Hindi ko na kailangang lumingon pa para malaman kung sino ang nasa labas ng pintuan ng classroom namin tuwing natatahimik ng ganito ang mga kaklase ko.
Kuya Lazarus, Diko Zacharias and Sangko Severus are there - the triple trouble. Make no mistake, they're not triplets.
They have dad's eyes, the Severino's eyes ika nga. Eyes that can melt even the darkest heart. They are also tall for their age. Well, ako din naman. We got it from dad. Matangkad din daw si mom. I look like her sabi nila.
"Hey Lily!" kaway ni sangko sa akin sabay angat ng paperbag. Nagutom ako ng maamoy iyon. They really know what I want.
Dala na nila ang biniling pagkain with my favorite drink. Ito ang suhol nila sa akin dahil siguradong maglalaro na naman ang mga ito.
"This is the third time." paalala ko sa kanila. I also missed our bickering. Isa pa libre ako lagi sa pagkain dahil sila ang nagbabayad. Technically, libre pa din naman ngayon pero magkaiba pa rin ito. I want to eat with them kahit ayaw ko mang aminin.
Diko pats my head. He's the most serious and strict sa aming lahat, like a mini dad. Sangko is a bit playful, nagseseryoso lang kapag nandiyan na si dad. Kuya is the mix of the two. Para sa akin, siya ang pinakanormal.
"I'm not a kid anymore!" sabay tulak sa kamay niya. Medyo mahirap kasing ayusin ang buhok ko dahil nakuha ko naman ang pagkakulot nito kay mom. Tinawanan lang nila ako.
"Do you want ice cream later?"
"Vanilla" tango ko.
Lunch was supposed to be enjoyed with the family as much as possible. Pero ng matapos ang renovation ng basketball court ng school ay nadadalas ang paglalaro nila. It resulted to me spending lunch with my friends.
Dad wants them to keep an eye on me. Inaalagaang tila babasaging kristal. It's your duty as her brother to guide and protect her tuwing wala ako. Yan ang bilin lagi ni dad.
I suppose I can think myself as pretty. With this doe eyes that seem to be so light lalo kapag natatapat sa araw. Katamtaman lang din ang kulay ko. I got mom's lips - a bit plump that makes me seem to always pout. My body exudes femininity as it started to grow.
Namumula na ang balat ko dahil sa pagkababad sa araw. Kanina pa kasi ako naliligo sa pool namin.
"Hey!" napapikit ako ng maamoy ang pamilyar na pabango. It's him!
"K-kuya Joaquin" mas lalo pang namula ang mukha ko ng mapagtanto ang suot ko. I crossed my arms to hide my uneasiness. Tiningala ko siya.
"Where's Severus?" I saw something in his eyes. Pero hindi ko na iyon pinansin dahil hindi ko na kayang titigan siya ng diretso. Para akong laging nahihirapang huminga.
"Ha?" pagtataka ko dahil hindi narinig ang tanong niya.
"Your kuya and diko?" he said hoarsely. Isa yon sa mga kahinaan ko, ang mababang boses niya na nakakapanlambot ng tuhod.
"T-they're with dad. Mamaya pa siguro." I licked my lips to moisten it. Nanginginig kong hinawi ang magulong buhok.
"You're cold." nakakunot na ang kaniyang noo.
"Stop now." he said with finality.
Wala akong nagawa kung hindi ang umahon. Dali-dali kong ibinalot ang tuwalya sa katawan.
Masungit pa rin ang tingin niya sa akin. Inisip ko pa kung may mali ba akong nagawa.
"Change now." dagdag na utos niya.
Tumango ako at iniwan siya. Hindi na kinuwestiyon kung bakit sunud-sunuran ako sa lahat ng sasabihin niya.
Hindi ito ang unang beses na kami lang dalawa ni Joaquin ang magkasama. Madalas kasing hinihintay niya sila kuya. Pero simula noong huling pag-uusap namin ni Georgina nagbago na ang tingin ko sa kanya. I became self-consious. Mas mapino na rin ang kilos ko tuwing nandiyan siya.
"Lilliana… are you listening?"
"Yes! You said you sneaked out of your house." tumango si Georgina.
"And then?"
What then? Hindi ko na alam ang kasunod. She rolled her eyes and smirked at me. Nabistong hindi ako nakikinig sa kaniya.
"I was talking about the kiss!" she smiled proudly.
"K-kiss? But we're still young!" pag-aalala ko.
"Oh. You're so cute." sabay pisil sa ilong ko. Ano ba ang mayroon at lagi nila akong pinipisil?
"Stop it! J-just tell me about the kiss." tinuon ko ang buong atensiyon sa kaniya.
"Well… it's okay. For me."
"But it's supposed to make you feel good." I stressed the good part.
"Yeah. But it's messy. It's our first time you know." she crinkled her nose thinking about it.
Nalungkot ako. I want my first kiss to be perfect. I've long dreamt about it. His hand on my waist, pulling me while the other is on my neck, not wanting to let me go.
I blushed at my thoughts. Georgina just smiled at me. Napaamin na niya ako last time. I have a crush on my kuya - Kuya Joaquin.
"He'll walk closely towards you. Staring intently at your eyes then he raises his hands and trace your lips…" napapikit ako.
"His breath carresses your face as he kiss-"she whispers seductively. Sabay ungol niya.
I groaned at her boldness. Feeling hot and bothered, I chew the ice on my drinks. Mabuti na lang at walang nakarinig sa kaniya.
Nakakahiya talaga itong babae na ito!
Georgina Alcantara is my bestfriend. Anak din ng opisyal gaya ko. Mataray naman talaga siya pero mabait sa mga kaibigan niya. She's bold while I'm not. I'm restricted to conform to the right thing dahil iyon na ang nakasanayan.
Her goal this time is to make me try the things na matagal na niyang na-eenjoy. One of these is the joy of committing in a relationship. The least I can do is entertain my suitors. Yun ang sabi niya.
"Dad…"
Abala siya ng abutan ko sa kaniyang opisina. Inilaan talaga ang isang kwarto para dito. Confidential kasi madalas ang naaassign na trabaho kay dad.
I cleared my voice before I speak. Kinakabahan sa tuwing papasok sa silid na ito. Dito kami pumupunta kapag gusto niyang makausap ng masinsinan. Si sangko ang suki dito.
"Dad, c-can I go out with Georgina?" I hesitated a little.
"Where?" mahinahong sabi niya. Dad never raised his voice pero habang mas mahinahon siya, mas nakakatakot. Napalunok ako.
"S-sa mall po." nanunuyo na ang aking lalamunan.
"Talk properly Lilliana. Malaki ka na para mautal pa." he looks so intimadating. Nanlalamig na ang likod ko dahil sa pawis. I stand straight. That's what I do to combat my nervousness.
"Yes sir. We'll just watch a movie then go home." nilakasan ko na ang loob ko.
"Be sure to be back before dinner." nakahinga ako ng maluwag ng payagan na.
"I trust you." dagdag niya nung makatalikod ako. I look at him again. Dad doesn't want to talk to us when we're not wholly focused. We need to have this basic sign of respect.
"I know dad. And... thanks po." nagmano ako bago umalis.
"Keep safe Lilliana." paalala niya.
We live in a city kaya madali lang makapunta sa mall. Nagpahatid ako kay Mang Delfin. Tuwing wala si dad ay siya ang sumasama sa amin.
"What are you wearing!" ang matinis na boses ni Georgina ang bumulaga sa akin pagbaba ko.
"Jeans and my shirt"
"Why would you wear that?" ano ba ang mali sa suot ko?
"But this is new! Dad bought it for me." umiling lang siya at tsaka umikot para ipagyabang ang suot niya.
Kulay pulang spaghetti strap na pang-itaas at maong na palda ang suot niya paired with her favorite boots.
Hindi kaya siya kabagin doon? Malamig pa naman mamaya.
"I'm going on a date!" I glared at her. What date? Date mo mukha mo.
"But I thought manonood tayo ng sine?" pagtataka ko. Iiwan niya ba ako?
"Yeah. Chase brought his friend." sabay ngisi sa akin. I can smell the danger.
Umiling ako. Hindi nagugustuhan kung saan man patungo ito.
"Double date tayo." she gave me her puppy eyes.
"You know I can't! Bata pa ako!" natataranta na ako. Tinitingnan kung may kakilala ba ako sa paligid.
"Oh hush. Magka-edad lang tayo. And nobody will know."
"My dad will get mad!" naalala ko ang sinabi niya bago ako umalis, 'I trust you'. Bigla tuloy akong na-gulity kahit wala pang ginagawang masama.
"Ang baduy mo…"
She literally lights up nung makitang papalapit ang boyfriend niya. Chayson is cool. He looks like the boy-next-door wearing his checkered long sleeves and faded jeans. Maputi siya at kitang kita ang dimples tuwing nagsasalita.
Napansin ko na lang ang kasama niyang lalaki ng malapit na sila. The guy is a bit darker than Chase. He looks like a flirt with that cargo jacket. Medyo singkit din at mabango. I'm a sucker for anything that smells good. Pero mas gusto ko pa rin ang amoy ni Joaquin.
"Hi babe." bati ni Chase sa kaibigan ko. Stop showing off!
Ipinulupot na niya ang braso sa kaniyang boyfriend. She winked at me at umalmang aalis na kung hindi ko lang napigilan.
"Oh. This is Rafael, his friend." sabay hawak sa aking kamay at inabot ito sa lalaking nasa harap ko.
"And this is my friend. The great Lilliana Esperanza Severino" nanlamig ang kamay ko. Pinisil naman niya iyon bago bitawan.
Lumingon akong muli sa paligid para makasigurong walang nakakita sa mga nangyari.
Stop acting so guilty!