webnovel

Devil 23: She's Back

Zero's Pov

Interhigh 2016

Isang linggo na ang nakakaraan buhat ng tanggihan ni salamander ang peace offering ko at isang linggo narin buhat nang huli ko syang makita.

Wala na akong balita sa kanya. Ni hindi ko nga alam kung pumapasok pa ba sya. Maging si Shane ay di ko pa nakikita ulit.

Pero dahil sa ginawa ng salamander na yun ay naging seryoso ako sa lahat. Alam kong naninibago sakin ang lahat lalo na ang mga kaibigan ko dahil hindi naman ako ganito dati at kahit ako ay naninibago din sa sarili ko.

Mabuti nalang at hindi ako kinukulit nina Cody at Drew about sa nangyari pero alam kong naghihintay lang sila ng tamang tyempo para kausapin ako tungkol sa bagay na yun.

Naging focus ako sa pag aaral at sa laro. Madalas akong tahimik dahil parang wala ako sa mood na magsalita lalo pa at wala naman akong sasabihin na importante.

At medyo dumestansya ako sa lahat.

Pero meron lang isang tao ang nanatiling nandyan para kausapin ako nang walang pag aalinlangan.

Si Heart. Though, hindi kami madalas magkita. She's kinda busy coz it's sport fest.

"Dude, tayo na ang sasalang." Narinig kong sabi ni Dy.

Tumayo ako at sinuot ang jersy ko saka baseball cap.

Nang lingunin ko si Cody ay nakatingin parin sya sakin na parang may gustong sabihin ngunit bahagya lang syang ngumiti saka ako tinalikuran.

Napabuntong hininga nalang ako saka sumabay nang lumabas ng locker room at pumunta sa corner ng aming team.

Unang araw ito ng interhigh at ang South Academy ng una naming kalaban.

"Okay, everyone. Just remember about the training na ginawa nyo. This is the real game kaya umaasa ako na at the end of this week you're still the depending champion of annual interhight sport fest, okay?"

"Yes coach!" Sabay sabay na sigaw namin saka pumuwesto na.

Kami ang titira sa unang inning. Hanggang tatlo lang ang inning upang hindi masyadong kumain ng oras dahil ang iba samin ay may iba pang laro gaya ng ibang school.

Kasali na kami sa first five na papalo upang mabalanse ang laro.

Nang tumira ang unang teammate namin ay nagawa nya agad na makatakbo sa first base. Ganun din ang nangyari sa second batter.

Ako ang panglimang titira at nang mapunta na sakin ang bat ay sandaling nahinto ang game nang biglang sumigaw ng time out si coach at lumapit sakin.

"Montero, kailangan mo raw isuot ito dahil injured ang ulo mo. Bakit hindi ko alam ang tungkol sa bagay na yun?"

Takang napatingin ako kay coach.

Ako injured? Kelan pa?

Pero natigilan ako nang makita ang hawak nya.

Agad akong napatiim bagang at kinuha ang helmet sa kanya.

"Sino ho ang nagbigay sa inyo nito?" Matigas na tanong ko.

"Yung lalaki dun, kaibigan mo raw sya. Sabi naman sa check up mo na fit kang maglaro kaya para mas makasiguro ay isuot mo narin yan para mas safe ka. Ayokong mawalan ng star player. Sige, balik na sa laro." Aniya at naglakad na pabalik.

Lalaki? Sino namang..

Ganun nalang ng pagtataka at pagkalito ko nang makita si Draco sa side corner ng team namin na nakatingin sakin. Wala akong makitang kahit anong emosyon sa mukha nya pero mas kinagulat ko ang ginawa nyang pagyuko sakin at saka naglakad palayo.

T*anginang gagong yun. Ano na naman kaya ang kailangan nya sakin? Siguro inutusan na naman sya ng boss nyang...

Ngunit natigilan din ako ng parang may bigla akong gustong maalala ngunit hindi ko maalala na syang may kinalaman kay Draco.

Ang huling naaalala ko ay natalo ko sya sa karera at hindi ko na sya nakita pa. Ngunit bakit parang may bahagi sa utak ko na nagsasabing hindi iyon ang huli naming pagkikita.

"Hoy Montero! Ano magsisimula na ba tayo?" Agad namang bumalik ang ulirat ko sa sigaw na iyon ng kalaban naming pitcher.

Napaismid ako sa kanya at mabilis na sinuot ang helmet saka pumuwesto na.

"May pahelmet helmet ka pa, masyado ka yatang takot tamaan ng bola." Nakangisi pang sabi nya ngunit hindi ko nalang sya pinansin.

You son of a bitch!

At nang irelease nya ang bola ay agad ko iyong pinalo at sinadya kong sa kanya patamain. Hindi naman ako nabigo dahil ngayon ay namimilipit na siya sa sakit dahil sa pagkakatama niya sa sikmura.

Napangisi ako saka mabilis na tumakbo sa first base.

At the end of the game ay kami ang nanalo at ni hindi man lang naka iskor samin ang kalaban.

Tambak na zero pa.

Masaya ng buong team dahil magandang simula iyon para sa buong linggo ng laro. Hindi pa magkamayaw ang mga tagahanga namin sa paghihiyawan ngunit saglit akong natigilan nang mapadako ang tingin ko sa West Academy na mataman lang na nakatingin samin.

May mga bago nga silang member na hitsura palang ay mukhang mahirap ng kalabanin pero alam kong magagawa parin namin silang talunin kung magtutulungan kami.

Matapos ang laro ay pumunta na muna kami sa aming mga locker upang magpalit ng damit dahil may maglalaro ring ibang team sa baseball field.

I took a quick shower para mafreshen up. I was in the middle of shower nang mapansin kong wala ang kwintas na bigay ni Erhis sakin nung nakaraang birthday ko.

Saan ko nalaglag yun?

Patay ako kay Erhis kapag nalaman nyang naiwala ko yun.

Minadali ko nang matapos sa pag shower at lumabas ng locker room.

"Zee, san ka pupunta?" Tawag sakin ni Drew na noon ay bagong ligo din.

"I think I lost my necklace. Hahanapin ko lang." Sagot ko.

"I'll come with you." Aniya at sumabay sakin.

Ngunit hindi pa kami nakakalayo nang humahangos na humabol samin si Cody.

"Ano ba guys, tawagin nyo rin naman ako minsan." Himutok nito.

Natawa nalang kami sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Natatandaan mo ba na nasuot mo sya kanina bago ka pumasok?" Tanong ni Drew.

"Hindi ko pa sya hinuhubad mula nang ibigay sakin ni Erhis."

"Ang alin dude?" Takang tanong naman ni Cody.

"My necklace. I think I lost it."

Takang napatingin siya sakin.

"What? But you never wear it since the second day of school dre." Aniyang nagpahinto samin sa paglalakad.

"What? What the hell are you talking about? I never removed it since Erhis gave it to me." Giit ko.

"Trust me dude. Hindi ko na talaga yun nakitang suot mo since second day of school." Saad niya na seryoso.

"What the...you mean. I lost it since the 2nd day of achool?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Well, maybe." Kibit baikat niyang sagot.

"Fuck..!" Naibulalas ko. San ko hahanapin yun?

"Wait, ibig mong sabihin. Ngayon mo lang napansin na nawawala?" Ani Cody.

"Yeah." Napahilamos sa mukhang sagot ko.

"Do you remember what did you do or where did you go that day? Maybe we can still find it." Suggestion ni Drew.

Sandali akong nag isip.

Subalit hindi ko na matandaan pa ang mga nangyari ng araw na yun.

"Haays...I don't remember anything happened that day. Geez, Erhis will kill me if she finds out that I lost her gift to me." I said frustriatedly.

"Patay tayo dyan. Nakakatakot pa namang magalit si ate Erhis. Naku dude, labas kami dyan ha?" Ani Cody.

I glared at him habang binatukan naman sya ni Drew. "Ouch!"

"Tss.. Anong gagawin ko nito?" Nababahalang tanong ko.

"Hanapin nalang natin sa lahat ng mga lugar na pinuntahan mo." Ani Drew.

"Oo nga dude, pero maiba ako. Tama ba yung nakita ko kanina na binigyan ka ng helmet ni Draco? Sya yun diba?" Curious na tanong ni Cody.

Napahinto ako nang maalala ang bagay na yun.

"Oo tama ka, pero nagtataka din ako kung ano na naman ang plano ng kumag na yun at may pagyuko yuko pang nalalaman kanina." Himutok ko.

"I saw that too. But there's something odd about him." Ani Drew.

"What do you mean?" Takang tanong ko.

"Naku naman dude, di pa ba kakaiba yung pumunta sya sa game natin at binigyan si Zero ng helmet tapos yumukod sa kanya na parang tauhan nya lang?" Agad na agap ni Cody saka tumingin sakin. "Sigurado ako na may binabalak na naman sila laban sayo dre."

"No, it's not like that though kakaiba rin talaga yung ginawa nyang yun." Ani Drew.

"Anong ibig mong sabihin dude? May nakita ka pa bang kakaiba sa kanya bukod dun?" Takang tanong ko.

"Yeah." Sagot ni Drew na waring seryoso.

"Ano yun?" Sabay pa naming tanong ni Dy.

He look at us with his serious face.

"I think he's not the Draco we used to know."

"What? What do you mean by that?" Hindi mapakaling tanong ni Cody.

Napabuntong hininga si Drew bago sumagot.

"Parang may kakaiba sa kanya ngayon eh. He walks like somebody else. He's like a stiff or something like a robot?" Waring nalilitong sagot ni Drew ngunit napaisip rin ako sa sinabi niya.

Mukha ngang wala sa sarili si Draco kanina. At kung maglakad yun mukhang high at waring nag aamok lagi ng away pero seryoso ang mukha nya kanina at hindi rin siya nakangisi sakin.

"Anong robot pinagsasasabi mo bro? It's Draco you know? Marami naman talagang kakaibang ugali ang taong yun eh na in the end may plano lang palang masama kay Zero." Ani Cody na ayaw maniwala sa iniisip ni Drew.

"Yeah, maybe you're right. Let's go, hanapin nalang natin ang kwintas ni Zee." Sagot ni Drew.

"Yun ang dapat! Dahil lagot 'to si Zero kapag nalaman yun ni Ate crush." Ani Cody na pinandilatan pa ako.

Sinamaan ko nalang din sya ng tingin at sumabay na sa kanilang maglakad.

"Looking for this?" Sabay sabay pa kaming napatingin sa nagsalita at bahagya pa akong nagulat nang makita si Jack na nakasandal sa pader habang hawak ang kwintas ko. Ngunit hindi iyon ang kinagulat ko kundi ang benda sa kanyang braso.

"Jack, anong nangyari sayo?" Takang tanong agad ni Cody.

Napatingin naman si Jack sa braso niya at nagkibit balikat.

"Nothing. Just a scratch. Raygun got jealous in some other bike so she gets us into accident a week ago." Nakangising sagot niya na para bang baliwala lang ang nangyari.

Nagkatinginan naman kaming tatlo sa sinabi niya.

Last week was the day when I sang a song for her but she turned me down.

At dahil sa isiping iyon ay muli ko na namang naalala ang ginawa nyang pamamahiya sa akin.

She's back huh! Buti buhay pa sya.

I walked towards her and snacth my necklace.

"How did you get this?" Malamig na tanong ko.

She look at me and smirk.

"Maybe you left it in my room when we did that?" Aniyang inemphasized pa ang huling sinabi.

Bahagya akong pinamulahan sa sinabi nya dahil siguradong narinig din iyon ng dalawa.

Napatiim bagang ako.

"Well, thanks for bringing it back though it's kinda late before you returned it." Sarkastikong sabi ko.

"Well, atleast I returned it, not like what you did to Raygun, right?" Sarkastiko ring sagot nya.

Natigilan ako sa sinabi nya.

Bwisit! Ang galing nya talagang sumagot.

"Whatever." Sabi ko na lamang at tinalikuran na siya.

"Umm, sorry about him Jack and thanks.. Mauna na kami." Narinig kong paalam pa ni Drew sa kanya bago sila sumunod sakin.

Galit ako sa kanya. Pero hindi ko maiwasang mag alala dahil sa aksidente nya.

Bakit hindi ko alam ang nangyari? Kaya ba pati si Shane ay di ko narin nakita pa?

Bakit naman sya maaaksidente? Eh napakahusay nya ngang magmotor and Raegun will never betray her.

Napapilig nalang ako ng ulo dahil sa mga naiisip ko.

Bakit ba ako nag aalala sa kanya? Galit ako sa kanya dahil pinahiya nya ako.

And I should never care about her.

---

Nagkaroon pa kami ng tatlong laro laban sa ibang school bago natapos ang araw.

At syempre pa ay kami ang panalo sa lahat.

Gabi na nang matapos ang session namin with coach para bukas.

Nauna nang umuwi sina Drew and Cody dahil susunduin ko pa si Heart sa sports room dahil siguradong naroon parin sya.

Akmang tatawagan ko na sana ang number ni Heart nang makatanggap ako ng text mula sa kanya.

Zeck, h'wag mo na akong sunduin sa office ha? Nagkaroon kasi ng biglaang meeting ang group sa labas kaya nauna na kaming umalis.

Napabuntong hininga ako saka tumingin sa office ng sports club. Nakapatay na nga ang ilaw nito kaya baka wala na sila roon.

I replied her text.

Okay babe. Take care okay? Call me when you get home, I miss you.

I know it sounds cheesy pero kay Heart lang naman ako ganito except Erhis dahil she really likes when I'm sweet.

Bumalik na ako ng parking lot para umuwi ngunit natigilan ako nang makita ang dalawang sports club officer na classmate din ni Heart na naglalakad palabas ng gate.

Napakunot noo ako dahil kakatext lang ni Heart na nauna na silang umalis ng grupo.

Muli kong tiningnang aking phone upang icheck ang oras ng pagtext nya.

It's five minutes ago. Meaning kakatext nya lang sakin kanina.

Puno ng pagtatakang nasundan ko nalang ang dalawang officer ng sports club na naghiwalay din ng way paglabas ng gate and they're looked like going home already.

They must have another thing to do. Maybe they're exempted with the meeting.

Napailing nalang ako saka tuluyan nang sumakay sa kotse ko.

Habang daan ay muli na namang sumagi sa isip ko si Jack.

Ano kayang nangyari sa babaeng yun? Bakit sya may benda? Naaksidente kaya sya? Pero kelan?

Haaysst!! Bakit ba kasi lumipat pa sila ng klase!!

Nakakainis!! At bakit ko ba sya iniisip??

Wala dapat akong pakialam sa kanya dahil nakakainis at nakakabwisit sya!

Inis na napahilamos ako sa aking mukha habang iniisip ang pamamahiyang ginawa sakin ni Jack last week.

Pero meron talagang bumubulong sakin na kung ano na hindi ako dapat mainis sa kanya.

Haysstt! Ano ba kasing nangyari sa devil na yun??!

--

下一章