Hindi ko pinagsisihan ang halik ko sa kaniya. I did it freely and not against my will. But what it turned out is the thing I'm afraid of right now.
After that night, Darry said to my parents na mas mabuting nandito ako sa Negros for the review para raw mas maka-relax ako. Since hindi na rin naman daw ako ang hahawak ng company kasi nandito na ang parents ko. Wala na rin naman daw akong gagawin sa Manila kaya mas mabuti raw na manatili ako rito sa Negros.
I want to protest. Pero wala akong nagawa kundi ang sundin ang utos nila. Pinagbigyan ko, baka sakaling kailangan niya lang ng space dahil sa nangyari at sa mga nalaman. Kahit na hindi man lang niya inalam ang side ko. Hinayaan ko siya. Nagpaubaya ako.
Unang dalawang linggong pananatili ko sa bahay ay puro review lang ang ginagawa ko. Merong pinagdidikitan ko ang buong dingding ng study room namin ng mga formulas para makatulong sa akin sa pagri-review.
My routine for that two weeks is that I wake up early in the morning, jog and some exercise to start the day, freshen up, breakfast, tapos magkukulong sa study room para sa buong araw na pagri-review. Pinapadalhan lang ako ng mga snacks and other foods sa study room para hindi na ako lumabas. The repeat. 'Yon lang. Ang boring, 'di ba?
So far, wala namang naging sagabal sa pagri-review ko. The house is empty kasi sinusulit nina Kuya Yosef ang isang buwang bakasyon nila sa Pilipinas through traveling. Si Ate Tonette and family naman ay nasa Don Salvador, pinamamahalaan nila Kuya Uly ang planta roon kaya sa rest house sila nakatira ngayon. Umuuwi lang ng weekends. Tapos si Mama at Papa, nasa Manila na to handle the Osmeña Business Empire. Kaya mag-isa ako. At kung itatanong n'yo kung nasaan ang asawa ko? Ayon, working his ass off. Punyemas.
Another two weeks passed. Isang buwan na ako rito sa bahay namin. Still silently reviewing and focusing on the coming boards.
Nasa study room ako ngayon. Scrolling up and down sa Macbook for the modules and other notes of the reviews. Minsan napapatingin din ako sa dingding to randomly memorize and analyze the formulas na dinikit ko roon gamit ang manila paper.
Buong araw na ako sa study room. Sumasakit na naman ang likod ko kahit na comfortable naman ang swivel chair na inuupuan ko. Tumayo ako at nag-stretching.
I need to breathe some fresh air!
Iniwan ko ang mga gamit ko sa study room at diretsong lumabas ng study room. Saktong nakita ko si Mely na naglilinis ng mga muwebles sa unang palapag ng bahay. May kasama siyang isang kasambahay, mukhang bago kasi hindi ko pa masiyadong pamilyar at bago siya sa paningin ko.
Nang nakita ako ni Mely, huminto siya sa ginagawa niya at biglang lumapit sa akin.
"Ma'am MJ, 'yong cellphone n'yo po, kanina pa po nag-iingay sa loob ng kuwarto n'yo Ma'am, naglilinis po kasi ako roon kanina Ma'am."
"Pakikuha naman ng phone ko, Mel," sagot ko na lang at nagpatuloy sa paglalakad papuntang labas ng bahay.
Tumayo ako sa labas ng pinto at nilanghap ang sariwang hangin ng hapon. Nakapameywang pa ako habang nakamasid sa paligid. Nginitian ko na rin ang sekyu na nasa malapit lang naman.
Ang hirap mag-isip ng ibang bagay lalo na't gusto mong mag-focus sa reviews mo. Ang hirap magpigil na hindi siya isipin. Isang buwan na kaming walang paramdam sa isa't-isa. Kahit na nagpapa-kuwento ako kay Erna at Alice sa kung ano na ang balita sa kaniya ay hindi ko naman maaasahan 'yon, kaonti lang ang alam nila at sa tuwing uuwi lang si Darry ang maibabalita nila.
Hindi nila alam ang buong estorya. Hindi naman ako makapag-tanong sa secretary niya kasi ayoko namang isipin nila na masiyado kong inaalam ang bawat galaw ng asawa ko. E, asawa ko lang naman siya, hindi ko naman siya pag-aari. Kaya ang hirap. Sobrang hirap.
"Ma'am MJ, heto na po." Lumapit si Mely sa akin dala ang phone kong palagi kong pinapaiwan at sinasadyang itago sa kuwarto para hindi ko makita at maiwasang may matawagan. It's kind of effective for one month though, kaya gagawin ko pa rin sa mga susunod na araw.
Umalis na si Mely at naiwan ulit akong mag-isa. Kinalikot ko ang phone ko. Puro nonsense messages lang naman ang natatanggap ko except sa isang text message from my Review Center. Binasa ko kaagad ito. Alam ko kasing importante 'to, e.
Inhinyero Review Center:
Diagnostic Testing Tomorrow @ 1 pm. See you future engineers!
What the paking pak? May diagnostic testing bukas tapos nandito ako sa Negros?
Dali-dali akong pumunta ng study room to check the schedule of our review. And punyemas, kasi nandoon ang diagnostic testing! At bukas na iyon!
Kinuha ko ulit ang phone ko and hinanap ang number ng secretary ko. Tatlong rings at agad niyang sinagot ito.
"Boss! Good afternoon, Boss!"
Ni-loudspeaker ko ang phone para makapag-arrange muna ako ng mga papeles na kakailanganin ko bukas habang nakatawag sa kaniya.
"Aira! Busy ka ba?"
Hindi naman ako masiyadong nagmamadali pero nagulat lang talaga ako na nakalimutan ko nga ang schedule ko bukas! Masiyado akong nawili sa kaka-review sa napakatahimik na bahay namin.
"Hindi naman Boss, bakit po Boss? May ipag-uutos po ba kayo Boss?"
"Book me a flight going to Manila today, as in right now. May diagnostic testing ako bukas and kailangan kong makapunta ng Manila tonight. Nakalimutan ko kasing may diagnostic testing nga pala kami bukas. Can you do that, Aira?"
Ipinasok ko sa iisang plastic folder ang mga notes na kakailanganin ko bukas and some of my important papers na rin.
"Yes, Boss! I'll send you the flight details right after Boss. 'Yon lang po ba ang ipag-uutos n'yo Boss?"
Huminga muna akong malalim at tinanaw ang phone kong nasa ibabaw lang ng lamesa ko.
"Call Mama's secretary, tell her I'm going to Manila and pakisabi na rin na kailangan ko ng sundo. Kung sino ang available na driver sa mansion, 'yon na lang ang sumundo sa akin." In-off ko ang louspeaker at inilagay sa tenga ko ang phone. Bitbit ang isang plastic folder ay lumabas ako ng study room at hinanap si Mely.
"Po? Hindi po ba kayo magpapasundo kay Sir Darry, Boss?"
Napahinto ako sa paglalakad at tinanaw ang kawalan.
Magkikita na naman pala kami. Kung magkikita. Paano kung hindi? Edi mabuti.
"Hindi na, sa mansion naman ako uuwi, e, kaya ask one of Mama's available drivers o kaya 'yong company drivers natin para may sumundo sa akin."
"Areglado Bossin! Isi-send ko na lang po ang flight details, Boss."
"Thank you talaga Aira, I know palabas ka na ng opisina ngayon. It's almost five PM na rin, kaya pasensiya na sa abala ha?" Puno ng pagpapasensiyang sabi ko. Hindi kasi ako sanay na mag-utos sa mga secretary o 'di kaya'y mga trabahante ng company. Direktang sina Mama kasi ang nag-aasikaso sa mga ganito. Nasanay lang ako nang nanirahan na ako sa Manila. At ngayon ay magbabalik na ako roon. After isang buwan.
"Ano ka ba, Boss! It's my job po! I'm your secretary po kaya. Pero sigurado po kayo, Boss, na hindi ko po ipapaalam kay Sir Darry na uuwi kayo rito sa Manila, Boss?"
I sighed again and clasp the files.
"Hindi na Aira, I know he's busy. 'Wag na natin siyang abalahin, uuwi rin naman ako agad after this dianostic testing."
"Sige Boss, aasikasuhin ko na po muna ang ticket n'yo Boss."
"Sige." At ako na mismo ang nag-end ng call. Ibinulsa ko ang phone at agad naghanap ng kasambahay.
Nakita ko sila sa kusina na nagmi-merienda.
"Ma'am MJ, pasensiya na po, madali lang po itong merienda namin, babalik din po kami agad sa trabaho," depensa agad ng isang kasambahay na si Gina nang makita ako sa kusina.
"Merienda po tayo, Ma'am MJ," offer naman sa akin ng baguhang kasambahay na si Elsa.
Umiling ako at agad ngumiti.
"Hindi, ayos lang, mag-merienda lang kayo r'yan. Walang kaso sa akin 'yon." Nagsibalikan naman sila sa kanilang inuupuan. "May iiwan lang akong utos sana kay Mely," sabay tingin kay Mely.
"Ano po 'yon Ma'am MJ?"
"Pakilabas ang maliit kong maleta tapos paki-impake na rin ako ng damit good for three days, aalis ako at mamayang gabi ang flight ko, pupunta akong Manila."
"Sige po, sige po."
"Maliligo lang ako ha?" Bilin ko sa kaniya.
Aalis na sana ako nang biglang pumasok sa kusina ang mayordoma ng aming bahay na si Manay Daisy.
"Aalis ka? Bakit biglaan naman yata?"
Nilingon ko siya at agad nginitian.
"Nakalimutan ko po kasi na kailangan ko pa lang pumunta ng Manila this week Manay. Masiyado po akong nawili sa kaka-review kaya nakalimutan ko ang schedule ko. Kaya po aalis ako mamayang gabi," sagot ko naman sa kaniya.
"Alam na ba ito ni Madam?" Sinamahan ni Manay Daisy ang iba pang mga kasambahay sa pagmi-merienda kaya sinundan ko siya ng tingin.
"Pinasabi ko na po sa kanila through her secretary."
"E, ng asawa mo? Alam ba niya na pupunta kang Manila?" Wala sa sarili akong napakamot sa batok ko sa sinabi ni Manay Daisy. Bahagya pa akong yumuko atsaka umiling. "Aba, MJ, sabihan mo 'yang asawa mo nang masundo ka niya sa airport. Mag-iisang buwan na rin kayong hindi nagkikita, a."
"Hindi na po kailangan, Manay. Sa mansion naman ako matutulog, e."
"Mansion?" Nagulat siya sa sinabi ko kaya natigil siya sa pagti-timpla ng kape.
"Opo," sagot ko naman, pilit iniiwasan ang gulat niyang pagmumukha.
"Mansion ng mga Leonardia? Bakit ka naman doon matutulog? E, 'di ba sa bahay ka ni Darwin nakatira noong nandoon ka?" Hindi pa rin nagpapatuloy si Manay sa pagtitimpla ng kape, nakatingin pa rin siya sa akin.
"Nami-miss ko na po kasi sina Mama," pagdadahilan ko. Partly true, partly not. Sorry Mama Blake and Papa Rest.
"E, 'yong asawa mo ba? Hindi ka ba nangungulila sa kaniya? Isang buwan na 'yong tumatawag dito sa bahay para itanong kung anong ginagawa mo sa araw-araw. Sigurado 'yon, nangungulila sa'yo. Hindi naman kita masabihan dahil nga nagkukulong ka lang sa study room n'yo. Hindi ba kayo nagkakatawagan at bakit sa telepono ng bahay pa tumatawag si Darwin?"
What? Ha? Anong sinabi ni Manay Daisy? Ha? Tumatawag si Darry sa bahay? Araw-araw? Bakit naman? Galit sakin 'yon, e! Kaya bakit?
"Aba hija, MJ, magseryoso ka na sa buhay ha? 'Wag na puro laro, kasadong tao ka na at pahalagahan mo 'yang relasyon n'yo ni Darwin. Ayusin mo ang trato mo sa batang iyon, mabait yaon."
Tulala akong umakyat sa kuwarto ko dahil sa sinabi ni Manay Daisy.
Araw-araw tumatawag si Darry sa bahay? Ano naman kaya ang mga pinagsasabi ni Manay sa kaniya? Sa ugali pa naman ni Manay, talagang nagsasabi 'yon ng totoo. Walang pinapalampas na balita, maski maliit na detalye, detalyado niya 'yan. Punyemas. Mabuti na lang talaga at wala akong ginawang kabulastugan. Mabuti na lang talaga.
Napatigil lang ako sa pag-iisip nang ma-send na sa akin ni Aira ang flight details ko. Alas-nuwebe ng gabi ang flight ko kaya dapat ngayon pa lang, bumiyahe na ako pa-Silay. Nagpahatid na rin ako kay Manong Bong sa airport.
Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinabi ni Manay Daisy kanina. Araw-araw tumatawag si Darry para malaman kung anong ginagawa ko sa isang araw. Araw-araw sa loob ng isang buwan. That's thirty days or worst, thirty-one days! Every goddamn day! Gustong matuwa ng puso ko pero pinipigilan na naman ako ng utak ko. Sa huli naming pagkikita, alam kong galit si Darry. At hindi ko alam kung may mukha pa ba akong ihaharap sa kaniya. Hinalikan ko siya! Ang kapal ng mukha kong gawin 'yon sa kaniya! Hinalikan ko siya! At ang masaklap doon, he didn't kiss me back!
Damn! Maria Josephina Constancia, didn't kissed back by the person she likes. Punyemas, that's bad news at ikahihiya ako ng mga kaibigan ko kapag nalaman nila ito. Ikahihiya talaga! Pati ng Osmeña Clan, ikahihiya ako! Maski nga ang bakla, 'pag hinalikan ko, papatulan ako. Pero isang Darwin Charles Lizares? Tinanggihan ang halik ko? Punyemas, galit nga siya.
That was my first kiss to him! First. Fucking. Kiss! Tapos tinanggihan? Okay ka lang, MJ?
Mga bandang alas-diyes na ng gabi ako nakarating sa Manila. Still exhausted with the trip and buong araw na pagri-review, pinilit ko ang sarili kong gumalaw.
Akay-akay ang maleta, humihikab pa akong naglalakad palabas ng airport. Grabe 'yong hikab ko kasi napahinto pa talaga ako sa paglalakad at pinikit ang mata. Antok na antok na talaga ako, naluluha na ako sa pagod, e. Bakit ba kasi hindi ako nakatulog sa eroplano kanina. Kasalanan to nang maaga kong paggising tapos ni hindi man lang ako nakapag-siesta dahil sa pagri-review. Pagod na pagod lang siguro ang utak ko.
Matapos ang hikab kong iyon, humikab ulit ako.
"Hay! Diyos ko po. Nakakaantok naman ang hangin ng Manila." Tumigil ako sa paglalakad para labanan ang antok. Punyemas. Baka talaga humilata lang ako bigla rito sa malamig na sahig ng airport 'pag hindi ko napigilan ito.
Daig ko pa bumiyahe mula sa kabilang sulok ng mundo sa pagod na nararamdaman ko ngayon. Punyemas talaga, ano bang nangyayari sa akin?
Nagpatuloy ako sa paglalakad at hinahanap ang kotse na sumundo sa akin. Hindi na ako nakapagtanong kay Aira kung sinong driver ang susundo sa akin. Kilala ko na naman ang mga drivers namin dito sa Manila kaya kahit na hindi sabihin sa akin, makikilala ko pa rin. At kung walang susundo sa akin, edi magko-commute. Problema ba 'yon? Hindi naman ako kilala rito sa Manila kaya walang ki-kidnap sa akin dito.
Lumingon ako sa mga taxi lane, na nasa kaliwang parte ng labasan ng airport, medyo marami ang naka-pila roon. Naghihintay kung kailan sila makakasakay dala ang mga bagahe nila.
Lumingon naman ako sa kanang parte kung nasaan ang mga private cars na naghihintay sa mga pasaherong katulad ko na galing sa loob ng airport. Hinanap ko kung nandoon ba ang isang kotse nina Mama pero wala akong nakitang pamilyar na kotse roon, e.
Punyemas. Baka hindi ako makasakay agad, kailangan ko pa namang magpahinga nang maayos para clear ang mind ko bukas sa diagnostic testing.
Bumuntunghininga ulit ako na sinabayan na naman ng paghikab ko habang iniharap na ang tingin. Hindi ko na tinakpan ang bibig ko. Bahala na, basta ang importante makapag-hikab ako nang maayos.
Punyemas.
Naiwang naka-awang ang bibig ko nang makakita ng isang pamilyar na mukha sa mismong harapan ko. Dalawang dipa ang layo sa akin at prenteng nakasandal sa front seat ng kaniyang Camaro. Damn. Damn you!!!!
Limang segundo akong natulala. Limang punyemas na segundo akong nakanganga sa harapan niya! Punyemas, MJ! Get your shit back together.
Nang maka-recover sa gulat. Agad kong tinakpan ang bibig kong nakanganga mula sa paghihikab ko kanina. Punyemas. Nganga pa, MJ!
Sunod-sunod na lunok na naman ang ginagawa ko habang nakatingin lang sa kaniya. He's just there, leaning on his car, staring at me with no emotions at all. Hindi ko tuloy malaman kung natutuwa ba siyang makita ako after one month of not seeing each other.
Kasi ako... tuwang-tuwa ako. Tuwang-tuwa ang puso ko. Kung puwede lang patalunin ko ito sa trampoline, pinatalon ko na ito. Baka nga mataas ang talon nito at umabot ito sa kalawakan. Wala na akong pakialam kung bumalik pa ito sa earth pero sana hindi na kung ganito ang feeling ng totoong masaya 'pag nasulyapan mo ang taong gusto mo na hindi mo nakita nang mahabang panahon. Oo, mahabang panahon na ang isang buwan sa akin.
It's so amazing that everytime I see him from a very long time of not seeing him, may mga nagbabago talaga sa mukha niya. His stubble beard grew even longer than usual, his medium length hair is now almost reaching the level of his defined jaw and it's now in a half-manbun. His rimless specs still fits his godlike face. His looks grew darker than usual. At halata sa mukha niya ang pagod kahit na fresh na fresh pa siya sa kakabuka pa lang na bulaklak sa maaraw na hapon.
I miss him. I miss him so damn much. I miss you, Baby. Do you miss me too?
Naibalik ako sa earth nang gumalaw siya sa pagkakatayo at walang salitang binuksan ang front seat at lumapit sa akin.
Punyemas! Lalapit siya sa akin!
Biglang sumibol na naman ang panibagong kaba sa dibdib ko at automatic na napapikit ako ng mata at umiwas ng tingin sa kaniya.
Baka kasi saktan ako o 'di kaya'y singhalan o sigawan dahil alam kong may galit siya sa akin. Mabuti na 'yong handa 'no.
Pero wala... wala akong narinig na sigaw, wala akong naramdamang sampal sa pisnge ko. Ang tanging naramdaman ko lang ay ang pagbitiw ko sa hawakan ng maletang dala ko.
Humupa ang naghuhuramentadong puso ko at dahan-dahang binuksan ang mata. Inilagay niya sa compartment ng Camaro niya ang luggage ko at umikot para sumakay sa driver's seat. Nanatiling nakabukas ang front seat.
Siya talaga ang sumundo sa akin? Bakit niya nalaman na uuwi ako? Sinabi ba ni Manay Daisy? Aira? Mama? Sino sa kanila?
Marahas akong bumuga ng hangin at maingat na naglakad pasakay sa kotse niya. Nababahag ang buntot magtanong kung paano, saan, kailan, at bakit. Nababahag ang buntot ko sa tuwing kaharap ko siya.
Ganito ba ang epekto ng isang Darry Lizares sa mga babaeng nagkakagusto sa kaniya? Ganito ba? Cause I like it and I don't like it at the same time. It's hurting me and it's giving me euphoria.
Punyemas, baby, what are you doing to me?
He brought me to his penthouse. My plans on sleeping tonight sa mansion ay malayo na sa pagiging totoo. I want to protest but before I could, nagsalita na siya dahilan para hindi na ako nakapagtanong pa.
"Mama said you'll be staying at the penthouse. Walang tao ngayon sa mansion dahil may pinuntahan silang isang exclusive dinner with the President of the Philippines kaya ako ngayon ang sumundo sa 'yo."
O 'di ba, bago ko pa man maitanong sa kaniya, nasabi na niya lahat ng sagot sa mga tanong na gusto kong itanong. Ang talino mo talaga, baby! Bida ka na naman!
Nasa penthouse na kami nang magsalita na siya kanina. Buong biyahe galing airport papuntang BGC ay tahimik kaming dalawa. Sobrang awkward. Super duper awkward! At laking pasasalamat ko sa lahat ng santo sa buong mundo nang magsalita na siya nang makapasok na kami sa penthouse.
"Magpahinga ka na, kailangan mo ng pahinga para sa diagnostic testing n'yo bukas."
And punyemas! He even knew about my diagnostic testing tomorrow! So legit talaga na tumatawag siya sa bahay sa loob ng isang buwan? At paniguradong alam niya ang lahat.
"Sino pa ba ang hindi nakakapag-file for the board exam?"
Kakatapos lang namin sa diagnostic testing and the review center coordinator, who also served as our proctor for this test, is leaving us some final instructions.
Nasa pinakalikurang parte ako ng hall at puro maiingay ang nandito. Wala akong kakilala kasi bukod sa hindi naman ako uma-attend ng lecture everyday, mga tiga-Manila naman ang mga kasali sa lecture na ito kaya wala talaga akong kakilala. Pamilyar lang ang mga mukha nila kasi nga pangalawang diagnostic testing na namin ito sa time range ng aming review at basically, pangalawang beses ko na rin dito kaya hindi talaga maiiwasan na merong biglang tititig sa 'yo kahit hindi ka naman pinapansin. Kaya naisipan ko ring dito na umupo sa pinakalikuran. The first time I was here, I was sitting in front kasi and I got shocked with the amount of attention I got that time. Not again.
May iilang nagsitaasan ng kamay kaya napataas na rin ako ng kamay. May lumingon pa nga sa akin, e. Pero hindi ko na pinansin.
"Medyo marami pa. Okay. So, sa mga hindi pa nakakapag-file, magpa-online register na kayo ngayong araw para makakuha kayo ng appointment sa PRC tomorrow at sa Friday. We will give you time to file for two days. The review will resume on Monday. Is that okay?"
'Yan ang huling instructions sa amin ng review center. Wala rin naman akong angal kasi hindi naman ako sumasali sa mga lectures pero ibig sabihin lang noon, apat na araw akong matitigang sa mga modules na natanggap ko from yesterday's lecture? Okay.
Tahimik akong lumabas ng review center. Keeping my identity lowkey para hindi na talaga ako maka-draw ng attention. That's the least I want to have right now: other people's attention.
Iisang attention lang naman ang gusto kong makuha as of this moment, e: ang makuha ang atensiyon niya.
Punyemas. Baliw na yata ako? O epekto nang makapigang utak na diagnostic testing kanina. Punyemas, maybe it's the latter.
Dala ko ngayon ang Trailblazer ni Darry at mag-isa lang ako at ako na mismo ang nag-drive. Ayoko nang mang-hassle ng ibang tao kaya kung kaya ko naman, gagawin ko na.
Mga bandang alas-sais ako nakalabas ng review center kaya agad akong naghanap ng makakainan. Parang gusto kong mag-shopping! Ilalabas ko lang ang stress na naramdaman ko kanina sa diagnostic testing. But before entering the mall, nag-text na muna ako kay Alice. Saying na sa mall na ako magdi-dinner.
After that, I locked my phone and enter the premises of the mall with my phone and my card holder in my hand.
Saan ba masarap kumain dito?
Ah! Alam ko na. Finestra Italian Steakhouse na lang. Parang nag-c-crave ako ng steak, e.
Pumasok nga ako sa isang Italian Restaurant dito sa mall. Tinanong agad ako ng waitress kung table for what ba. Siyempre, alangan naman sabihin kong good for two kahit na wala naman akong kasama.
Dinala ako ng waitress sa pinaka-sulok na parte ng resto, pero makikita pa naman ang view sa labas.
Tsk, por que mag-isa lang ako, kailangan ba talagang i-isolate ako? Punyemas, nakakapang-insulto, ha. Charot lang.
Binigyan ako ng menu. Isang pasada lang ng tingin at hindi ko na pinatagal, sinabi ko agad kung anong order ko. Ano bang kine-crave ko? 'Di ba steak? Edi steak nga ang in-order ko. Sinamahan ko lang ng iilang side dishes.
Umalis 'yong waitress na umasikaso sa akin para asikasuhin naman ang in-order ko.
Nakapanglumbaba akong nakamasid sa kabuuan ng restaurant. Inaaliw ang sarili habang hinihintay ang pagkain. Nagpa-serve na rin ako ng wine para may pinagkaka-abalahan ako while waiting.
Habang nasa ganoong posisyon, napansin ko ang pagpasok ng isang magandang babae sa entrance ng resto. Isang pamilyar na magandang babae. Pamilyar na pamilyar.
Oo nga pala! Punyemas!
Napa-ayos ako ng upo at sinundan ng tingin ang babaeng kapapasok lang sa resto.
Oo nga pala! Kumusta na kaya siya? Wala na akong naging balita sa kaniya. Kung anong naging reaksiyon niya at kung saan na siya napadpad. Bakit ba hindi ko inalam ang kalagayan niya? At kung anong naging reaksiyon niya sa pagpapakasal ng kaniyang ex sa akin? Ang alam ko lang, naghiwalay na sila. Pero paano at bakit?
Matinding paglunok ang nagawa ko nang isa-isang pumasok sa isipan ko ang pangamba. Ex-girlfriend siya ni Darry at nasa Manila rin siya. Nagkita na ba sila? Noong wala ba ako rito sa Manila, nagkita kaya sila?
Between me and her, mas matimbang ang nararamdaman nila sa isa't-isa dahil nagka-relasyon sila. Kami, ipinagkasundo lang. No feelings involved. Pero ang sabi ni Darry... mahal niya raw ako. Totoo ba 'yon? Dapat ko bang panghawakan 'yon?
Lumipat ako ng bangko, sa tapat lang ng inuupuan ko, 'yong nakatalikod ako sa puwestong inupuan ni Callie Dela Rama. Malayo naman siya at sa dami ng tao rito sa resto, imposibleng makita niya ako. Pero grabe na kung kumabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan nang makita siya. Hindi naman niya siguro ako nakita pero kinakabahan pa rin ako.
Sa buong oras kong pagkain at paglilibot, 'yon lang ang naging laman ng utak ko. Ang presensiya ni Callie Dela Rama! Nakalimutan ko siya! Nakalimutan kong meron nga palang girlfriend ang taong pinakasalan ko. Hindi na ako magtataka kung magagalit siya sa akin. Pero ang sabi ni Mommy Felicity at Daddy Gabriel, hiwalay na sila bago pa man kami ikasal kaya anong kinakatakutan ko?
Natatakot ako na baka... bumalik si Darry sa kaniya at iwan ako. Ganoon.
Kaya kinabukasan, tulala ako habang inaasikaso ang mga papeles ko for the board exams. Nakatulogan ko na't lahat, 'yon pa rin ang laman ng utak ko.
"Boss, okay ka lang ba?"
Nilingon ko si Aira at pagak na ngumiti sa kaniya.
"Oo, medyo nagkulang lang sa tulog."
Kasama ko ngayon si Aira para magpatulong sa pag-f-file. Madali lang naman daw kaso first time ko kaya nagpasama pa rin ako.
"Um, Boss, kanina ko pa napapansin..." Umayos ako ng upo at tiningnan si Aira. Nakaupo kasi kami sa waiting area ng PRC Manila, hinihintay namin 'yong huling step ng processing.
"Anong napansin mo?"
"May isang lalaki po kasi sa bandang kaliwa n'yo po, Boss, kanina pa po tingin nang tingin sa inyo. Baka kilala mo Boss?"
Walang pagdadalawang isip kong tiningnan ang bandang kaliwa ko. Medyo maraming tao rito sa PRC Office kaya naghanap pa ako ng isang mukha na nakatingin sa akin. Pero wala akong ibang nakita na pamilyar sa akin.
Maliban sa isang lalaking hindi lang pamilyar, kundi kilalang-kilala ko mismo.
"Wait for me here, Aira. Pupuntahan ko lang ang kaibigan ko."
"B-Boss..."
Ibinigay ko ang hand bag ko kay Aira at hindi nag alinlangang nilapitan ang puwesto niya. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya, maski ang pagkurap ng aking mata ay hindi ko ginawa. Nag-iwas siya ng tingin sa akin and I saw that he shifted on his seat.
"Raffy!" Maligayang bati ko sa kaniya. "You're here!"
Finding a familiar face in this busy city of Manila ay sobrang nakakatuwa na. Lalo na kapag alam mong close friend mo 'yon.
"MJ..." Malamig na sambit niya sa pangalan ko. Mahina lang pero naririnig ko despite of the commotions around us.
Oo nga pala, hindi nga pala maayos ang huli naming pag-uusap na dalawa. Sana okay lang siya.
"Dito ka ba nagri-review? Dito ka rin kukuha ng exams?" I smiled again, ayokong isipin ni Raffy na apektado ako sa nangyari sa amin noong graduation day. Ang gusto kong isipin niya ay kaibigan pa rin ang turing ko sa kaniya.
Tumayo siya sa pagkaka-upo at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Ngumiti pa rin ako kahit na medyo kinakabahan ako sa mga aksiyon niya.
Hinayaan ko siya sa ginagawa niyang pagsipat ng tingin sa akin hanggang sa tumigil ang tingin niya sa kaliwang kamay ko.
Punyemas. Oo nga pala. Nalaman kaya niya?
"So it's true that you're married?"
Punyemas. Sinasabi ko na nga ba.
Matinding paglunok ang nagawa ko dahil sa sobrang seryosong boses ni Raffy na sinamahan pa ng seryoso niyang tingin.
"Grabe ka naman Raf! Ilang buwan tayong hindi nagkita, 'yan agad itatanong mo sa akin?" Naka-ngiting sabi ko para kahit papaano'y maramdaman niyang nagbibiro lang naman ako.
"Oo nga, MJ, ilang buwan tayong hindi nagkita, hindi mo man lang nasabi sa aming kinasal ka na pala pagkatapos lang ng graduation."
Back to you, MJ!
Napasinghap ako sa sinabi ni Raffy.
"Yeah, I got married." Kibit-balikat na sagot ko.
"Kaya pala ayaw mo sa akin dahil ikakasal ka na pala."
Ramdam na ramdam ko talaga ang bawat pait sa mga sinabi niya. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at pa-simpleng tiningnan ang puwesto ni Aira. Nakatingin siya sa amin at may halong pag-aalala at pagtataka ang tingin niya.
"Do we really need to talk that here, Raf?" This place is an inappropriate place to talk about that. Maraming tao at abala ang lahat sa pag-f-file at iba pa.
Mabigat na buntunghininga ang ginawa niya bago siya nagsalita.
"Mag-lunch tayo. Tapos ka na bang mag-file?"
Nakahinga ng maluwag ang baga ko nang marinig ang malumanay na boses ni Raffy.
"Patapos na, hinihintay ko na lang ang NOA ko. Ikaw?"
"I'm done. Ikaw lang talaga ang hinihintay ko. I'll wait for you outside." Bago pa man ako makasagot, lumabas na siya ng PRC office at hinintay nga ako sa labas.
Binalikan ko si Aira na ganoon pa rin ang expression sa mukha.
"Wala pa ba?" Nakangiting tanong ko, ignoring her looks of questioning. Alam kong gusto niyang magtanong pero natatakot siya.
"M-Malapit na Boss, ikaw na yata ang susunod," sagot niya na tinanguan ko lang.
"That was my friend, college friend," panimulang sabi ko. "And sabay kaming magla-lunch after. Kaya sorry, Aira, kasi hindi kita masasamahan pabalik ng opisina."
"Po? Pero Boss ang sabi po ni Sir Darry dapat kasama po kita pabalik ng opisina."
Utos ni Sir Darry. Oo, inutusan din siya ni Sir Darry niya na samahan ako ngayon. Punyemas.
"Susunod ako sa opisina pagkatapos ng pananghalian namin. Mag-uusap lang naman kami, Aira."
"Okay po Boss."
Hindi na ako nakasagot kay Aira dahil tinawag na ang pangalan ko para ibigay na sa akin ang NOA o Notice of Admission. It serves as a ticket during the board exam. Kung wala ka nito, hindi ka makakakuha ng exams.
Bago pa man kami makalabas ng PRC office ay naghiwalay na kami ng landas ni Aira. Agad din siyang nagpaalam kahit ramdam na ramdam sa expression niya sa mukha na nag-aalinlangan siyang iwan ako.
"Who's that?" Bungad na tanong ni Raffy nang makalapit ako sa kaniya. Sinusundan niya ng tingin si Aira hanggang sa makalayo ito.
"My secretary. So, saan tayo kakain ng lunch?" Casual na tanong ko habang iginagala ang tingin sa paligid.
"Jollibee? Like the usual?" A sly smile crept on his lips kaya wala sa sarili akong napangiti sa kaniya.
"Sure!" Sagot ko naman. "Kaso saan? D'yan ba sa malapit? I saw one."
"Puwede rin."
"I have a car, sabay ka na sa akin?"
Tumango siya sa sinabi ko kaya iginiya ko siya papunta sa trailblazer ni Darry. Umupo siya sa front seat at ako naman sa driver's seat, siyempre. Dahil sa ngiti ni Raffy kanina, kahit papaano'y umaliwalas ang pakiramdam ko sa kaniya.
Paalis ako ng parking nang basagin niya ang katahimikan namin.
"Sa 'yo ba 'tong sasakyang ito?"
Bahagya ko siyang nilingon bago tuluyang itinoon ang atensiyon sa daan. Pa-simple niyang iginala ang tingin sa kabuuang interior design ng kotse.
"Nope. Pinahiram lang sa akin." Nag-turn left ako para mapuntahan ang Jollibee na sinasabi ni Raffy.
"Oh? Kanino? Amoy lalaki, a."
Halata ba talaga na panlalaki ang kotseng ito? Sabagay, ngayon ko lang ulit ito nagamit. Baka nagamit ito ni Darry no'ng wala ako kasi amoy pabango ng lalaki nga.
"Kay Darry," maingat kong sinabi kaya saktong nakarating kami sa parking lot ng Jollibee ay natahimik bigla si Raffy. Pinasadahan ko siya ng tingin at tulala lang siya sa dashboard ng kotse. Inayos ko ang pagkaka-parking sa kotse at inayos na ang sarili. "Tara na?" Pinilit kong ngumiti kahit hindi na nakangiti si Raffy.
Suminghap muna siya bago lumabas ng kotse na sinabayan ko naman.
Nakasunod lang ako sa kaniya sa paglalakad hanggang sa makapasok kami sa loob ng store. Agad siyang dumiretso sa counter before turning his face on me.
"Ako na ang mag-o-order, find a place for us."
Tinanguan ko ang sinabi niya at agad akong naglakad para maghanap ng mauupuan. Masiyadong maraming tao sa first floor kaya naisipan kong sa second floor na maghanap.
Pinili ko ang pinaka-sulok na parte ng kainan. Hindi kasi katulad ng sa first floor, kaonti lang ang nasa second floor. Siguro dahil past lunch time na at kaonti na lang ang nananghalian.
Matiyaga kong hinintay si Raffy kaya nang makita ko siyang papalapit na sa table namin dala ang order. Usual order namin ito kasi madalas din kaming kumain sa ganitong fast food chain no'ng college days.
Tahimik kaming kumain na dalawa. No one dared to speak a word while munching our own foods. After a few minutes of minding our own foods, Raffy finally broke the silence.
"Kumusta ka na?" Tanong niya habang umiinom sa iced tea niya.
Pinahiran ko muna ng tissue ang bibig ko bago ako ngumiti sa kaniya.
"I am fine! Ikaw? How are you, Raffy?" Sinserong tanong ko.
"You said you have a secretary, may trabaho ka na?"
Wala sa sarili kong binasa ang labi ko nang hindi sinagot ni Raffy ang naging tanong ko. Bagkus, iniba niya pa ito.
"Yeah. Not literally a job. Ako kasi 'yong acting CEO ng company nina Papa for the past two months pero not now kasi bumalik na sila Papa sa trabaho so basically I am jobless right now." Dinaan ko pa sa tawa ang huling sinabi ko.
"So... Darry Lizares is your husband?" Matinding lunok ang nagawa ko at hindi tiningnan si Raffy. Masiyado siyang seryoso sa boses niya! "Why him, MJ?"
Gulat akong napa-angat sa kaniya ng tingin.
"Why him?" Nagtatakang tanong ko.
"Nagsinungaling ka sa akin, MJ, 'di ba? Ang sabi mo, hindi mo pa alam kung sino sa mga Osmeña ang ipakakasal sa mga Lizares? Pero ang totoo, alam mo! Alam mo na ikaw."
Natameme ako sa sinabi ni Raffy. Literal na natameme.
"N-Nasabi ko 'yon?" gulat pa rin sa sinabi niya. Did he asked me about the engagement ba? Nakalimutan ko, punyemas!
He sarcastically laugh at me and glance at the view outside. Mas lalo akong napalunok nang makumpirmang nasabi ko nga yata, base sa naging reaksiyon ni Raffy.
"If I ever said that, I did it to hide it kasi gusto kong hindi ako mabulabog, kapag nalaman ng iba na ako 'yon, hindi na matatahimik ang pag-aaral ko," depensa ko naman nang maka-recover sa pagkagulat.
"Bakit ang mga Lizares, MJ? Bakit hindi ang mga Javier?"
What?
Hindi pa nga tuluyang nakaka-recover sa unang sinabi ni Raffy, nadagdagan na naman ako ng pagtataka sa sinabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Isa sa mga pamilyang nanligaw para matulungan niyo sa pagkakalugmok ay ang mga Javier, MJ, negosyo ng pamilya ko. Law Firm ni Dad!" Ano? "Lugmok din naman ang mga Javier, MJ, pero bakit ang Lizares ang napili ninyo?"
Napaawang ang bibig ko. Gulat na gulat sa mga nalaman kay Raffy. Oo, alam kong maraming pamilya ang gustong maikasal sa akin pero hindi ko inalam kung sinu-sino sila lalo na noong nalaman kong ang Lizares ang napili ng mga magulang ko. Hindi ko alam na kasali ang mga Javier doon!
Gusto kong magsalita pero pino-proseso pa ng utak ko ang mga nalaman. Punyemas.
"K-Kasali ang pamilya mo? Bakit hindi mo sinabi sa akin?" At sa wakas ay nagkaroon ako ng lakas para makapagsalita.
"Kaya nga sising-sisi ako nang malamang ikaw ang ipakakasal ng mga Osmeña sa mapipiling pamilya. Hindi ko inalam, hindi kita tinanong. Kaya sising-sisi ako!" Bahagya kong iginala ang tingin sa paligid namin nang tumaas bigla ang boses ni Raffy. Mabigat ang naging buntunghininga ko. Hindi alam kung anong sasabihin. "Ako dapat ang ipakakasal sa 'yo, MJ, e. Ako sana. Kung binigyan n'yo ng pagkakataon ang mga Javier. Bakit ba kasi ang mga Lizares? Mayaman na sila, hindi nila kailangan ng tulong ng ibang kompanya kaya bakit sila?"
Hindi ko alam kung paano aluin si Raffy. I don't know what jargons to say. Wala akong alam sa ganito. Napatitig ako sa kaniya. Naghahanap ng mga salitang puwedeng sabihin. Paano ba 'to?
"R-Raf, wala akong alam. Kung nalaman ko lang, baka sakaling nagawan ko ng paraan, baka sakaling natulungan namin ang pamilya n'yo. Raf, wala akong alam kasi hindi ko rin naman inalam. Mama and Papa didn't mention it to me. About the Javiers," depensa ko nang makahanap ng mga salitang sasabihin.
"Kung nalaman mo ba na kasali sa pagpipilian ang mga Javier, may chansa ba na magugustohan mo rin ako sa paraan na gusto ko, MJ? May chansa ba na ako sana ang asawa mo ngayon? May chansa ba na tayong dalawa ang masaya ngayon?"
Natameme ulit ako. Punyemas.
Humugot ako ng malalim na hininga at maingat na tiningnan si Raffy sa mga mata niya.
"Siguro..." Pa-unang sabi ko habang nakatingin lang sa kaniya. "Pero hindi rin tayo magtatagal Raf, hihiwalayan din kita lalo na kung lumalago na ulit ang negosyo n'yo kung sakaling tayo man ang ipakasal. Hindi rin tayo magiging masaya," nakangiti sabi ko kahit napakahirap na itong sabihin sa mismong kaibigan ko. "Kaya siguro hindi ko nalaman nang mas maaga kasi para isalba ka sa sakit. Kasi kapag sa akin ka ikinasal, masasaktan ka lang, Raf. Ang ayoko pa naman sa lahat ay ang nasasaktan ang mga kaibigan ko. Kung puwede lang saluhin lahat ng sakit na naramdaman mo, Raf, ginawa ko na. Pero hindi, e. Hindi... kasi ako mismo nag-cause sa 'yo ng pain. Raf, pasensiya ka na talaga, hindi ko talaga kayang suklian ang nararamdaman mo. Isa ka sa pinakamatalik na kaibigan ko sa college, marami na tayong memories together and ayokong ibasura 'yon dahil lang umamin ka sa akin. Trust me, Raf, ayoko kitang saktan pero kailangan, e, para mas masalba ka sa mas malaking sakit. Kaya please? Tama na?"
~