"ARE YOU OKAY?"
Thorn's lips twitched. Hindi niya alam kung maiinis siya o matatawa sa tanong ng kanyang kakambal. Sa hitsura niyang iyon, mukha pa ba siyang okay? It's already been a week since they left Isla Mi Amante. Since he left Rose. Sa tuwing naiisip niya iyon ay naninikip ang dibdib niya sa sakit. He never wanted to leave her but he had no choice.
Dahil kasi sa nangyari ay nag-away sila ng kanyang lola. Sa kanilang sagutan ay biglang inatake sa sakit sa puso ang kanyang Lola Pamela. They rushed her to the hospital. Ngunit dahil hindi kinaya ng ospital sa San Jose ang kondisyon ng kanyang lola ay kinailangan nila itong ilipa sa Maynila. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong makapagpaalam kay Rose. Ni hindi nila natapos ang kasal ni Baileys dahil doon ito sa reception mismo inatake.
And as much as he wanted to call her and to tell everything that has happened something has always been trying to stop him from doing it. Hindi pa rin kasi niya mawari kung ano ang dapat niyang gawin sa sitwasyon nila ni Rose. Nagi-guilty siya na siya ang naging dahilan ng pagkakasakit ng kanyang abuela. Three days ago, when his grandmother finally woke up, hiniling nitong huwag na raw niyang kakausapin ulit si Rose.
Kung ayaw niya raw na bumalik ito ulit sa ospital. He was torn between keeping his grandmother safe and keeping his heart sane. Damn, but he missed Rose like a madcap. Ito na lamang ang laging laman ng isip niya. Kahit saan siya mapatingin ay mukha nito ang nakikita niya. He missed hearing her laugh, her voice, He missed her sweet scent and her sweet smile.
"I don't know, bro," he answered helpessly.
Exodus Briar slightly tapped his shoulders. "I don't know what to say. Gustuhin man kitang tulungan ay wala naman akong magagawa. The choice is yours."
Napabuntong-hininga siya. "Hindi ko na alam ang gagawin ko. I don't want to hurt Lola Pam, you know that. Siya ang pinakamahalagang babae sa buhay ko, sa buhay natin. But I…" He stopped and then he swallowed…hard. His chest constricted. He wanted to say something, gusto niyang ituloy ang sinasabi niya ngunit bakit ganon? Bakit hindi niya alam kung ano ang susunod niyang sasabihin? He shook his head vehemently. There's definitely something wrong with him.
Unti-unting napangiti si Exodus Briar. Then he shook his head. "But you love her," pagtatapos nito sa dapat sana'y sasabihin niya.
He was taken aback. When he heard how his twin brother said it, it just…felt right. It wasn't so awkward to admit it. In fact, it relieved him. Parang may isang mabigat na bakal na bolang nakadagan sa dibdib niya nang marinig niya iyon. And then, it hit him.
He loved Rose. Ngayon ay alam na niya ang sagot kung bakit halos mabaliw siya sa pag-iisip dito. Kung bakit gusto na niyang takbuhin pabalik ang San Jose. Kung bakit hindi maalis sa isip niya ang dalaga. At kung bakit handa siyang suwayin at tanggihan ang kahilingan ng kanyang Lola na huwag nang makipagkita pa ulit kay Rose.
It's because he loved her. He stared helplessly at his twin brother. Lalo siyang nahirapan at naguluhan sa sitwasyon niya. Hindi niya kayang masaktan ang mga babaeng mahal niya.
"I'm in deep shit," he cursed.
"Maybe you can try to talk to her again…"
Napatingin siya sa kanyang kapatid. "W-what?"
"Tell Lola Pam how much you love her. Hindi mo pa naman nasusubukang ipaglaban si Rose sa kanya, hindi ba? Malay mo, maawa sa iyo si Lola."
He never bowed at anyone before. He was the King of his own empire—his own life. Gabundok ang pride niya. Hindi siya nagpapakumbaba sa harap ng iba. He was tough. He'd always believed that he could do everything…that he could solve everything. Magagawa niya bang magpakababa para lang…napapikit siya ng mariin.
"Yes," he whispered. He could do everything because he loved her. She taught him how to love, and now, it's his turn to return the favor by fighting for his love.
Kung hindi man naging maganda ang ending ng love story ng Lola niya at Lolo ni Rose noon, pwes, gagawin niya ang lahat maging maganda lang ang ending ng love story nila ni Rose. Hinding hindi siya magpapatalo sa dikta ng kahit na sino—o kahit ng tadhana pa. Ipaglalaban niya si Rose hanggang sa huling hininga niya.
He would fight for her, no matter what happened. He was willing to take the risk. Mas mahirap pagsisihan ang isang bagay na hindi mo ginawa kesa sa isang bagay na nagawa mo na. At least, kapag nagawa niya, alam na niya ang kinahantungan ng ginawa niya—masama man o hindi ang kinalabasan. He would never live with what if's. Kaya nakapagdesisyon na siya.
Ipaglalaban niya si Rose at ang pagmamahal niya para sa dalaga. Tumayo siya at muling hinarap ang kanyang kapatid. "Can do do me a favor, bro?" tanong niya.
Exodus Briar didn't even look surprised. Sa halip ay ngumiti pa ito. "Sure. What is it?"
"Can you pretend to be me?"
He knew that it was the stupidiest favor but damn, maybe they could pull it off. Iyon lamang ang paraang naiisip niya para makaalis siya at makabalik siya sa San Jose nang hindi agad na lalaman ng lola niya. Gusto niyang unahing makipagbati kay Rose bago kausapin ang lola niya. Gusto niya kasi na magkasama sila ni Rose na haharapin ang kanyang abuela.
"Sa tingin mo ba ay maloloko natin si Lola Pam?" tanong nito.
"Oo naman. We have been doing this shit since gradeschool," kampanteng sagot niya.
Kahit nga noong lumaki na sila ay nagagawa pa rin nila iyon. They could copy each other—from the way they put their clothes on until their own weird mannerisms. Kayang kaya nilang gayahin ang isa't isa basta ginusto nila. Nobody could tell them apart. Minsan nga ay kahit sa mga business meetings nila ay nagagawa nilang magpanggap kapag nakompromiso sila.
"You really love her," komento ng kakambal niya.
"More than I had imagined," he said sheepishly.
"Fine. I'll do this for you. Pero tandaan mo ito bro, kailangan mong makagawa ng paraan para maayos ang gulong ito. Or else, we'll sink at deeper shit hole," babala nito.
"Love is the answer to all our prayers, dude," he joked.
Nandidiring itinulak siya ni Exodus Briar palayo. "Damn! Get away from me, you freak! Bring back my twin brotha!" natatawang iling nito.
"Thanks bro, I'll never forget this," kunwa'y seryoso niyang wika.
"Twin bros forever," nakangiting wika nito bago iniabot ang kaliwang kamay sa kanya.
He smiled back. Inabot niya ang kamay nito at tsaka ito hinila palapit sa kanya. He hugged is brother and tapped him at the back—like a man. "Twin bros forever," he whispered.
Nakahinga siya ng maluwag. Kahit paano'y nakakitaan niya ng pag-asa ang kinasasangkutan niyang problema. Kailangan na lamang niyang ayusin ang problema niya kay Rose. Sana lang ay makinig pa ito sa kanya. And damn, he was too excited to see her again!