webnovel

CHAPTER 54

LINC'S POV

Kumuha pa ako ng sigarilyo sa mesa at sinindihan yun kaagad. Naglakad ako papunta sa silid niya tsaka sumandal sa pintuan.

"I don't know until when I can hide myself to you" tinignan ko lang siyang natutulog. I can't do anything to give her comfortable place. I don't want her to get mad at me either but at least she's more safe with me. Whoever does these, they will pay for bringing you down.

"Kuya" napatingin ako kay beatrice nang hilahin niya ako palabas ng bahay.

"Why? I'm still watching her" hindi niya ako pinansin at naglakad lang palayo. Tinapon ko ang sigarilyong hawak ko at sinundan siya.

"Kuya, nakabalik na si zaira" mabilis ko siyang hinawakan sa braso at pinalapit pa sa akin.

"Kailan pa? Nasaan siya ngayon?!" may dapat PA siyang sabihin sa akin. May dapat kaming pagusapan. Where have she been? Z? Why are you hiding?

"Pinatanggal nila lahat ng dating katulong maliban kay mama kuya pero susubukan kong papuntahin si mama dito para sabihin ang tungkol kay amira"

"Tell me. I'll go with you"

"Sige kuya" napatingin ako sa kalsada nang makita sina cj at jayson na nagmamadaling naglakad palapit sa bahay. 

Agad kong naisip si amira kaya tumakbo ako palapit kay jayson tsaka mabilis siyang kinuwelyuhan. Tumingin muna ako kay cj na nakapamulsa lang.

"It's him who got drunk, don't blame me" lumapit siya sa tabi namin at tinignan si jayson na galit na nakatingin sa akin.

"Her father is dead, she was no longer profitable here!!" hinigpitan ko ang pagkahawak sa kwelyo niya at nakipagtagisan din ng tingin.

"Profitable?!! Then leave! Just leave her to me!" tinulak niya ako ng malakas at tumakbo papunta sa bahay "JAYSON!"

"Jayson/kuya!" hindi ko pinansin ang mga tao sa paligid at mabilis siyang sinundan.

"Yaaaah!" pinigilan ako ni cj pero tinabig ko lang ang kamay niya at iniharap ulit si jayson sa akin.

*BOGSH* inunahan ko siya sa pagsuntok nang tumaas ang kamao niya. Tumayo ako ng maayos habang tinitignan siyang nawalan ng malay--

*Bogsh* hindi ko inasahan ang pagsuntok ni cj kaya napatalikod ako at napadura ng dugo.

"You're a b*llsh*t!" mabilis akong humarap sa kanya at binalik din ang ginawa niya. If it is for her, I can turn them down to protect her. 

*bogsh* napaupo din siya sa lupa kaya lumapit na si beatrice para gisingin si jayson.

"Natiis ko pa nung tinakot mo siya pero hindi ko na alam ngayon cj!!" tumayo siya at dumura din ng dugo sa harap ko.

"Just tell us if you are quiting! Tamang tama hindi na tayo nakakakontak sa italy, let's do it today!"

"Cj, all I want to do is to protect her" hinawakan ko siya sa kwelyo para ilapit pa sa akin "Do whatever you want but don't touch her"

"You are lucky that we value our friendship--"

"You are lucky that I am letting both of you again" pagtatama ko sa sinabi niya. Wala ng nagsalita sa kanila kaya hinila ko si cj palayo. Sumunod naman yung dalawa kaya sila na ang nagtataboy sa mga gustong manuod.

"We will stick with the plan but this time I and amir will just accompany you there. Sasamahan ko siya kahit anong mangyari. She's my first priority now and I can't afford to disappoint her again"

"Saan tayo kuya?" tumigil na kami sa tapat ng kotse tsaka iniwan ko muna ang dalawa at hinarap si beatrice.

"Stay here and watch amira. We will find another way to leave this country" tumango lang siya. Ginulo ko ang buhok niya at pumasok sa kotse.

BEA'S POV

Tumalikod na ako dahil hindi ko na matanaw ang kotse ni kuya. Nakakabilib!! Natumba niya yung dalawa!! Grabe ka kuya! Muntikan na akong malaglagan ng bata sa away ninyo!!

*bzzzzt* kinuha ko ang cellphone at sinagot yun agad.

"Ma? Bakit?"

"Anak! Tulungan mo muna ako dito!"

"Bakit po ma?" pinakinggan ko ng mabuti ang kabilang linya dahil sobrang ingay.

"Nagaaway sina madam at miss zaira dito kaya kailangan namin ng bantay kay nathalie"

"Oh sige ma pupunta na ako" binaba ko na ang tawag at tinext muna si kuya.

To: Kuya

Kuya pupunta ako sa mansyon nina amira, nagkakagulo daw dun kaya itetext na lang kita kung ano ng nangyayari doon

Ilang segundo lang ay nagreply agad si kuya.

From: Kuya

Do it pls. You will be my eyes there.

****

Medyo lakad takbo ang ginawa ko habang papasok ng bahay dahil naririnig ko na mula dito ang sigawan. Watda! Ilang minuto akong bumyahe simula nung tumawag si mama tapos hanggang ngayon nagaaway pa rin sila?!

"Stop blaming me!!"

"How can't I blame you?! It's your fault, why your father took his own life! Everything is your mess!!" nakatayo lang ako dito sa may pinto dahil may pumasok ding mga pulis.

"W-what's this?!" gulat na tanong ng ate ni amira.

"Send her to jail!!" sigaw ni madam elisa. Sinimulan ng hilahin ng mga pulis si miss zaira kaya tumakbo ako kay mama na pinipigilan pa ang mga pulis.

"AHH!! LET ME GO!!"

"Sir bitawan niyo po ang alaga namin!" nanlaki naman ang mga mata ko nang may makita sa gate na mga lalakeng armado. Mabilis kong hinila si mama palayo at dumapa nang umingay ang paligid.

*bangbangbangbang*

"Ahhhh!!" tinakpan lang namin ang tenga namin at gumapang pa palayo.

"Ma! Dito tayo!" sabi ko at pumunta sa lugar na hindi masyadong pinupuntahan.

"I WILL COME BACK TITA!! MAGSISISI KA SA GINAWA MO!!"

"Bumalik ka!!! Kailangan mong managot sa batas!!"

"I HAVE NO RULE IN MY WORLD!!"

AMIRA'S POV

Nakatuon lang ako sa pagkuskos ng ducktape sa pako. Medyo nasusugatan na yung kamay ko dahil namamali ako ng pagtusok doon. 

I need to get out of here! They need me! And I need them! I need to see them!! I will lose my life if I can't see them for the last time! A-at least it would ease the pain inside.

Awtomatikong may tumulo na luha sa mata ko. Hinayaan ko lang yun. Kapag sa tuwing nagigising ako sa pagkakatulog kasunod nun ay mga luha na hindi ko mapigilan. Why does it hurt so much?

Napapulupot na ako dahil hindi ko na mapigilan ang panlalamig. Kanina pa umuulan kaya sobrang basa na ang damit ko--dahil kanina pa din may tumutulong tubig sa akin.

"Aggh" may naririnig pa akong tumutulong tubig sa paligid. Sumuko na ako dahil kahit anong gawin kong pagusog nababasa pa rin ako!!

Pinalo ba nila ang ulo ko ng martilyo?! A-alam ko namang dahil sa sobrang sama ng pakiramdam ko kaya ako nagkakaganito!! Why do I need to have this kind of health?!! I-it's so unfair for k-kuya and p-papá d-dapat ako nasa pwesto nila! I am weak and worthless!

"H-hello?" pinakinggan kong mabuti ang paligid kung may sasagot ba sa akin. Inalis ko na ang kamay ko sa pako para hindi nila ako mahuli. Half of it was ripped.

"Where the hell are they?"

"May t-tao ba dyan?" nakakarinig na ako nang yabag ng mga paa kaya pinagdasal ko na sana yung tahimik ang pupunta dito! Napapansin ko kasi siya yung umaalalay sa akin.

"Where's beatrice?" hindi ko masyadong narinig ang bulong niya. Tumingala ako ng konti kahit hindi ako sigurado kung saan nga siya.

"I-I'm sorry pero basang basa n-na kasi ako dahil sa tubig na tumutulo sa akin. Pwede mo ba akong ilipat?" ilang segundo pa ay naramdaman kong may presensyang sobrang lapit at mabilis akong binuhat. 

Pinahiga na niya ako sa malambot na bagay at napalunok na lang nang hawakan niya ang pisngi't noo ko. Mas naramdaman ko pa ang lamig kaya hindi ko maiwasang manginig.

"W-what are you going to d-do?"  umusog ako palayo sa kanya nang hawakan niya ang kamay ko sa likod.

Napatigil siya at kinapa pa ang buong kamay ko kaya napakagat ako sa labi nang tinuloy niya ang pagtanggal ng tali pero hinawakan niya pa rin yun ng mabuti.

"Bitawan mo ko!!" napadaing na ako ng konti dahil dahan dahan na niyang tinatanggal ang naiwang ducktape sa kamay ko. Ang sakit! Parang nadadala ang balat ko dun? 

*blag* hinila ko ng malakas ang kamay ko para itulak siya pahiga tsaka dinaganan.

"S-STOP! DON'T MOVE!--Wag!" natatarantang sigaw ko habang hinihila niya palayo ang mga kamay ko para matigil sa pagtanggal ng piring.

"L-LET ME G-GO!!!" pilit kong tinataas ang isang kamay ko pero ayaw niya talagang bitawan.

Nagulat ako nang nilakas niya ang paghila kaya nadulas ako at napasubsob sa kanya. Nahilo ako saglit dahil sa malakas na pagbagsak ko sa may dibdib niya. I-i feel l-like I want to s-sleep!

Nakapa ko ang bandang dibdib niya dahilan para hindi ko sinadyang makaramdam ng isang napakapamilyar na umbok.

Tumigil siya kaya mas pinakiramdaman ko pa yun at tinrace ang pabilog na umbok. I-isa l-lang ang k-kilala k-kong m-may ganito. Nanginginig kong tinaas ang kamay ko papunta sa mukha niya--p-piercing.

"I'm sorry" para akong napaso at mabilis na nilayo ang kamay sa mukha niya tsaka lumingon sa ibang direksyon. T-this can't be "I-I wanted to stop. Believe m-me. I-I was forced. I am w-with you"

下一章