webnovel

Capitulo Viente Seis

Madilim ang langit at tila nagbabadya ng malakas na pagbuhos ng ulan, Lumalakas na rin ang ihip ng hangin, tinatangay niyon ang tuyong mga dahon. Minsan ay nadadala ang mga sariwa, maging ang mga talutot ng bulaklak at ilang mga maninipis na sanga ng mga puno.

Humahampas iyon kay Kallyra subalit hindi niya iyon alintana, kahit na naampiyasan siya ng maliliit na patak ng ambon. Blangko ang kaniyang mga matang nakatitig sa labas ng kalesang kinalululanan.

Bahagyang binagalan ng kutsero ang pagpapatakbo sa kabayo at inayos ng isang kamay nito ang nalilipad na sombrero. Pinunasan ang kaniyang mukha ng manggas ng suot nitong baro ang magkahalong pawis at ampiyas ng ambon.

She was sure it was going to rain really hard and it's best for them to stop over for a meantime. Sa tantiya niya ay magtatagal ng mga apat o mahigit pang oras ang paparating na bagyo base sa lakas ng hangin at dilim ng kalangitan.

"Binibini, mayroong malapit na bahay tuluyan sa bahaging ito ng Calle Simon. Nais niyo bang manatali roon ng panandalian mukhang hindi maganda ang panahon." Narinig niyang suhesyon ng kutsero.

It takes her three minutes bago lumabas ang mga salita sa kaniyang bibig. Masakit ang kaniyang lalamunan, marahil ay sa mahabang pag-iyak.

"Sige ho…" naring niya ang paos sa kaniyang tinig, nanatiling nasa malayo ang kaniyang tingin. Mahigit isang oras pa ang lumipas bago niya naramdamang huminto ang kalesa. Walang pagmamadaling bumaba siya at pinagmasdan ang bahay-kubong hinintuan ng kalesa.

Hindi ito mukhang bahay-tuluyan mas mukha itong tirahan ng indiyo. Sa tingin niya ay parang hindi nito kakayanin ang lakas ng bagyo at tila matatangay ito sa lakas ng hangin. Mayroon lamang itong pinto at isang bintana. Mayroong tatlong baytang na hagdanang yari sa pinagsaklob na kawayan.

Ang dingding ng bahay ay yari sa sinulapid na dahon ng niyog na tila natuyo na sa nagdaang panahon. Yari naman sa pawid ang bubong nito na may dalawang malalaking kahoy sa pinkatuktok na siyang nagsisilbing dagan upang hindi malipad ng hangin.

"Bahay ito ng yumao kung kamag-anak binibini. Malapit lamang dito ang aking tirahan, tutuloy na ako at babalikan na lamang kita kapag tapos na ang ulan." Ani pa ng mabait na kutsero. "Paumanhin kung hindi magara ang kubong iyong tutulu---"

"Ayos lang ho." Tipid niyang putol dito.

"Kung ganoon ay maiwan na kita, babalik na lamang ako." Marahan siyang tumango at binigyan ng bahaw na ngiti ang matanda.

Pumasok na siya sa maliit na kubong iyon. Walang alinlangan sa kaniyang dibdib. Naririnig na niya ang malakas na pagkulog at gumuguhit sa langit ang nagngangalit na kidlat sa kalangitan. Naalala niya ang kaniyang ina.

Naalala niyang ginawa itong panakot ng mama niya sa kaniya noong bata pa lamang siya.. Ang sabi nito ay nagagalit daw ang diyos sa langit at tinig iyon ng mga galit na anghel dahil matigas daw ang ulo niya. Of course she did not believe her mother.

Nabasa na niya iyon sa libro noong apat na taong gulang pa lang siya na ang kulog ay ang tunog na nililikha ng kidlat. Because light travel faster than the sound, matagal bago marinig ang tunog ng kidlat.

And her mom would always roll her eyes and would give her a long glare with her big eyes. She missed her…., makikita pa kaya niya ito. She suddenly felt guilty.

Pinili niyang manatili rito, pinili niya si Lucas. But it looks like she made a wrong choice.

Sa malamlam na mata ay pinagmasdan niya ang madilim na paligid. Mga a la una pa lamang ng hapon. Hindi na niya maaninang ang lubak-lubak na kalsada. Wala na ring mga dumadaan, umuuga ng bahagya ang kubong tinutuluyan subalit hindi niya iyon alintana.

Pakiramdam ni Kallyra ay tulad ng bagyo ang nararamdaman niya ngayon. Madilim, marahas at nagngangalit. Sa kabila ng mga emosyong iyon ay nanatiling blangko ang kaniyang mga mata. Walang saya at wala ring lungkot.

Nililipad ng hangin ang kaniyang buhok at sinasayaw iyon ng marahas na hangin kahit na tumatakip iyon sa kaniyang mga mata ay hinahayaan lamang niya. Hindi pa siya kumakain mula pa kahapon subalit hindi siya nakakaramdam ng gutom.

Muling pumasok sa kaniyang isipan ang mukha ni Lucas kanina, ang galit sa mga mata nito, ang lungkot at ang takot. Why it had to be like this, nararamdaman niyang totoo ang pagmamahal nito sa kaniya subalit mas lamang ang pagmamahal nito sa kaniyang pamilya at kay Mariya.

Muling umagos ang luha sa kaniyang pisngi, ang mga patak nito ay humahalo sa tubig-ulan. Ngayon lamang mula ng napadpad siya sa lugar na ito siya nakaramdam ng pag-iisa at hindi niya alam kung saan na siya pupunta mula ngayon. Nanikip ang kaniyang dibdib.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata, sinarhan niya ang bintana at humakbang patungo sa ng-iisang payak na silid sa maliit na kubong iyon. Mayroon lamang isang katre sa gita at isang munting kahoy na mesa. Mayroong gasera roon na may aandap-andap na sindi.

Kumuha siya ng malinis na unan at kumot na nakaimbak sa naroong tukador. Pagkatapos nahiga na siya sa matigas at malamig na katreng iyon. Nakabaluktot siya sa pagkakahiga at pilit umaamot ng init sa manipis at maikling kumot.

Pabiling-biling siya sa higaan, nakapikit ang mga mata at pinipilit makatulog. Subalit dahil sa maraming gumugulo sa kaniyang isip at dagdag pa ang sobrang lamig ng silid ay hindi siya dalawin ng antok

Naramdaman ni Kallyra ang pananakit ng kaniyang likod. Magmamadaling araw na subalit hindi pa rin siya nakakatulog. Pakiramdam niya ay magkakasakit siya. Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa matigas na katre at inilapat ang paang walang sapin sa malamig na kawayang sahig.

Hinaplos niya ang kaniyang noo at ang kaniyang leeg. Medyo mainit nga siya kumpara sa normal na init ng katawan. Tumayo siya at nagtungo sa maliit na kusina ng kubo titingin siya ng kahit anong maaaring kainin. Kumakalam na ang kaniyang sikmura.

Subalit nahinto siya sa paghakbang, una niyang naramdaman ang paghapdi ng kaniyang batok kasunod noon ang paninigas ng kaniyang katawan at ang pagdaloy ng tila kuryente sa kaniyang utak. Napapikit siya at marahang hinaplos ang kaniyang batok kasabay ng sunod-sunod na pagpatak ng kaniyang luha.

They found her…

********

"Ginoong Lucas, saan ka tutungo!"

"Sandali lamang ako tatang Pitong, kung hahanapin ako ni ina at ama sabihin mong may kailangan lamang akong puntahan at babalik din ako kaagad." Matigas at malamig na wika ni Lucas, nanginginig ang kamay na inilalabas niya ang kaniyang kabayong si Hudas palabas ng kuwadra.

"Subalit masama ang lagay ng panahon ginoo, sa tingin ko ay may paparating na bagyo. Hindi ba maaaring ipagpabukas na lamang ang inyong pag-alis." Nag-aalalang ani pa ng matandang igorot.

"Hindi maaari." Maliksing sumakay siya sa matikas niyang kabayo at magalang na tinanguan ng ulo ang kanilang matandang katiwala bilang pamamaalam. "Hiyaah!" hinila niya ang lubid na renda at sinipa ang kaniyang kabayo upang tumakbo.

Humahampas ang hangin sa kaniyang mukha at maliliit na patak ng ulan, unti-unting nababasa ang kaniyang manipis na kasootan at ang kaniyang buhok ay lalong umiitim dahil sa pagkakabasa. Muli niyang sinipa ang kaniyang kabayo upang mas tulinan pa ang pagtakbo.

Kasabay ng mabilis na yapak ng kaniyang kabayo ang bilis ng tibok ng kaniyang puso, at kasabay rin noong kinakain ng takot ang kaniyang pagkatao.

Papaano kung hindi na niya ito makita?

Nang magdesisyon siyang magpakasal kay Mariya ay pinapalubag siya ng kaalamang naroon lamang ang kasintahan sa paligid. Palagi pa rin niyang nakikita kahit kailan niya naisin. At sa oras na makaramdam siya ng labis na lungkot ay maaari pa rin niya itong tanawin mula sa malayo, pagmasdan ng palihim.

Makakaya niyang mabuhay basta naroon lamang ito sa kaniyang paligid. Kailangan niya itong makausap, mahawakan kahit paminsan-minsan, makitang tumawa at ngumiti sa kaniya. O kahit hindi na lang, ayos na sa kaniya basta naroon lamang ito at kaniyang nakikita.

Alam niyang hindi iyon patas para kay Lyra pero hindi naman siguro masamang maging makasarili din siya kahit minsan lang, kahit ngayon lang.

Subalit hindi niya namalayan na nangyari ang kinatatakutan. Umalis ito at walang kasiguraduhan kong babalik. Ano nga ba ang magiging dahilan nito upang manatili.

Ang mama at papa niya? Si Nanang Pasing? Gaano ba kalalim ang ugnayan nila sa dalaga? Itinuring ba nitong pamilya ang kaniyang pamilya? Magdadalawang-isip ba itong iwan sila at hindi na magpakita?

Kaya ba niyang hindi na siya makita?

Alam ba niyang hindi niya kayang maguhay ng tulad dati kung mawawala ito sa buhay niya?

Alam ba niyang parang dinudurog sa sakit at takot ngayon ang puso niya?

Naalala pa kaya niyang mahal na mahal ko siya?

Tumiim ang kaniyang bagang at pilit na inaaninag ang daan. Nanlalabo ang kaniyang mata hindi lamang dahil sa lumalakas na buhos ng ulan maging sa kaniyang mga luha. Itinatago ito ng tubig-ulan. Kasing dilim ng langit at ng kaniyang paligid ang kaniyang nararamdaman. Hindi siya papayag na lumayo ang dalaga.

Hindi ako papayag na lumayo ka sakin Lyra.

Muli niyang sinipa ng malakas ang kaniyang kabayo at inihampas ang lubid. "Hiyaah!" Mas tumulin pa ang takbo ni Hudas kasabay niyon ay ang nagngangalit na kidlat kasunod ang malagong dagundong ng kulog. Nagsisilbing ilaw niya sa madilim na daan ang mga kidlat.

Habang papalayo ay pasikip ng pasikip ang kanyang paghinga. Wala siyang natatanaw na kahit ano, wala siyang matanaw na pag-asang makikita pang muli ang dalaga. "Lyraaaaa!!!!" ,sigaw niya, umaasang maririnig siya ng dalaga. "Lyraaaa!!!" paulit-ulit niyang sigaw hanggang sa mapaos siya.

Mahigpit na mahigpit ang kaniyang kapit sa renda ng kaniyang kabayo at doon ibinubuhos ang samsamang galit, takot at pag-aalala. Muling lumiwanag ang paligid dahil sa malakas na hagupit ng kidlat at narinig niya ang halinghing ng kaniyang kabayo.

Naging mabuway at hindi na niya ito makontrol sa pagtakbo. Ramdam niya ang takot nito, pinilit niya itong pinahihito subalit nilamon na ito ng takot lalo na ng muling dumagundong ang kulog. Nagwala ang kabayo at nakabitiw siya sa mahigpit na pagkakapit sa renda nito.

Tumilapon siya, mariin niyang ipinikit ang mga mata at inihahanda ang sarili sa malakas na paghampas ng kaniyang katawan sa batuhang daan. Unang bumagsak ang kaniyang ulo kasunod ang kaniyang katawan.

Wala siyang naramdamang sakit subalit hindi siya makagalaw. Nantili siyang nakahiga, nakamulat ang mga mata at malinaw niyang nakikita ang mararahas at malalaking patak ng ulan, tumatama ito sa kaniyang mukha subalit hindi niya maramdaman.

Pilit na binukas niya ang kaniyang bibig subalit walang tinig na lumalabas doon. Sa gilid ng kaniyang mga mata ay nakita niya ang malapot at pulang dugong humahalo sa tubig ulan. Hindi niya maibaling ang ulo upang tingnan iyong mabuti o kaya naman ay pakiramdaman ang sarili kung nasaan ang sugat na pinagmulan ng maraming dugong iyon.

Unti-unting naglalaho ang kaniyang kamalayan, subalit pilit pa rin niya iyong nilalabanan. Kailangan niyang makatayo at hanapin ang kaniyang kabayo. Hindi siya maaaring manatiling nakahiga sa batuhang iyon. Baka hindi na niya maabutan ang kaniyang kasintahan. Subalit wala siyang magawa.

"Lyra…pakiusap…" mahinang sambit niya, kasabay niyon ay ang huling patak ng luha sa kaniyang mga mata. Ang nakangiting mukha ni Lyra at ang mga mata nitong punong-puno ng pagmamahal na nakatitig sa kaniya ang huli niyang nakita bago tuluyang pumikit ang kaniyang nanlalabong mga mata.

Tuluyang nilamon ng kadiliman ang kaniyang kamalayan.

下一章