webnovel

Capitulo Cuarenta

Mariing kinuyom ni Maxwell ang kaniyang kamao, kanina pa siya hindi mapakali at parang hinahalukay ang kaniyang tiyan. Marahas niyang sinuklay ang kaniyang buhok. A nagging feeling inside him was consuming his thoughts. Ramdam na ramdam din niya ang tensyon sa kaniyang balikat.

"Hey.. hon are you okay?" ang marahang paghaplos ng mga palad sa magkabilang balikat at nagpaahon sa kaniyang malalim na pag-iisip. Mula sa kaniyang likuran ay marahang pumulupot sa kaniyang dibdib ang makikinis at maputing braso ng dalaga. Ramdam niya ang paglapat ng malambot nitong dibdib sa kaniyang likuran at ang mabango nitong hininga, humilig ang ulo nito sa pagitang ng kaniyang leeg at balikat.

Nilingon niya ito at binigyan ng tipid na ngiti. "I'm fine Shekainah."

"I don't understand you Pierce, hanggang ngayon ba ay nababaliw ka pa rin sa babaeng yun. Huwag mong kalimutang siya ang dahilan ng lahat ng kamalasang nangyari sa buhay mo at ng iyong pamilya. Think of tita Riza, she died because of her, paano mo naatim na tumira sa iisang bahay kasama ng taong naging dahilan ng pagkamatay ng mama mo."

Tahimik na tumayo si Maxwell mula sa pagkakahiga sa kama at isinuot ang kaniyang maong na pantalon.

"Please, layuan mo na siya. I know you just want your revenge but you don't have to live with her. And you are not really married, hindi naman na-register ang kasal niyo di ba."

Lumapit si Maxwell dito at hinalikan sa noo ang babae. Mapupungay ang mga mata nitong nakikiusap na nakatitig sa kaniya. Niyakap niya ito sa bewang at gumanti din ito ng yakap sa kaniya. Tanging t-sirt lamang niya ang suot nito,

"Nagseselos ka na ba?" nakangiting wika niya. Agad itong sumimangot at inirapan siya.

"Sinasadya mo sigurong gawin ito kase gusto mo akong magselos." Inis na wika nito. He chuckled and kiss the tip of her nose.

"I have to go." Aniya habang binubutones ang sinoot na polo.

"Can I see you tomorrow?" sinulyapan niya ito, nababasa niya sa mga mata nito ang pag-asam. He gave her a small smile.

"I'll think about it." He said with a smirk, sumimangot ito at inirapan siya. Hindi niya iyon pinansin at tinalikuran na ito. Agad na lumamig at tumigas ang kaniyang muka ng makalabas sa silid na yon. Narinig pa niya ang pagtawag ng dalaga sa kaniyang pangalan subalit hindi na niya ito nilingon.

Nang makalabas siya sa matayog na building na iyon ay kaagad siyang sumakay sa kaniyang paboritong sports car at tinahak ang daan patungo sa kumpaniyang pag-aari ng kaniyang ama. Maraming nakabinbing trabaho na natambak pa noong isang araw. Balak niyang tapusin lahat iyon ngayong araw upang makapagbakasyon siya kahit dalawang araw lang.

Kailangan niya ng time to straighten up himself. Hindi niya gusto ang nangyayari sa pagitan nila ng kaniyang asawa maging ang takbo ng mga pangyayari. He doesn't like how he feels towards her, nalilito siya at hindi yun maaari.

He had to stay firm and cold upang maisakatuparan ang kaniyang paghihiganti. Humigpit ang kapit niya sa manubela ng kaniyang sasakyan, malapit na ring magtagumpay ang kaniyang mga plano. So he had to stay away from her and so he won't waver.

"Good morning sir!" ang kaagad na bati ng kaniyang mga empleyado. They own the whole building it has fourty floor. Sa malalaking hakbang ay tinungo niya ang private elevator at kaagad naman iyong bumukas para sa kaniya.

He pressed the top floor button kung nasaan ang opisina niya. Kita niya bawat floor na nadadaanan dahil glass door iyon, kita niyang busy lahat ang kaniyang mga emleyado at kulang na lang ay isubsob ang mga muka sa harap ng monitor. He wonders kung ganoon talaga kadedicated ang mga ito o dahil alam lang ng mga itong naroon siya.

Kumunot ang kaniyang noo ng hindi madatnan ang kaniyang secretary sa mesa nito. Dumeretso siya sa kaniyang opisina, sakop noon ang buong floor, mahahalata ang karangyaan sa paligid, at sa isang tingin ay masasabing pinag-isipang mabuti ang mga detalye at ginugulan ng malaking halaga.

Nabigla siya ng humahangos na pumasok sa silid niya ang kaniyang sekretarya. Nilingon niya ang pinanggalingan nito at muling binalik ang tingin dito.

"Where have you been?" aniya.

"Did you heard about the news?" lalong kumunot ang noo niya.

"What news?"

"Your father! Kababalik lang niya from Russia, something big happened."

"What about?" sumandal siya sa upuan at pinag-cross ang mga braso. "What the hell it is Romualdez."

"The ship that your father built with the Russian people, handa na sa pag-alis." Anito ng humupa ang malalim na pahinga. Tumaas ng kaniyang kilay at iminuwestra ang kamay upang hayaan itong magpatuloy.

"What ship, hindi ba kakaalis lang ng Andromeda?" kumpirma niya. Andromeda was his father's pride. Although the idea was originally from his best friend, Mr. Dmitri Romanov III sa kaniya nanggaling ang idea ng makabago at advance na sasakyang pangkalawakan. He was a brilliant man, mas matalino pa ito sa legendary genius na si Albert Einstein. Nagsimula iyon sa isang highschool science project ng kaniyang ama at ng ama ni Kallyra.

They even have their own laboratory na ipinatayo ng lolo niya para sa ama, they supported them, hanggang sa tumuntong sila ng college. They spent almost all of their lives trying to invent the first ever space ship that can travel as fast as the speed of light.

But seven years after his father and Mr. Romanov graduated namatay ang ama ni Kallyra, she was four years old at siya naman ay five. Nahinto ang kaniyang ama sa ginagawa nitong pag-aaral kung papaano mabubuo ang pinapangarap na sasakyang panghimpapawid. Until Kallyra grew older, at the age of 21 graduate na ito sa Harvard, she was as genius as his father.

Nagtrabaho ito para sa kaniyang ama, they both work together and they were successful, his father wants Kallyra to be officially part of their family and they thought that she like it as well, his father was aware how much he adored her so he arranged their marriage. They said that was the happiest day of his life, but he can't remember.

But the wedding day was the most tragic day of his life, she run away, he got into a terrible accident that killed his mother and made him brain dead for years.

Nasa kaniya ang lahat ng karapatang magalit sa babae, hell, even the word angry was under statement. He hated her for ruining his life, nasayang ang ilang taon ng kaniyang buhay at kung umasta ang kaniyang asawa ay tila ba wala man lang itong pinagsisisihan. So he promised, he won't stop until he saw her bleeding. Kahit pa nga ba ginugulo siya ng kakaibang pakiramdam para sa babae. It won't stop him for ruining her life.

"No.." bumalik ang atensyon niya sa kausap. "Its Andromeda 3000." Nakita siguro nito ang pagkabigla sa kaniyang mga mata kaya nagpatuloy ito kaagad. "It was another ship, katulad din ito ng Andromeda, and it was Andromeda's twin. The first ship was only built for trial and it was a success, silent kill was able to control the ship with a little help from humans and it was amazing, kaya naman naghahanda na ang Russia at America na paliparin na ang ilawang Andromeda 3000 dalawang buwan mula ngayon and it will be broadcasted this time unlike the first launch. U.S already send the invites for those who will join. I'm pretty sure nanggaling sa White house ang list. I believe may mga kasama ding officials na kakatawan sa ibang mga bansa katulad ng nauna."

Maxwell rub his chin and look outside the floor to ceiling glass window ng kaniyang malawak na opisina, natatanaw mula roon ang nagtataasang building na sa gabi ay nagbibigay ng magandang tanawin dahil sa mga ilaw it looks like the twinkling stars in the Earth's crust like the starry nights.

"Do you think you can get me a copy of that list?" aniya. He remember his father said that Kallyra was supposed to be part of the first team who joined the expedition, subalit sa kung anong dahilan ay hindi ito nakasama. She was questioned by the US and Russian government but he doesn't know what her answers are.

He could only rejoice for having a chance to met her again for his revenge.

Kumunot ang noo ng kaharap pero hindi ito nagtanong. "I can get you a copy, medyo mahirap but I can asked help from someone I know inside the Whitehouse. Expect it on your email tomorrow morning." He gave his secretary a brief nod.

He dont like what his thinking. May kutob siyang kasama na naman sa listahan ang kaniyang asawa at hindi niya hahayaang mangyari yun, hindi niya hahayaang matakasan siya ni Kallyra.

"Good. I'll just call you when I need anything. Don't allow any visitor today and don't send me lunch either." Utos niya sa dito at sinimulang harapin ang mga papeles sa ibabaw ng kaniyang mesa. He tried to concentrate and pushed his thoughts about Kallyra, his father's come back and the Andromeda away and focus on his work with brutal efficiency.

*******

"What's going on..." it was a rhetorical question so Kallyra did not bother to answer. Sa ibabaw ng mesa ay naroon ang dalawang sobre, kulay pula ang labas noon at halatang naglalaman ng imbetasyon.

Kallyra crossed her arms and legs and stared hard at the innocent letter they received yesterday from the White House, the same piece of letter they got bago sila nakasakay ng Andromeda.

"It's another ship I guess." kibit-balikat niya.

"How could they hide it from us." anito na natitigilan, matagal silang natahimik, she can't tell kung ano ang tumatakbo ngayon sa isip ng kaniyang kaibigan.

He was probably overwhelmed katulad niya. His face is void of emotions at mataman lang itong nakatitig sa sulat. They stayed like that for more than ten minutes hanggang sa basagin nitong muli ang katahimikan. "Do you think they were aware of what happened to the first ship?"

Humugot siya ng malalim na hininga at tumitig sa nagtatanong nitong mata. "They know. They probably expect that Andromeda will never comeback and they don't really care about the passengers inside." Sandali ulit itong natahimik at kinuyom ang mga palad.

"They probably woudn't imagine that we will survive. Well, it's their lost 'cause they will never know the truth behind the mysteries in the universe that we are able to discover." he loathed.

"I'll go." aniya na tila hindi narinig ang kausap.

"I know you'll say that..." anito. "It's because of him?" another rhetorical question. So she chose not to answer.

"How about you?" tanong niya dito, muli na naman itong natahimik, bigla ang paglambong ng mga mata. Para iyong salamin ng kaniyang sariling mga mata. Alam niyang tulad ng nararamdaman niya ang nararamdaman ni Ashton.

下一章