webnovel

Chapter 13

It's friday so wala akong magawa kung hindi umuwi na lang din sa bahay namin upang maka bonding ko din ang mga Kuya's ko na panay laro lang ang alam at laging naka kulong sa kwarto nila.

"Hey Kuya's," Pumasok ako sa kwarto ni Kuya Drake at nandon ang dalawa ko pang kuya na naglalaro nang PS5

"Hey princess, Come here" Lumapit naman ako kay Kuya Drake at binigyan ako nang yakap. Ganoon din ang dalawa kong kuya.

"Anong nangyari at napadaan ka yata dito, xy?" Tanong ni Kuya Axel kaya napairap muna ako bago umupo sa kama.

Hindi na din ako gaano napunta dito dahil may condo kami ng best friend ko kaya naman naitanong nila iyon sa akin.

"Well, done!" Pagkibit balikat ko na ipinagtaka nang tatlo at lumilingon lingon pa sila sa akin habang naglalaro. "Hindi ko aakalain na obsessed sya sa 'akin!"

Sabay silang nagtinginan sa akin nang sabihin ko iyon. "Yung pinakilala nila Mom and Dad sa'yo is obsessed na lalaki?" Natatawang sambit ni Kuya Sean at tumango ako.

"Bro, for sure she's threatened by him. You know.. the Gonzales." Nagtaka ako nang seryoso si Kuya Drake nang magsalita sya na para bang may alam sya sa pamilya na yon.

"For sure bro, alam mo naman na spoiled ang anak noon at malamang gustong angkinin itong kapatid natin para mapunta sa kanya," Iiling iling na sambit ni Kuya Axel habang naka tutok sa malaking Screen na TV.

"I will not let our sister to be in danger to that stranger boy, sino ang kakampi ko upang bantayan ang galaw nang Gonzales?" Tanong ni Kuya Sean at itinaas ang kamay kasabay nang dalawa.

"Thank you so much, my lovely brother's"

"Welcome xy, kumain kana ba? Ipagluluto kita ng paborito mo," Sambit ni Kuya Drake pero umiling nalang ako dahil nakakain na ako.

I feel so lucky for them at wala na akong masabi pa. Buti na lamang at iba sila sa parents namin at hindi rin nila ako pinipilit na magka boyfriend or something. I hugged them for the last time before I leave the house dahil ayokong maabutan dito nila mom.

***

Nagkasalubungan kami ni Veil sa elevator at tinignan ang oras nang malaman na 4 pm na pala at napahaba ang usapan namin doon.

"Napa aga yata ang uwi mo?" Pagsisimula ko nang topic habang hinihintay ang floor namin paakyat.

"May gagawin akong importante at babalik din ako doon," Seryosong sambit nya na ikinasimangot ko. Ni hindi man lang nya ako nilingon.

Bigla kong naalala ang mga sinabi nya kagabi na gusto kong itanong pero alam ko naman na hindi nya iyon sasabihin. Hahayaan nya lang akong manghula doon hanggang sa makuha ko ang sagot.

"Importante? Is that your-"

"-Pwede ba na tigilan mo na ang girlfriend ko. Nananahimik yung tao, palagi na lang sya ang bukang bibig mo." Inis itong naglakad palabas ng magbukas na ang pinto ng elevator at iniwan akong mag-isa.

I mocked him and rolled my eyes bago lumabas at pumasok na nang unit ko bago mahiga. Wala na akong balak mag dinner dito dahil pupunta din ano sa bahay nila Nicole para mag training.

Pag sapit ng 8pm at nakarating na agad ako doon at nagbaon nalang ako nang kakailanganin. Hindi ko pa nalalabhan ang hiniram ko na damit sa kanya kaya naman sa susunod ko nalang maisasauli.

"Good evening Xy! Pasok ka." Ngiting sambit ni Nicole kaya naman pumasok na ako.

Lamig agad ang naramdaman ko sa bahay na ito at lahat sila ay nanonood ng horror movie at tutok na tutok ang mga ito.

Tumabi ako kay Clark nang walang pasabi at nanghingi ng popcorn at softdrinks bago makinood.

"Anong title," Pabulong ko sabay kuha nang popcorn sa kanya.

"Fear street, part 1" Seryosong sambit nya kaya naman napatango ako at nanood na lang din.

Patapos na rin pala nang makarating ako pero agad akong nabigla nang magsi sukahan ang iba sa cr dahil sa nakakadiring pinanood namin.

"Grabe pre, ang brutal. Parang nawalan na ako nang gana kumain," Nagtawan sila sabay apiran at nakisali naman don si Clark.

"Hina nyo naman dapat pinanood na agad natin yung part 2," Ginalaw nito ang remote at ililipat na sana sa part 2 nang magsalita ang isa.

"Wag na pre, maya-maya ay may training na din tayo."

"Suss, duwag ka lang e"

"Ah ganon? Sino kaya ang tumakbo nang banyo para magsuka? Nakakadiri ka pre" Nagtawanan lang sila kaya napa irap ako at inilunok ang pride ko para makahingi na nang tawad sa nagawa kong kasalanan noong isang araw.

Nilapitan ko si Rico at tumaas ang dalawang kilay nito sa akin ng lapitan ko sya. Bumuntong hininga muna ako bago magsalita. "I'm sorry," Sincere na sambit ko.

Tinitigan ako nito bago sya magsalita. "Kay Ken ka mag-sorry, hindi sa akin." Sabay iwas nang tingin.

He's looking good and you can called him 'A Hot Guy' because of his muscles and black shorts and white t shirt. Maputi ito at itim ang kanya buhok. Mistiso ang datingan na parang si Veil.

"Alam ko pero sorry pa din," Pinanindigan ko na kahit nahihiya na ako dahil alam kong pinagtitinginan na nila kami.

"Oo na, pinapatawad na kita, pasensya na din sa sinabi ko sayo noong isang araw. Nawalan ako ng respeto sayo kaysa intindihin kung bakit ganoon ang naging reaksyon mo." Ngumiti ito nang tipid bago tumayo at umalis nang may naramdaman ako sa likod ko.

"I'm sorry," Sabay namin sambit at nagkatinginan kami.

Tumango naman ito at tinapik ang balikat ko bago bumalik sa pwesto nya. Nilingon ko naman si Clark na nag 'ok' sign na para bang isang achievement ko iyon bago sya inirapan.

下一章