webnovel

Devil 46: Strange Devil

Someone's Pov

"The Punishers are here!"

"Kyaaahhh! Zero!"

"Ang hot talaga ni Drew!"

"Ang cute pa rin ni Cody!"

"Cody please be mine!"

"Zero I love you!"

Hindi magkamayaw na sigawan ng mga estudyante habang naglalakad ang tatlong lalaki sa field.

Championship na ng Interhigh ngayon kaya naman intense na ang mga eksena. Isa nalang ang kakalabanin ng baseball team at malalaman na kung sino ang champion.

"Tsh! Eolmana manh-eun amkae!" (What a bunch of bitches!) Iritableng saad ni Jichell habang masamang nakatingin sa mga babaeng nagpapacute kay Cody na noon ay nakasalang na upang tumira ng bola.

"Tch! Someone's getting jealous!" Nakangising puna ni Shane.

Inirapan lang siya ni Jichell saka muling tumingin sa field.

Umayos ng tayo si Cody at humanda sa pagpalo ng bola. At nang ibato ng kalaban ang bola ay sakto naman ang pagkakatama rito ni Cody. Tumalsik ito sa malayo at walang nakasalo.

"Kyaaahh! Go Cody! Go Go Cody! Go Cody!"

"Ang galing mo Cody!"

"I love you Gregory!"

Sigawan ng lahat na halos hindi magkamayaw sa kilig at tuwa. Masamang tumingin ulit si Jichell sa grupo ng mga kababaihang malakas ang sigawan. Muli siyang tumingin sa field kung nasaan si Cody saka napangisi. Malapit na ito sa kung saan sila nakapwestong bench kaya naman ng tumakbo ito papuntang home base ay tumayo siya at iniharap dito ang banner na hawak niya.

"Saranghae Cody Sean! Saranghae! Saranghae! Saranghae Cody Sean Oppa!" Sigaw niya na syang nangibabaw sa mga naroon.

Halos sabay sabay namang napatingin sa kanya ang mga tagahanga ni Cody at halos lahat ay nagtataka at nagtatanong kung sino sya.

Narinig naman ni Cody ang sigaw niya kaya nang makarating ito sa home base ay bahagya itong lumapit sa screen na nakaharang sa field at tumingin sa kanya.

"Jagiya nado saranghae!" (I love you too Babe!) Anito saka nagheart sign kasabay ng pagwink.

Laglag ang panga ng mga naroon.

"Sino ba ang babaeng yan?"

"Hindi kaya girlfriend na sya ni Cody?"

"No way! Cody is mine!"

"Arrg! I hate her!"

"Is she korean?"

"I don't care who she is. Cody is mine!"

Napangisi naman si Jichell sa mga narinig.

Tsh! As if you're gonna take me down! Poor girls! Cody is mine, bitches!

"Hayy, Just don't ever dare to drag us with your pathetic war with those girls, Maknae!" Irap sa kanya ni Shane.

Napangiti lang siya ng malapad dito.😁

"I'm gonna go to the restroom." Ani Jack na waring walang pakialam sa nangyayari.

"Want me to accompany you?" Ani Shane.

"I'm not a kid Andy."

"Hehe, baka lang naman gusto mo eh." Ani Shane saka napangisi.

"Tss."

Nang makaalis sa bench ay muling napatingin si Jack sa naglalaro at hinanap ng mga mata si Zero.

Nagpapahinga ito sa base habang nanonood sa mga kasamahan na nakasalang. Katatapos lang kasi nitong makahomerun.

Bahagya siyang napangiti at akmang aalis na nang bigla itong mapatingin din sa kanya.

At parang magnet na naglapat ang mga titig nila.

Don't get yourself hurt, Natsu.

Wari namang narinig ni Natsu ang sinabi niya at bigla itong pinamulahan.

Napangiti siya sa hitsura nito.

Kyeopta! (Cute)

Where you going? Narinig niyang tanong nito sa sarili.

Restroom. Wanna come with me? Aniya rito.

Muli itong pinamulahan sa sagot niya. Hindi nito maintindihan kung bakit siya nito naririnig at kung bakit sila nag uusap sa isip. Pero mukhang mas nanaig ang kilig na nararamdaman nito.

Napangiti na lamang siya saka tuluyan nang umalis.

Nang makarating siya sa restroom ay natigilan siya nang may maramdamang kakaiba.

What is it? Tanong niya sa isip saka mabilis na hinanap ang anumang nilalang na nasa malapit lang.

Nakalabas na siya ng Academy nang makita niya ang hinanap.

There's three of them.

Shadow Hunters

But wait...

There's more..

Who is it?

Limang kanto mula sa kinatatayuan niya ay kita niya ang tatlong shadow hunters na waring nagtatago sa gusali.

Subalit meron pa siyang nararamdamang kakaiba maliban sa mga ito.

At bago iyon sa pakiramdam niya.

Who are you?

At bago pa siya muling nakakilos ay may kung anong enerhiya na ang bumalot sa kanya.

Something strong and familiar.

--

Zero's Pov

Don't get yourself hurt, Natsu.

Nagulat ako sa narinig ngunit dagli ding nag init ang mukha ko sa sinabi nito.

Kyeopta!

Where you going? Tanong ko habang makatitig pa rin sa kanya.

Restroom. Wanna come with me? Aniya.

Shit! Stop seducing me Jack!

Muling nag init ang mukha ko sa sagot niya. Hindi ko alam kung bakit at papaanong naririnig ko ang nasa isip nya ngunit may pakiramdaman ako na hindi lang ngayon nangyari ito.

Hindi parin mawala ang ngiti ko kahit wala na siya sa paningin ko.

Oh geez Salamander! What did you do to me?

"Anong nginingiti ngiti mo dyan?"

Agad akong napatingin kay Cody na hinihingal dahil katatapos lang nitong magpasikat este..maglaro.

"Nothing." Tipid kong sagot saka muling tumingin sa daang tinahak ni Jack.

Umaasa ako na sanay bumalik na sya agad.

"Tsh! Wala daw eh para kang nakalutang sa ulap dyan eh!" Anitong nang aasar.

"Tigilan mo nga ako." Kunwa'y irap ko saka muling napatingin sa nilabasan ni Jack.

"Sino bang hinihintay mo? Si Jack o si Salamander?" Nakangising takong nito saka nakitingin rin sa tinitingnan ko.

Hayst! Panira talaga 'tong kumag na 'to.

"Tch! Shut up!" Asik ko sa kanya.

"Teka, kayo na ba? Sinagot mo na?" Di parin paawat na tanong nito.

"Pinagsasasabi mo?"

"Eh diba, nililigawan ka nya? So, sinagot mo na?"

"Pwede ba Cody, sarili mo nalang ang isipin mo? Pakialamero ka talaga eh no?"

Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Dude, okay na lovelife ko. Kaya nag aalala ako sayo." Mayabang na sagot niya.

"Hah! Talaga lang ha? Are you sure about that? Sa tingin mo seryoso sayo si Jichell? Ni wala pa ngang isang linggo kayong magkakilala."

"Dude, I'm not saying na kami na ni Jace but we're compatible with each other. She gets me and I get her. We're not in a relationship but we're close friends like... this close." Aniya at pinagdikit pa ang parehong hinalalaking daliri.

"Tch! Ewan ko nga sayo! Ang labo ng relasyon nyo." Asik ko sa kanya saka muling tumingin sa nilabasan ni Jack.

Bakit ang tagal nya?

Bumalik kana Salamander.

At napangiti ako nang makita siyang parating.

Maybe she heard me kaya bumalik na sya.

Huminto siya saglit at iginala ang paningin.

I'm here Jack! Sabi ko para muli nyang marinig.

Ngunit nagpatuloy siya sa paghahanap at nang magtama ang aming mga mata ay bahagya akong natigilan dahil sa tingin niya.

It's not sweet but cold. At ang pinagtataka ko ay...

Bakit nagkulay pula ang mga mata nya?

May nangyari ba?

Napangisi siya sakin saka ako tinalikuran at pumunta sa bench kung nasaan sina Shane.

Takang natigilan ako.

Bakit pakiramdam ko bumalik ang dating Jack na nakilala ko.

Yung Jack na una kong nakilala.

The cold Devil.

--

Matapos ang laro ay masaya naming nilisan ang field. At syempre pa ay kami ang champion.

Agad kong hinanap sina Jack ngunit hindi ko sila makita.

Nang papunta na kami sa locker ay namataan ko silang tatlo na waring papunta sa cafeteria.

Bahagya akong napangiti saka nagmadaling magtungo sa locker para makapagshower.

"Ba't ka ba nagmamadali dude?" Reklamo ni Cody na babagal bagal.

Hindi ko sya pinansin bagkus ay agad akong nagshower.

Nang matapos ako ay natapos na rin ang dalawa.

"Let's go to cafetria?" Aya ko sa dalawa.

"Sige susunod kami dude." Ani Drew na nagbibihis pa.

"Okay, bilisan nyo nalang." Sabi ko saka umalis na subalit nagulat pa ako nang makita ni Jack sa harap ng locker namin.

"Hey Jack." Nakangiting bati ko.

Tumingin lang siya sakin na para bang noon lang ako nakita.

"Something wrong?" Takang tanong ko.

Hindi niya ako sinagot at nagulat pa ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko habang seryoso paring nakatingin sakin.

Sukat doon ay waring may kung anong mga pangitain na naman ang nakita ko.

Mabilis at halos mahilo hilo ako sa mga nakikita. Para itong mga alala ko na napakabilis na nagflash lahat sa mata ko.

At halos matumba ako matapos niyang bitiwan ang kamay ko.

"Done." Aniya na pinagtaka ko. Pagkatapos niyon ay umalis na siya sa harap ko.

Napahawak naman ako sa ulo ko nang sumigid ang sakit roon.

"Zee, are you okay?" Alalang tanong sakin ni Drew na agad akong inalalayan.

Napapikit ako ng mariin at takang napatingin kay Jack ngunit wala na ito sa pasilyo.

"Dude, what happened to you?" Takang tanong din ni Cody.

"N-nothing. I was just...I just felt dizzy." Sagot ko na lamang saka muling napatingin sa inalisan ni Jack.

She's weird.

Ilang sandali pa ay sabay sabay na kaming pumunta sa cafeteria at naabutan namin ang tatlo na kumakain. At naging paborito narin talaga nilang upuan ang pwesto na exclusive lang dapat saming tatlo. Ngunit dahil iba na ang sitwasyon namin ngayon ay hinayaan ko nalang sila.

"Jack, bakit ba hindi ka kumakain? It's your favorite pasta." Ani Shane.

"I don't like it." Sagot naman ni Jack.

"Stop feeding her Shanix, she doesn't want it." Ani naman ni Jichell.

"Tsh, mind your own business Maknae!" Irap na sagot naman sa kanya ni Shane.

"Hey girls!" Masayang bati ni Cody na agad tumabi kay Jichell.

"Hey Cody Sean!" Malambing ding bati nito.

Tch!

Naupo naman ako sa tabi ni Jack.

"I'll get your order." Ani Drew na umalis na.

Tiningnan ko si Jack ngunit nakatingin lang siya sa kawalan at pamaya maya'y iginagala ang tingin.

May problema ba sya? Di ko maiwasang isipin.

Okay naman kasi sya kanina bago umalis pero waring may kakaiba na sa kanya nung bumalik sya.

"Uy Jack, may problema ka ba? Seryoso natin ah." Puna ni Cody.

Hindi lang pala ako ang nakapansin.

Tiningnan nya ng seryoso si Cody.

"Mind your own business, Gregory." Matigas niyang sagot kay Cody na kinagulat namin.

What's happening to her?

Natahimik naman si Cody at waring nagulat din sa sagot ni Jack. Maging sina Shane at Jichell ay natigilan.

"Jack, are you okay?" Nag aalalang tanong ni Shane at bahagyang hinawakan ang kamay ni Jack ngunit nagulat pa kami nang biglang mapasigaw si Shane.

"Oh God! Your burning Jack! What's happening to you?" Gulat na gulat na bulalas ni Shane habang nakahawak sa nalapnos na kamay.

Napanganga ako sa nakita. Paanong napaso ang kamay ni Shane sa kamay ni Jack.

Agad namang napalayo si Jichell sa table at takang nakatingin kay Jack.

"Unnie museun il-iya?" (What's the matter Jack?) Gulat na bulalas niya.

Ngunit nakatingin lang sa kanila ng seryoso si Jack saka tumayo.

"I'm gonna go home." Aniyang seryoso parin saka umalis na.

Naiwan kaming natitigilan at takang taka sa nangyayari.

"Whoah! Si Jack ba talaga yun?" Gulat na bulalas ni Cody. Hindi ko sya nasagot bagkus ay napatingin nalang ako sa nilabasan ni Jack.

She's getting weirder!

Salamander!

"What happened here?" Takang tanong naman ni Drew na kararating lang at nagulat pa ito nang makita ang kamay ni Shane.

"Ms. Gravalez, what happened to your hand?" Ani Drew at agad na nilapag ang pagkaing dala saka lumapit kay Shane at sinuri ang kamay nitong waring napaso sa nagbabagang apoy.

"I'm fine." Ani Shane ngunit halata sa mukha nito ang sakit.

"Oppa, chto-to sluchilos' s Jack!" (Oppa, something's happened with Jack!) Agad na tawag ni Jichell sa cellphone nito.

Hindi ko man naintindihan ang sinabi niya ay alam kong nireport na niya ang nangyari dito.

"ladno, my otvezem yeye domoy!" (Okay, we'll bring her home!) Ani Jichell at binaba ang tawag at lumapit kay Shane.

"My dolzhny privesti yeye domoy! Poyekhali!" (We need to bring her home, Shanix, let's go!) Ani Jichell at nagmamadaling umalis.

"Anong nangyayari?" Tanong ko kay Shane.

"Nothing, we'll gonna go home. Balitaan ko nalang kayo." Ani Shane saka akmang aalis ngunit pinigilan ko sya.

"We're coming too." Saad ko.

"No! Hindi kayo pweding sumama." Asik niya.

"Nag-aalala din kami kay Jack!" Asik ko rin.

"Hindi mo naiintindihan Zero. Sa lagay ni Jack ngayon, delikado ang mga kagaya mo." Seryosong wika niya.

"Kaya nga mas kailangan ko syang makita." Seryoso ko ding sabi at nagpatiuna na sa kanya.

"Zero/Zee/Dude!" Sabay sabay na tawag nila ngunit hindi ko sila pinansin.

Sumunod nalang sila sakin at naabutan pa namin na paalis si Jack sakay ng kotse habang hinabol naman ito ni Jichell na nakakotse rin.

Bakit sya nakakotse? Where's Raegun? Takang tanong ko pa ngunit pinagsawalang bahala ko nalang muna iyon saka mabilis na sumakay sa kotse ko.

Nagulat pa ako nang sumakay din ang tatlo sa kotse ko. Ngunit ang mas pinagtaka ko ay tinulak ako ni Shane papuntang passenger seat.

"What are you doing?" Takang tanong ko sa kanya.

"Mas mabilis kung ako ang magdadrive." Ani Shane na seryoso.

Hindi nalang ako umimik. Inayos ko nalang ang upo ko at nagkabit ng seatbelt saka bahagyang sinilip ang dalawa sa likod. Sabay pa itong nagkabit ng seatbelt.

Bahagya akong kinabahan dahil mukhang hindi lang basta drive ang mangyayari samin.

"Buckel up boys and pray for your God!" Nakangising wika ni Shane at bago pa kami makareact ay pinaharurot na niya ang kotse ko.

"Aaaaahhhh!" Halos sabay sabay na sigaw pa naming tatlo nang muntik na kaming mabangga sa kasalubong naming kotse. Nasa maling lane kami dahil mas kunti daw ang sasakyan dito.

Nahihilo na ako at wari ko'y masusuka na ako sa bilis at nakakatakot na pagdrive ni Shane ngunit mas mabilis ang hinahabol namin dahil halos hindi na namin sila makita.

At ilang minuto pa ay natapos din ang nakakahilo at nakakasukang byahe namin. Nang huminto ang sasakyan ay sabay sabay pa kaming napalabas at napahandusay sa lupa.

Ngunit di ko na napigilang masuka pati na si Cody.

"Ugh! I miss Land!" Bulalas pa ni Cody saka napadapa at mukhang tangang hinalikan ang lupa.

Ugh! Gross!

Napangiwi pa ako nang makita ang suka namin pareho.

Ngunit natigilan din ako nang makita ang paligid na pinuntahan namin.

Masukal at waring walang tao ang paligid ngunit nasa loob kami ng bakuran.

At nang igala ko ang paningin ko ay muntik pa akong magulat nang makita ang malaking mansion sa harap namin. Ngunit mukhang hindi na ito natitirahan ng ilang taon dahil madumi ito at ginapangan na ng mga baging ang paligid.

"Oh my! Geez, mukhang hunted house naman itong pinuntahan natin." Ani Cody na bahagyang lumapit sakin.

"They're inside." Ani Shane na waring hindi man lang nahilo sa pagdrive nya.

Sumunod naman agad sa kanya si Drew na bahagya pa kaming sinenyasan na sumunod.

Napabuntong hininga ako saka sumunod sa kanila habang nakayakap naman sa braso ko si Cody na naduduwag na naman.

"Bitiwan mo nga ako!" Asik ko sa kanya.

"Dude naman! Wag mo akong tinatakot!" Bulalas niya at muling napayakap sa braso ko.

"Hindi kita tinatakot, sadyang takot ka lang!" Sabi ko at pilit na tinatanggal ang yakap nya.

"Eh sa nakakatakot 'tong mansion na 'to eh!" Aniya habang iginagala ang paningin.

"Anu ba! Dun ka nga kay Drew!" Asik ko sa kanya dahil hindi ako makalakad ng maayos.

"Ang damot mo talaga! Papa Drew help!" Kunwa'y hiyaw pa niya na pabulong saka tumakbo kay Drew at dito naman yumakap.

"Cody!" Asik din sa kanya ni Drew subalit wala na itong nagawa at nagpatuloy nalang sa paglalakad.

Tahimik ang paligid ngunit alam kong dito pumunta sina Jack at Jichell dahil nakita namin ang sasakyan nila sa labas.

"Jack? Jichell?!" Sigaw ni Shane ngunit wala kaming narinig na sagot.

Nagpatuloy kami sa paglakad.

Ngunit halos sabay sabay pa kaming nagulantang nang makarinig ng malakas na lagabog sa bandang itaas.

Agad namang napatakbo rito si Shane kasunod si Drew.

Nagkatinginan pa kami ni Cody saka napasunod.

"Jack, No!" Rinig kong sigaw ni Shane at kasabay niyon ay ang malakas na sigaw ni Jichell.

Bakas ang gulat sa mukha ni Drew na nasa labas ng pinto ng isang kwarto nang makarating kami sa itaas.

"Drew! What's happening?" Kinakabahang tanong ko saka mabilis na sinilip ang nasa loob at ganun nalang ang pagkagimbal ko nang makita ang nangyayari.

S-Salamander??!

--

下一章