webnovel

Chapter 2

Kinabukasan, hindi ko na naabutan si Mama at Papa. Dumiretso ako sa kusina para magtimpla ng kape. Napatingin ako sa maliit na papel na nakapatong sa lamesa.

"May kanin at ulam dyan sa ref initin mo na lang kung gusto mo"

-Mama

Binuksan ko ang ref at nahagip agad ng aking panangin ang pagkain na nakabukod. Tingin ko ay 'yon ang tinutukoy ni Mama.

Maaga na naman silang umalis para sa trabaho. Si Papa ay isang Bartender samantalang si Mama naman ay nagtatrabaho bilang isang Call Center Agent. Parehas apektado ang kanilang pag uwi dulot ng kanilang trabaho. Madalas ay madaling araw na si Mama kung umuwi habang si Papa naman ay disperas na ng gabi kaya hindi na nila ako naaabutan dahil laging tulog ako tuwing sila ay dadating.

Pagkatapos magtimpla ng kape ay sinunod ko ang sabi ni Mama na initin na lamang ang iniwan nyang pagkain. Ilang beses ko munang hinipan ang pagkaing kalalabas lang galing microwave saka ito isinubo.

Bumalik na agad ako sa aking kwarto pagkatapos kong kumain. Napabuntong hininga na lang ako ng maisip na puro ganito lang ang ganap sa Summer Vacation ko. Naisipan kasi nilang lumipat ng bahay pagkatapos ng school year para nakafocus lang kami sa paglipat ng bahay.

Hindi naman ganon kalayo ang working place ni Mama at Papa kaya hindi na kami nagkaproblema pagdating don.

Napatayo ako nang maalala na kailangan nga palang diligan yung halaman ni Papa sa harap ng bahay. Dahil wala naman akong ginagawa ay didiligan ko na lamang ito.

Kinuha ko ang hose sa garahe at nagsimula na sa pagdidilig. Nadako ang aking tingin sa katapat naming bahay. Sarado at may kurtina ang mga bintana nito. Naalala kong dito nga pala galing yung lalaking may ari ng aso kahapon. Unang tingin pa lang sa bahay ay alam mo ng ayaw talaga nilang maarawan. Ako ang naiinitan para sa kanila.

Itinuon ko lamang ulit sa pagdidilig ang aking pansin at bumalik na agad ako sa loob pagkatapos.

Sumapit ang kinagabihan ng wala akong ginagawa. Sobrang nakakabagot sa bahay lalo na kapag mag isa ka lang. Napatingin ako sa bintana nang may narinig na ingay ng sasakyan.

Napakunot ang aking noo nang makita ang kotse namin na nakaparada sa labas ng bahay. Lumabas ng sasakyan si Papa na sinundan naman ni Mama. Bakit ang aga naman yata nila umuwi ngayon...?

Huminto ang isang kulay puting kotse sa tapat nila Papa. Bumaba ang isang babae na tantiya ko ay nasa 30's ang edad. Lagpas balikat ang haba ng buhok nito at nakasuot ng formal na damit kaya naman talaga kagalang galang ito kung titignan. Hindi ko maaninag ang mukha ng babae dahil may kalayuan na ang pagitan namin.

Naunang pumasok sa loob si Papa habang naiwan naman si Mama sa labas dahil kinukuha pa nito ang kanyang gamit sa loob ng sasakyan.

"Helia!" narinig ko ang pagtawag sakin ni Papa.

Agad naman akong bumaba para salubungin ito.

"Bakit po?" sagot ko nang magkaharap kami

"Magbihis ka sa labas tayo kakain" utos ni Papa

Nagtatakang napatingin naman ako sa kanya. May okasyon ba at sa labas kami kakain.

Nagsalita ulit si Papa dahil sa nagtatakang tingin ko sa kanya

"Tinatamad daw magluto yung Mama mo" bigkas ulit nito bago dumiretso sa kusina para uminon ng tubig.

Napailing na lang ako dahil sa dahilan nila. Pwede naman na ako nalang ang magluto kung tinatamad sila.

Nagsuot lang ako ng black leggings, oversized shirt, rubber shoes at jacket.

Nadatnan kong nag uusap si Mama at nung babae kanina sa tapat.

"Ano meron? Sino 'yon?" Magkasunod na tanong ko kay Papa. Ibinulong ko lamang 'yon upang hindi nila kami marinig.

"Besshiewap daw ng Mama nung high school siya" sagot naman ni Papa

Napatango na lang ako bilang sagot.

"Beshiewap? saan mo na naman natutunan ang salitang 'yon" nakangiwing tanong ko kay Papa

"Kita ko lang sa social media" natatawang sagot nito

Napaface palm na lang ako. Iba na talaga ang epekto ng Social Media sa tao. Pati Tatay ko kung ano ano na sinasabi. Tsk tsk tsk.

Ilang beses akong napailing dahil sa aking naisip.

Nagkalad ako palapit kila Mama nang senyasan niya ako na lumapit.

"Eto na ba yung inaanak ko?" masayang tanong nung kausap ni Mama

Inaanak--what?!

"Ang laki mo pala. Parang kaylan lang nung buhat buhat pa kita" sabi nito at humarap sa akin.

Nahihiyang ngumiti na lamang ako at nagmano. Hindi ko man lang alam na Tita pala kita. Hindi man lang ako sinabihan ni Mama.

May tumakbong aso palapit sa "Tita" ko. Yumuko siya at hinimas himas ito

"Nakatakas ka na naman" sabi nito habang hindi inaalis ang tingin sa aso. Sinilip ko ito.

"Yung aso kahapon!" naglalaki ang matang sabi ko

"Nagkita na pala kayo" sabi ni Tita. Tumayo ito sabay ayos sa kanyang damit

Muntik na nga po akong dambahin ng aso niyo eh....

Hinihingal na lumabas ang lalaki sa katapat naming bahay. Luminga linga ito at parang nakahinga ito ng maluwag nang makitang nandito lang ang kanyang aso. Nakasuot parin ito ng longsleeve na damit pero nakashort na lamang ito ngayon na hanggang ibabaw ng tuhod ang haba. Nakasuot din siya ng face mask kahit lubog na ang araw.

S-sya yung amo nung aso kahapon!

"That's my son" tukoy ni Tita sa lalaking kalalabas lamang.

Unti unting namilog ulit ang aking mga mata sa gulat.

S-son?!

Hello everyone!

Thank you for reading and I hope you enjoy this chapter

glitterr_fairycreators' thoughts
下一章