webnovel

Unseen

GABRIEL was mad at me.

That was my idea for the whole two days that he didn't even take a glimpse of me. Halos maiyak ako sa galit at takot sa paraan ng pakikitungo niya sa akin ngayon. Ilang beses akong nagtangkang kausapin siya pero nauuwi iyon sa wala. Whenever I asked him a question, he would just nod at me.

I mean, how does every question answered by just a nod? It's very insulting!

Naging matamlay ang araw ko hanggang ngayon. Wala akong maalala na may ginawa akong ikakagalit niya. Paris even visited me at home last night but I choose to reject him. I was in the great impression that Gabriel will get mad at me if I let him continue in courting me. I was guilty the whole night. Nanlulumong umuwi si Paris noon at kahit gusto ko siyang tulungan ay wala akong nagawa. I can't heal his heart because the choices are bigger than I imagine.

I admit, damn it! Gabriel has really captured my heart. I love him that it hurts. It hurts that he's treating me this way!

Today is Friday. Hindi ko alam kong isasama ba ako ni Gabriel sa hiking dahil hanggang ngayon ay hindi niya ako kinakausap. Lahat ng tao sa mansiyon ay napapansin ang bagay na iyon. Sa tuwing nakikita ko silang nakikisimpatyang tumingin sa akin ay ngumingiti lang ako ng tunay na para bang hindi masakit para sa akin ang ginagawa ni Gabriel ngayon.

Our last talk was still a blur to me. Gusto ko siyang tanungin at deritsuhin pero kahit siya ay madulas at hindi nakikiayon sa akin.

"I gotta go now, Lola." I heard Gabriel saying goodbyes to Donya Consuelto.

Sumilip ako mula sa pagkakatago sa malaking halaman at doon ay nakita ko siyang handang handa na para umalis. Namumuo ang luha ko habang tinitingnan siya. My heart never hurt this much. Hiniwa ang puso ko at masakit huminga.

What are you doing, Gabriel?

I stared at him. He was wearing a lightweight white fleece top paired with a typical short hiking attire. He was also wearing a hiking boots. Matipuno ang katawan niyang humahakab sa suot niyang damit. Every woman would love seeing this sight of him. He has a golden skin because of the morning sunshine glowing its glory towards him. May malaking sukbit din siyang duffel bag sa kaniyang kanang balikat.

Bigla ay ipinalibot niya ang tingin sa buong mansiyon na tila may hinahanap.

I suddenly felt the goose bumps in me. Mabilis akong nagtago ulit sa pader malapit sa halaman habang nagtaas baba ang aking dibdib dahil sa kabang nararamdaman. Para akong magnanakaw na naghihintay ng tamang pagkakataon upang makuha ang minimithing sadya.

"Are you sure you don't want Tamina to come along with you, hijo? Ang pagkakaalam ko ay kasama mo siya dapat ngayon dahil iyon ang sinabi sa akin ni Rusty." I heard the Donya speak.

"Nope, Lola. It was not part of the plan." He coldly answered.

Nagulantang ako sa sagot niya. My own breath even hitched for a second. What is he saying?

How was I became not part of the plan when I'm the one who agreed about it? Nais kong humakbang patungo sa kanya at ipamukha iyon pero nanghihina ako sa naging sagot niya. My hands were even trembling. I can't believe that he just lied.

Naguguluhan ako.

I heard Donya Consuelto's sighed. "Well… If that's the plan, then so be it. Mag-iingat nalang kayo doon. By the way, I heard that Leslie is coming too..."

"Rusty just informed me this morning. When she heard about our agenda, she immediately asked Rusty if she could come along. Wala namang problema sa akin iyon." Gabriel said.

Who's Leslie?

"Oo nga naman para naman kayong walang pinagsamahang dalawa. " Humahalakhak na sabi ng Donya. "Matagal na ring hindi siya nakabisita dito. Please send my regards to her, hijo." Tila ay nagagalak niyang saad.

That woman must play a big part in their life. I suddenly felt my chest tightened. May bumalong na emosiyon sa puso ko na hindi ko maintindihan. And it makes me angry to the point that my whole body is heating up.

Kumuyom ng mahigpit ang kamao ko at pilit pinapahinto ang biglang bugso ng damdamin. I heaved a deep sigh and stopped my irrational thoughts.

Muli akong sumilip at nakita kong hinalikan na niya ang kanyang Lola. Pagkatapos ay mabilis siyang umarangkada sa sasakyan niya. Pinaandar niya ito at walang lingon lingon na umalis. Abot tanaw ko siyang nakikita hanggang sa gate ng mansiyon. At nang mawala sa paningin ko ay doon na kusang tumulo ang luha ko.

I can't no longer ignore the agony I'm feeling with. My patience looks like a deflating airbag--- ready to lash out.

Dahil wala naman akong gagawin ngayon ay pinayagan ako ng Donya na umuwi nalang ng bahay. Despite my heavy heart, I still have the courage to smile at my mother when I came home.

I felt so down.

Nang makita ni Nanay ang mukha ko ay kaagad niya akong niyakap ng mahigpit. Kusa akong nagpaubaya at hinayaan ang sarili kong malunod sa mga yakap niyang mapagkalma.

"Anong nangyari, nak?" Nababahala niyang tanong sa akin.

Umiling ako at napagdesisiyunang hindi na lang sabihin.

Umangat ang mukha ko at mabilis na hinawakan ang kamay niya.

"Kumain na po kayo?" Nakangiti kong tanong.

Matiim lamang siyang nakatitig sa akin na tila inaanalisa ako kung sasabihin ko ba ang nangyari. Pero hindi ako ganoong tao. A person can changed in just a period of time but it depends on her or his past. In my condition, napuno nang takot ang buong kabataan ko dahil sa mga nakaraan ng mga magulang ko na kahit ang buong lungsod ay hindi kayang kalimutan.

It's true. We can forgive but we can't forget. Hanggang ngayon, hindi ko alam kong anong nangyari. Hindi sa duwag akong malaman ang lahat kundi ay pinili ng aking ina na tumahimik na lamang. I don't know who are those people involved in her past. At base sa reaksiyon ng mga taong may galit sa amin, alam kong galing sa kilalang pamilya ang taong iyon.

The question is 'who's that man'?

Sumapit ang hapon ay nakatutok lamang ako sa aking laptop. I was busy making a design for a two-storey house. It's been a day since I started making this. My client suggested a platinum one, that's why I was so hooked up in bringing the details into a lively one. Hindi man ako nakapagtapos ay nagkaroon pa rin ako ng pagkakataong makatrabaho gamit ang pinag-aralan ko sa tatlong taon--- and that's through freelancing.

But sometimes I seldom accept a job, dahil palagi akong naglalagi sa mansiyon. At isa pa ay palagi akong umaakyat ng bundok noon kaya hindi ko rin masiyadong napagtuunan ng pansin. I have already my designs reserved in my laptop, so if ever the clients would approve to it directly, hindi na masiyadong hassle.

"Mag-meryenda ka muna, Tam." Yaya sa akin ni Nanay.

Napabuga ako ng malakas na hininga ng makita ang kabuuang desinyong nagawa ko. I click my mouse and orbit its 3D representation. I then thoroughly checked the edges if there's an overlapping line. Ganito ako ka mitukuluso kapag chinecheck ko na ang natapos kong 3D ng bahay. It was not that necessary because only the perspective view will be input. Pero hiniling din kasi ng client ang 3D files nito kaya kailangan kong i-check ng mabuti para walang palya.

When I concluded that it's was fine already, I then immediately saved it.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa sofa at ipinatong ang laptop ko sa glass table namin. Tinungo ko kaagad ang kusina. I felt so light and happy. Ganito lang kasi ako kapag may natatapos akong design. I feel so overwhelm and happy. Isang tanda na hindi pa ako kinakalawang sa departamintong iyon.

Inumang kaagad sa akin ni Nanay ang isang bananaque ng makita ako at sinalinan ako ng isang basong apple juice.

"Saan po kayo bumili nito, Nay?" Mahinahon kong tanong at umupo sa kahoy naming upuan sa kusina.

Nagpunas siya ng bibig bago sumagot. "Bigay lang iyan ni Mylene. Nagluto kasi siya kanina, pinahatid lang niya iyan kay Mina."

Kumunot ang noo ko. "Mina?"

"Iyong bunso niyang anak na napakatahimik. Hindi mo kasi palaging nakikita dahil wala ka naman dito naglalagi." Natawa pa siya ng kaunti. "Ang sabi niya ay gusto niya ding maging architect paglaki niya katulad mo. Idol na idol ka daw noon sabi niya. Hiniling nga na turuan mo siya kapag bumisita siya ulit dito. Nawiwili talaga sa iyo ang bata, nak."

Natawa din ako at napapangiti ng wala sa oras. I really love kids.

"How old is she, Nay?"

Kumibot ang labi niya at nakapameywang na hinarap ako. "Mga four years old ata. Iyon ang pagkakita ko."

"Ang bata pa niya…" Namamangha akong nakatingin kay Nanay.

Nangiti siya sa sinabi ko. "Kaya nga… Tignan mo kapag bumisita iyon dito at nagkataong nandito ka ay mapapalapit talaga sa iyo ang bata."

I smiled unknowingly.

Nagpaalam ako kay Nanay na sa labas ko nalang kakainin ang akin.

Tanaw ang malaking hardin namin sa likod ng bahay ay naisipan kong umupo sa sementong upuan na pinagawa ko noong nakaraang buwan. It was very artistic. Pinili kong maging kahoy ang desinyo nito sa halip na totoong kahoy ang ipalagay ko. I even make it more realistic and painted it with goldish browned color. Para bumagay sa ambiance ng naturang hardin.

I basically implemented this garden last year. Kasama kasi ito sa gusto ni Nanay. Sinadya kong pataniman ng naglalakihang bulaklak at mga gulay ito. Ang sabi ni Nanay ay maraming pumupunta na mga malalapit na kaibigan niya dito dahil nagagandahan sa hardin namin. Malawak kasi kaya ginawang tambayan nila Nanay.

Napapikit ako ng tumama sa akin ang preskong hangin. Agad na sumayaw sa ihip ng hangin ang mga naglalakihang sunflower na kanang bahagi ko.

I swirled my tongue and the sweet flavor of the bananaque hit my senses again.

Napatingala ako sa langit at ngumiti ng maaliwalas ito ngayon kahit man papagabi na.

"You see, Gabriel… I can forget you even for how many hours." I whispered in the wind. "Pero bakit masakit pa rin…"

Mapait akong yumuko at inabot ang juice. I immediately drink it and savor its sweetness. Pagkatapos ay inabot ko ang cellphone ko. I then browsed my social media account. Wondering where it will show me, I then thought of Gabriel.

Does he have a facebook account?

Nang mapagtanto iyon ay mabilis kong ibinababa ang basong hawak ko at pinagpag ang kamay ko para mawala ang pagkakabasa noon. Gamit ang dalawang kamay na hinawakan ang cellphone ko. I then typed Gabriel's name in the research box.

Kagat labi akong naghintay at kinakabahan ng sa wakas ay nagpakita ang iilang account na lumabas. Naiinip akong nag-scroll ng makitang hindi siya iyon. I was about to close my phone but then something caught my attention--- a profile picture of a familiar tattoo.

Pinindot ko ang account na iyon at nagulat ng makitang kay Gabriel nga. The photo was in private settings that's why I wasn't able to see it clearly but I know that tattoo in every angle because that's my tattoo at my back.

My tattoo is a tribal pen. At imposibleng may tattoo siyang ganon dahil ilang ulit ko nang natitigan ang katawan niya.

Huwag masiyadong assuming, Tamina!

'My treasure' , that was his caption in that profile. It has almost five thousands likes and reactions. May mga comment pang hindi ko na binasa. When I saw the date he posted it, I was almost lost at the own beating of my heart. Sabog na sabog at sumasakit na ang dibdib ko.

I gasped. Wala sa sariling pinaypayan ko ang sarili ko ng mamawis ang noo ko kahit man malamig ang simoy ng hangin.

It was posted three weeks ago. Did he saw my tattoo when we bathed together in the spring?

Umiling ako at piniling hindi unahan ang lahat.

Gabriel was so popular too. Maraming followers kahit hindi naman siya kadalasang nagpopost. Hindi na nakapagtataka kung lahat ng mga followers niya ay mga babae.

"Tam!" Rinig kong tawag ni Nanay mula sa kusina kaya napapitlag ako.

Mabilis kong inayos ang suot ko ng nakitang nalihis iyon.

"Bakit po?" Sigaw ko pabalik.

Maya maya ay nakita ko siyang lumabas mula sa pinto. Akala ko siya lang pero may sumunod na mga pamilyar na bulto sa kanya.

Namilog ang mata ko sa nakita at mabilis akong napatayo ng wala sa oras.

Ngumiti si Nanay sa akin. "O siya sige. Maiwan ko na muna kayo dito."

Elizabeth sweetly smiled at my mother and politely nodded. "Maraming salamat po, Nanay." Mahina niyang sabi.

Tinalikuran ko sila ng mamuo ang luha ko sa aking mga mata.

It's been what--- five years?

"T--tam…" Narinig ko ang mahinang tawag sa akin ni Melhanie. Nanginginig ang boses niya at mukhang iiyak na.

How did they find us?

Naiyak ako ng tuluyan at sa pagtulo ng luha ko ay naramdaman ko ang paghawak niya sa siko ko. Napatingala ako sa kanya at nakitang naiiyak na din siya. Wala siyang inaksayang panahon at kinabig ako ng yakap.

"How dare you leave us like that, you sweet little witch!" Naiiyak na sabi ni Melhanie sa akin. Ang kanyang mga luha ay nag-uunahang tumulo sa balikat ko.

Napayuko ako. "I---I'm so sorry."

I heard Elizabeth chuckled when Mhelanie slap me on my butt.

"Mhel!" Nahihisterya kong saad at nag-angat ng tingin.

She arched her brows on me. "Aangal ka, babae?" Pagkatapos ay dinuro niya ako kaya napaatras ako. "Ang kapal ng mukha mong iwanan kami ng walang paalam, huh?" Nanliliit ang kanyang mata habang nakatingin sa akin.

Naramdaman ko ang isang haplos sa aking likod. I know that it's Elizabeth.

"Group hug!" Sigaw niya.

Sumimagot si Mhelanie sa kanya. "Walang mangyayaring group hug hanggat hindi ko nasasabunutan ang babaeng iyan, Eli!" Tumili pa siya na animo'y nababaliw.

Mabilis akong tumakbo sa likod ni Elizabeth na ngayon ay natatawang nakatanaw sa aming dalawa.

"Should I inform you, Tam… that Mhelanie study Taekwando to beat you up?" Mahina niyang sabi sa akin at natawa.

Mas lalong namilog ang mata ko. Napamaang akong nakatitig pabalik kay Mhel na ngayon ay may hawak ng malaking stick ng kahoy.

"You got to be kidding me, Mhel?!" Hindi ko mapigilang sigaw sa kanya.

She smirked. "Come on, Tam. Give me fun!"

"Are you crazy?!"

Napahagalpak ng tawa si Eli sa sigaw ko.

"Hayyy… Nagugutom na ako!" Sigaw niya at tinalikuran ako para pumasok ng bahay.

Wow! She really doesn't care about me!

"Tamina! Come back here!" Sigaw ni Mhelanie mula sa labas ng tumakbo ako papasok ng bahay.

Bahala siya doon! Sino ba ang may gustong mabugbog!

Shit!

Mhel was so violent, hindi pa rin nagbabago. Kung baliw siya noon, mas nagiging baliw siya ngayon!

Tuloy tuloy lang akong nagtatakbo pero bago pa ako makapasok sa kwarto ay may humigit na sa akin ulit.

"I'm so happy I got to see you before I marry, Tam." Elizabeth immediately hugged me. "I missed you, doll."

"W---what? You're getting married?!"

She smiled at me and shows me her finger that has a ring on.

"Yeah!" Nasisiya niyang saad.

I was about to congratulate her but Mhel was now on the door glaring at us. Unti unti ay nagbago ang ekspresiyon niya at naiiyak na binitawan ang stick na dala. Nagpapadyak siyang lumapit sa amin at pareha kaming sinampal sa pang-upo namin.

"Stop it, Mhel! Malalaglag na ang matris namin ng dahil sa iyo eh!" Naiinis na bunton ni Eli sa kanya. "How will I bare my Nicholas a child with that situation, huh?"

Napangiwi ako sa sinabi niya. That was so vulgar!

"Bigyan ko kayo ng anak eh!" Mhelanie jokingly said and sticked out her tongue like a child.

Natawa ulit kami.

Ngayon ko lang din napagtanto na miss na miss ko na rin sila. They were my bestfriend in my college days. Kaya nagagalit sa akin si Mhel ngayon dahil nagdrop out nalang ako sa school at basta basta at iniwan silang walang paalam.

Ayaw ko pang madamay sila sa gulo ng buhay ko noon kaya pinili kong umalis nang walang salita. Sapat nang si Terry lamang ang nakakaalam ng buhay ko. Pero sa nakikita ko ngayon, I don't think I have the heart to reject them anymore in knowing me more.

"Group hug!" Mhel finally declared happily and before we know it, we are already crying loudly at each other like a baby.

Oh! What a day!

下一章