Someone's Pov
Nataranta si Eros ng makatanggap ng tawag mula sa unknow number.
"We're arriving at your hospital. You're brother's in danger."
Agad niyang inihanda ang lahat ng mga nurse upang salubungin ang paparating na pasyente.
Hindi pa man niya alam kung sinong kapatid ang sinasabi nito ay may hinala na siyang si Zeroin ito.
Ilang sandali lamang ang nakalipas ay isang babaeng nakamotorcycle ang dumating habang nakaangkas dito si Zero.
Magtatanong pa sana siya subalit nagulat pa siya ng buhatin ng babae ang kapatid niya na parang ang gaan lang nito.
"Who are -!"
"He was having a heart attack!" Putol ng babae sa sasabihin niya na parang alam na alam na nito ang nangyayari sa kapatid niya.
Mabilis siyang kumilos at di nalang muna pinansin ang babae.
Agad nilang dinala sa ER ang kapatid at kinunan ito ng vital sign.
He knows what to do. Dahil hindi lang yun ang unang beses na inatake si Zeroin.
Matapos ang paunang lunas dito ay kumalma na ang heartbeat ni Zero. Kaya naman dinala na niya ito sa VIP room.
Ilang sandali pa ang nakalipas ay humahangos nang dumating si Erhis at Edward. Marahil ay tinawagan agad ng nurse ang mga ito kanina.
"What happened?" Naiiyak na tanong ni Erhis.
He heave a sigh.
"He's okay now." Sagot niya.
"Oh God, Bunso!" Umiiyak na bulalas ni Erhis at lumapit kay Zero. Erhis and Edward was the one who closed to Zero.
"What happened to him?" Napalingon siya kay Edward na noon ay nag aalala din kay Zero.
"He was brought here by a girl saying that he was having a heart attack." Aniya at sukat doon ay noon nya lang naalala ulit ang taong nagdala sa kapatid nya.
"By a girl? What do you mean? San ba sya nanggaling? Kanina lang ay nasa school sya at katatapos lang ng game nila." Naguguluhang tanong ni Edward.
"I don't know. I have to talk to that girl first. I never had a chance to talk to her when they came here." Sagot niya at sinilip ang labas ng kwarto.
Nakita niya roon ang babaeng nagdala sa kapatid niya. Hindi pa rin ito umaalis. Hindi niya alam kung ano ang kaugnayan nito sa sinapit ng kapatid.
"Excuse me." Paalam niya kay Edward at lumabas ng kwarto.
Napatingin sa kanya ang babae. At sa hitsura nito ay alam niyang nag aalala ito para sa kapatid niya. Medyo napaisip siya dahil parang nakita at nakilala na niya ito dati pa.
"How is he?" Tanong nito.
"He's fine. Ikaw ba ang tumawag kanina?" Tanong niya.
Marahan itong tumango at tumingin sa kwarto ng kapatid.
"Can you tell me how did this happen?" Aniya.
"I told you. He's having a heart attack." Sagot nito na hindi tumitingin sa kanya.
Medyo napakunot noo siya sa paraan ng pagsagot nito. Pakiramdam kasi niya ay mas matanda pa ito sa kanya kung sumagot.
"Nasaan sya ng mangyari ang atake nya? At nasaan ka nang mangyari ito? Bakit ikaw ang kasama nya?" Sunod sunod niyang tanong.
Napabuntong hininga ito saka humarap sa kanya.
"I saw him lying in the ground outside the campus. We're schoolmate and I happened to passed by in the incident. He's been troubling to breath and ached for his chest pain so I thought he's having a heart attack."
Napatitig siya rito at mukha naman itong nagsasabi ng totoo.
"Thank you for bringing him here. But how did you know that I'm his brother?"
"He told me."
"What?" Takang tanong niya.
"Natsu told me to call you."
"Natsu?" Naguguluhang tanong niya.
"Zero." Patay malisyang sagot nito.
"Ah, I see. But wait... Have we meet before?" Tanong niya nang biglang may maalala. Parang natatandaan nya kasi na nakita na niya ito. And speaking of 'Natsu' pakiramdam niya ay narinig na niya ito.
Napangisi sa kanya ang babae.
"Are you hitting on me Doc?"
Bigla siyang na off guard sa tanong nito at agad na pinamulahan ng mukha.
Noon lang siya natanong ng ganun at galing pa sa babaeng halos kaedad lang ng bunsong kapatid niya.
"What? No! Of course not! I mean, I think we've met before." Bahagya siyang nataranta at agad na nagpalinga linga sa paligid dahil baka may nakarinig sa sinabi nito.
"Tss! Yeah, I think so." Sagot nito.
"Really? Did you remember when?" Tanong niya.
Ngunit nagkibit balikat lang ito. Magtatanong pa sana siya ngunit inunahan na siya nito.
"I know you're a goodman Doctor Montero. Please take care of your brother. He's having a rough life trying to be fit in your family." Anito na muling tumingin kay Zero.
Napakunot noo siya at lalo lang nagtaka kung bakit ang daming alam ng babae sa pamilya nya.
"How do you know about all this?" Medyo seryosong tanong niya.
"When you love someone, don't you want to know everything about that person?"
Bahagya siyang natawa sa sagot nito.
"Are you saying that you like my brother?"
"I don't like him." Agad na sagot nito.
"What?"
"I love him." Walang gatul na sagot nito.
Bahagya siyang natawa sa sinabi nito.
Hindi niya alam kung bakit ba siya nakikipag usap dito at kung bakit parang naeenjoy nya ang company nito. And he can't believe that he's having a small talk with a girl who's having a crush on his brother. Which is odd.
Even Zero didn't have the guts to talk to him because everybody knows that he's a snab person.
But this girl is different. She's like someone who doesn't fear anything.
But he's glad that someone has taking care of his brother. He knows what Zeroin's been thru in his family.
Magsasalita pa sana siya nang dumating ang mga kaibigan ni Zero.
"Doc! What happened to Zero?" Halos panabay na tanong ng dalawang binatang kaibigan ng kapatid niya.
"He's fine. Don't worry." Aniya at muling sumulyap sa babae na noon ay matamang nakatingin lang sa loob ng kwarto.
"Jack, anong ginagawa mo dito? Ikaw ba nagdala kay Zero? Anong nangyari sa kanya?" Hangos na tanong ni Cody sa babaeng kausap niya kanina.
Jack? I think I heard that name before. Takang tanong ni Eros sa isip.
"Just take a deep breath first Sean. You don't want to be next in bed with Natsu right?" Sagot naman sa kanya ni Jack.
"What?!" Takang bulalas ni Cody.
Bahagya siyang natawa sa mga ito.
"Eros!" Agad siyang napatingin sa loob ng kwarto nang tawagin siya ni Edward.
Dali dali siyang pumasok sa loob ng kwarto.
"What happened?" Agad niyang tanong ngunit wala pang sumasagot sa kanya nang makitang waring nagdedeliryo si Zero.
Tumaas ang BP nito at bumilis ang tibok ng puso.
"Kuya, si Bunso! What's happening to him?" Umiiyak na bulalas ni Erhis.
"Stay away from him. You need to get out here. I'll call you when it's done!" Aniya sa dalawang kapatid na mabilis naman sumunod.
Agad naman niyang inutusan ang mga nurse ng mga dapat nitong gawin.
Nagwawala at di mapakali ang kapatid niya. Mukha itong nananaginip ng masama.
"Zeroin!" Tawag niya rito habang chinecheck ang mga mata nito.
Tulog ito ngunit wari itong nakakaranas ng masamang pangyayari sa panaginip nito.
"Give me the tranquilizer!" Sigaw niya.
Ngunit nag atubili ang nurse na inutusan niya.
"Pero Doc.. Hindi ba't hindi compatible sa katawan ni sir Zer-!"
"Just give me the damn tranquilizer!" Sigaw niya rito.
He knows what the nurse's trying to say.
Zero's body doesn't compatible in any drugs but it will calms him down. Pero meron itong side effect sa katawan ng kapatid nya.
"Zeroin!" Tawag niya sa kapatid at sinubukang gisingin ito. Subalit di natigil sa pag struggle ang kapatid niya at waring mas naging malala pa ang condition nito.
Bilang doctor ay alam niya ang gagawin subalit bilang kapatid ay di niya maiwasang mataranta at mag alala para dito.
"Zeroin!" Muling tawag niya sa kapatid.
"Aaahhhh!!!" Impit nitong sigaw na lalong nagpataranta sa kanya.
"Zeroin! Wake up!"
"Aaarrhhhhh!!!" Muli nitong sigaw kasabay ng pagmulat nito. Namumutla at waring pagod na pagod ito. Hindi niya maiwasang makaramdam ng awa sa kapatid.
"Hah! Hah! Hah!" Hingal na hingal itong napatitig sa kawalan.
Naalarma siya ng mapasapo ito sa dibdib nito.
"Give me the oxygen!" Mabilis niyang utos sa nurse.
"Zeroin." Tawag niya sa kapatid subalit mukhang hindi siya narinig nito.
Napapikit ito ng mariin at waring mas nadagdagan ang sakit na nararamdaman.
"Aaarrgghhh!" Muli nitong sigaw.
"Zeroin!" Tawag niya rito habang pilit itong nilalagyan ng oxygen sa bibig.
"Let me handle him." Natigilan siya sa tinig na iyon at nang lingunin niya ang nagsalita ay nagulat pa siya nang makita ang babaeng nagdala sa kapatid nya.
"What are you doing here?!" Galit na asik niya rito subalit mukhang hindi siya nito pinansin at mabilis na hinawakan sa kamay si Zero.
"Natsu." Anito at sa di nya maipaliwanag na dahilan ay napamulat ang kapatid niya at napatitig sa babae. Hinaplos ng babae ang pisngi ng kapatid niya.
"J-Jack.." Hirap na sambit ni Zero at tuluyan na itong nawalan ng malay.
What just happened? Di makapaniwalang tanong ni Eros sa isip.
Napatingin siya sa tranquilizer na hawak niya.
Hindi nya ito naiturok sa kapatid dahil nataranta siya. Pero paano nagawang pakalmahin ng babaeng ito ang kapatid nya ng ganung kabilis?
--
Zero's Pov
"Sa tingin mo, manggagamot nung nakaraang buhay nya si Jack?"
"What are you talking about? Anong manggagamot?"
"Di mo ba nakita kanina na biglang kumalma si Zero nang hawakan sya ni Jack? It's like magic you know?"
"Tch! Tumigil ka nga Dy. Kung ano anong sinasabi mo at pwede ba itikom mo yang bibig mo baka magising si Zero!"
Tch! Andito na naman ang dalawang kolokoy.
But what are they talking about? Jack?
What about her again?
"Ba't ba ang sungit mo? Meron ka ba ngayon? Pang ilang araw na ba yan?"
"Shut the f*ck up!"
"Aww! Ouch! Drew ang sakit! Aaghh!"
Bahagya akong natawa sa dalawa saka iminulat ang mga mata. Gusto ko pa sanang magkunwaring natutulog ngunit di ko na napigilang magising sa ingay nila.
At nabungaran kong sakal sakal ni Drew si Cody sa braso niya.
Mukhang hindi pa ako napapansin ng dalawa kaya naman iginala ko muna ang paningin sa paligid at di nga ako nagkamali.
Nasa ospital na naman ako.
"Titigil na ako titigil na!" Daing ni Cody habang tinatapik ang braso ni Drew.
"Bakit ba sa tuwing magigising ako sa ospital kayong dalawa ang nakikita ko?"
Gulat na napatingin sakin ang dalawa.
"Zee/Dude!" Sabay na bulalas nila at agad na napatayo.
"Dude! I miss you so much! I thought you're not gonna make it! I thought we lost you!" Exaggerated na hysterical ni Cody at niyakap ako habang kunwaring umiiyak.
"Gag*! Mauuna ka muna sakin bago ako!" Asik ko sa kanya at piniksi ang braso kong yakap nya.
"Grabe! Dude you're so harsh! Nag alala pa naman ako sayo." Aniyang kunwaring nasaktan sa ginawa ko.
At bago pa ako makasagot ay binatukan na siya ni Drew.
"Thanks Drew!" Natatawang sabi ko.
"Grabe naman Drew! Kaibigan ko ba talaga kayo ha?" Reklamo ni Dy.
"Tsh! Tumigil kana pwede? Kahit sa panaginip ko naririnig ko ang bibig mo!" Asik ko sa kanya.
"Whoaa, teka! Mukhang interesado ako sa laman ng panaginip mong yan ah! Si Jack ba yan ha?" Ani Cody na sinabayan pa ng kindat at nakakalokong ngiti.
"What are you talking about? I don't even think about her!" Tigas na tanggi ko.
"Wow! Be careful with your words dude! Don't you know that this is the second time that Jack healed you just by touching you?" Aniya.
Napasimangot ako sa tinuran niya.
"Anong pinagsasasabi mo?"
"Dude! Jack was her-!"
"Enough Cody! Kagigising lang ni Zee. Pagpahingahin mo muna." Awat sa kanya ni Drew.
"What na naman dude? I'm just trying to explain the-!" Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang tingnan sya ng masama ni Drew.
"Sabi ko nga nagugutom lang ako eh, ang sarap ng apple dude gusto mo bang ipagbalat kita?" Ani Dy at kumuha ng apple.
Napailing nalang ako sa kanila.
Ilang sandali pa ay naging seryoso na kaming tatlo.
"Ano bang nangyari sayo kanina?" Tanong ni Drew.
"Oo nga dude. Nagulat nalang kami nang tawagan kami ni Dean kanina at tinanong kung kasama ka daw ba namin. Nung sinabi namin na hindi, he said that you're in a hospital. Muntik nang lumabas ang heart ko sa kaba kanina alam mo ba? Buti nalang nahila ko ulit pabalik." Ani Cody.
Napailing nalang ako sa kanya ngunit napaisip din ako sa kung ano ba ang nangyari.
"I don't know. Ang natatandaan ko. Lumabas ako ng campus dahil sinabi kong mauuna na ako sa inyo. Pero nang nasa parking lot na ako may mga taong nagpiring sakin at sapilitan akong pinasok sa kotse ko. And that's it. That's all I know." Naguguluhang saad ko.
Nagkatinginan ang dalawa.
"Zee, don't you think it's getting serious now? Sino naman ang pwedeng gumawa nito sayo? They even kidnapped you." Ani Drew.
"Sino pa ba sa akala natin? Di ba't si Draco lang naman ang palaging nagbabanta sa buhay mo? Sinasabi ko na nga ba at may mali sa kinikilos ng gag*ng yun eh." Sagot ni Dy.
At dahil sa narinig ay may kung anong alaala ang biglang dumaan sa isip ko.
"Master, okay ka lang ba? Hayy, bakit mo naman hinayaang saktan ka ng mga kumag na 'to? Pero di bale, utusan mo lang ako kung anong gusto mong gawin ko sa kanila at susundin ko ng buong puso."
"Master!"
"Isang malaking pagkakamali ang ginawa mo tanda!"
"D-draco.."
"Draco? Are you okay? What happen-! What the-!"
"Master, magpahinga ka na muna at ako na ang bahala sa kanila."
"Ang lakas ng loob mong hampasin at barilin ang Master ko. Alam mo bang sa ginawa mo ay kamatayan lamang ang pwedeng parusa sayo!"
"Don't worry master, hindi sila makakatakas sakin!"
Napasapo ako sa aking ulo nang bigla itong sumakit.
"Zee, are you okay?" Nag aalalang sambit ni Drew.
"I'll call the doctor!" Tarantang sabi naman ni Cody at mabilis na lumabas ng room.
"Hey, what happened?" Ani Drew.
"I... I don't know dre, pero malakas ang kutob ko na walang kinalaman si Draco sa nangyari sakin. In fact, I'm seeing things that Draco was actually...save me?" Naguguluhang saad ko habang pilit na inaalala ang nangyari subalit lalo lang namang sumasakit ang ulo ko.
"Arghh!" Daing ko at napahawak ng mahigpit sa aking sintido.
"Okay, stop thinking about it. Everything's gonna be fine. Just forget about it for a while." Ani Drew at sinapo ang magkabilang pisngi ko.
"Dre, it's okay. H'wag mo na munang isipin ang bagay na yun." Aniyang bakas ang pag aalala sa mukha.
Ilang sandali pa ay dumating na si Kuya Eros at ang nurse.
"What happened?" Tanong niyang bakas ang pag aalala.
Si Drew na ang nagpaliwanag sa kanya.
Agad niyang chineck ang mga mata ko habang kinunan naman ako ng vital signs ng nurse.
"Masakit ba ang ulo mo?" Tanong niya.
Marahan akong napatango.
He inject something in my arm.
Makalipas ang ilang minuto ay bahagya nang nawala ang sakit ng ulo ko.
"Don't force yourself to think something. You need a rest." Aniyang seryoso.
Tahimik lang akong nakinig sa sinabi nya.
"Don't worry about granny, Edward explained everything to her. And for mom and dad. They'll be here tomorrow to check on you." Patuloy niya habang chinicheck ang dextrose ko.
"Are you okay now?" Pagkuwa'y tanong niya.
"Y-yeah." Atubiling sagot ko.
"Didn't I told you that I don't want to see you here again?"
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya.
Bumuntong hininga siya saka umupo sa gilid ng kama ko.
"Is there someone's bothering you at school?" Seryosong tanong niya.
Napatingin ako sa dalawa kong kaibigan na noon ay nagulat din sa tanong ni Kuya Eros.
"I..uh.." Hindi ko alam kung dapat ko bang ipaalam sa kanya ang mga nakaraang pag aaway namin ni Draco. O kahit na ang pagbabanta sakin ng ilang gang na nakasalamuha ko.
"It's okay, just tell me everything when you're ready. We may not be close like any other siblings. But I'm still you're brother you know? You can tell me everything." Aniya.
Bahagya pa akong napanganga sa narinig. Hindi ko yun inaasahan.
Just like the last time na naospital ako. He said some encouraging words to me also.
Muli siyang napabuntong hininga saka tumayo na at binalingan ang mga kaibigan ko.
"Take care of him for a while."
"Yes Doc." Panabay na sagot ng dalawa.
Muli siyang bumaling sakin.
"Ah. Please invite your friend Jack to my birthday party this weekend. I want to properly thank her for bringing you here." Aniya saka tuluyan ng umalis.
Sandali kaming natigilan sa sinabi ni Kuya Eros.
"What's he talking about?" Takang tanong ko sa dalawa.
Si Drew ang sumagot.
"Jack brought you here." Aniya.
"Jack? But why?" Nalilitong tanong ko.
Sasagot pa sana si Drew nang unahan sya ni Cody.
"Well maybe, Jack saw you having a heart attack and she called help but nobody's around so, she had no choice but save your butt and brought you here." Nakangising saad niya.
Saglit akong natigilan.
"You're not helping! Drew, pls ikaw na magpaliwanag." Patay malisyang saad ko.
"What?! I just told you-!" Agad na tinakpan ni Drew ang bibig ni Cody saka nagsalita.
"Si Jack nga ang nagdala sayo dito. I just heard her telling it to Doc Eros nang dumating kami. She saw you outside the campus na mukhang inaatake sa puso kaya agad ka nyang dinala dito." Aniya.
Napaisip ako sa sinabi nya.
She saw me outside the campus? Pero bakit parang hindi ganun ang naaalala ko?
"Hmmm..hmmm...hmm...!" Struggle na sigaw ni Cody.
Ngunit waring wala pang balak si Drew na pakawalan sya.
"It doesn't make it any sense." Naguguluhang anas ko.
"What do you mean?" Nalilito ring tanong ni Drew.
"Parang iba ang nangyari ngunit di ko matandaan. I think I saw Draco saving me from... anyone. And Jack.." Saad ko habang inaalala ang nangyari ngunit agad din akong napatigil nang bigla na namang sumakit ang ulo ko.
"Okay that's enough dre. You don't have to think about it." Agap niya.
"Hmm..hmm...hmmm...!" Sigaw ni Cody.
"Oh! Sorry Dy!" Natatawang saad ni Drew saka pinawalan si Cody.
"Geezz dre! Mahal na mahal mo talaga ako eh no?" Pilosopong tungaway nito kay Drew.
Natawa nalang ako sa kanila saka napailing.
Ngunit hindi pa rin ako mapakali sa kung anong nangyari sakin kanina.
"Well, anyway. Problem solve diba?" Ani Cody.
"What do you mean?" Takang tanong ko.
"Well, the last time I checked. Problema natin kung paano ipapaalam kay Doc Eros ang gagawin mong pag imbita kay Jack pero now that Doc Eros himself was asking you to invite Jack to his party, that would mean Problem solve right?" Nakangiting saad niya.
Muntik ko nang makalimutan ang tungkol sa bagay na yun.
"You're right! Sa wakas nagkasilbi ka rin." Natatawang turan ni Drew at ginulo pa ang buhok ni Cody.
"Dude!" Angil ni Cody at pilit na inaayos ang buhok.
Natawa ako sa kanila at napaisip kung paano iimbitahan si Jack.
Will she come?
---