webnovel

Chapter 45

Kinaumagahan, nagbalik na sa kompanya si Nathalie. Mas mabagsik siya kaysa sa una. May mga empleyado na kaagad siyang napatalsik dahil lamang sa maliit na pagkakamali.

Nagmistulang impyerno muli ang kanilang kompanya simula ng bumalik si Nathalie. Ramdam ng mga empleyado ang tensyon sa tuwing nakikita siya kahit pa nakakasalubong na lamang siya.

Kinuha niyang secretary si Lorena kung kaya magiging magkatrabaho at palagi pa silang magkakasama ng buong araw.

"Thank you bestie..." ani ni Lorena

"Wala yun.. kesa naman maghanap ka ng matandang lalaki sa akin ka na magtrabaho." Tugon ni Nathalie

"Sobra ka. Personalan na ba?" Pabiro ni Lorena

"May ipapagawa ako sayo bestie.." ani ni Nathalie

"Gusto kong gumawa ka ng paraan para malaman mo ang baho ni Scarlet." Ani ni Nathalie

"Sure.. yun lang ba?" Tugon ni Lorena

Hindi nagdalawang isip si Lorena na sundin ang kagustuhan ni Nathalie. Dahil marami-rami ding koneksyon si Lorena, madali siyang nakakuha ng imbestigador. Isa siya sa naging lalaki ni Lorena, siya si Paul isang American spy.

Tinawagan niya kaagad si Paul upang papuntahin sa Spain at pag-usapan ang magiging plano nila laban kay Scarlet. Matapos niyang tawagan si Paul, kaagad niyang ibinalita ito kay Nathalie.

"Bestie.. good news Paul is comming." Ani ni Lorena

"Sus umiral na naman ang kalandian mo. Akala ko kung anong good news." Ani ni Nathalie

"Gaga! Siya ang magiging private investigator natin para kay Scarlet." Tugon ni Lorena

Natuwa naman kaagad si Nathalie sa balitang ito. Napangisi siya na tila ito na ang umpisa upang mapabagsak niya si Scarlet.

"Good Job! Sabi ko na nga ba at maasahan kita.. so tell me how much?" Ani ni Nathalie

"Sus wag na! Katawan ko lang ang bayad sapat na sa kanya." Tugon ni Lorena

"Sira! If you need money just let me know." Ani ni Nathalie

"Oo naman.. sa ngayon ako na muna ang bahala." Tugon ni Lorena

Hindi mapawi ang sayang nadarama ni Nathalie. Subalit napawi lamang ito ng maalala niya si Jasmine. Kaya sinubukan niyang tawagan si River.

Rrrrriiiinnnngggg....

"Hey Nathalie... namiss mo ba ako?"

-River

"Nasan ka? Nasaan ang anak ko?"

-Nathalie

"Nasa mabuti siyang kalagayan. Huwag kang mag-alala hindi ko pababayaan ang anak natin."

"Ibalik mo na sa akin si Jasmine... parang awa mo na"

"Matanong kita Nathalie, ikaw ba naawa ng itago mo sa akin ang katotohanan sa pagkatao ng anak ko?"

"Wag mong ibahin ang usapan! Ang anak ko ang pinaguusapan at wala akong pakialam sa kung ano ang pinagdadaanan mo!"

""ah! Wala pala! Sige wag mo na akong tatawagan at wala din akong pakialam kung mabaliw ka sa kakaisip sa anak mo!"

"Hayop ka River! Ipapakulong kita!"

"Kung makukulong ako Nathalie! Sisiguraduhin kong mauuna kang mabulok sa kulungan! Mamatay tao ka!"

🖤 END CALL 🖤

Kaagad pinatay ni Nathalie ang usapan nila ni River. Natakot siya sa nalalaman ni River kung kaya hindi na siya nagpumilit pang makipagtalo dito. Napansin naman siya ni Lorena at kaagad na tinanong.

"Ok ka lang?" Ani ni Lorena

"Oo ok lang ako..." tugon ni Nathalie

Bakas pa din sa pagmumukha ni Nathalie ang takot. Kung kaya gumawa ng paraan si Lorena upang mapawi ang atensyon nito.

"Ooh bestie.. look may big event pala ang company." Ani ni Lorena

"Huh? Paano?" Tugon ni Nathalie

"Heto, kaka email lang sa akin from HR. Night party tapos mascarade with black and white theme. Mukhang maganda ito." Ani ni Lorena

"Ah oo maganda yan.. tamang tama babagay yun binili kong damit." Tugon ni Nathalie

"So dapat may date ka.. kaso sino?" Ani ni Lorena

Tumingin si Nathalie kay Lorena at napakibit balikat. Nanghinayang siya, na sana kasama pa niya si James ng sa gayon ay may maisama siya sa ganitong party.

Nagtungo naman si Scarlet sa main branch upang makipag meet sa mga bagong investors. Pagdating niya sa opisina nagulat na lamang siya ng makita ang napakaraming bulaklak.

Habang pinagmamasdan ni Scarlet kaagad siyang nakatanggap ng tawag mula kay Tom

Rrrrrriiinnnngggg....

"Tom!! Thank you..."

-Scarlet

"Ooh you like it?"

-Tom

"Of course! Alam na alam mo pa din ang paborito ko. Anyways invite kita sa party ko its a mascarade party"

"Sure! I will be there. Mabuti naman at nagustuhan mo. Pathank you ko sayo yan"

"Nag-abala ka pa... ok naman sa akin yung simple."

"You are special to me.. kaya hindi pwede sa akin na ok lang all i want is your happiness"

"Thanks again Tom.. anyways invite kita this Saturday night for a mascarade party. Are you free?"

"This Saturday? Hmmm i will do my best to be there ok.. even im late i will be there pero i will do my best to come early."

"No.. just come when you are free.. no rush..."

"No..no..no.. its your party so i need to be there.."

"Ok Tom.. anyways i need to go"

"Ok Scarlet.. have a great day"

🖤 END CALL 🖤

Nagsimula na ang meeting ni Scarlet kasama ang kanyang bagong investor. Maganda naman ang kinalabasan sapagkat nais nilang magbukas si Scarlet ng bagong branch sa Valencia. Ikinatuwa naman ni Scarlet ang request ng kanyang bagong investor kung kaya pumayag siya na magkaroon ng ikatlong branch.

"Thank you Mr. Rodriguez" ani ni Scarlet

"It's nothing Ms. Dela Fuente. I know it would be successfull.. i trust you... so see you soon" tugon ni Mr. Rodriguez

Pagkaalis ni Mr. Rodriguez, tatakbo naman sa kanya si Ana at inakap siya sa tuwa.

"Congrats SS... ang galing galing mo!" Ani ni Ana

"Thank you Ana.. hindi ko inexpect na hihilingin niya ito." Tugon ni Scarlet

"So need na natin maghanap ng building.. para next month maibigay na natin ang nais ni Mr. Rodriguez"

Ani ni Ana

"Yeah we will do that pero sa ngayon... focus muna tayo sa Party.. may isusuot ka na ba?" Tanong ni Scarlet

"Wala pa bibili pa lang ako.." tugon ni Ana

"So Let's find your dress.. pack your things samahan mo ako.." ani ni Scarlet

"Saan? Pero may trabaho pa ako dito.." tugon ni Ana

"Basta! Teka nga Ana sino ba ang sasamahan mo?" Ani ni Scarlet

"Ang CEO at owner ng company.." tugon ni Ana

"So??" Nakangiti habang nakataas ang kilay ni Scarlet

"Oo na ... sasama na..." tugon ni Ana

Umalis ang dalawa sa companya at naghanap ng kanilang isusuot para sa ball. Si Scarlet ang pumili ng damit para kay Ana. Ayaw pumayag ni Ana subalit dahil sa kagustuhan ni Scarlet wala na siyang nagawa kung hindi ang tanggapin ito.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Loveisjustashowcreators' thoughts
下一章