webnovel

The Ditching

A few minutes after makarating ni Tonton sa table, inihatid na rin ang iilang order na inatupag niya yata kanina sa counter. Agad ko ring nilantakan ang sisig with rice kasi nagutom ako bigla. Sakto rin kasing hindi pa ako nagdi-dinner. Magdi-dinner na sana ako kanina kaso nga kinontak ako no'ng dalawang bugok.

Mukhang tapos na silang mag-dinner kasi pulutan na lang ang pinapapak nila. Ang lalakas talaga ng apog ng tatlong ito, ang lakas uminom kahit nakasuot pa ng school uniform. Sana naman, 'no, na umuwi muna sila bago sila nag-aya nang ganito. Mabuti na rin na nakapagbihis na ako. Kung may makakakilala man sa akin ngayon, at kung malasing man, at least hindi ko maipapahiya ang school ko.

Busy kaming apat sa first few minutes na nandito ako. Si Yosef ay maya't-mayang napapatayo para batiin o puntahan ang mga kakilala niyang nasa area lang. Si Nicho naman ay abala sa cell phone niya, mukhang sinasamba na naman ang girlfriend niya. Si Tonton, ewan kung anong ginagawa. Basta ako, busy ako na kumain ng hapunan. Kaso nakakabitin. Sana naman unli rice. Kulang 'yong isang rice, e.

"Gusto mo pa ng rice?" biglang tanong ni Tonton.

Nakangisi akong lumingon sa kaniya. "Puwede ba?"

"Sure. Ilan?"

"Isa lang. Hindi naman ako ganoon kasiba para dumalawa."

Ngumisi siya pero agad din namang tumayo para puntahan ang tindahan kung saan siya nag-order nito.

Maya-maya lang din ay bumalik naman siya agad with one platito of rice.

"Thank you. Libre mo raw 'to?" tanong ko pa habang inaabot ang rice at inilagay agad sa pinggan ko. Isinantabi ko ang platito at muling lumingon sa kaniya para sa sagot.

"Yep. May gusto ka pa ba?"

"Wala na. Okay na 'to. Salamat."

Inatupag ko ulit ang pag-kain at hindi muna namansin.

Patapos na ako sa pag-kain nang bumalik na si Yosef sa table. Mukhang tapos nang batiin ang schoolmates niya yata from the other table.

"Ano? Sure na ba 'yong sa Sabado?" sabi niya pagkaupo sa puwesto niya.

"Anong mayroon sa Sabado?" tanong ko pa, nginunguya ang huling kutsara ng sisig at rice.

Mabuti sinamahan ng tubig ni Tonton ang pagkuha niya ng extra rice kanina kaya nakainom ako. Kung hindi, Red Horse sana ang naging chaser ko sa kanin at sisig.

"Akyat kami ng Lunay. Sama ka? Uuwi ka naman siguro sa Escalante this weekend, ano?"

"Mm-Hmm. Half day lang kasi ako sa Friday kaya uuwi ako after class."

"'Yon, sakto. Sama ka."

"Lunay? 'Wag n'yo nga akong lokohin. Nag-plano rin kayo rati na umakyat ng Lunay pero hindi naman natuloy. Hanggang sa naging drawing na lang ang lahat."

"Hindi! Sigurado na 'to ngayon. Kaming tatlo lang naman ang aakyat," sabi pa ni Yosef.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo, saka ako nagkibit-balikat.

"Subukan ko."

"Anong susubukan? Nich, isasama mo talaga 'tong pinsan mo ha?" sabi pa ni Yosef habang nakaturo sa akin.

"Sama ka na. Nakatayo na ngayon ang bagong krus doon."

Napalingon ako kay Tonton dahil sa sinabi niya. Medyo nag-isip.

Dati, nagsimula ang relasyon namin ni Therese ilang linggo bago bumagsak ang malaking krus sa Mt. Lunay. Ngayon, ilang linggo matapos masira ang relasyon namin, malalaman kong nakatayo na muli ang malaking krus doon.

Kung maaga ko bang tinapos ang relasyon namin ni Therese, maaga ring maipapatayo ang krus na iyon? Kung ganoon, sana pala noon pa lang tinapos ko na ito. 'Tang ina, Zetty, para ka talagang timang mag-isip kahit kailan.

"Susubukan ko. Ayokong mag-promise, baka hindi matuloy."

Nagtagal ang pananatili namin sa The Park pero hindi naman kasing tagal na lasing na lasing na talaga kami. By ten PM ay sarado na rin kasi ang The Park kaya by nine-thirty, nagkapaalaman kaming lahat.

Nag-offer pa si Yosef na ihatid ako sa may premises ng apartment building pero tinanggihan ko na. Nasa malapit lang naman kasi 'yon at ihahatid niya pa si Nicho kaya hindi na ako pumayag.

Si Tonton, may sarili ring kotse, at mukhang gusto rin sana akong ihatid pero ayoko. Mas gusto kong maglakad.

Pina-una kong paalisin si Nicho at Yosef. Hihintayin ko rin na makaalis si Tonton saka ako aalis since dadaan pa ako sa seven-eleven para bumili ng kahit ice cream man lang, pampatunaw sa dalawang Red Horse na nainom ko kanina.

"Ayaw mo ba talagang magpahatid?"

Nilingon ko si Tonton nang magsalita siya few seconds after makaalis ng kotse ni Yosef.

Ngumiti ako sa kaniya at umiling. "Hindi na sabi. Maglalakad na lang ako. At saka, dadaan pa ako sa seven-eleven, may bibilhin lang."

"Samahan na kita. May bibilhin din ako."

Gusto ko sanang mapag-isa pero tumango na lang ako sa sinabi niya.

Tahimik kaming naglakad papunta sa seven-eleven. Hindi naman talaga super layo, ilang lakad lang naman talaga.

Pagkapasok, dumiretso agad ako sa fridge ng ice cream para maghanap ng Cornetto. 'Yon lang naman talaga ang gusto kong kainin ngayon.

Nang makita na may cookies and cream na flavor, para akong timang na napangiti habang kumukuha ng isang cone. Hindi naman talaga ako tinamaan ng sipa no'ng two botts ng Red Horse pero ewan ko ba ba't kinilig ako nang makita ang favorite flavor ng ice cream ko.

Papunta ako sa counter nang saktong papunta rin si Tonton. Pina-una ko siya since siya naman talaga ang unang naglapag ng pinamili niya sa counter. Pero bigla niyang kinuha ang ice cream na dala ko at inilapag iyon kasama no'ng Blu water na binili niya.

Ngumiti siya sa akin at tumango. "Ako na magbabayad."

Hindi na ako umangal kahit nagulat sa ginawa niya. Hindi na rin nagtaka sa panlilibreng ginawa niya.

"Ang galante mo talaga ngayong araw. Spoiled na spoiled kami sa libre mo ha?" komento ko pa.

Hindi na rin naman siya sumagot. Matapos niyang magbayad ay inabot niya sa akin ang ice cream at kinuha na rin niya ang tubig na binili niya.

"Sasamahan na lang kitang maglakad," deklara niya pagkaabot ng ice cream sa akin.

Pumayag na lang ako. Kabayaran man lang ng mga panlilibreng ginawa niya sa gabing ito.

Habang naglalakad sa gilid ng daan papunta sa apartment, binubuksan ko naman ang balot ng ice cream. Tahimik lang din kami. Basta kasi kumakain ako ng kahit anong klaseng pagkain, dapat tahimik ako. Hindi ko ma-a-appreciate ang sarap ng pagkain kapag hindi.

Matapos ang ilang lakaran at isang liko, nakarating din kami sa gate ng apartment building. Hindi ito katulad no'ng last apartment na tinirhan ko. Umabot yata sa lima o anim na floor ang building na ito. 'Yong dati ko kasing tinirhan, hanggang second floor lang yata 'yon.

Sakto ring naubos na ang ice cream nang makarating kami kaya itinapon ko muna sa malapit na basurahan ang balot ng ice cream bago ko siya hinarap.

Ngumiti ako ng malawak sa kaniya. "Salamat sa paghatid. Naglakad ka pa tuloy."

Iginala niya ang tingin sa paligid. Hindi muna nakasagot sa sinabi ko.

"Medyo secluded pala ang place na nilipatan mo. Safe ka ba rito?"

Naigala ko rin tuloy ang tingin sa kabuuan ng building.

"Oo naman. Safe naman ako rito. Ilang linggo na rin akong nakatira rito at sa takot lang nila sa akin 'no."

"Bakit? Siga ka ba?"

"Hindi ba halata?" at ipinakita ko pa ang muscles ko. "Sige na, sige na. Umuwi ka na. Okay na ako rito. Salamat talaga sa libre kanina at sa paghatid ngayon."

"No worries. Sa Sabado ha?"

Napa-ismid ako ng mukha nang ipaalala ni Tonton ang napag-usapan kanina.

"Subukan ko nga. Mahirap magbitiw ng salita kung hindi mo alam kung matutuloy ba o hindi."

"Sabagay. Sige, pasok ka na."

"Okay. Bye. Ingat sa pagda-drive. Medyo naka-inom ka pa naman."

Kumaway na lang ako sa kaniya at saka pumasok sa gate. Hindi na ulit nakita kung umalis na rin ba siya. But I assume he is.

Nangungulangot ako nang biglang pumasok ang ibang kaklase ko sa classroom. Mag-isa kasi ako kanina. Mas nauna akong nakarating. Wala lang, trip ko lang talagang maaga ngayon kahit Friday na rin naman.

Nakita ni Halter ang ginawa ko kaya ngumiwi ang bakla. Siyempre, nag-alcohol din naman ako matapos kong mangulangot. Wala naman akong nakuha. Malinis naman ilong ko.

Biniro kong a-apiran ko si Halter gamit ang kamay kong ginamit kanina pero umilag ang bakla. Biro ko lang naman at saka malinis na ito 'no.

Binati ko na rin naman ang ibang kaklase ko pero hindi ko na ginamitan ng kamay. Baka mandiri rin katulad no'ng ginawa ni Halter.

Huling pumasok sa classroom si Lian na bagsak na bagsak pa rin ang mukha.

"Brokenhearted pa rin?" tanong ko kay Bevian.

Umismid siya at saka tumango. "Oo. Hindi yata nadala sa pagsusukang ginawa kagabi."

Natawa na lang ako at pinagmasdan si Lian na umupo sa arm chair na nasa harapan ko. Bahagya akong nag-lean forward para malapitan siya. Tinapik ko ang balikat niya para makalingon siya sa akin.

"Okay ka lang?"

Nag-sad face lang siya sa akin pero hindi na sumagot. Hindi naman siya tumanggi o tumango sa naging tanong ko. Siguro the sad face is an indication na hindi pa rin hanggang ngayon.

Nag-inuman kasi kami kagabi after class dahil brokenhearted daw itong si Lian. Nakipaghiwalay daw 'yong boyfriend niya for twelve months. Dinamayan namin kasi gusto raw maglasing. Hinayaan namin siyang ilabas lahat ng hinanakit niya sa buhay hanggang sa magsuka siya sa sobrang pag-iinom.

Pero hanggang ngayon, parang dala-dala niya pa rin 'yong after effect ng break-up nila ng boyfriend niya. Sabagay, moving on doesn't happened over night. Na hindi por que't iniyak mo lahat, isinuka mo lahat, inilabas mo lahat, ay indication na mawawala na ang sakit na iniwan no'ng paghihiwalay n'yo.

"Lian, cheer up. Gayahin mo 'tong si Zetty. Glowing na ngayon kahit ilang linggo pa lang silang hiwalay no'ng girlfriend niya. Mas matagal nga 'yon sa naging relasyon n'yo no'ng gago mong boyfriend, e. Kayo twelve months lang, sila ni Zetty halos mag-three years nga."

Tinapik ko ang balikat ni Bevian para patigilin siya sa pagsasalita. Lumingon siya sa akin kaya umiling ako. Hindi na dapat niyang ikinukumpara ang kung anong napagdaanan ko sa pinagdadaanan ngayon ni Lian.

Natahimik na rin naman si Bevian at inatupag na lang ang dala niyang T-square. Kaya si Lian naman ang tinapik ko ngayon.

"Okay lang 'yan, Lian. Malalampasan mo rin 'yan."

Hindi na nag-atubiling sumagot si Lian sa sinabi ko kaya nagpatuloy na lang ang buhay namin sa classroom hanggang sa magsimula na ang klase.

Dalawa lang ang klase namin ngayong araw. Isang major subject at isang minor. Sa hapon, wala na kaming schedule. Wala rin kaming schedule sa Sabado kaya puwedeng-puwede akong umuwi ng Escalante this afternoon.

Kaya after lunch, agad akong dumaan sa apartment para dalhin ang mga damit na marumi for this week. Naglalaba naman ako minsan pero kapag talaga tinatamad ako, lalo na kapag alam kong uuwi naman ako sa Escalante, itatambak ko lang 'yan sa bag at saka dadalhin pauwi.

Mag-isa akong umuwi ng Escalante. Hindi na nakapagtanong sa mga kakilala kung sino ang uuwi sa kanila para maka-hitch. Paniguradong may mga pasok pa sila kaya wala sigurong may uuwi ngayong oras na ito.

Komportable akong umupo sa upuan inside the bus, malapit sa bintana. Earphones on, sumandal sa bintana, at ipinikit ang mata para makatulog.

Buong biyahe pauwi, natulog lang ako.

Kaya nang makarating sa city namin, energize na energize ako. At dahil nga maaga akong nakauwi, alas tres pa lang, nasa bahay na ako.

Si Tita Crestine lang ang naabutan kong tao sa bahay maliban kay Ate Nene na abala na naman sa mga pananim ni Lola. Kaya nang makauwi, biglang nag-aya itong si Tita Crestine na mag-pizza raw kami kaya pagkalapag ko ng bag na dala, umalis din kami agad.

At dahil she's craving for pizza, sa El Puesto Bonito kami pumunta. Masarap din kasi ang pizza nila rito kaya sulit na sulit ang pera mo.

Ito 'yong gustong-gusto ko kay Tita Crestine, e. 'Yong bigla-bigla na lang mag-aayang mag-merienda kami somewhere in the city tapos minsan nag-o-order 'yan kaya pagbaba namin galing sa mga kuwarto namin may merienda na sa kusina. Housewife lang ang status niya pero she's a low-key haciendera. Maalam na maalam 'yan pagdating sa mga tubo at mga lupain. At saka, Tita Crestine is like a mother to me. She always treat me like I'm her eldest. Palagi niya akong sinasali if ever na may bibilhin siya for Justine and Krezian. She always think of me. Si Tita Annellia rin naman. Kaya always grateful ako sa family ni Mama, showered na showered ako ng pagmamahal.

Habang naghihintay sa order namin, nagkuwento lang ng kung ano-ano si Tite Crestine. Tungkol lang sa mga update and echuss ng family at ng city na rin. Nakikinig naman ako kasi interesting naman talaga ang mga kuwento kapag galing sa kaniya.

"Zet, alam mo ba na nag-file na ng Candicacy ang Tito Jose mo for next year's election?" biglang sabi niya habang kinakain na namin ang pizza na kararating lang.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nagulat sa ibinalita niya. Wala kasi akong alam tungkol sa balitang ito. Or alam ko na pero dahil sa sobrang busy, nakalimutan ko na.

"Talaga po? Anong posisyon po?"

"Councilor. Inudyokan kasi siya ni Gabriel at ni Councilor Sally Montero na tumakbo."

"Ano naman pong sinabi nina Lolo at Lola tungkol po roon?"

"Suportado nila. Actually, si Papang Felix, gustong-gusto na tumakbo si Joselito. 'Di ba ang plano ng Tito mo, siya ang papalit bilang barangay captain sa Lolo mo? Pero ang sabi ni Papang Felix, instead na barangay level, why not daw na city level na ang takbuhan niyang posisyon. Mas marami ang matutulungan niya kapag ganoon kaya tinanggap niya ang offer ni Sally Montero na maging linyada niya sa pagiging konsehal."

"Tama nga naman po. Pero medyo risky po 'yon 'di ba? Sana po, napag-isipan muna ni Tito 'yon bago niya tinanggap."

"Oo, medyo risky nga, Zetty. Pero kung pure naman ang intention ng Tito mo na makatulong sa mga kababayan n'ya, he will take this risk. Tinanggap niya ang offer kaya alam kong makakayanan ito ng Tito mo. Pero kung saka-sakaling pumalya siya sa hahawakan niyang posisyon, nandito pa rin naman ako para suportahan siya. Nandito pa rin tayo, 'di ba?"

Napangiti ako habang nakatingin kay Tita Crestine. They've been through a lot ni Tito Jose. Seeing her still supporting him, makes me still believe in pure love.

"Oo po, nandito pa rin tayo para sa kaniya."

Natapos ang merienda slash chikahan namin ni Tita Crestine. Nag-order ulit siya ng dalawang family size ng pizza para naman dalhin sa bahay. Paniguradong nakauwi na raw sila since quarter to five na rin naman ng hapon.

Dahil sa sinabi ni Tita Crestine kanina tungkol kay Tito Jose, hindi na ako nanibago nang mapag-usapan ito over dinner. Ilang buwan na raw ang nakaraan after niyang ma-file ang candicacy pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya sigurado kung tama bang pasukin ang mundong ito. He's a businessman slash haciendero and entering the government field will be new to him if ever na manalo siya.

After dinner, umakyat agad ako sa kuwarto para sana magpahinga pero pagkuha ko ng cell phone ko, I received a message from an unknown number. Medyo kinabahan ako kasi akala ko no'ng una si Therese. Akala ko talaga.

But when I read the whole context, that's when I got relief.

Unknown Number: Got your number from Nicho. Sama ka na bukas. Nag-confirm na sina Yosef at Nicho para bukas.

Ako: Who you?

Unknown Number: Tonton nga pala.

Ako: Ah, okay. Sige.

Tonton Lizares: Nice! Ako na susundo sa 'yo. Hindi raw kasi sure si Nicho kung madadaanan ka niya. Si Yosef, diretso na rin daw roon.

Ako: Okay.

Tonton Lizares: See you!

In fairness, ang bilis niyang mag-reply ha. Pero hindi na rin ako nag-reply sa huling text niya at I made sure na s-in-ave ko na ang number niya.

Kaya bumaba ulit ako para makapagpaalam kina Lolo at Lola para sa lalakarin ko bukas. Matutulog na lang ako ng maaga para maaga rin akong magising bukas.

Matapos magpaalam, pero papaakyat pa lang ako ng hagdan nang pigilan ako ni Justine. May itatanong daw.

"Ate Zet, 'yong chocolate mo ba… sino nga palang nagbigay no'n?"

Kunot-noo ko siyang nilingon, nagtaka sa naging tanong niya.

"Chocolate?" nag-iisip ko pang tanong. "Ang tagal na no'n, ah?"

"Sige na, Ate Zet, sino nagbigay no'n?"

Medyo iniisip ko pa ulit kung kailan ko nga natanggap ang chocolate na iyon. No'ng maalala, napalingon ulit ako kay Justine.

"Si Tonton, bakit ba?"

Kitang-kita ko ang pag-awang ng bibig ni Justine nang marinig ang sagot ko. Napa-iwas pa nga siya ng tingin sa akin at panandaliang nag-isip.

"Si Kuya Tonton? Bakit ka naman niya bibigyan ng chocolate?"

"Ah! Pa-kunsuwelo raw sa akin. Naalala mo 'yong ginulat niya ako sa sementeryo no'ng nakaraang undas? Kinagabihan yata no'n ay pumunta siya rito sa bahay para ibigay sa akin 'yon," kibit-balikat na sagot ko at dahil nasabi ko na rin naman ang gustong marinig ni Justine, umakyat na lang ako sa kuwarto para makapagpahinga na talaga.

Mabuti at hindi na rin ako binalubog pa ni Justine kaya nakapagpahinga ako ng maaga.

Kinabukasan, maaga akong nagising para makapag-prepare na rin sa lalakarin ngayong araw.

Natapos ako sa breakfast nang mag-text si Tonton na papunta na raw siya. T-in-ext ko na rin sina Yosef at Nicho to remind them about the early hiking pero walang nag-reply sa kanilang dalawa. Baka nagpi-prepare na rin.

Kaya saktong-sakto na natapos ako sa lahat ng preparasyon nang sabihin sa akin ni Ate Nene na nand'yan na raw ang sundo ko. Lumabas na rin ako at si Ate Nene na lang daw ang bahalang magpaalam kay Lolo at Lola since tulog pa raw.

Isinukbit ko ang backpack na nilagyan ko ng mga dadalhin ko at lumabas na ng bahay. Naka-itim na tennis shoes, gray sweatpants, dri-fit shirt, at windbreaker lang ang suot ko. Nilagyan ko na rin ng bandana ang buhok ko para hindi magiging sagabal kapag pagpapawisan na ako mamaya.

Isang Chevrolet pick-up na kulay itim ang tumumbad sa akin pagkalabas ng gate. Ito rin ang pamilyar na kotseng ginamit ni Tonton no'ng magkita-kita kami noong isang araw.

Bubuksan ko na sana ang pinto nang kusa itong bumukas. Binuksan na pala ni Tonton mula sa loob.

Tumango ako sa kaniya at agad na sumakay.

"Nice outfit," puna niya.

Nakipag-fist bump ako sa kaniya at nilagay na sa likuran ang bag ko.

"Nice. Pareho ng kulay ang windbreaker na suot natin ha," puna ko rin sa jacket na suot niya. Iba-iba ang design at tatak pero pareho naman ng kulay: black and blue.

"Daanan natin si Nicho. Duda ako sa bugok na iyon, e."

"Okay, maaga pa naman."

Sinunod nga ni Tonton ang gusto kong mangyari. Kahit na kailangan pa naming bumalik sa proper ng city para lang mapuntahan ang bahay nina Nicho, ginawa niya pa rin.

Pagkarating, bumaba agad ako ng kotse at ako nang bahalang pumasok sa bahay nina Nicho. Sakto namang nagwawalis ang helper nila sa may maliit nilang bakuran kaya agad akong nakapasok. Nandoon daw sa kusina si Tita Annellia kaya roon na ako dumaan sa may kusina instead sa main door talaga ng bahay. Nasa gilid lang naman ang daan.

"Tita, good morning. Si Nicho po?" agad na tanong ko matapos kong mag-bless at makipag-beso sa kaniya.

"Si Nicho? Naku, nandoon sa kuwarto niya. Nilalagnat. Sobrang sama raw ng pakiramdam."

What the heck?

"Po?" napakamot ako sa may batok ko. "Kaya pala hindi nagri-reply kanina."

"Bakit, Zetty? May lakad ba dapat kayo ngayon?"

"Opo, Tita. Aakyat po sana kami ng Lunay ngayon."

"Naku. Mukhang pass muna si Nicho r'yan sa lakad n'yo, Zetty."

Napabuntonghininga na lang ako. "Ganoon po ba, Tita? Sige po. Kami na lang po ang pupunta."

"O, sige, mag-ingat kayo."

"Opo. Salamat po, Tita. Pakisabi na lang po kay Nicho na 'wag siyang mamamatay."

Natawa si Tita sa sinabi ko at pabiro na lang na ginulo ang buhok ko. "Kahit kailan ka talaga, Zettiana."

Muli akong nakipag-beso kay Tita bago tuluyang umalis ng kanilang bahay. Mukhang siya pa lang ang gising sa pamilya niya kasi siya pa lang 'yong nakita ko.

Bagsak ang mukha ko nang makasakay ulit sa kotse ni Tonton.

"Tara na. Semplang kay Nicho. Nilalagnat daw. Punta na lang tayo roon, baka nandoon na rin si Yosef," positive na sabi ko.

Wala rin namang sinabi pa si Tonton. Nag-drive na lang siya ulit papunta sa totoong destinasiyon namin.

~

下一章