webnovel

Chapter 35

Nagpaalam si Simon kila Nay Lusing nung tanghalian pero saakin hindi siya nagpaalam. Nakakasakit isipin na binabaliwala niya ang presensiya ko matapos ang usapang iyon kanina. Nakaramdam ako nang inis para sa kanya.

Namali siya nang pagkakaintindi sa gusto kong sabihin at iyon ang hindi ko nagawang ipaliwanag sa kanya dahil bigla na lamang siyang umalis nang kwarto. Pagkatapos nun naging malamig na ang pakikitungo niya saakin. Nasaktan ako syempre, sino ba naman kasing hindi masasaktan, kakaayos nga lang naming tapos ito na naman. Kailan ba ako magkakaroon nang maayos na ending kasama niya?

Lalo na ngayon na umalis siya at umuwi sa bahay nang kaibigan niya pero hindi man lang kami nagkausap nang maayos at nagkabati. Ayoko pa naman nang ganitong treatment. Mabilis akong ma stress kapag may problema.

Hindi rin umuwi ngayon si Samuel kaya wala akong mapagsabihan nang lungkot ko. Wala akong mapag share-ran nang problema ko. Si Samuel lang naman ang nakakaintindi nang gusto kong sabihin dahil alam niya ang totoo sa pagitan namin ni Simon.

Kung kakausapin ko naman ngayon si Ligaya, baka isipin nun in-istorbo ko siya. Alam kong busy siya sa cafe niya. Nakakahiya kung aabalahin ko pa. Kung nandito lang sana si Samuel.

Iniisip ko nga baka nakita na niya yung hinahanap niya kaya hindi siya nakauwi ngayon. Hindi rin nagpadala nang mensahe o tumawag kaya feeling ko busy yun ngayon.

Napabuntong hininga na lamang ako at bumalik sa kwarto pagkatapos doon nagmukmok hanggang sa makatulog ulit. Pagkagising ko gabi na, bandang alas otso. Ipinatawag din ako ni Nay Lusing kay Begail para kumain. Bumama naman ako pagkatapos nun.

"Tumawag nga pala ang daddy mo Manuela." Sabi ni Nay Lusing habang nasa hapag kainan kami at kumakain.

Napatigil ako sa pagbuso at ibinaba ang kutsara tsaka binalingan si Nay Lusing.

"Bakit daw sila tumawag Nay Lusing? May problema po ba?" ani ko. Uminom ako nang tubig.

Umiling siya at ngumiti. "Wala naman. Nagtatanong lang kung pwede ka raw bang lumuwas papuntang Maynila." Aniya pagkatapos nagsalita ulit. "Ang tagal na nung umuwi ka dito, hindi kapa nakakabalik doon anak." Aniya at nahinto na sa paggalaw nang pagkain, mas pinagbigyan ako nang pansin ngayon.

"Bakit hindi mo pagbigyan ang kahilingan nang mga magulang mo? Kung inaalala mo ang karinderya, huwag kang mag-aalala andito naman kami ni Begail para alagaan iyon." Inabot niya ang kamay kong nakapatong sa lamesa at higpit akong hinawakan doon.

Dama ko ang kagustuhan niyang pagbigyan ang gusto nang magulang ko. Napalunok ako. Masuyo niyang hinahaplos ang kamay ko para pagaanin ang usapan at mapapayag ako.

"Pagbigyan mo na sila." Habol pa nitong saad tsaka inalog ang kamay ko na nakahawak sa kanyang kamay.

Naisip ko din iyon ngayon-ngayon lang. May oras naman talaga ako para sa mga bagay na iyan. May mga balakid lang noon kaya hindi ko magawang bumalik. Matagal narin mula nung umalis ako at umuwi dito tapos hindi na ako nakakadalaw sa kanila.

Bakit hindi ko subukan diba? Hindi naman sa nag-aalala ako sa karinderya dahil alam kong andyan sila Nay Lusing at ang kanyang apo, kaya wala akong pangamba doon.

Noong hindi pa kami magkaayos ni Simon, doon ako nawalan nang ganang bumalik sa Manila. Ang gusto ko nalang kasi ay lumagay sa tahimik at malayo sa maingay na lugar. Pero ngayong nagkita na kami at okay na bumalik yung gana ko, though may konti kaming misunderstanding ngayon alam ko naman na magkakaayos kami.

Lalo pa nung sinabi niyang ako lang naman ang mahal niya, wala nang iba. Maging yung sinabi niyang hindi totoo ang kasal mas naging panatag ako ngayon.

Napabuntong hininga ako. Yung hugot sobrang lalim. Buo na ang desisyon ko ngayon. Kailangan ko na silang dalawin, kailangan nang dumalaw, nakakahiya dahil sarili kong pamilya hindi ko man lang nakuhang kamustahin nang personal. Mas nangibabaw yung emosiyon at pinairal ang pagiging senti nung mga panahong iyon, kaya hindi ko nagawang kamustahin ko dalawin man lang ang pamilya ko.

"Kailan daw po ba ako pupunta doon?" gumaan ang pakiramdam ni Nay Lusing nangmarinig iyon. Para siyang natanggalan nang tinik.

"Hindi ko alam anak. Nasa saiyo na iyon kung kailan mo gustong lumuwas upang bumisita sa mga magulang mo. Pero kung ako ang tatanungin bukas na bukas ay pwede kang lumuwas nang Maynila upang maka bisita sa mga magulang mo." Masaya niyang saad na ikinatango ko nalang.

"Osige po Nay Lusing, mamaya mag-aayos ako nang dadalhin para bukas makaluwas ako nang Maynila."

"Naku kahit huwag kanang magdala nang mga damit. May mga gamit ka pa naman doon sa Maynila diba?"

Nag-isip pa ako dahil sa tanong niyang iyon. Hindi ako sigurado kung may damit pa ba ako doon. Pero mas maganda ngang huwag nalang akong magdala, makikihiram nalang ako kay Karen. Dagdag dalahin din iyon.

"Hindi ko po sigurado Nay Lusing e. Pero hihiram nalang ako sa kapatid ko kung wala akong damit doon."

"Oo nga. Kapag nandun kana ikamusta mo ako sa kanila ha? At sabihin mo rin na sa susunod sila naman ang dumalaw dito. Nakaka sabik makita ang dalawang iyon." Si Moma at dada ang tinutukoy ni Nay Lusing.

"Tama lang at aagahan ko ang paggising bukas. Bago ka umalis bukas magluluto muna ako. Dalhan mo nang pasalubong ang mga magulang mo. Paniguradong matutuwa ang mga iyon." dagdag pa nito.

Bata palang dati si Moma siya na ang nagbabantay dito hanggang sa makapag asawa si Moma kay Dada at ipanganak kami, nandiyan siya.

"Opo Nay Lusing sasabihin ko po iyan sa kanila. Huwag kang mag-alala. Sige po Nay Lusing, tutulungan kita bukas sa pagluto."

Matapos iyon, bumalik kami sa pagkain. Marami pa kaming napag-usapan ni Nay Lusing. Tahimik lamang na nakikinig si Begail. Naopen up ko rin sa kanya ang misunderstanding naming ni Simon. Maging ang matanda napansin din iyon kanina.

Hindi lang nagawang itanong ni Nay Lusing dahil nakalimutan niya daw. Pinaalalahanan pa nga akong dapat magkaayos muna kaming dalawa ni Simon bago daw ako lumuwas nang Manila.

Oo nalang ang naisagot ko dahil wala namang kasiguraduhan kung makakausap ko ba si Simon bago ako umalis. Malabo ring ma contact dahil hindi ko alam kung iyon parin ba ang numero niyang ginagamit. Hindi narin kasi ako gumagamit nang social media ngayon dahil nga naka deactivate ako. Hindi ko rin aam kung saan siya hahagilapin dahil hindi ko naman kabisado ang bahay nung kaibigan niya.

Umakyat din ulit ako sa kwarto para makapag prepare nang damit para bukas. Nung una nahirapan pa akong mamili nang susuotin, pero sa huli simpleng t-shirt na kulay yellow at may malilit na letra sa ginta ang design. Pinarisan ko nang leggings na makapal, kulay gray. Ipinartner ko ang puting sapatos medyo makapal ang apakan, nakakadagdag nang tangkad kasi iyon. Tama lang saakin dahil hindi ako ganun katangkad, mas nagbibigay haba nang biyas yung ganoong sapatos e. Nabili ko iyon nung kailan lang, bagong uso daw.

Matapos kong makapag ayos nang susuotin para bukas. Inayos ko naman ang kama ko para sana makapag pahinga na kaso may istorbong kumatok sa pintuan ko.

"Sino yan?" sigaw ko habang pinapagpag ang unan sa kama. Nag-aayos na kasi par asana makatulog.

"Ate, si Begail po ito. May bisita ka po sa baba." Nahinto ako sa ginagawa at dali-daling binuksan ang pinto. Nakita ko ang nakangiting si Begail.

Yung isip ko nang sabihin niyang may bisita. Si Simon agad ang biglang pumasok at umukupa nang isipan ko. Pero namisdamaya ako.

"Si kuya-"

"Si ate Ligaya po."

Halos sabay naming sabi kaya natabunan ang sinabi ko nang sinabi niya. Yung pag-asa at sabik na nararamdaman ko bigla nalang nalusaw. Yung excitement sa puso ko dahil akala ko yung bisitang naghihintay sa ibaba ay si Simon pero hindi pala, bigla nalang nawala.

Tumango ako at bahagyang ngumiti, hindi ngalang ganun kasigla. May bigat na dumagan sa dibdib ko. Nangingilid narin ang luha, mabilis akong tumalikod upang hindi makita ni Begail iyon. Saka ko pinunasan gamit nang kamay. Nang masiguradong wala nang luha humaparap ako sa bata para sabihan.

"Sige Begail. Susunod....nalang ako." Tumalikod akong bagsak ang balikat. May nahulog muli na luha saaking pisngi, pinunasan ko agad iyon at umiling upang pigilan ang namumuo ulit na luha sa mata.

-------------

"Nay Lusing ipapaalam ko lang po sana si Ran ngayong gabi." rinig ko kahit pababa palang ako nang hagdan.

Kunot noo at dahan-dahang naglakad pababa. Malakas ang pagkakasabi niya niyon kahit nasa kusina pero halata mong may malambing sa tinig.

"Kaya ba nandito ka ngayon Ligaya?" mahinahon naman ang pagkakasabing iyon ni Nay Lusing.

"Opo. E, birthday po kasi ni Mamang ngayon. Iniinvite niya si Ran para sa kaunting salu-salo, pwede rin po kayong sumama Nay Lusing."

Agad ko namang narinig ang pagtanggi nang matanda. Hindi pa ako pumasok dahil gusto kong marinig ang usapan nila.

"Naku! Ako'y dito na lamang Ligaya, walang magbabantay nang bahay kung lahat kami ay sasama pa. Ang apo ko na lamang siguro ang ipapasama ko kay Manuela." Aniya pero may pahabol pang sinabi. "Pasabi nalang sa inay mo na maligayang kaarawan." May saya sa kanyang tinig. Pumasok na ako nang sabihin iyon ni Nay Lusing.

"Kayo po ang bahala Nay Lusing. Ipagbabalot nalang po kita nang handa. Sasama naman po ako pabalik dito."

Ramdam siguro nila ang presensiya ko, pareho silang napabaling nang tingin sa gawi ko pero dedma lang at dumiretso kay Ligaya na nakaupo.

May sasabihin sana siya pero inunahan ko na. "Kanina ko pa narinig usapan nyo." Ani ko. Naikinailing niya lang at saka tumayo.

"Panu bayan Nay Lusing hindi ko na pala kailangan sabihin pa sa kanya. Mauuna na po kami at mamaya ihahatid ko rin po sila ulit." Yumakap pa siya sa matanda saka nagmano.

Kinalabit ko si Begail para makaalis na. Nagmano din kami sa matanda at nagpaalam na hindi magtatagal doon dahil alam naming mag-isa lang siya dito sa bahay.

"Dadalhin ko ba ang kotse ko o sa oto mo kami sasakay?" tanong ko habang tinatahak naming ang labas nang bahay.

"Huwag na, sa oto nalang kayo sumakay. Tsaka may gusto rin akong ipasuyo sayo." Tinignan ko si Ligaya pero tuloy lang siya sa paglakad palabas nang gate at sumakay na nang oto niya.

"Ano ba yun?" nang makasakay ako sa front seat. "Begail okay kalang ba diyan?" binalingan ko pa ang bata, pero nginitian lang ako. Ibig sabihin okay lang siya. Ibinalik ko rin iyon kay Ligaya na pinausad na ang kotse niya.

Naramdaman niya sigurong nakatingin ako kaya nagsalita na siya pero ang tingin nasa daan na.

"Makikisuyo sana ako kung pwede bang ikaw muna ang mag-asikaso nang café?" bumaling siya saglit saakin pagkatapos sa daan na naman ang tingin.

"Bakit? May pupuntahan ka?" hindi ko pa nasasabing aalis ako bukas para dalawin ang pamilya ko. Kailangan ko munang malaman kung bakit ako ang gusto niyang mag-asikaso nang café niya.

"Aalis kasi kami nila Mamang. Mga two or three weeks kaming mawawala." Aniya. Tumango naman ako. "Wala naman akong mapag-iwanang iba ikaw lang at kailangan din kasi nang katuwang nila Shakesmette at Heart."aniya. Hindi naman agad ako nakapag salita, bumaling pa ako sa bintana nang kotse pagkatapos ay ibinalik din kay Ligaya ang tingin.

"Kailan ba ang alis niyo? Bukas kasi luluwas akong Maynila, dadalawin ko ang mga magulang ko." Bigla siya napa tingin saakin. Nagtataka pero nawala rin at napalitan nang saya.

"Mabuti naman at dadalawin mo na sila. Hayaan mo next week pa naman ang alis namin. Siguro tama lang iyon pagbalik mo." Iniliko niya ang oto pa kanan tsaka pumasok sa isang maluwag na bakuran.

Hindi ganun kalayo ang bahay nila kung tutuusin. Kayang puntahan pero minsan hindi na ako nakakapunta. At ngayon nalang ulit.

Nahinto ang usapan namin nang bumaba kami sa oto. Tinulungan ko pa si Begail sa pagbaba.

"Nakiusap si Nay Lusing hindi ko narin maayawan dahil talagang matagal na rin akong hindi nakakabalik doon. Nahihiya na ako." Pag continue ko habang naglalakad papunta sa bahay nila. "Hindi rin ako magtatagal, bibisita lang muna ako doon, babalik din ako kaya makakaasa ka. Don't worry."

Pumasok kami pagkatapos nang usapang iyon. Hindi ko narin tinanong pa kung ano ang rason niya sa pag-alis nila nang pamilya niya. Nakakahiya naman pati iyon uusisain ko pa e hindi ko na iyon sakop.

"Happy Birthday po Tita! Pasensya na, wala akong regalo." Nagmano ako sa inay ni Ligaya at maging sa itay niya. Ganun din ang ginawa ni Begail.

"Naku! Wala iyon ano kaba hija. Presensya mo lang okay na ako. Hali kayo dito sa kusina!" hinawakan nito ang braso ko pagkatapos ay dinala kami sa kusina. "Mabuti at pinuntahan ka ni Dalisay sa inyo. Alam mo bang kinulit ko pa itong anak ko dahil hindi ka man lang sinabihan. Pinapupunta ko rin ang iba pa niyang kaibigan kaso daming excuses itong anak ko. Hay!"

Nahihiya akong bumaling kay Ligaya na masayang nakatingin saamin nang inay niya. Hindi pinansin ang pagrereklamo nang inay.

Nung pagkapasok namin medyo nahiya pa ako dahil marami palang bisita ang inay niya. Pero hindi tumagal nakihalubilo na ako sa kainan at usapan.

Nakakatuwa ngang makinig sa usapan nang matatanda dahil may mga sari-sarili silang ipinag mamayabang at ayaw pang-maawat.

Nakakahiya din wala kasi akong dalang regalo para kay Tita. Sinabi naman nito na okay lang kahit wala basta nakapunta, okay na raw siya doon.

--------

Napabuntong hininga ako nang makalabas sa kotseng dala ko. Matagal-tagal narin nang muli kong mapagmasdan ang bahay na ito.

"Welcome home Ran!" bulong ko sa sarili habang matamang nakatayo sa harap ng gate nang malaking bahay namin.

Napalunok ako at napabuntong hininga ulit bago pumindot sa doorbell. Kung papangalanan ko ang nararamdaman ko sa oras na ito? Matatawag ko itong kaba, kasabihan, at hiya.

Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ito ngayon. Siguro dala nang konsensya noon na nagpaalam ako sa kanila upang doon na lamang sa Naga manirahan mag-isa. Sinabi ko pa noon sa kanila na dadalawin ko sila once in a month or twice pero hindi ko man lang nakagawa ni isang beses.

Nagtatampo ang mga iyon saakin. Panigurado.

"Anak!" nagulat ako nang bigla nalang akong yakapin ni Moma. Hindi ko napansing bukas na pala ang gate.

"We miss you." she said while planting soft kisses on my hair. Ang higpit nang yakap ni Moma saakin. Ang hirap lumunok, parang may bumara sa lalamunan ko at nanunubig narin ang gilid nang mata ko.

""M-moma" nangingin ang boses ko nang sabihin iyon.

Tumatango siya na animoy alam niya ang sasabihin ko at pilit inuunawa ito. She keep on caressing my hair. I miss them so much.

"Ate." napabaling ako kay Karen na sobrang dami nang pinagbago.

Napatakip ako nang bibig sapagkat hindi ko lubos maisip na makikita ko ang kapatid ko.

"Paanong-"

"I'm three months pregnant." doon tumulo ang luha sa mata ko. Hindi ko alam kung bakit naluha ako sa sinabi niya.

Sinabi lang naman niyang buntis siya pero bakit ganito ako? Naiiyak? Masaya ako para sa kanya dahil magkakaroon na rin siya nang pamilya niya. Sariling pamilya.

But at the same time, I felt jealous. Part of me saying that I should be proud of her and be happy for her because finally she will be a mother. But then jealousy eat me. I want to settle down too, have a family like her, have a baby inside my tummy. Ang bigat nang pakiramdam ko.

"Ninang ka ate Eman ha?" siya mismo ang nagpunas nang luha sa pisngi ko. "Isusurpresa sana kita pero parang ako ata ang nasurpresa nang umiyak ka. May problema ba?"

Umiling ako. "W-wala naman. Masaya lang ako na...makitang masaya ka...nang sabihin mong tatlong buwan kanang...buntis" hindi lahat nang gusto kong sabihin ay sinabi ko. Gusto ko sanang idagdag na nagseselos ako. Nakatingin ako sa bilugan niyang tiyan kahit hindi pa naman ganun ka laki. 

"Sobrang saya ko talaga ate! Bukod kasi sa buntis ako, namanhikan narin ang magulang ni Jaimer kahapon. Fiancee ko na siya!" napayakap siya sa sobrang tuwa.

Mahahalata sa kapatid ko na sobrang saya niya. I'm happy for her and jealous at the same time. Really.

"Cong..grats!" kasabay niyon ay pumatak ang luha sa mga mata ko.

Hindi iyon nahalata nang kapatid ko, siguro iniisip niyang masayang ako nang sobra para sa kanya. Masaya naman talaga ako.

"Karen anak, pumasok kana sa loob nang bahay. Kakausapin ko lang ang ate mo." bigla kaming napahiwalay ng yakap ni Karen nang magsalita sa likod niya si Dada. Ramdam ko ang pagyakap ni Moma sa likod ko pagkatapos ay niyakag nang pumasok si Karen.

Tahimik nang maiwan kaming dalawa ni Dada sa labas. Pinipigilan kong huwag maiyak sa harap niya. He knows me, kapag may pinagdadaanan akong problema.

Hindi ko na natiis na lapitan si Dada at yakapin, doon lubos umiyak. He pat may head and then caress my hair like before, noong bata pa ako at may mga umaaway saakin lagi siya ang sandalan ko at sumbungan.

Siya yung tipo ng tatay na hahayaan akong umiyak sa bisig niya hanggang ako na ang magsawa sa pag-iyak. Ang gagawin lang niya ay ang pagaanin ang loob ko habang niyayakap niya. Hindi siya magsasalita, papakinggan lang ako sa mga gusto kong ilabas na hinanakit upang unti-unting mawala iyon sa puso ko.

"He's back Dada. Pero walang kasiguraduhan ang relasyon namin." ang hirap magsalita na parang may nakabara sa lalamunan mo. "Hindi ko po alam ang status naming dalawa. Nagkaayos na kami, pero hito na naman po yung problema ngayon." tumulo ang luha ko, mabilis ko iyong pinunasan.

"May hindi kami pagkakaunawaan at pagkakaintindihan. H-hindi niya ako hinayaang magpaliwanag..." paghihinto ko. "Tungkol po kasi iyon sa baby. Gusto niya akong mabuntis, masaya ako doon at gusto ko rin nang anak sa kanya, pero natatakot ako bilang babae. At iyon ang ginawa niyang basihan kaya nasabi niyang ayaw kong magkaroon nang anak sa kanya. Sabi pa niya, sana daw sinabi ko nang maaga kung ayaw ko naman pala." naiiyak na naman ako.

"Gusto ko siya at mahal ko siya Dada. Kaya nasaktan ako nang marinig iyon mula sa kanya. May sasabihin pa ako pero hindi niya ako hinayaang matapos. Ang sakit po!" para akong batang nagsusumbong sa ama ko.

"Kaya ganun nalang ang selos ko sa kapatid ko nang makitang masaya siya. I'm sorry po." hagulgol ko. "Hindi ko dapat 'to nararamdaman, pero nagseselos po talaga ako Dada. I want to settle down too. Have may own family. Maging masaya katulad ni Karen, and be called a mother too." lubos na nasasaktan ang puso ko habang sinasabi ko iyon.

"Alam kong nasaktan ko siya noon nang hiwalayan ko siya. At pinagsisihan ko iyon ngayon dahil hindi ko inalam ang totoo. Ngayon na naman nasaktan ko ulit siya at nasasaktan narin po ako. Ano pong gagawin ko ngayon Da? Dapat magkaayos na kami." mas humigpit ang yakap ni Dada. Bumuntong hininga siya pagkatapos ay humiwalay saakin upang tignan ako.

Nakikita ko sa mga tingin niya ang pag-uunawa at pag-iintindi sa mga sinabi ko. Tipid siyang ngumiti saakin.

"Hindi naman minamadali ang lahat, anak. Mahal mo siya, mahal ka niya. Bakit pa kayo nagkakasakitan? Pinapahirapan ninyo ang isa't isa alam niyo ba iyon?" natahimik ako. "Simpleng hindi pagkakaintindihan, pinapalaki nyo. Ang kailangan mong gawin ay ang suyuin siya, humingi nang tawad at kausapin. Pero bigyan mo muna siya nang oras upang mag-isip at mag reflect sa ginawa niya. May kasalanan siya, may kasalanan karin."

"Da..."

"Nasabi ni Nay Lusing na bibisita kalang?" biglang pag-iba niya nang topic. Ganun siya kapag nagbigay nang advice saakin. Maikli. Ayaw niya nang maraming sinasabi. Nandun na kasi lahat. "Hindi kita pipigilan sa gusto mong gawin ngayon Ran. Ayusin mo ang dapat ayusin at kailangan sa pagbalik mo, dala mo siya dahil gusto ko siyang makausap." aniya

Nagpunas ako nang luha sa pisngi pagkatapos ay tipid na ngumiti at tumango.

"Opo Dada!"

After that talk with my father, one on one. I spend my hours talking to Moma and Karen, saying I missed them so much, saying I'm sorry to them, at paulit-ulit na sinabing mahal ko sila.

Dinalaw ko rin ang kwarto ko, wala namang pinagbago. Halos araw-araw pinapalinisan iyon ni Moma kasi baka daw dumalaw ako o kaya bumalik, wala akong magamit. Nahihiya nga ako dahil umaasa lagi si Moma sa pagdating ko.

Hindi rin nagtagal ang pagbisita ko, kinagabihan noon ay bumyahe ako gamit ang dala kong kotse. Sinabi ko naman sa kanilang dadalaw ulit ako, noong una nag-aalangan akong sabihin iyon pero kalaunan sinabi ko rin, binigo ko sila nung una kaya ngayon sisiguraduhin ko nang hindi.

Nakabalik ako sa Naga pero kinaumagahan pa dahil sobrang haba nang byahe ko. Hindi agad ako umuwi nang makarating ako dito. Dumaan ako sa Cafe ni Ligaya upang kausapin siya. Wala lang, gusto ko munang dumaan sa kanya.

"Oh, Ran! Kamusta ang pagbisita mo kela Tita?" aniya nang makapasok ako sa loob nang shop niya. Niyakap niya ako ganun din ang ginawa ko.

"Ayun, maayos naman. Nakausap ko sila at masayang makitang maayos sila. Nasurpresa din ako nang makita ang bunso kong kapatid." umupo kami sa bakanting upuan sa dulo.

"Bakit anong nangyari sa kapatid mo?" aniya. "Heart!" tawag niya sa katabi ni Shaksmette na nasa counter. Napasunod ang tingin ko sa dalagang naglalakad sa gawi namin. She's pretty, hindi na ako magtataka kung bakit dinadayo ang cafe niya, pero hindi rin ako magtataka maging kay Ligaya at Shakesmette, mga magaganda. Dinudumog nang mga customer ang cafe nila e, kadalasan e mga lalaki ang customer. Puru ba naman mga babae ang nandito.

"Ano po 'yun ate Ligaya?"

"Pagtimpla mo kami nang broad coffee. Salamat." aniya.

"Bago siya dito? Saan na yung dating kasama ni Shakesmette?" naitanong ko nang umalis na yung tinatawag niya sa pangalang Heart.

"Ayon, nagpaalalam saaking hindi na daw siya magtatrabaho dahil nabuntis. Mga kabataan talaga ngayon, mapupusok. Ano nga pala nangyari sa kapatid mo?" tanong niya ulit.

"Ilang taon naba iyon? Karen is three months pregnant too but she's in her legal age narin naman kaya walang problema." sabi ko, siya naman ay nanlalaki ang maatang at hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Hala! Talaga? Congrats para sa kanya. Naunahan kapa ata nang kapatid mo." aniya, makahulugang sabi na ikina ikot nang mata ko, tinanguan ko lang siya. "Mag e-eighteen palang yung batang iyon. Hindi ko narin nagawang magtanong dahil mukhang ayaw niyang sabihin saakin ang rason e. Sayang nga dahil masipag din iyon. Hay!" nangalumbaba niyang sabi pagkatapos ay ipinatong ang pisngi sa kanyang isang kamay at tumingin sa labas nang shop.

Ang lalim nang iniisip niya, himbis na may sasabihin ako sa kanya hindi ko nalang nasabi.Mukha kasing problemado pa siya saakin. Kaya huwag nalang.

Dumating ang inorder na broad coffee ni Ligaya at iyong saakin. Nagpasalamat kami kay Heart dahil siya ang nagdala nito.

Pinag-usapan namin ang pagliban ni Ligaya sa shop niya dahil aalis sila nang magulang niya. Kaya tinuro niya ang mga gagawin ko, hindi naman ako tumutol dahil ilang araw lang naman siyang mawawala. Hindi naman din mahirap dahil kasama ko sila Shakesmette sa shop niya.

First time kong mamahala nang cafe, sana kayanin ko, hindi kasi nawawalan nang customer ang cafe ni Ligaya, marami ang pumupunta. Meron naman kami sa Tagaytay atTito ko ang nangangalaga doon. Ibang usapan ito ngayon dahil ako ang magbabantay, panigurado ding laging maaga ang dating ko dito.

Umalis din naman din ako matapos ang ilang oras na pag-uusap namin. Medyo napahaba nga, hindi ko napansin. Kaya nung makaalis ako doon bandang alas tres na anng hapon, doon narin kasi ako pinatanghalian ni Ligaya.

Pagod akong bumusina sa gate habang hinihintay si Nay Luisng na pagbuksan ako, upang makapasok na sa loob. Patingin-tingin ako sa labas pagkatapos ay sa gate dahil hindi pa ako pinagbuksan.

"Hindi ata ako narinig-" nahinto ako sa pagbulong sa sarili nang bumukas ang gate. "Buti naman... kamusta kayo dito Nay Lusing!" tanong ko habang pinapasok ang kotse sa loob nang gate, niluwagan niya ang pagbukas nang gate para lubusan kong maipasok ang kotse.

"Hay naku! Okay lang naman kami dito Manuela. Si Samuel kahapon nandito, may sakama...pero umalis din kanina lang." sabi niya saakin pagkababa pero sapat lang upang marinig ko. "Tinanong nga ako kung nasaan ka daw, e ang sabi ko lumuwas kang Maynila para bumisita. Wala naman siyang sinabi, tumango lang..." dagdag pa nito.

"Ah ganun po ba. Sino naman daw yung kasama niya?" pumunta ako sa likod nang kotse, binuksan ko iyon, may mga pinadala kasing pasalubong sila Moma at Dada para sa matanda. Nakasilid sa maliit na karton.

"Tulungan na kita anak! Tungkol naman doon sa babaeng-"

"Babae?" takang tanong ko pero kalaunan naunawaan ko din."Ahhh...okay". Iyon na siguro ang babaeng sinasabi niya nu'n saakin. Makahulugang ngumiti ako, huwag na sana niyang pakawalan at nang maging masaya narin siya.

"Oo, babae. Kay gandang dalaga nga e. Akala ko nga didito muna sila pero umalis din. Olivia ata pangalan nu'n, pagpapakilala ni Samuel saakin kagabi.  Aba! Akalain mo parang nanalo sa loto ang batang yun nang ipakilala saakin si Olivia." natawa ako sa ekspresyon ni Nay Luisng habang sinasabi iyon.

"Patay na patay ba Nay Lusing?" hindi ako matigil sa kakatawa dahil naiimagine ko si Samuel habang ipinakikilala niya kay Nay Lusing yung Olivia. Para siyang tuwang nakakain nang masarap na buto.

"Aba! Parang nga!" pareho kaming natawa, nabilaukan na siguro si Samuel ngayon dahil pinag-uusapan namin siya.

"Tara na po sa loob Nay Lusing. Ako na nito, mabigat 'to e!"

Nauna akong naglakad sa kanya. Gusto ko narin kasing makapag pahinga, matulog sa malambot na kama, napagod ako sa biyahe kasi.

"Teka si-"

Hindi ko na nasundan pa ang sinabi ni Nay Lusing dahil pumasok na ako sa loob nang bahay, pero nahinto ang paglalakad ko papuntang kusina nang makita ang isang bulto nang lalaking prenteng nakaupo sa sofa.

Napapakurap akong tumingin sa kanya, nakabuka ang bunganga pero napalunok ako nang tumayo siya, malamlam ang mga matang nitong nakatutok sa aking mga mata pababa sa aking labi. Palipat-lipat ang mata nito sa labi at sa mga mata ko.

Inisang hakbang niya ang pagitan namin pagkatapos ay siniil ako nang nakakalasing niyang halik. Napapikit ako nang pailalimin pa nito ang halik namin. Kahit may nakaharang na karton sa pagitan namin dahil buhat-buhat ko ito pagpasok, hindi ito hadlang para halikan ako ni Simon.

"Ay jusko po!" sigaw ni Nay Lusing, pero dahil lasing ako sa halik ni Simon hindi ko iyon pinatuunan nang pansin.

Unang humiwalay si Simon sa halik na iyon, hinabol ko pa ang labi niya pero bigo ako dahil umayos na siya nang tayo. Makahulugang ngiti ang sumilay sa kanyang labi, natawa siguro siya sa reaksyon ni Nay Lusing. Bigla din ako napabungisngis at pinagpulahan nang pisngi.

"I'm sorry...baby." nawala ang ngiti sa labi ko nang marinig iyon. Niyakap niya ako at ibinaon ang pisngi ko sa kanyang dibdib. Ang tangkad niya. "I'm sorry.... itigil na natin 'tong tampuhan na 'to babe... Mababaliw ata ako kung ganito tayo lagi. Kaya patawarin mo ako sa ginawa ko."

"Hindi ka galit saakin?"

"What? No!" agad niyang sabi, pagkatapos huminga nang malalim at nagsalita ulit. "The right word for that is nagtatampo, hindi ako galit Ran...nagtampo lang talaga ako." he kissed my forehead, napapikit ako. "You know that I love you. Hindi ko kayang magalit sayo..."

"Pero ang cold mo saakin nun. Pinaiyak mo pa ako, alam mo ba yun? Nakakainis ka dahil hindi mo ako pinatapos sa sasabihin ko." kinagat ko ang dibdib niya na ikikaaray niya at sinamaan ako nang tingin.

I just smirked at him.

"Nagtampo lang ako babe. I'm sorry na, hindi na mauulit."

"Oo na! I'm sorry din. Hindi ko rin kayang nagkaka ganito tayong dalawa. Kaya pasensya na talaga."

Balak niya sana akong halikan pero humiwalay ako sa yakap niya. "Ops! Bawal!" pinandilatan ko siya nang mata, nagtaka siya sa inasal ko. Tama na iyong kanina baka sumulpot nalang ulit si Nay Lusing at magulat, atakihin pa iyon sa puso.

"Why?" ang oa nang reaksyon niya, akala mo naman hindi na makakaulit.

"Wala munang halik sa ngayon. Ligawan mo muna ako ulit!" pagkakasabi ko nun tinalikuran ko siya upang pumunta nang kusina.

"Bakit pa kita liligawan kung balak kitang pakasalan! Babe! Hey-"

"Tse! Manligaw ka muna!" natatawa ako sa sigawan namin. Baliw talaga! Napapakagat labi ako dahil sa naiisip.

Papakasalan! Can't wait for that time. When? Because I can't wait, I love to be with him forever.

下一章