webnovel

ADKBG 2

Rowan Pov.

Ako si rowan isang police na walang sinasanto.

Wala akong paki-alam kung mayaman ka o mahirap basta lumabag ka sa batas ikukulong kita.

Isa akong bisexual at napilit ko ang propesyon nato dahil ito na ang pangarap ko bata palang ako.

Wala akong pamilya nag-iisa nalang ako namatay ang mga magulang ko sa isang car accident.

Andon ako at ako lang ang nakaligtas maging ang nakababata kong kapatid ko ay namatay.

Sobrang sama ng loob ko ng mga panahon nayon. Ang tanging gusto ko lang ay ang gumanti.

Inampon ako ni General Ramirez na ngayon ay captain ko sa lugar kung saan ako nakadistino.

Siya ang nagsilbi kong ama pero hindi kagaya ng ibang babae ay hindi ako lumaking kikay.

Matigas pako sa matigas. Wala akong pinapakitang emosyon dahil ayokong may pumasok pa sa buhay ko na magiging sanhi ng pagiging mahina ko.

Bilang pulis palaging nasa piligro ang buhay ko kaya ayokong mainlove dahil alam kong gagamitin lang nila ang minamahal ko sakin.

Sumaludo ako ng makapasok ako sa opisina niya.

"Maupo ka SPO1" sinunod ko ang utos ni general at tahimik na umupo sa harapan ng mesa niya.

"Bakit niyo ko pinatawag?"

"Hindi ka parin talaga nagbabago mainipin ka parin" iiling iling niyang sabi at sumindi pa ng sigarilyo.

"Masama sa baga niyo yan hindi ba" inalis niya naman sa bibig niya ang sigarilyo.

"Ngayon lang naman pagbigyan munako rowan" tinignan ko lang siya ng poker face.

Tumawa siya sabay hithit niya sa sigarilyo.

"Ano bang meron at pinatawag niyo ko?" Ulit kong tanong.

"Hindi nako magpapaligoy ligoy pa. Pinatawag kita dahil may malaki akong misyon para sayo"

Halos lumundag ang katawan ko sa sinabi niya.

"Anong misyon?" Mabilis kong tanong.

Excited nako ilang araw narin akong nabubulok sa lugar nato.

Panahon na para makalabas ulit ako.

"Kagaya ka parin talaga ng dati. Marinig mo lang ang salitang misyon para kang posporong sinindihan"

"Tss.pwdeng sabihin niyo nalang" tumawa siya ulit sabay labas ng folder sa drawer niya.

Inabot niya sakin ang folder na agad ko namang kinuha.

"Siya ang anak ni Mr.Feliciano ang may ari ng Feliciano Corp."

"So?" Umiling siya at pinatay ang sigarilyo niya sa ashtray.

"Siya ang bago mong misyon" napataas ang kilay ko.

"Nagrequest si Mr.Feliciano ng body guard para sa anak niya at ikaw"

"At ako ang nirekomenda niyo" pagutuloy ko.

"Hindi ako nag pakahirap at patuloy na nagsusumikap para lang maging body guard ng kung sino. I won't accept the task" mabilis kong dugtong.

"Look Rowan hindi ito basta basta normal na misyon lang. Malaking pangalan ang babantayan mo kasing tindi ng paghuli sa mga sindikato diba ganito ang gusto mo kaya bakit ayaw mong tanggapin"

Binaba ko ang folder sa lamesa at tumayo.

"Bakbakan ang hinahanap ko general hindi tumayo lang sa isang tabi at sumunod sa lugar kung saan man siya pupunta. Hindi ako aso na sumusunod sunod sa amo kaya kong mag-isa kaya hindi ko parin tatanggapin yan" aalis na sana ako ng magsalita siya ulit.

"Please rowan tanggapin mo ang misyon nato pangalan ko ang nakataya dito ako na ang humihingi ng tulong sayo. Wag mo sana akong pahiyain sakanila" he said.

I sighed.

"Pag-iisipan ko general"

Lumabas ako ng presinto at tumambay na muna sa madalas kong pagtambayan.

"Isang coke in can po aling marta"

"Aba SPO1 Bonifacio ikaw pala yan. Sandali at ikukuha kita sa loob"

"Sige po"

Naghintay muna ako ng ilang minuto bago niya naibigay ang binili ko.

Mabilis kong nilagok ang iniinom ko at umupo sa batong upuan dito sa harap ng tindahan niya.

"Mabuti nalang at andito ka ngayon. Wala kabang misyon?"

"Wala po eh. Himala nga at walang napapabalita na nangyayaring krimen ngayon kaya bakante kaming lahat"

"Naku hindi ba pabor pa yon sainyo. Mas maganda nga kung walang mga kriminal ng hindi narin kayo nalalagay sa panganib"

"Pero sayang naman po ang sinusweldo ng gobyerno samin"

"Ay nakong bata ka mayaman ang gobyerno kaya wag mong problemahin kung magsasayang sila ng pera sa mababang halaga. Hindi ko nga maintindihan at bakit sa dami ng propesyon eh yan ang nakuha mo. Napakaganda mong bata pero pagpupulis pa talaga ang napili mo. Kung ako ngalang ang nasa edad mo baka nag model nalang ako"

"Aling marta naman mas gusto ko ng makipag bakbakan kesa ibalandra ang katawan ko sa buong mundo. Una napo ako" paalam ko ng maubos ko na ang iniinom ko.

Naglakad lang ako pauwi ng bahay.

Iniisip ko parin kung tatanggpin ko ang alok ni General Ramirez.

Ayokong pahiyain siya dahil siya ang dahilan kung bakit ako nandito sa kinalalagyan ko pero ayoko ring maging body guard ng kung sino sino.

Ayokong utus utusan lang dahil hindi naman yon ang tinapos ko.

Pumasok ako sa tahimik ngunit malinis kong bahay.

Hindi ito malaki sakto lang para sakin. Binili ko to ng maka graduate ako. Ayoko na kasing umasa kay general lalu na at hindi niya naman talaga ako kargo sa umpisa palang.

Kinuha ko ang malamig na kanina na almusal ko kanina at humanap ng can goods sa kabinet.

Wala nakong oras mag luto kaya puro can goods lang ang nasa bahay ko.

Nabubusog naman ako dito kaya ayos na sakin to. Hindi naman ako maarte basta may makakain kakainin ko.

"Bakit andy?" Bungad ko sa radyo.

"Nasa labas ako ng bahay mo hindi ako makapasok nakalock yata" napasilip naman ako sa bintana.

"Hintayin moko" i said at binaba na ang radyo.

Binuksan ko ang maliit kong gate at pinaasok siya sa loob.

"Bakit radyo nanaman ang ginamit mo hindi ba binalaan na tayo na wag nating gagamitin ang radyo sa ganong bagay"

"Wala akong load kaya yun lang ang naisip ko para tawagan ka" napailing nalang ako at tumuloy na sa naudlot kong pagkain.

"Kumain kanaba?" Tanong ko sakanya.

"Oo kumain nako." Sagot niya.

"Bakit ganyan nanaman ang ulam mo wala kanabang ibang ulam na pwdeng lutuin diyan?"

"Bakit anong masama sa hokai?"

Tumayo siya sabay buklat ng mga cabinet sa kusina ko.

"Wala naman pero kung aaraw arawin mo sasama nga ang tyan mo."

"Matagal nakong kumakain nito at wala namang nangyayari sakin" napailing siya at umupo na ulit sa upuan.

"Alam kong nakasanayan muna ang pagkain niyan pero mas healthy parin kung nagluluto ka para naman mainitan ang sikmura mo"

"Kung init lang naman pala ang basehan ng healthy food anong silbi ng pag-inom ko ng kape"

"Seriously Ro?" Tinignan ko lang siya ng patay malisya look.

"Hayy.mag girlfriend kana kasi para naman may nag-aalaga sayo"

Tumayo ako nako dahil tapos nakong kumain.

Hinugasan ko ang plato ko sa labano at nag mumog narin.

"Kung mag-aalaga lang naman pala ang kailangan ko kumuha nalang sana ako ng baby sitter o yaya" inirapan niya ko.

Iniwan ko siya sa kusina at dumiretso na sa sala.

Umupo ako sa maliit kong sopa at binuksan ang tv.

"Lagi ka nalang may sagot sa mga sinasabi ko Ro" sabay upo niya sa tabi ko.

"Hindi ko naman kasi kailangan ng mga yon andy alam mong kaya kong mabuhay ng mag-isa kaya kaya kong alagaan ang sarili ko" napabuntong hininga siya sabay kamot sa kilay niya.

Malapit ng maubos ang pasensiya niya kapag ganyan siya.

"Hay ewan ko sayo rowan. Nga pala nabalitaan ko ang bago mong misyon tatanggapin mo ba?" Hindi naman ako agad nakasagot.

"Pinag-iisipan ko parin hanggang ngayon. Alam mo naman na bakbakan ang gusto ko hindi maging isang sunud sunurang body guard"

"Hindi lang naman basta basta ang pagiging isang body guard ro. Mas maganda nga na tanggapin mo ang misyon nayon dahil kagaya ng moto mo noong bago tayo makapasa sa pagiging isang pulis 'na kahit anong mangyari poprotektahan ko ang mga na ngangailangan ng proteksyon' oh edi matutupad muna ang hiling mo kapag tinanggap mo yon"

"Tss.hindi mo kasi maintindihan andy. Oo kailangan niya ng proteksyon pero marami siyang pera para humanap ng ibang poprotekta sakanya pero ang mahihirap hindi makakapag bayad sa mga taong gusto nilang kunin para protektahan sila."

Iba ang mayaman sa mahirap dahil ang mahirap walang malaking pera para magbayad sa kaligtasan nila.

"So hahayaan mo nalang na mapahiya si general?"

Hahayaan ko ngalang ba na mapahiya ang taong nataguyod ng pag-aaral ko?.

Napabuntong hininga nalang ako.

"Sinabi ko sakanya na pag-iisipan ko muna kung tatanggapin ko o hindi pero kung wala na talaga akong choice ano pa nga ba"

Naramdaman ko ang pagtapik niya sa balikat ko.

"Ano mang maging disisyon mo anditi lang ako" tumango nalang ako at tahimik nalang kaming nanood ng tv.

Kung tatanggapin ko man ang misyon nayon sana naman hindi sakit ng ulo ang ibibigay sakin ng babaeng yon.

--

"Dad hindi ko kailangan ng body guard!" Sigaw ng anak ni Mr.Feliciano.

Sa asta palang nito halatang spoiled brat na.

"Reignalyn hindi ba napag-usapan na natin to. Kinuha kita ng body guard para sa proteksyon mo"

"But da--"

"My decision is final kung ayaw mo ng body guard then mananatili ka dito sa bahay at hindi kana makakalabas kasama ng mga kaibigan mo."

Awe mukang iiyak na siya.

"Ugh!fine pero siguraduhin niya lang na hindi siya makikialam sa mga gagawin ko kundi ako mismo ang magtatanggal sakanya!" Sigaw nito sabay walk out.

Hayy.mayayaman nga naman.

"I'm sorry about my daughter SPO1"

"Rowan nalang po sir"

"My bad kagaya nga ng sinabi ko pagpasensiyahan muna ang anak ko na spoiled kasi yan habang lumalaki siya kaya lahat ng gusto niya nasusunod pero wag kang mag-alala mabait naman yan"

"Mukha nga po"ngiwi ko na ikinatawa niya.

"Pagtyagaan mo nalang siya haha. And please wag mo sanang alisin ang tingin mo sakanya. Wag karing magpapadala sa mga banta niya na tatanggalin ka niya sa trabaho. Ako ang kumuha sayo kaya ako lang ang may karapatan na tanggalin ka"

"Yes sir" sagot ko.

"Hindi nga ako nagkamali sayo"

"Huh?what do you mean sir?" Takang tanong ko.

"Well tinawagan ko si general ramirez para irecommenda ang pinaka magaling niyang tauhan at base sa mga narinig kong usap usapan at balita ay ikas nga ang pinaka matapang at magaling sakanila. Kaya hindi ako nagkamali na sakanya ako lumapit"

"Uhm.thank you sir" sagot ko

"So mauuna nako ikaw na munang bahala sa anak ko" tumango ako sakanya at sinamahan na siya palabas ng bahay hanggang sa makasakay na siya ng sasakyan.

Umupo ako sa sopa nila at nag meditate.

Nabingi ang tenga ko sa sigaw ng spoiled brat niyang anak kaya kailangan ko ng meditation para ibalik ang huwisyon ko sa dati.

Tahimik akong tao kaya ayoko sa maiingay. Kaya hanggat kaya ko ay iiwasan ko ang pagkabingi kapag kasama ang anak ni Mr.Feliciano.

"Tss.umalis kana wala na si dad" napamulat ako ng aking mga mata at sinalubong ang nanggagalaiting mukha ni ahm..diko pala naitanon ang pangalan niya.

Actually binasa ko naman yung files niya kaya lang nawala sa isip ko.

Kapag hindi kasi mahalaga hindi ko natatandaan.

"Hindi ikaw ang amo ko kaya hindi moko pwdeng tanggalin" bigay ko ng pinaka cold na boses ko sakanya.

Nakita ko ang pagsalubong ng mga makakapal niyang kilay.

Mukang hindi yata magiging maganda ang pagsasama namin ng spoiled brat nato.

"Anak ako ng amo mo kaya pwde kitang tanggalin. Ngayon pwde ka ng lumabas ng bahay dalhin mi narin ang mga gamit mo dahil nakakalat lang naman sila sa daraanan ko" sabay sipa niya sa itim kong bag.

"Kung akala mong masisindak moko pwes nag kakamali ka. Hindi ako takot sa spoiled brat na kagaya mo kaya kung pwde lang wag mong sipain ang bag ko dahil mas may kwenta ayan kesa sayo" kinuha ko and bag ko at pinagpagan.

Tss.kakabili ko lang nito sa mall tapos papadyakin niya lang.

"How dare you!" Sigaw niya sabay duro sakin.

Hinawakan ko ang braso niya at iwinaksi ang nakaturo niyang kamay sa mukha ko.

"Ayoko sa lahat ang dinuduro ako kaya ilayo mo sakin yan bago ko pa putulin" seryoso kong sabi.

Bakas naman sa mukha niya ang galit at anytime ay parang lalapain na niya ako.

Well hindi naman ako natatakot bala nga sinasagupa ko itong spoiled brat na kulang sa aruga pa kaya.

"Ugh! I hate you! Magbabayad ka sa ginawa mo hindi pa tayo tapos!" Sabay lakad niya paalis.

Napangiti nalang ako habang umiiling.

Ngayon nalang ako ngumit ng ganito ah. Mukang magiging masaya yata ang pananatili ko rito.

Hindi lang dahil sa libre ang lahat ng kailangan ko pati bahay kundi maging libre ang libangan ko at yon ay ang pang-aasar sakanya haha.

------

下一章