webnovel

Chapter 7

ETHAN'S POV

"Hoy lumabas kana nga dyan!"dinig ko sigaw ni ashley,ilang beses na syang nag sasalita sa labas pero hindi ako sumasagot"ayaw mo talaga lumabas? Aalis nalang ako"sambit nya

"Sige ingat ka ah!"sigaw ko sa may pintuan

"Pshhhh! Pag bumalik yung babae ah! Hindi na talaga kita pupuntahan!"galit na sigaw nya

"Joke lang pala! Wag kang umalis"sambit ko dahil may naramdaman akong malakas na hangin

"Di ako aalis kung lalabas ka dyan"bulong nya sa may pintuan

"Sandali lang kase"natataranta kong sambit

"Ano ba kasing ginagawa mo dyan?!"inis na talagang sigaw nya

"Ehhh napahiya ako sayo!"nahihiya pero nagawa ko pa ring isigaw na sambit ko

"Ano naman?! Hindi naman na mang yayari yon kahit gustuhin mo ako! Mawawala na rin naman ako sa mundong to!"sigaw nya na nakapag patigil sakin

'Bakit ako nag kakaganito? Ang sakit ng puso ko! Argghh!'

Napaupo ako sa pintuan dahil sa nararamdaman kong sakit

"Ethan? Ayos ka lang ba??"dinig kong katok nya sa pintuan"huyy ethan? Gusto mo bang pumasok na ako dyan?"dinig ko sa boses nya ang pag aalala,nawala bigla ang sakit na nararamdaman ko

'Ang sarap pakinggan ang pangalan ko pag nag mumula sakanya'

Mababaliw na ata ako halo-halo na ang nararamdaman ko!

"Ethan an--"hindi na nya natuloy sa sasabihin nya dahil binuksan ko na ang pintuan sabay yakap sakanya"Ahmm?? Ano naman to ngayon?"tanong nya habang kinakalabit ang likod ko

"Ayokong umalis ka,ayokong mawala ka please?"sambit ko at naramdaman ko ang pag tulo ng aking mga luha

"Ethan? Hindi na ako aalis kas--"hindi nanaman nya natuloy ang sasabihin nya dahil bigla ko syang hinaharap

"Sabi mo yan ah! Di kana aalis! Di mo na ako iiwan!"parang batang sigaw ko sakanya

"Ethan? Nag katol ka ba sa kwarto? Bat ganyan inaasta mo?"nag tatakang tanong nya

"Psh! Hay tara na nga don! Panira ka talaga kahit kailan!"sigaw ko at hinatak sya sa may sofa at pinaupo sya "kwento mo sakin kung sino yung babae kagabi"usto ko sakanya

"Ahmm...ang babaeng yon ay si de layla,isa rin syang kaluluwa katulad ko pero mas mataas ako sakanya"paliwanag nya ngunit pinutol ko

"Wait! Pati kaluluwa may rango na ren?"takang tanong ko pero napahilamos lang sya sa mukha nya

"Pwede ba? Patapusin mo muna ako?"iritadong tanong nya

"Okay po hehe"sagot ko na parang bata at todo ngiti sakanya pero inirapan nya lang ako

"Yun nga si de layla ay kaluluwa rin katulad ko pero mas MATAAS O mas MALAKAS ako sakanya"pag didiin nya pa sa iba nyang sinabi"Pero wala kaming rango,sadyang may sari-sarili lang kaming kakayahan at masasabi ko lang ay ako pinaka malakas sa lahat"sambit nya habang nakangisi

'Grabeee may paparating na bagyo! Sobrang lakas ng hangin!'

"Marami akong kakayahan bukod sa iba,tulad ng pag bubukas ng third eye ng mga tao,kokonti lang kaming nakakagawa non"paliwanag nya sabay kindat"dahil sa kakayahan ko na yon ay nagiging tulay ako ng maraming multo upang makuha nila ang gusto nila sa maraming tao"kampanteng paliwanag nya

'Siguro nga ganon sya kalakas upang kampanteng mag kwento sakin'

"Gusto? Tulad ng ano? Papatayin nyo sila?"sunod sunod na tanong ko

"Oo kinuha namin ang mga gusto namin sa tao pero hindi kami marunong bumawi ng buhay,ako hindi ko kaya pero ewan ko nalang sa iba.."paliwanag nya pa

"Kung ganon ano ang gagawin sakin ni de layla kagabi?"tanong ko sakanya

"Kukunin nya ang enerhiya mo at sa pamamagitan non ay lalakas sya at mang hihina ka naman,ang konting enerhiya sa tao ay maaaring makabawi ng buhay"sambit nya

"Edi si de layla nakapatay na?"inosenteng tanong ko sakanya

"Wala naman akong nababalitaan na may napatay na sya dahil hindi naman nya sinasagad ang mga tao,palagi syang nag titira sa tao upang mabuhay pa ito at mabalikan"paliwanag nya at tumango lang ako

"Eh sabi mo ang konting enerhiya sa tao ay nakakabawi ng buhay, paano ka nakasigurado na hindi pa nakakapatay si de layla??"tanong ko sakanya at nararamdaman kong naiinis na sya

"Sinabi ko bang sigurado ako?! Sabi ko wala pa akong nababalitaan hindi ko sinabing sigurado akong wala pang napapatay si de layla! Myghad ethan!"sigaw nya sakin pero imbis na matakot ako ay natuwa pa ako

'Cute cute nya!'

"Bakit ka ngumingiti?! May nakakatawa ba? May dumi ba ako sa mukha?"kunot na kunot na noong tanong nya

"Wala..nakakatuwa ka lang talagang pag masdan"nakangiti kong sambit sakanya

"Psh! Nagagandahan ka nanaman sakin!"sambit nya na may halong pag mamayabang

"Ano magagawa ko eh maganda ka naman talaga? Hindi ko maiwasan mapatingin sa mukha mo, sa totoo lang ashley ngayon ko lang talaga nakikita sa mukha mo ang ganda, dahil nung una akala ko ay sakim na multo ka"sambit ko sakanya habang nakangiti "Bakit ka nga pala ulit nananakot?"tanong ko sakanya na kinabigla nya

"Bakit mo naman kailangan malaman?"tanong nya na may halong pag tataray

"Ewan ko pero bigla ko nalang gusto malaman ang lahat ng tungkol sayo, pakiramdam ko sobrang hiwaga mo" manghang-manghang sambit ko sakanya

"Tss ano ba yang pinag sasabi mo?!"sigaw nya

"Bakit kinikilig ka ba??"nakangising tanong ko sakanya na agad kinalaki ng mata nya

"Ako kikiligin? Bakit ihi ka ba??"pag tataray na tanong nya

'Yakk so gross, ang ganda ganda ng mga sinasabi ko sakanya tas eto sasabihin nya sakin? Kinukumpara nya ako sa ihi? Iww'

"Kadiri ka naman! Ang dami kong sinasabi sayong magaganda tas eto papalit mo? Ikukumpara mo ko sa ihi? Seryoso ka ba talaga dyan ashley??"diring-diring sambit

"Tss bakit ba ganyan ang reaksiyon mo?! Bakla ka ba?!"singhal nya sakin na agad kinalaki ng aking mga mata

'Tingin nya sakin isang bakla?'

"Ayan tignan mo nanaman ang reaksiyon mo! Masyado kang oa gumalaw! Hindi ka naman ganyan nung una kitang makita ah! Ano bang nang yayari sayo ethan!"singhal nya sakin

'Kanina pa nya sinasabi ang pangalan ko pero iba pa rin ang pakiramdam pag sinasambit nya pa rin ito,kesa dati na puro hoy!, lalaki! Puro ganon! Tss'

"Gusto mo ba talagang malaman kung anong nang yayari sakin?"taas kilay na tanong ko

"Yes please"kampanteng sambit nya

Lumapit ako sakanya at kasabay nun ang pag atras nya kaya naman nakorner ko sya sa pinaka dulo ng sofa"Hindi ko alam ashley"bulong ko sakanya at nilapit ko pa ang mukha ko sakanya dahilan para lalong mag katitigan ang mga mata namin

'Apaka ganda ng mga mata nya'

"Ethan? Hindi ba masyado kang malapit?"bulong nya pero hindi ko ito pinansin

"Ano ba ang ginawa mo sakin? Bakit parang baliw na baliw na ako sayo?"takang takang tanong ko sakanya at pati sya ay kakikitaan ng pag tataka

"Hindi kita maintindihan ethan"bulong nya

"Hindi mo ba talaga naiintindihan ang sinasabi ko?"may halong inis na sambit ko "Ashley...sa tingin ko gusto na kita"pahina ng pahinang bulong ko sakanya

'Sa wakas! Nasabi ko na rin!'

Hello sayooooo thankyou for reading my storyyyyy

Follow and vote my story for more updates!

Lablabbbb

~BlackSunshine

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

BlackSunshinecreators' thoughts
下一章