ng wargon at kung bakit nagkahiwalay sina Dzhek at Nezeiah maging sina Allyna at Jack.

Kasalanan niya ang lahat. Dahil hindi niya kayang makita na maging masaya ang iba habang sya ay nagdurusa sa pagkawala ng taong mahal nya na kagagawan rin niya.

Self guilt. Iyon ang nararamdaman nya.

Hindi niya mapatawad ang sarili niya kung kaya't hindi nya rin kayang panoorin ang kasiyahan ng iba na hindi niya natamasa.

Marahan siyang tumayo mula sa pagkakalugmok. Wala na ang hologram ni Arisha maging ng lalaking kamukha niya.

Pero ang galit na namumuo sa dibdib niya ay di nawawala.

Jack Ryder!

If you really love her. I'll bring her to your grave!

Matalim ang mga matang tiningnan niya ang monitor cord na nakakabit sa room at sa isang kisap mata lang ay kumislap iyon at naglikha ng apoy.

At lahat ng madaanan niyang silid ay nagliliyad na animo'y sumusunod sa kanya.

Nagkagulo ang buong facility. Lahat ng taong nasa loob niyon ay nagtangkang tumakas.

Subalit sa isang kisap mata lamang ay napuno ng sigawan at panaghoy ang buong laboratory na naging tahanan niya sa loob ng maraming taon.

Napatingin siya sa labas at napapikit nang malanghap ang hangin at maamoy ang paligid at marinig ang mga ingay sa iba't ibang panig ng lugar.

So, this is the grounds? Nice.

---