webnovel

Devil 28: Jack! Help me!

Zero's Pov

"Anong gagawin natin sa kanya?"

"Tuturuan ng leksyon."

"Pero baka kumanta ang gagong 'to."

"Tsk! Gago ka ba? Sa tingin mo pakakawalan natin sya ng may boses?"

"Kung patayin nalang kaya natin sya?"

"Di ka nag-iisip! Eh di wala ng thrill kapag natodas na ang mayabang na 'to!"

"Hoy kayong dalawa! Gisingin nyo na yan at gumagabi na. May laban pa ang team bukas."

Iyon ang mga boses na naririnig ko bago ako makaramdam ng malamig na tubig na sumakop sa buong katawan ko.

"Ugh!" Daing ko nang mahimasmasan mula sa pagkakatulog.

Shit! What happened?

"Hey, mayabang na captain. Mabuti naman at nagising ka na." Nakangising bati sakin ng bwisit na nilalang.

Napatiim bagang ako at napatingin sa paligid ko.

What the! Sino sila??

Hindi ko sila kilala. Nasa sampo silang naroon at pawang mga armado sila. Hindi ko alam kung simpleng gangster lang ba sila o tauhan sila ng mga sindikato dahil sa klase ng mga hitsura nila mukhang sanay na sila sa gulo at hindi lang pangkaraniwan ang mga armas nila.

They have guns and they look old.

Pakiramdam ko ng mga oras na ito ay nasa kuta ako ng mga kalaban ni Cardo Dalisay.

Who the fuck are they?

"Hoy bata...tapos ka na bang kilalanin kami huh?" Bahagyang natatawang wika ng isang lalaki na balbas sarado ang mukha at mukhang sya rin ang leader nila.

Lumapit siya sakin at gusto kong masuka nang maamoy ko ang mabaho nyang hininga.

Geez! Hindi ba uso sa kanya ang salitang toothbrush?

"Anong kailangan nyo sakin?" I manage to ask kahit hirap ako sa kalagayan ko.

Nakaupo ako sa isang upuan at nakatali sa likuran ang mga kamay ko. Ngunit hindi lang iyon dahil may nakatali ring lubid sa leeg ko na waring nakakabit sa kung saan.

Napangisi ang lalaki sakin saka ako tinapik sa pisngi.

Ang gaspang ng mga palad nya.

"Ako wala. Pero yung boss ko meron. Wala ka namang atraso sakin eh, pero ginalit mo kasi ang boss ko at mukhang hindi lang simpleng galit ang binigay mo sa kanya kaya ayan tuloy. Kinailangan nya pa akong ipatawag para lang turuan ka ng leksyon." Aniya.

"Sino ba ang boss mo? At bakit kailangan nyan-!" Napatigil ako sa pagsasalita nang maalala ang nangyari bago ako mawalan ng malay.

Ang captain ng West Academy ang narinig kong pumasok sa kotse ko.

Ang bwisit na yun!

Natawa ako ng pagak na waring kinagulat ng lahat.

Tumingin ako sa mamang nasa harap ko na noon ay di malaman kung matatawa rin ba o magtataka.

"Hoy mabahong matanda!" Tawag ko sa kanya na kinatawa ng mga kasama nya.

"Haha..mabaho daw sya!"

"Hindi kasi nagtotoothbrush!"

Napatiim bagang naman ang matandang nasa harap ko.

"Sinasabi mo ba na ang boss mo ay ang duwag na captain ball ng West Academy? Tsh! Hindi ko alam na bukod sa panget nya na ngang maglaro ang papanget din ng mga tauhan nya." Nakangising asik ko sa kanya.

"Aba! May ibubuga sa talas ng dila ang batang yan ah!" Turan ng isa sa bandang likuran ko.

Napangisi ang lalaki sa harap ko.

"Ah, pagpasensyahan mo na sana ang boss namin hijo. Sabihin nalang natin medyo childish talaga sya. Dahil napakaliit na problema lang naman ang meron sa inyo pero kinailangan nya pang iutos samin na turuan ka ng leksyon."

"At ano namang leksyon ng ituturo nyo sakin? Tataas ba ang grado ko riyan?" Natawa na naman sila sa sinabi ko.

Shit! I need to call someone for help! Baka lalo lang silang mainis sakin at di ako makalabas ng buhay dito.

Ngunit mukhang tinanggalan na nila ako ng mga gamit sa bulsa ko at mukhang wala narin ang wallet at cellphone ko.

Paano pa ako makakatawag ng tulong nito? Mukhang lumang building pa naman ang kinaroroonan ko.

Napangisi ang lalaki sakin na animo'y demonyo saka tumayo at may kinuha sa kung saan.

"Interesado kang malaman kung ano ang utos nya? Simple lang naman at yun ay ang baliin ang lahat ng buto mo sa braso at binti upang hindi kana makapaglaro pa ng baseball."

What the heck did he just say?!!

Kinilabutan ako sa sinabi nya. At sa klase ng ngiti nya ay mukhang hindi sya nagbibiro.

Anong gagawin ko? Shit!

Nabalot ako ng takot nang simulang hatakin ng kunng sino ang nakagapos kong mga kamay sa likuran upang padipahin ito. Ipinatong nila sa magakabilang mesa ang mga kamay ko habang hinahatak din ng kung sino ang leeg at mga paa ko.

"Arrghh!" Daing ko nang halos hindi ako makahinga sa ginawa nilang paghatak sa kamay, paa at leeg ko.

At ang mga lalaking may hawak na baril kanina ay kumuha ng mga balisong at bakal na armas.

Mukhang seryoso nga sila sa nais nilang gawin.

Shit! Shit! Sinubukan kong magpumiglas ngunit habang gumagalaw ako ay lalo lang humihigpit ang tali ko sa leeg. Pakiramdam ko ay napunta na lahat ng dugo ko sa ulo.

"Ano ngayon bata? Nasaan ang yabang mo? Hahaha!" Tawanan nilang lahat at napapikit ako ng mariin ng muling humigpit ang tali sa braso ko.

Wala na akong maisip na paraan pa nang matigilan ako sa isang ala-alang bigla nalang lumitaw sa isip ko. Ngunit hindi ako sigurado kung totoo ba iyon o isang ilusyon.

"Natsu, from now on. You will be mine. Mine alone."

"You will be my Natsu and I'll be your Salamander. You and I will going to be one. You are the only antidote for my future self."

"If I change and can't control anymore. Just call me by your heart and I will listen."

And for the first time. I saw her geniune smile. Not a smirk but a beautiful smile shining under the darkness of the water.

Napaawang ang bibig ko sa nakita.

Ngunit bago pa ako makahuma ay muli niyang sinakop ang aking mga labi.

"And from this day forward. You have no right to leave this devil or die before me. Because if you do. No one will ever be alive on this planet ever again."

Si Jack? Anong ibig sabihin nun?

Muli akong napamulat at waring nag slowmo ang paligid ko. Ang tawanan ng mga lalaking gugulpi sakin. Ang sinasabi ng leader nila na hindi ko maintindihan dahil maging ang boses niya ay nag slowmo na rin.

"Mga bata gulpihin na yan!" Narinig ko pang utos ng leader sa mga tauhan nya at nagsilapitan sakin ang mga ito.

Jack!

Jack!

Jack!

Help me!

--

Jack's Pov

Nagising ako sa marahang pagkatok sa pinto ng kwarto ko.

Kakalabas ko lamang ng tubeglass kahapon at maganda ang pakiramdam ko ngayon.

Pupungas pungas pa akong naglakad patungo sa pinto at binuksan ito.

"Hey, good morning!" Nakangiting bati ni Shane na maluwang ang pagkakangiti.

"What happened?" Patay malisyang tanong ko.

"Want to look what Tanda made for you?" Nakangiting wika niya.

Napangiti ako sa sinabi nya at mukhang alam ko na ang ibig nyang sabihin. Kinuha ko ang roba ko at binalot ang katawan ko saka lumabas at nagtungo sa lab.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na tulad talaga sila ng dati. Pero mukhang masyado silang agreesive ngayon at nasa bingit na ng kamatayan nya si Tanda." Medyo naeexcite at natatawang sabi ni Shane.

Hindi pa man kami nakakarating sa lab ay naririnig ko na ang maingay na usapan sa loob nito.

Pagpasok ng lab ay agad kong nakita ang dalawang minion na waring galit na galit na nasa loob ng selda ng mga ito habang gustong gusto nang patayin si James na nakatingin lang sa kanila.

"Ano ba talaga ang ginagawa mo samin ha?" Sigaw ni Kurt.

"Kapag nakalabas ako dito papatayin talaga kitang doctor ka! Inutusan ka ba ng lola ni Montero ha?" Sigaw din ni Draco.

Napakamot lang sa batok si James at muling tumingin sa monitor niya.

Napangisi ako at lumapit sa kanila. Bahagyang natahimik ang dalawang nasa selda nang makita ako.

Waring kinikilala nila kung sino ang taong nasa harap nila.

"Kamusta ang experiment mo?" Tanong ko kay James habang sa dalawa nakatingin.

"I just made them what you want me to do pero mukhang hindi ko na mababago ang ibang system nila. And they're so rude." Natatawang turan ni James.

Tiningnan ko ang dalawa mula ulo hanggang paa.

Nasa reaksyon nila ang waring nagtataka na para bang kilala na nila ako o baka hindi naman.

Kinuha ko ang susi ng selda at inunlock ito.

Nang pumasok ako sa selda ay bahagyang napaatras ang dalawa.

I look at them with a tilting head.

"Do you know me?" Tanong ko.

Nagkatinginan ang dalawa at tahimik na napailing.

Alam kong alam nila kung sino ako ngunit nagdadalawang isip sila na baka hindi totoo ang mga naaalala nila tungkol sakin.

Marahan akong naglakad paikot sa kanilang dalawang habang nagsasalita.

"You're not human anymore. You are now a shadow hunter which duty is to protect Natsu, your master."

I can feel their body shivering as their memory of me comes in.

"S-sinong N-natsu ang ibig nyong sabihin?" Takot na tanong ni Draco.

Tumigil ako sa harap nila.

"You know him." Saad ko saka sinenyasan silang lumapit.

Marahan silang sumunod ngunit tumigil sila sa harap ko kaya naman sinenyasan ko silang lumapit pa.

Nang halos wala ng pagitan sa aming mga katawan ay hinawakan ko ang pareho nilang sintido at isinagawa ang mga pagkalkula ng mga memory nila.

I filtered those memory of anger, sadness and fears.

"From now on. You are bound to protect your master." I said as I finished to treat them.

Nagkatinginan silang dalawa at marahang yumuko.

"Maasahan nyo kami sa bagay na yan." Panabay na sagot nilang dalawa.

Nang lumabas ako ng selda ay tulalang mukha ng magkapatid ang nakita ko.

"How in the world did you do that?" Ani Shane na waring di makapaniwala.

Nagkibit balikat lang ako. "Magic?"

Lalo lang siyang napamaang sa sagot ko. At magsasalita pa sana siya ngunit nilampasan ko na siya at lumapit kay James.

"That's incredible!" Bati niya sakin saka muling sinuri ang vital system ng dalawa.

"How's their body?" Tanong ko.

"They're good. No, they're perfect as new." Nakangiting sagot niya.

Napangiti ako sa sinabi niya at muling tumingin sa dalawang minion na noon ay waring nag aadjust sa bago nilang pakiramdam.

****

Nang umaga ring iyon ay pinakawalan ko sila at hinayaang gawin ang nais nila. At natuwa ako na ang una nilang ginawa ay ang humingi ng tawad kay Natsu at sa mga kaibigan nito.

I command them to keep an eye on him ng hindi nito nahahalata.

"Dr. Snyder is coming here on weekend." Natigilan ako sa pagluluto sa sinabi ni James.

"I know." Sagot ko.

Alam kong darating sya dahil narinig ko ang pinag uusapan nina James at Shane kagabi.

Napabuntong hininga si James.

"Shane and I are going to meet him in the party. Wanna come with us?" He said.

"I can meet him whenever I want which nobody will notice us."

"Yeah, you're right. But, don't you want him to see you in a normal state? Mingling and having fun with some ordinary people? Matutuwa syang makita kang nakikihalubilo sa iba." Aniya. Natigilan ako at napaisip.

Dr. Snyder was my mentor on how to control myself from being dangerous. But he did something to me that made me hate him a bit. Though I know he did that just to protect me and the people around me.

"I'll see what I can do." Sagot ko saka pinagpatuloy ang pagluluto.

Ngunit natigilan ako nang makaramdam ng kakaiba. At kasabay niyon ang pagtunog ng cellphone ko.

Sinagot iyon ni James.

"It's Drake." Aniya. It's Draco but James calls him Drake dahil mas bagay daw dito iyon.

Agad kong kinuha ang cellphone at sinagot ito.

"Yes?"

"Boss, something happened to Master. I'm tailing them now." Aniya na nagpakaba sakin.

"DON'T LET THEM HURT HIM! I'm on my way." Matigas na wika ko at mabilis na kumilos.

If anything happens to him. I don't know what will happen to this world.

Malapit na ako sa kinaroroonan ni Natsu nang matigilan ako sa narinig.

Jack!

Jack!

Help me!

Natsu! Gusto kong matuwa dahil tinawag nya ako sa oras na kailangan nya ako. Ngunit mas natuwa ako dahil naririnig at nararamdaman ko na siyang muli.

Hang in there Natsu..

I'm coming to save you.

Ngunit natigilan ako nang may maramdamang paparating. Mabilis kong kinabig si Raygun upang iwasan ang balang dapat tatama sa ulo ko.

I saw two shadow hunters at my back. Napatiim bagang ako.

Haays! Bakit ngayon pa? Natsu needs me now.

I turned on my earphone and call Drake.

Huminto ako at humarang sa daan. Saka hinintay na makalapit ang dalawa.

Nang sagutin ni Drake ang tawag ay nasa harap ko na rin ng dalawang shadow hunter.

Rinig ko ang mga daing at ingay sa kinaroroonan nila.

"Boss..?" Sagot niya na halatang nakikipaglaban.

"How is he?" I ask while staring at my opponent na handa nang makipaglaban.

"He's still fine. Don't worry boss, akong bahala sa kanya." Aniya na confident. And thru his voice I traveled my mind in his place where I can see Natsu. He's struggling to escape those grip of rope in his hands.

Napatiim bagang ako at masamang tumingin sa dalawang shadow hunters.

"If anything happens to him. This will be your fault." Matigas kong saad sa dalawa at sinimulan na ang pagsugod.

--

下一章