webnovel

Chapter 43

Pagsapit ng gabi, naalala ni Scarlet na may dinner pala sila ni Tom. Subalit dahil nasa opisina pa siya, doon na lamang niya ito pinapunta upang mag order na lang sila at doon na kumain. Makalipas ang 30 minutes dumating na si Tom.

"Scarlet.." ani ni Tom

"Tom.. how's your day?" Tugon ni Scarlet

"Fine.. a liitle bit busy.. ang dami kong projects and paper works na kailangang tapusin.." ani ni Tom

"Do you need some help?" Ani ni Scarlet

"No...no... ok lang ako.. look at you.. you worked too much.. tapos mag ask pa ako ng tulong sayo." Tugon ni Tom

"Ok lang ako.. normal na ito sa akin.. and expected ko na din na mas marami pa ito sa mga susunod na araw." Ani ni Scarlet

Nang dumating si Tom, nakita niya na napakaraming paper works sa mesa ni Scarlet. Kung kaya hindi na siya humingi ng tulong dito. Napansin rin ni Tom na naghahanap si Scarlet ng malaking venue.

"Looking for a great venue? Para saan??" Ani ni Tom

"Ah yes.. para sa party ko, para sa bago kong branch" tugon ni Scarlet

"Wow! Such a great idea.. you deserved it.." ani ni Tom

"Thanks Tom.. thanks to you.." tugon ni Scarlet

"Don't say thanks to me.. you have all of that because of yourself. Ok.." ani ni Tom

Ngumiti si Scarlet kay Tom tanda ng isang pasasalamat sa walang sawang pagbibigay nito ng suporta. Kahit na nasaktan siya nito, wala pa ding ibang nais si Tom kung hindi ang suportahan siya kahit pa sa mga maliliit na bagay.

Hindi nagtagal ay nag order sila ng pagkain. Nakaupo lang si Tom sa harapan ni Scarlet habang patuloy itong nagtatrabaho. Tumayo si Tom ng may makita siyang wishky sa cabinet ni Scarlet. Kumuha siya ng dalawang baso, at nilagyan ng alak.

"Anti stress.." ani ni Tom

"Ooh thanks Tom..." nakangiting sambit ni Scarlet

Nakalimutan ni Scarlet na nasa bahay pa niya si James. Samantala, abala naman sa pagluluto si James para sa kanyang surprise dinner para kay Scarlet. Sinubukan niyang gumawa ng paella at hindi mawawala ang sinangag na may tapa.

Masayang masaya si James, nakapag ayos na ito ng mesa, nilagyan ng bulaklak sa gitna at mga kandila. Sinabugan din niya ito ng mga white petals para mas magmukha itong romantiko.

Matapos siyang magluto, tumungo siya sa silid upang maligo at maghanda para sa pagdating ni Scarlet. Alam niyang alas 9 ng gabi ang pinakamatagal na dating ni Scarlet.

Ilang sandali naman ay dumating na ang order nina Tom at Scarlet. Kinuha ni Tom ang order sa baba at habang wala pa si Tom, napaisip si Scarlet, kung ito na ba ang tamang oras upang maibigay na niya kay Tom ang kanyang buong kapatawaran.

Nadatnan siya ni Tom na tila malalim ang kanyang iniisip. Kung kaya kaagad siyang tinanong nito. Nagulat naman siya ng biglang magsalita si Tom.

"Are you ok?" Ani ni Tom

"Wooahh! Yeah im ok.." tugon ni Scarlet

"Cool! Food is here.. let's eat.." ani ni Tom

"Ok susunod ako.." tugon ni Scarlet

Inayos ni Tom ang kakainan nila, samantala patuloy pa din si Scarlet sa pagtatrabaho. Kung kaya napilitan si Tom na hilain na patayo si Scarlet upang maawat ito sa pagtatrabaho.

"Halika na..." ani ni Tom

"Sabi naman kasi susunod na ako.." tugon ni Scarlet

"Susunod? But you still working.." ani ni Tom

Ngumiti si Scarlet, napapatawa sa kanyang sarili. Hinila ni Tom ang upuan at pinaupo na si Scarlet. Habang nakaupo napatingin siya kay Tom, Bigla naman niyang naalala ang mga araw at oras na sila pa ni Tom.

"Is there anything wrong?? May dumi ba ako sa mukha?" Ani ni Tom

"Wala.. hehe. Forget about it.. let's eat." Tugon ni Scarlet

"Ok ok.. if you want.. do you like the food?" Ani ni Tom

"Yes i liked it, why??" Tugon ni Scarlet

"Nothing.. im just confused.." ani ni Tom

Batid na kinakabahan si Tom habang kaharap niya si Scarlet. Hindi siya makapaniwala na nakakausap na niyang muli ang dating kasintahan. Kung kaya nagkaroon siya ng lakas ng loob upang makapagtanong ng tungkol sa kanila.

"Scarlet??" Ani ni Tom

"Yes Tom?" Tugon ni Scarlet

"Can i ask you something?" Ani ni Tom

"Uhmmm yes.. of course you can!" Tugon ni Scarlet

Huminga ng malalim si Tom at pagkatapos ay uminom ng alak, at saka siya nagsalita.

"Are we ok? I mean ok na ba tayo? Hindi ka na ba galit sa akin?" Ani ni Tom

Tumingin ng deretso si Scarlet, isang seryosong mukha na may kasamang Hindi kanais-nais na titig. Kung kaya muling nagsalita si Tom.

"Sorry.. forget the question.." nauutal na salita ni Tom

Habang pinagmamasdan ni Scarlet ang reaksyon ni Tom sa kanyang ginawa, bigla naman siyang tumawa ng malakas at nagsabi..

"Hahaha! Im just kidding.. oo ok na tayo.. hindi na ako galit." Ani ni Scarlet

Nakahinga ng maluwag si Tom. Matapos malaman na nagbibiro lamang pala si Scarlet.

"Really! Ooh thank you so much... salamat talaga.." tugon ni Tom

Ngumiti lamang si Scarlet, bakas sa kanyang mga mata ang kinang ng saya, saya na walang halong poot at galit sa puso. Siguro ay nakasanayan na niyang si Tom ang naging sandalan niya sa tuwing siya ay nalulungkot, kung kaya kampante siya kapag kasama niya si Tom.

Natapos na mag-ayos sa kanyang sarili si James. Inihanda na niya ang boquet ng mga puting rosas at ang kanyang regalong damit. Panay ang tingin niya sa orasan, meron pang tatlumpong minuto bago dumating si Scarlet.

Dahil hindi siya makatiis sa kanyang pagkaexcite, nag send siya ng message para kay Scarlet.

"Hey... ano oras ka uuwi? I have a little surprise take care.."

-james

Subalit naka silent mode ang cellphone ni Scarlet kung kaya hindi niya ito narinig. Naghintay siya ng sagot ni Scarlet subalit walang dumating, inisip na lamang ni James na baka nag dadrive ito kaya hindi pa sumasagot.

Naghintay ng tatlumpong minuto si James. Samantala kakatapos lamang kumain nina Scarlet at Tom at saka pa lamang nagpaalam sa isa't-isa.

"Thank you Tom for the dinner" ani ni Scarlet

"It's nothing! Salamat din sa masayang gabi na ito." Tugon ni Tom

"My pleasure.. ingat ka pag uwi ha." Ani ni Scarlet

"Thank you! Ikaw din mag iingat"

Umalis na si Tom, pagkaalis ni Tom kinuha ni Scarlet ang kanyang telepono. Pagtingin niya, nagulat siya sa message ni James.

"Message from James 45 mins ago.."

Binuksan niya ang message ni James. At napaisip kung ano ang surpresa nito. Sinubukan niyang tawagan si James subalit hindi ito sumasagot. Kaya nagmadali siyang umuwi upang makahabol kay James. Habang nasa kalye patuloy pa din ang kanyang pagtawag subalit hindi pa din ito sumasagot.

Mas lalo siyang natense sapagkat naipit siya sa traffic. Nagkaroon ng aksidente sa kalye kung kaya mabagal ang usad ng trapiko. Halos tatlumpong minuto siya sa gitna ng kalye.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Loveisjustashowcreators' thoughts
下一章