webnovel

Chapter 47

Thea's POV

Kasalukuyan akong nasa coffee shop nag-aantay kay lea. May usapan kasi kami na lumabas ngayon since matagal na din yung huling gala naming dalawa. Isa pa namiss din namin magbonding na kami lang.

Painom na sana ako ng aking hot chocolate ng biglang tumunog ang aking cellphone. Nakita ko yung name niya sa screen kaya agad ko itong binuksan at binasa

From: LOVE💕

'Hey babyyyy! How's ur date?'

Napangiti ako sa text niya. Nasa bago niyang work siya ngayon. Kinwento niya sakin na nagresign daw siya dun sa shop ng boss niyang epal nung nasa ospital ako nun. Tinanong ko naman siya kung bakit ang sabi niya lang gusto niya daw na bantayan ako nun at isa pa kailangan niya din daw iwasan muna yung boss niya na ikinataka ko naman. Kasi for all I know okay naman sila. Kahit di ko gusto yung boss niya okay lang naman sakin na dun pa rin siya magtrabaho. Wala naman akong problema dun. Isa pa may tiwala naman ako kay krystal.

Agad ko naman siyang nireplyan

To: LOVE💕

'Still waiting for her po 😑 Ikaw how's ur new part time? Bakit ka nagtetext? Diba work hours mo ngayon"

Wala pang ilang segundo ay nakatanggap ulit ako ng text mula sa kanya.

From: LOVE💕

'So far, okay naman siya. Parang same lang din gaya ng dati tsaka wala pa namang customer eh'

To: LOVE💕

'That's good to hear. Pasaway ka talaga'

From: LOVE💕

'Awow! Nagsalita ang hindi lol'

To: LOVE💕

'May sinabi ba akong hindi? Kaya nga mtb tau kasi same tayong mga batang pasaway 🤟🏼'

I sent her another message.

'Reminder lang...wag ka masyadong magpaganda baka may mainlab na naman sayo jan 🙄'

Pabiro kung text sa kanya. Baka kasi matulad dati na nagkagusto yung boss niya pati yung co worker niya sa kanya haha. Siya na talaga maganda at mahaba ang hair. Siya na!

I hear my phone chimes. I open the message from her

From: LOVE💕

'Ayiiii. Di naman ako nagpapaganda sa iba eh. Sayo lungs 😉😁😘'

Napangiti ako ng mga oras na yun. Magrereply na sana ako ng marinig ko ang boses ni lea na kararating lang "para kang baliw" bungad niya sakin

"What are you talking about?" I asked her as I turn off the screen of my phone

"Nakangiti ka kasi ng mag-isa hahaha" naupo na siya sa bakanteng upuan

Di ko na lang pinansin yung sinabi niya at tinanong na lang siya "bakit nga pala ngayon ka lang? Kanina pa ako nag-aantay ha"

"Sorry naman girl. Traffic eh"

Nag-order na si lea ng maiinom niya. We spend hours of talking and laughing to some stupid things that we did in the past sa coffee shop na yun.

Nagmall din kami saka naglaro sa arcade. Ginawa namin yung mga bagay na nakagawian naming gawin na magkasama.

Past 6 na nang mapagpasyahan naming kumain muna.

Kumain kami sa isang fast food restaurant. Si lea na yung umorder ng foods namin habang ako naman naghahanap ng bakanteng table. Nang makahanap na ako ay pinalinis ko yun agad sa isang busboy.

Agad akong pumwesto sa aking upuan. Naisipan ko naman na itext si krystal since di ko na siya nareplyan kanina simula nung dumating si lea.

To: LOVE💕

'Love? Uwi ka na?'

Ilang minuto pa ang lumipas bago ko natanggap ang text niya

From: LOVE💕

'Di pa po. Patapos na ako actually'

Instead of texting her back ay tinawagan ko na lang siya

"Love" tawag ko sa kanya sa kabilang linya

"Hmm?"

"Napagod ka ba sa work mo?"

"Di naman masyado" sagot niya

"Sunduin kita" its more of a statement than a question

"Wag na. Mapagod ka pa eh. Dumiretso ka na lang sa pag-uwi"

Grabe talaga kung mag-alala at mag-alaga tong mahal ko. Ang understanding pa. Kaya lalo akong naiinlab eh hehe

"Sure ka? Gabi na"

"Hmm-mm. Text na lang kita pag nasa apartment na ako, okay?" Tumango ako kahit na di niya ako nakikita "eh ikaw naman? Nag-enjoy ka ba sa gala niyo ni lea?"

"Oo naman siyempre. Sobra!" Masayang sagot ko sa kanya

Napansin ko naman na papalapit na si lea kaya naman inend ko na yung call

"Sige na love. Bababa ko na to. Text me na lang. Ingat ka! Mwah!" I gave her a kiss through the phone

"Ikaw din babylove. Bye!" paalam niya sakin

Nag-umpisa na kaming kumain ni lea. Puro na naman kami chikahan at tawanan.

Nang matapos na kaming kumain ay nagpasya na kaming umuwi.

We bid our goodbyes to each other.

Nang makarating sa bahay ay agad akong napahiga sa kama. Nakakapagod gumala haha.

Naalala ko naman si krystal kaya agad kung dinukot yung phone ko sa backpocket ko.

Nakauwi na kaya yun?

I checked my phone to see if nagtext si krystal and sad kasi walang text galing sa kanya.

Baka di pa nakarating yun pero anong oras na ah.

I decided na itext na lang siya

To: LOVE💕

'Jgh love! Ikaw?'

I've waited for her reply hanggang sa di ko namalayan nakatulog na pala ako.

Nagising ako bandang 10 ng gabi. Nag-inat muna ako bago naisipang tumayo at pumunta ng kusina.

Binuksan ko ang ref namin saka kinuha ang water pitcher at naglagay ng tubig sa isang baso saka yun nilagok.

I was about to put the glass of water sa counter ng aksidenteng madulas ito mula sa pagkakahawak ko dahilan para bumagsak ito sa sahig at nabasag.

"Shit!" I cursed under my breath

Sinubukan kong linisin yung kalat hanggang sa aksidenteng nasugatan ko ang aking kamay.

Sakto namang dumating si nanay elma "anak anong nangyari diyan?" Agad niyang tanong saka napatingin sa kamay ko na may sugat "hay naku ikaw talagang bata ka. Hugasan mo yang sugat mo at ako ng bahala dito"

Sinunod ko naman yung utos niya. Di ko alam kung bakit pero nakaramdam ako bigla ng kaba. Pagkatapos kung hugasan ang sugat ko ay nagpaalam na ako kay nanay elma na aakyat na sa taas.

Pagpasok ko sa kwarto ay agad akong nagtungo sa bed side table saka kumuha ng band aid para lagyan ang sugat ko. Nakaupo ako sa kama ko. I was busy doing that nang maalala ko ulit si krystal. Napadpad yung mga paningin ko sa phone ko na nasa gilid ko lang.

I hurriedly took it then turned on the screen and to my disappointment wala akong text galing sa kanya. Ni reply dun sa huli kong text wala siyang reply.

Bakit kaya di man lang nagtext yun?

Naisipan kong tawagan siya pero di niya nasagot. Sinubukan ko ulit tawagan pero gaya nung una di niya rin yun nasagot. Baka nakatulog yun sa sobrang pagod kaya di na nakapagtext sakin.

Hayaan ko na lang muna tatawag naman yun pag nakita niya na tumawag ako. Ilang segundo ang lumipas ng biglang nagring yung phone ko at agad ko itong sinagot ng makita yung name ng caller. See? She'll call me "love! Nakatulog kaba? Diba sabi ko itext mo ko pag nakauwi kana? Tapus di mo man lang nireplyan yung text ko. Nakakatampo ka" diretso kong sabi sa kanya pero tahimik lang ang kabilang linya "love?"

"Good evening po! Di po ako si love..." sabi ng nasa kabilang linya. Well obviously di nga ikaw si love kasi boses lalaki ka "sino to? Bat nasayo ang phone ni krystal?" Wait, is she cheating on me?

Of course not! She won't do that to me, right? Kung ano-ano ng pumapasok sa isip ko. Ugh!

"Pamilya po ba kayo ni miss baran?"

"Bakit? Sino ba to?! Asan si krystal?"

"This is nurse adrian from SS Hospital..."

"What? What do you mean hospital? Anong nangyari?" Kinakabahan ako

"Naaksidente po si miss baran at kasalukuyan po siyang nasa ER"

Para akong nabuhusan ng isang bucket ng ice sa narinig ko.

"You're lying" tanggi ko sa sinabi niya. Di totoo yung sinasabi niya. Guni guni ko lang yun, right? "Siguro snatcher ka! Ninakaw mo cellphone ni krystal kaya ngayon pinagtitripan mo ko!" Sumbat ko pa dun sa lalaki

"Di po kita pinagtitripan miss. Di po ako snatcher. Nurse po talaga ako. Totoo po yung mga sinasabi ko" biglang bumigat ang aking pakiramdam "Nabangga po ng isang truck yung sinasakyan na grab ni miss baran" Parang di ako makahinga sa sinabi ng nurse.

"Di totoo yan! Di totoo yan!" sabay end ko sa call

No! Di pwedeng mangyari to! Hindi!

Next thing I knew ay kumaripas na ako ng takbo mula sa aking kwarto pababa ng hagdan. I was about to open the main door of our house ng magsalita si mommy mula sa kusina

"Thea, where you going? Gabi na ah" si mom

Di ko sinagot si mom at tuluyan ng lumabas ng bahay. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko pero di ko pinansin yun. Kelangan kong makarating agad sa ospital.

Pinaharurot ko ang aking sasakyan papuntang SS Hospital at ng mga oras na nakarating na ako dun ay agad akong nagtungo sa ER.

Wala akong pakialam kung bawal pumasok. Gusto ko makita si krystal.

"Krsytal!" sigaw ko na ikinagulat naman ng mga nandun sa loob ng ER

"Get her out of here" utos ng isang lalaki. Siya siguro yung doctor.

"Miss, di po kayo pwede dito" sabi pa ng nurse

"No! Krystal!" Pinalabas ako ng nurse sa ER. Nagpupumiglas ako sa pagkakahawak niya sakin.

"Bitawan mo ako! Krystal! Krystal! Bitawan mo ako sabi" naiiyak na sigaw ko sa nurse hanggang sa di ko na napigilan ang mga mata ko at tuluyan na akong napaiyak habang sigaw pa rin ang pangalan niya.

Inaalo lang ako ng nurse habang umiiyak hanggang sa unti unti akong nanghihina at nawalan ng malay.

下一章