DETECTIVE SERIES #1 : FIGHT BACK TO SCHOOL YOU MUST AWARE ON PEOPLE AROUND YOU. YOU COULD ONLY TRUST YOU SELF MORE THAN ANYBODY ELSE.
"Team Alpha can you hear me?!"
"Yes Ma'am!"
"Go inside the stock house where the hostage is . Iligtas niyo siya kahit anong mangyari!"
"Yes Commander!"
Binaba ko na ang walkie talkie ko at pumwesto sa kabilang side ng building kung saan tanaw na tanaw ko mula rito ang mga Teroristang kalaban. Nasa sampu sila kaya naman agad kong ni-load ng bala ang sniper ko, sampu lang din iyon dahil siguradong walang mintis kung ako ang babaril.
Pinuwesto ko na ito at itinutok isa-isa. Una kong napatumba ang mga nasa glid upang 'di mahalata ng ibang kasamahan nila. Apat na lamang ang natitira, natamaan ko ang dalawa ngunit napansin ako nung isa nilang kasamahan kaya naman agad silang nagtago.
"SHIT!!" inis na sigaw ko dahil sa pagkakadismaya. "Come out rats!"
Dahil hindi ko na sila makita ay minabuti kong bumaba ng building at ako na mismo ang susugod. Kalahati na sa mga bata ko ang napuruhan. Mga walang hiyang terorista!
Isang iglap ay nakarinig ako ng mahinang pagbagsak sa likuran ko, agad ko itong nilingon at napagtantong granada ito. Agad akong lumukso at dumapa pero mapuruhan parin ako. Nasunog ang bahaging paanan ko dahil sa pagsabog. Buti na lang 'di naputol kundi puputulan ko talaga sila ng ulo.
Dahil na rin nadala na ako sa galit ay hindi ko na tiniis pa ang sakit sa paa ko at tumayo na lang basta saka sinugod ang nambato ng granada.
"MGA BABOY LUMABAS KAYO!! ANG BABABOY NIYO NAGTATAGO PA TALAGA KAYO?!" sigaw ko
Pinaulanan ko sila ng bala hanggang sa nakita kong may bumagsak na isang tao.Nilapitan ko ito ay kinuha ang takip na damit sa mukha
"Cleared" sambit ko bago ito iniwan.
Ang swerte ko naman 'yung anak pa talaga ng lider ang napatay ko.
I have no intension to kill that son of a devil but it's their choice to be dead. Hindi ko kasalanan na sumali sila sa grupo at mamatay.
Biglang tumunog ang walkie talkie ko kaya kinuha ko iyon at tinapat sa mukha ko.
"Commander ligtas na po ang hostage kaya lang na stock kami dito sa loob. Walang tao sa labas kaya 'di kami makakalabas. Hindi ko na rin po makontak ang iba pang grupo." sambit ng isa kong kasamahan sa kabilang linya.
"Don't go anywhere, just stay there with your comrades and the hostage. Maybe this a part of his plan" sagot ko
"Copy commander!"
Napalingon ako sa likod ko nang may maramdamang nakamasid sa'kin. I know who it is but I pretending that I'm not aware.
"mmmm" nag-humming pa ako.
Maya-maya ay nakarinig ako ng isang kalansing ng kadena malapit sa likuran ko. Lilingon na sana ako nang biglang may malakas na pwersa na tumama sa katawan ko. Napahandusay ako sa lupa dahil sa sobrang sakit.
"Bullshit!" napamura pa ako dahil pakiramdam ko nahiwa sa dalawang parte ang atay ko.
"Hindi ako pumapatay ng babae pero dahil masyado kang pakialamera 'di na ako nagdalawang isip pa" kilala ko ang boses na iyon, tonong demonyo.
"P-patayin k-kita" kahit hirap na hirap na ako ay nakayanan kong magsalita.
"Hindi ko alam na kaya mo na palang pumatay. Akala ko isa ka lamang na mang-mang. Totoo ngang nakuha mo ang uglai mo sa nanay mong walang kwenta" humalakhak ito at hinampas ulit ako ng kadenang dala niya.
"ARGHHHHH" palahaw ko ngunit hindi siya tumigil hanggang sa nakarinig kami ng tunog ng helecopter.
Tinigil niya ang paghahampas at hinawakan ang buhok ko saka pinaharap sa demonyo niyang mukha
"Sasabihin ko uli 'to sa'yo, wala akong intensyon na patayin ka dahil masyado kang espesyal sa'kin pero kapag pinagpatuloy mo ang pagtugis sa akin at sa grupo ko kakalimutan kong tao ka" saka nito binitawan ang buhok ko.
Natanaw ko pa siyang lumakad papalayo kahit blurred na lahat ng nakikita ko.
Masyado akong namimilipit sa sakit dahil sa kadenang himapas niya kanina.
Sinubukan ko pang tumayo pero bumagsak ulit. May naririnig akong tumatawag sa'kin pero hindi ko maaninag ito hanggang sa dumilim na lahat.
Unti-unti kong minulat ang mata ko, puro puti lang ang nakikita ko sa paligid. Nasaan ako? Ang huli kong natandaan ay noong pinaghahampas ako ng kadena ni Lucifer at nothing more.
"I'm glad you're already awake" nagsalita sa gilid ko ang isang tao na hindi ko kilala.
Hindi ko ito pinansin at tumayo na lang.
"Careful, your wounds still not okay baka masaktan ka" paalala nito.
"Sino kaba?" malamig kong tanong.
Hindi ko naman kase kilala pero kung mag-alala grabe
"Ang isip nakakalimot pero ang puso hindi"
"What? Dude, please stop worrying me. Baka ikamatay ko pa nga ang paghilata diyan"
Pero masyado siyang makulit.
"Justice Marisse Cabral" maotoridad nitong banggit.
Wait, what? He just mentioned my name right?
"Kilala mo ako?"
"Ahhh ano kase.... n-nakita ko sa files mo kanina noong binigay sa'kin ni Commander Ramulo. Para sa pagpapagamot mo" wika nito.
Napangiwi ako. Bakit naman ipagkatitiwala ni commander ang pribadong papeles sa lalaking 'to? Kilala niya?
"Okay." matabang kong saad saka umalis na lang doon sa kwarto tutal hindi naman masyadong masakit ang katawan ko.
Pero infairness madaling maghilom ang sugat ko saka kaunti na lang ang sakit sa tiyan ko.
"Commander!" napalingon ako sa sumigaw sa'kin.
Napangiti ako nang mapagtantong si Felicity iyon, ang isa sa mga bata ko. What is she doing here?
Sumaludo ito sa'kin at ganun din ako.
"Kumusta na po kayo? May masakit pa po ba sa katawan mo?" tanong nito
Ngumiti ako sa kaniya saka ni-pat ang kaniyang ulo.
"Maayos na ako. Parang kahapon lang ako napuruhan pero wala na agad ang sakit HAHAHA" tumawa ako pero si Felecity napangiwi
"Eh commander anong kahapon ka napuruhan? Noong isang linggo pa 'yung bakbakan natapos eh?"
Napakunot ang noo ko. Ibig sabihin isang linggo talaga ako nakaratay sa ospital?!
"Ahh hehe" nameke ako ng tawa dahil sa hiya. Wala naman kaseng nagsabi na isang linggo na pala ako sa ospital.
"Sige una na ako. Ingat po kayo" paalam nito saka tumakbo sa kabilang daan.
"Kaya pala halos papagaling na ang sugat ko dahil isang linggo na pala ako rito. Hay"
Dahil nakaramdam ako ng uhaw ay pinili kong pumunta sa cafeteria nila.
"Isang tubig nga po" sabi ko doon sa serbedera.
Iniabot ko ang bayad sa kaniya saka kinuha ang tubig na binili. Agad ko itong ininom dahil uhaw na uhaw na talaga ako, makalipas ang ilang sandali na pagmumuni-muni sa cafeteria ay may isang lalaki na nakasuot sa kaniya sundalo na uniporme ang papunta sa dereksyon ko.
"Commander!" sumaludo ito kaya naman ginaya ko rin siya.
Sinenyasan ko siyang umupo sa katabing upuan.
"Anong kailangan mo?" tanong ko
"Pinapatawag po kayo ni commander Ramulo sa opisina niya. May importante raw po kayong pag-uusapan" wika nito.
"Sa opisina niya? Talaga bang bumyahe kapa papunta rito para sabihin yan?"
Tumango ito "Yes commander"
Wala man lang awa si Commander, inutusan pa ang bata niya para lang sabihin 'to.
"Sige pupunta ako sabihin mo iyan sa kaniya."
Tumayo na ito at sumaludo muli saka umalis.
Ano naman kaya ang pag-uusapan namin ni commander?
***
"Commander Ramulo!" sumaludo ako pagpasok sa opisina niya. Nadatnan ko siyang nay binabasang papel. Tumingin ito sa'kin saka sinenyasan akong umupo katapat niya.
"Why did you call me?" agaran na tanong ko
Inabot nito ang papel na kaninang binabasa niya.
Kumunot naman ang noo ko "What should I do with this? Makakain ba 'to?" biro ko
"Subukan mong kainin baka malaman mo ang sagot" sagot naman nito
Kahit kailan talaga hindi marunong makisabay sa joke 'to.
Si Commander Theo Ramulo ay isa sa mga nakakataas sa'min. Matangkad saka gwapo siya kaya naman halos lahat ng babaeng sundalo'y gusto na lang manatili sa headquarters para lang makasama siya. Pa'no ba naman kase, si Theo 'yung tipong tao na mas pipiliing umupo na lang buong maghapon kaysa lumusob sa gyera. Napapaisip nga ako kung bakit naging commander 'to eh saksakan naman ng tamad.
"Basahin mo na lang para malaman mo" udyok nito kaya naman napilitan akong basahin ang nakasulat.
sa itaas ay may nakalagay na CASE at sa ibaba naman nito ay mga print-out photos ng mga illegal drugs, killings at iba pang kaso.
Habang tumatagal ay nahahalata kong iisa lang ang lugar ng mga pinangyarihan, sigurado akong sa eskwelahan nagaganap ang nga ito dahil lahat ng napatay doon ay naka-uniform pa at nasa loob ng kanilang classroom o 'di kaya'y sa likod ng building ng school.
Nilapag ko na iyon sa lamesa niya matapos kong basahin. Naguguluhan pa rin ako dahil hindi naman kami pulis para gawin ang mga ganitong kaso.
"Hindi ba't dapat pulis ang gumawa niyan?"
Tumikhim ito bago nagsalita "As you can see, kaya ko sa'yo pinabasa ay dahil gusto namin ikaw ang humawak ng kasong iyan. Oo, alam kong 'di ka papayag pero tayo na lang ang huling mapaghingan ng tulong ng mga pulis." wika nito
"Ako ang ipahahawak niyo sa kasong iyan? Nahihibang na ba kayo? Hindi ko kayang gawin 'yan kung sa labas ako magmamatyag dahil sa loob mismo ng paaralan nagaganap ang krimen" giit ko
"Naisip na namin 'yan. Kaya nga gumawa kami ng paraan upang makapasok ka mismo sa paaralang 'yan. Ipeneke namin ang Birth Certificate mo pati na rin ang pangalan ng mga magulang mo at tinitirahan. Wala ka nang dapat pang ipangamba dahil siguradong magtatagumpay ka" giit niya.
Oo nga't maganda ang kasong ito kaya lang parang masyadong boring. Walang spark kumbaga dahil mukhang paulit-ulit lang naman ang kasong ito, involve ang killings, kidnapping, hit and run, bullying saka drugs.
"Hindi ko matatanggap ang kasong ito. May mas maganda pa akong dapat gawin kaysa dyan. Excuse me" aalis na sana ako nang magsalita siyang muli at dahil doon napahinto ako
"Paano kung sabihin kong involve ang taong iyon sa kasong 'to? Matatanggap mo ba?" wika nito
Hinarap ko siyang muli na nakakunot ang noo. Kahit 'di niya banggitin ang pangalan ng taong iyon, nakikita ko na ang demonyong mukha nito sa isip ko.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Bakit 'di mo muna tanggapin ang kaso nang sa ganun ay malaman mo ang sagot?"
Dahil desperado na ako ay tinanggap ko na lang ang kaso hindi dahil nagustuhan ko na ito kundi dahil gusto kong makaharap muli ang demonyong iyon.
Ngumisi ito ng pagtagumpay sakin "Goodluck, Justice!" cheer nito kaya sinamaan ko siya bg tingin at muling hinarap ang papel na hawak bago umalis ng opisina niya.
END OF CHAPTER ONE
VOTE AND COMMENTS