webnovel

Chapter 11

"Don't worry. It's just a small cut" sabi ni Brynthx

Katatapos lang gamutin ni Tita yung sugat ni Brynthx. Hindi naman ako kumibo at nanatiling tahimik nakatayo lang sa pinto ng kwarto ni Brynthx.

"I'm really sorry...." naka yukong paghingi ko ng tawad

It's my fault. It's all my fault. I was too careless and I also let my guard down.

"HIndi mo naman sinasadya at aksidente yung nangyari" sabi Tita para mapagaan ang loob ko dahil hindi pa ako tumitigil simula kanina kakahingi ng tawad.

"Uuwi na po muna ako samin sa ngayon." sabi ko sa kanila. "Mauna na po ako. I'm sorry" paalam ko sabay hingi ng tawad.

Hindi ko na sila inintay na sumagot pa at lumabas na agad ng bahay nila.

Dumiretso agad ako sa aking kwarto at pumasok sa banyo. Ibinabad ko ang aking sarili sa ilalim ng shower. Pinatay ko agad ang ilaw sa aking kwarto pagkalabas ko sa banyo.

Wala sa sariling humiga ako sa kama. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman tuwing naaalala ko yung itsura ni Brynthx habang tumutulo ang butil ng dugo mula sa kanyang sugatang noo.

Malakas na napabuntong hininga na lang ako at nagtalukbong ng kumot. Ipinikit ko ang aking mga mata at sinubukang matulog.

Ilang minuto na ang lumipas at ilang beses na din akong nagpagulong gulong sa kama pero hindi parin ako dinadalaw ng antok.

Tumayo ako at binuksan ang binatana aking kwarto. Sinilip ko ang madilim na kalangitan. Ang daming bituin sa langit. Napayakap ako sa aking sarili nang humangin.

Babalik na sana ako sa pagkakahinga nang biglang bumukas yung bintana sa Brynthx. Sakto namang magkatapat lang kami ng kwarto.

Nagulat siya nang makita ako. Napatitig ako saglit sa kanya.

Nakaawang naman ang kanyang labi na para bang may gusto sabihin pero sinara ko na yung bintana ng aking kwarto. Nataranta naman kaya napalakas ang pagkakasara ko ng bintana dahil kung bakit ito lumikha ng ingay.

Napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok dahil hindi ko na alam ang ginagawa ko. Ako na nga ang may kasalanan sa nangyari kay Brynthx tapos ako ang may lakas ng loob na pagtaguan o iawasan siya. Arrrgghhh!

This is so frustrating!

Napapitlag naman ako ng tumunog yung phone ko, senyales na may tumatawag. Tinignan ko ang pangalan sa screen nito. Unknown number.

Nag aalangang sinagot ko ang tawag

"Don't hung up"

Iyon agad ang bungad ng nasa kabilang linya. Walang duda na kay Brynthx ang boses na 'yon. Hindi ako sumagot at nanatiling tahimik lamang.

"Don't be sorry. It's not your fault. It's my choice so don't blame yourself."

Napatalungko na lang ako sa sahig dahil biglang nanghina ang mga binti ko.

"Pwede ka bang sumilip sa bintana?"

Nagtaka naman ako sa sinabi niya kaya sumilip ako nang dahan dahan sa bintana. Nakita ko siyang nasa harap ng bahay nila habang nakatingin sa direksyon ko.

"Uhmm...Mom said before that you like lollipops so....I bought a few of them earlier and I want to give it to you" nahihiyang sabi nito habang hindi makatingin ng diretso sa mata ko.

"Give me a second" sagot ko at nagmamadaling pinutol ang tawag at lumabas ng bahay.

Lumapit ako sa kanyang kinatatayuan pagkalabas ko.

"Here" sabi nito at nahihiyang iniabot yung tatlong pirasong lollipop

Wala sa sariling napangiti ako dahil sa ginawa niya. Nagulat ako ng bigla niyang ilabas ang isang pack ng lollipop at ibigay sakin. Nanlalaki ang matang tinanggap ko ito. Sa tatlong pirasong lollipop lang ay masaya at sapat na sakin, paano pa kaya kapag isang pack.

"I think it's too much" sabi nito at napahawak sa kanyang batok.

"May plano ka bang sirain yung ngipin ko?" natatawang tanong ko sa kanya. Ganado ka masyado bumili.

"No....I just too excited"

"Thank you and.....I'm sorry"

"Lagi ka na lang nagsasabi ng sorry kahit na wala namang may kasalanan"

Bigla na nalang humangin nang malakas kaya parehas kaming napayakap sa aming katawan dahil sa lamig.

"That's all I want to say. Let's head back" sabi nito saka napatingin sa kanyang relo.

Tumango na lang akong bilang sagot dahil lumalalin na din ang gabi.

"See...you tomorrow" wika nito habang hindi ako magawang tignan. Hindi ko alam kung nahihiya o ano.

"See you tomorrow" sabi ko naman pabalik.

Tumalikod ako saka nagsimulang lumakad pabalik sa bahay namin. Nilingon ko siya pero hindi siya umaalis sa kanyang kinatatayuan at parang hinihintay akong makapasok muna sa loob.

Huminto ako sa harap ng aming pinto saka kinuha ang aking phone. Ilang saglit pa ay tumunog ang phone ni Brynthx senyales na ay tumatawag. Nagtatakang napatingin siya sa akin bago sagutin ang tawag.

"Did you forget something?" tanong nito at tuluyang hinarap ako. Katulad ko ay hindi din siya umalis sa kanyang tinatayuan.

Kahit magkatapat lamang ang bahay namin ay nanatili lang kaming dalawa sa labas ng pinto at nakatingin sa isa't isa habang hindi mawala ang malawak na ngiti sa labi.

"Gusto ko lang sabihing hindi mo na huwag kang maiilang lalo na kapag kasama mo ako." sabi ko sa kanya habang diretsong nakatingin sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang mga salitang lumabas sa bibig ko. Bawat katagang pinakakawalan ko ay nais kong marinig niya nang mabuti.

"It's okay to be afraid. It's okay to be scared but I promise that no one can hurt you as long as I'm here and I want you to remember that you can rely on me.....because you have me."

Malakas ang kabog ng aking dibdib nang matapos kong sabihin ang mga salitang 'yon kay Brynthx.

下一章