webnovel

The Husband's Other Friend: Part 2

"Oh, hija!" Malawak pero may poise na bati ni Mommy (so awkward!) Felicity sa akin. Hinawakan niya pa ang magkabilang braso ko at hinarap ako nang mabuti.

Wala na akong pakialam kung nanginginig na itong labi ko sa kakangiti dahil hanggang ngayon, kahit na nakahawak at nakaharap na ang mga magulang niya sa akin, ay hindi niya pa rin binibitiwan ang kamay ko. Mas lalo lang nakadagdag sa bilis ng tibok ng puso ko ang maya't-mayang pagpisil niya sa kamay ko.

Gaga ka talaga kahit kailan, MJ! Ang dami mo nang nahawakang kamay, ngayon ka pa talaga kakabahan? Ano ka ba? High school student? Teenager? Feeling teenager? Tanga!

Nang bumeso si Mommy (hindi na ako ma-a-awkward sa susunod) Felicity sa akin ay saka lang bumitaw si Darry sa kamay ko. Halos ipatawag at pasalamatan ko ang sampung santong kilala ko dahil sa ginawa niya. Naging stable na rin ang ngiti ko kay Mommy (promise, last na) Felicity at nakapag-respond na nang maayos sa kaniya.

"Hi, Mom. Hi, Dad," bineso ko rin si Daddy Gabriel. Ganoon din ang ginawa ni Darry.

Matapos ang batian, kaniya-kaniya kaming upo sa table.

"How are you, hija? It's been two months since the last time I saw you. You're doing good ba?"

Kaharap ko si Mommy Felicity at gaya ng una kong pagkakakilala sa kaniya, calculado at elegante ang bawat kilos niya, expression sa mukha, at bawat labas ng salita sa kaniyang bibig. Punyemas, how could she do that?

"I'm good, Mom," simpleng sagot ko sa tanong niya.

"How's your review? Naipagsasabay mo pa rin ba sa trabaho?" Si Daddy Gabriel naman ang nagtanong sa akin.

"Yes, Dad, maayos naman po ang review ko and same as the work."

"Hindi ka ba nahihirapan? Reviewing while monitoring the company? You know, you can always tell Darry if you want to focus on reviewing muna. He can handle two companies naman at the same time."

Edi siya na magaling! Bida ka na naman, Darry!

Umiling ako sa sinabi ni Daddy Gabriel.

"It's okay po, Dad, I can do it po and it's not really a burden po to hold a company while I'm preparing for the boards, Dad," Ngumiti muna ako kay Daddy Gabriel tapos ay pinagmasdan ko ang mga waiters na ihanda sa harapan namin ang mga pagkain.

"My wife can pull it off, Dad. She's good at multitasking, so don't worry about her."

Ngumiti ako sa waiter na naglapag ng pagkain sa harapan ko. Ginawa ko 'yon para hindi pansinin ang sinabi ni Darry.

Mapagpanggap kang Lizares ka!

"Baka naman hindi mo tinatanong ang asawa mo, Darry, kung nahihirapan na ba siya sa kompanya? I've heard from other engineers na medyo mahirap daw ang boards ng civil engineers."

Tama ka, Daddy! Hindi nga ako tinatanong ng anak mong 'yan kung nahihirapan na ba ako! He's not even talkin to me at all! The longest conversation we ever had was a few mintues before our arrival here!

Punyemas!

Matinding pagkagat ang nagawa ko sa pang-ibabang labi ko nang ipatong ni Darry ang kamay niya sa isang hita ko. Mas lalo akong nairita nang bigla niya itong pinisil. Medyo madiin kaya may naramdaman akong kaonting kirot.

Pinasadahan ko siya ng tingin at seryoso lang siyang nakatingin sa akin tapos inilipat niya ang tingin sa waiter na nasa tabi ko, nag-aayos pa rin ng mga pagkain.

Ah, so nakita niya? E, anong pakialam niya? Anong pakialam ko? Kasalanan ko ba kung gusto ko siyang ignorahin? Kasalanan ko ba na palangiti akong tao? Punyemas, Darry!

"Ayaw ko rin naman pong napapagod siya, Dad, but this is what she wants kaya gusto ko ring pagbigyan siya."

Buong lakas kong kinuha ang kamay niya sa hita ko at padarag na binitiwan ito without looking at him.

Saka lang ako nakalingon sa kaniya nang makitang nakamasid si Mommy Felicity sa amin. Ngumiti ako kay Mom at saka nilingon si Darry.

"Thank you for understanding, baby," and I mockingly smiled at him. Mas lalo akong nagbunyi sa kalooblooban ko nang makitang bumalatay ang gulat sa kaniyang mukha.

Ano ka ngayon, gago?

"Oh, my! I told you, Gab, there's a chemistry between the two of them! There's a spark, a hidden spark and a chemistry! You both are so bagay."

Napalingon ako kay Mommy Felicity nang magsalita siya at halata nga sa poise na poise niyang kilos na nagpigil siyang kiligin. Para siyang teenager.

Meron po kaming spark at chemistry, Mom! Hinaluan ng spark ang isang chemical kaya ilang tulak na lang at pareho kaming sasabog sa isa't-isa!

"Oo na, oo na, sinabi mo na. I think we need to eat now if you want a longer time with MJ for shopping later."

Nagsimula nang galawin nila ang mga pagkain at kubyertos kaya nakisunod na rin ako.

"Oo nga pala, we'll go shopping after this, anak. I'll snatch you muna from your husband ha?" Nakangiti pa ring sabi ni Mommy Felicity kaya tumango ako at ngumiti na rin.

I kind of amazed of how Don Gabriel and Donya Felicity treats me right now after what they witnessed during the civil wedding. Medyo, medyo lang naman talaga, may hindi akong tamang nagawa noon pero heto sila't nakangiti, maayos ang turing sa akin na animo'y isang totoong miyembro ako ng pamilya nila. O baka ganito makitungo si Mommy Felicity sa mga manugang niya lalo na't puros lalaki ang kanilang anak. I really thought mga terror sila pagdating sa manugang nila pero sa tingin ko, uhaw din sila sa presensiya ng anak na babae na kailanman ay hindi naibigay sa kanila.

After a few minutes, Daddy Gabriel broke the silence.

"Uuwi ba kayong dalawa sa Negros this weekend for your nephew's birthday, MJ?"

I smiled at him and nodded.

"Yes, Dad, this Friday po ako uuwi."

"Oh? Hindi ba kayo magsasabay na dalawa? Hindi ka ba uuwi, hijo, anak?" Tanong ni Mommy Felicity sa bunso niya.

"Uuwi ako, Mom, hindi lang kami magsasabay ng asawa ko 'cause I need to finish some appointments first before going home but I'll be there on Kansas' birthday."

Ha? Teka, uuwi siya? Bakit hindi ko alam?

Ah, oo nga pala, hindi nga pala kami nag-uusap. And he even knows my nephew's name! I never mentioned it to him! How did he know? Ah, oo nga pala, nakasalamuha na pala niya ang malaki kong pamilya.

"Uuwi rin daw sina balae. And this Thursday ba ang dating nila? After their two months vacation in Pennsylvania."

What? Uuwi na sila Mama? Bakit hindi ko na naman alam?

"Yes, Mom, and didiretso na sila ng Negros from Pennsylvania."

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang paglingon ni Darry sa akin kaya lumingon din ako sa kaniya nang nakakunot ang noo.

Paanong alam niya pero ako mismong anak nila ay hindi? Ano ba? Anak ba pa talaga ako ng mga magulang ko? 'Wag mong sabihin sa akin na siya lang ang kino-contact nina Mama? What the shit parents? Blakelyn and Restituto? What the shit?

"Tita Felicity, Tito Gab! Hi po!" Isang panlalaking boses ang narinig ko matapos ang ilang minutong katahimikan. Abala ako sa pagkain kaya hindi ko ka agad nalingon ang kung sino man ang lumapit sa table namin at bumati sa mga biyenan ko.

"Thibault, hijo! Kumusta na?"

Pun...ye...mas?

Dahan-dahan kong nilingon puwesto ng lalaking iyon.

Punyemas nga!

Noong ma-kumpirma kong siya, halos ma-slide ako sa kinauupuan ko. Unti-unti na ring bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan na naman ako. Gusto kong tumayo, tumakbo, bumalik sa opisina ko, at magkulong doon hanggang sa gumabi. Bakit siya nandito? Uulitin ko... Bakit siya nandito?!

"I'm fine, Tito Gab! Still alive and kicking," sagot niya.

Humigpit ang hawak ko sa kubyertos at mariin ang tingin sa table napkin na nasa tabi lang ng pinggan ko.

Bakit niya kilala ang mga biyenan ko?

"Kailan ka pa umuwi? Hindi man lang sinabi ni Charles na nakauwi ka na!"

Anong ginagawa niya rito?

"Last weekend lang po ako umuwi, Tita, and I already presented my proposal for the renovation of your milling yesterday po with Darry and the stockholders."

Bakit siya nagpakita ulit?

"Oh? Another news na hindi na naman sinabi ni Charles sa amin."

Bakit?

"I'm sorry, Mom, I'm still waiting for my wife's comment and opinion about the proposal kaya hindi pa sigurado."

Bakit nga sabi?

"Hindi sigurado? Are you doubting the good hands of the Engineer Thibault Valmayor? The international renowned engineer?"

Kailangan ko ng sagot!

"Hahaha, Tita Felicity naman, I'm so flattered! Pero kilala n'yo naman 'tong bunsong anak n'yo po, hindi pa rin natitibag ang standards nito. Nahihirapan pa rin kami ng mga kaibigan niya na pantayan ang standards nito, e."

Kung bakit kailangang magpakita siya ulit matapos ang mahabang panahon? Bakit?

"I already told you, my wife's opinion is still needed before I confirm the project."

"Hindi ba nakapunta si MJ kahapon sa meeting n'yo?"

"P-Po?" Halos maibalik ako sa realidad nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Ano bang pinag-uusapan nila?

Matinding pag-iwas ng tingin ang ginawa ko sa kaniya. Si Daddy Gabriel lang ang bukod tanging tiningnan ko dahil siya ang narinig kong nagsalita kanina.

"She was there," sagot ni Darry.

Napalingon ako sa kaniya, pinipigilan pa rin ang sariling pasadahan man lang ng tingin ang bagong bisita.

"Hija, this is Engineer Thibault Valmayor, Charles' bestfriend."

Isang matinding paglunok ang ginawa ko nang ipakilala ni Mommy Felicity ang lalaking bagong dating.

Ayaw ko man, kailangan ko talagang lingunin siya.

Punyemas. Yes, I know him. I really know him! Thibault Valmayor. Tibor Valmayor. Tibor. The boy who taught me how to fall in love. Punyemas! And what did Mommy Felicity said? Bestfriend? He's not just a simple friend of Darry! He's the punyemas bestfriend! Bestfriend! Malapit na kaibigan! Pinakamalapit na kaibigan! Damn you! Damn it! Damn! Punyemas!

Inabot niya ang kamay niya.

Aabutin ko ba? E, gusto ko ngang takbuhan 'to tapos aabutin ko ang kamay niya?

Punyemas! Ayokong malaman ng mga biyenan ko at lalong-lalo na si Darry ang tungkol sa koneksyon naming dalawa. Dapat lang.

Tinanggap ko ang kamay niya at sa unang pagkakataon, nagawa kong matingnan siya sa mga mata niya.

"MJ. MJ Osmeña," seryosong pagpapakilala ko sa pangalan ko habang nakatitig sa mga mata niya. That same old eyes I used to adore.

"It's Lizares. MJ Lizares." Napabitaw ako sa kamay niya at umiwas ng tingin nang marinig ang boses ni Darry. "She's my wife, Tibor."

Tibor. He calls him Tibor. They are indeed very close. I remembered him saying na ang mga malalapit na tao sa buhay niya lang ang tumatawag sa kaniya ng Tibor and I'm one of them.

"S-She's your wife?"

Napalunok ako nang matindi nang marinig ang gulat sa kaniyang boses.

Hindi niya ba alam?

"Yes, Tibor, she is. Bakit nagulat ka naman d'yan? As if I never told you," sabi naman ni Darry.

"Nothing. I really thought she's one of your stockholders and I didn't know na isang Osmeña ang napangasawa mo. Or nakalimutan ko lang? I don't know."

Hindi niya nga alam. Magkaibigan ba talaga sila?

"Hindi mo ba alam, Thibault?" Sumingit na sa usapan si Mommy Felicity.

"I remember them mentioning me about Darry's wedding but nawala po sa isipan ko kasi masiyado po akong maraming projects that time."

"Reasonable enough for an international renowned engineer like you, Engineer Valmayor," puri ni Daddy Gabriel sa kaniya kaya napainom ako sa tubig.

Ang layo na ng narating niya. Mahirap nang abutin.

"Um, excuse me po, punta lang po akong powder room." Magalang akong nag-excuse sa kanila para makaalis na sa napaka-high tensioned situation na ito. Tumayo na rin ako para wala nang makapigil.

"Samahan na kita."

Ugh! Epal!

Kinalma ko ang sarili ko at nginitian si Darry at magalang na tumanggi.

"Hindi na, I can do it," assurance ko sa kaniya. "Excuse me po, Mom, Dad, E-Engineer Valmayor," bahagya akong yumuko at dinala ang handbag ko at naglakad papuntang women's comfort room ng restaurant.

Pagkapasok ko sa comfort room ay dumiretso na ako sa isang cubicle at agad sinarado iyon.

I stared at my mildly trembling hands and hinabol na rin ang aking hininga. I am so punyemas frustrated! I want to cry but I can't! Ayaw lumabas ng mga luha ko na mas lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko.

I close the lid of the toilet bowl and sat down there. I silently stared at the back door of the cubicle as the memories came rushing in.

I was nine years old when I first met him. He was then eleven. We met in an unexpected circumstances. Nagkakilala kami dahil nagpumilit ako. Nagkakilala kami dahil sa pagiging makulit ko. He was Tibor and I was Cony, short for Constancia, just like my grandparents called me. That's how we knew each other.

Anak siya ng care taker ng ancestral mansion ng mga Osmeña sa isang bayan sa Cebu. And yes, we are somehow related to the Osmeñas of the Cebu pero malayong kamag-anak namin sila kaya sa Negros nagsimula ang roots namin. Kung bakit nasa Cebu ang ancestral mansion ng grandest grandparents namin, hindi ko alam. Basta ang sabi, minsan daw nanirahan doon ang mga Osmeña bago lumipat ng Negros para mamuhay nang maayos. Okay, so may ancestral house nga ang ninuno ni Lolo Mado roon. And every summer pupunta sila roon para i-check ang lagay ng mansion at panatilihin sa ayos ang buong lupain.

That one summer, nagpumilit akong sumama sa kanilang dalawa. Gusto kong bisitahin at makita ang lumang mansion. Gusto kong makapunta naman sa ibang lugar during summer vacation, hindi 'yong nags-summer class lang ako, hindi 'yong naglalaro lang ako ng soccer. Gusto kong magbakasyon kaya no'ng nalaman kong aalis sina Lolo at Lola pa-Cebu, agad akong sumama kahit ayaw nila.

Then I went there. A nine year old MJ Osmeña exploring that not very vast land of the Osmeñas. Pagdating namin nina Lolo and Lola, agad silang naging abala sa mga dapat ayusin sa mansion at sa mga lupain. At dahil ako lang mag-isa, at ayaw naman akong dalhin nina Lolo at Lola sa mga pupuntahan nila, iniwan nila ako sa anak ng caretaker ng mansion.

Naging magaan ang loob ko sa kaniya. He's like a Kuya to me. He's like Kuya Yosef but younger. Marami kaming napag-abalahan within that one week of stay sa ancestral mansion. That one week that made me want to go back the next summer.

And I did. The next year, bumalik nga ako. Ganoon pa rin, siya pa rin ang kasama ko. Siya ang nagbabantay sa akin kung maglalaro ako sa malaking bakuran ng mansion. Siya ang nagturo sa akin ng iilang pambatang-laro na hindi namin nalalaro ng mga pinsan at kaklase ko. Isang linggo lang pero feeling ko, buong taon ko na siyang nakasama. Natutuwa ako sa tuwing sinasamahan niya ako sa lahat ng gusto ko. Kakaibang tuwa ang naramdaman ko. Tuwang hindi ko naramdaman kapag ang mga kaibigan, kapatid, at pinsan ko ang kasama ko. Parang sa kaniya ko lang naramdaman ang ganoong klaseng tuwa.

He then became my reason why I am so excited every summer. Sa sumunod na taon, sumama na naman ako kay Lolo at Lola. Parang nasasanay na nga sila na dapat 'pag pupunta sila ng ancestral mansion every summer dapat kasama ako. Mas lalo akong natuwa kasi no'ng summer na iyon, akala ko isang linggo lang kaming mags-stay sa Cebu, it lasted for almost a month, three weeks maybe?

Mag-grade six na ako sa pasukan kaya ang usapan sa school namin noon ay tungkol sa crush. Ang sabi nila, ang crush daw ay isang paghanga sa isang tao. 'Yong tipong masaya ka sa tuwing nakikita siya. Mas ginaganahan ka sa buong araw 'pag nasilayan mo ang mukha niya. Kaya nang tinanong ako kung sino ang crush ko, siya ang una kong naisip. Nag-assume pa nga 'yong nagtanong sa akin no'n kasi akala niya siya 'yong crush ko dahil ngumiti lang daw ako nang tinanong niya ako kung sino ang crush ko. Feeler siya masiyado. Mabuti na lang at hindi ko na siya nakita ulit.

Sa loob ng tatlong linggong iyon, siya palagi ang kasama ko. Marami kaming ginawa that summer, nag-hike kami sa maliit na bundok malapit sa mansion, umakyat ng mga puno, nag-usap tungkol sa naging karanasan niya sa school, tinuruan ko siyang maglaro ng soccer and shared to him how I love playing soccer. Marami kaming ginawa. That was one of my summer na hindi ko makakalimutan, sobrang saya no'n.

Then another year passed. I was twelve, he was fourteen. Bago pa magbakasyon, usong-uso sa school namin ang confession. 'Yong aamin ka sa crush mo na gusto mo siya. Usong-uso 'yon kaya nang mag-summer ulit, sinabi ko sa sarili ko na aamin na ako sa kaniya. Sasabihin ko sa kaniyang may crush ako sa kaniya, na gusto ko siya, na mahal ko siya. Gaya ng mga sinasabi ng mga classmates at schoolmates ko sa mga taong gusto nila. Kaya sobrang excited ako no'ng summer na iyon.

When that summer came, I prepared myself one summer afternoon, under the blue sky, cool breeze of the forest, shades of the trees, and comfortable bench made of bamboo. We were just resting from a random biking. Kinapa ko sa bulsa ko ang isang panglalaking bracelet. No'ng bumili kasi si Kuya Yosef nang ganito, bumili rin ako ng isa, mabuti rin at hindi naghinala nang sabihin kong iri-regalo ko sa classmate kong may birthday. Pero ang totoo, ibibigay ko talaga kay Tibor.

My particular plan for my twelfth summer is to confess to him. And I did. Sinabi ko lahat ng gusto kong sabihin. Na gusto ko siya, na may crush ako sa kaniya, na mahal ko siya. I gave him the bracelet. He wholeheartedly accepted it then faced me and held my face with utmost care. He intently look me in the eyes, the eyes I love to see everyday for that particular week every summer. That eyes I want to see every summer. The eyes I adored the most.

And slowly... he leaned his face forward. Nanigas ako, hindi ko alam ang gagawin kaya noong pumikit siya habang papalapit ay napapikit na rin ako.

Then a soft flesh touched my lips. A very very soft flesh. It's so soft it feels like marshmallow. It's so soft it feels like I'm in heaven. He didn't move. He rested his lips on mine for few seconds. At ang tanging naririnig ko ng mga oras na iyon ay ang halinghing ng hangin, ang mga patay na dahong napapatianod sa hangin, ang puso kong mabilis ang tibok. He's my first kiss. He's my punyemas first kiss!

Naliliyo pa sa dampi ng kaniyang labi, humiwalay siya at mataman akong tiningnan habang nakahawak pa rin sa mga pisnge ko. He leaned again and I closed my eyes again anticipating for another kiss... and he did on my forehead.

A small chuckle made me open my eyes. Disappointed on what he did, I looked at him with glaring eyes but he's just there smirking and enjoying my annoyed young face, he pinched my nose.

"Gusto rin kita, Cony. Gustong-gusto. Pero 'yan na muna ang maibibigay ko sa 'yo. Masiyado pa tayong bata kung papasok tayo sa isang relasyon. Pero pangako, kapag pareho na tayong nasa tamang edad, babalikan kita at hahanapin at pakakasalan. Hindi natin susundin ang gusto ng mga magulang mo. Hindi ka magpapakasal sa lalaking gusto nila. Ako lang dapat ang pakakasalan mo, Cony. At ikaw lang din ang pakakasalan ko. Ako at ikaw lang dapat sa huli. Pangako 'yan, Cony."

His words were like a gasoline to me and I'm the mere fire. Mas lalong sinilaban, mas lalong nagliyab. Masayang-masaya ako sa sinabi niya at sa tingin ko mangyayari nga ang lahat. Kaya pinanghawakan ko ang pangakong iyon. Handang-handang dalhin kahit sa pagtanda ko.

But that promised changed because of a wrong accusation.

One summer afternoon, days after I confessed, I went to our usual spot, the bamboo bench in the middle of the forest, to see him. Pero ibang tao ang bumungad sa akin. Si Eliseo, kaibigan at kaklase ni Tibor. Nakilala ko na siya at ang iba pa niyang kaibigan. Apat na taon na akong nagpabalik-balik sa bayang iyon kaya kilala na nila ako at kung kaninong apo ako.

I said hi to Eliseo and asked him if where's Tibor. He said to me na may inasikaso pa raw si Tibor but darating daw kaya maghintay lang daw ako. Dahil alam kong mababait at mapagkakatiwalaan ang mga kaibigan ni Tibor, pinaunlakan ko ang gusto niya. Umupo rin ako sa bamboo bench na iyon at nakipag-usap din sa kaniya. Marami kaming napag-usapan, ayos din ka-usap si Eliseo at marami siyang baong biro kaya sa kakaaliw sa pakikipag-usap sa kaniya, hindi ko namalayan na hindi na pala sumipot si Tibor sa usapan namin at hindi ko rin namalayan ang distansya naming dalawa. Noong una, binalewala ko kasi may tiwala ako, e. May tiwala ako kasi kaibigan siya ng taong pinagkakatiwalaan ko.

Pero bigla niya akong nilapitan at hinawakan ang dibdib ko. Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi ko napigilan ang pagdagan niya sa akin. Hinalikan niya ako nang marahas at sobrang sakit. Gusto kong sumigaw pero wala akong maisigaw. Gusto kong itulak siya pero hindi ko kaya. Ang kaya ko lang nang mga panahong iyon ay ang suntukin siya nang paulit-ulit pero bakit hindi siya natitinag? Ayoko na. Tama na.

Ramdam na ramdam ko sa sarili kong katapusan ko na. Hindi ko gusto ang ginagawa ni Eliseo sa akin. Nasasaktan ako.

Nabuhayan lang ako ng loob nang may nakita akong bote sa dulo ng upuan. Pinilit kong abutin 'yon habang patuloy siya sa ginagawa niyang hindi ko nagugustuhan. Inabot ko ang bote at nang mahawakan, buong lakas kong ipinukpok sa ulo niya. Pumikit ako para hindi matalsikan ang mata ko ng mga bubog.

Sumigaw siya kaya agad akong tumayo para makaalis na. Wala akong sinayang na segundo, kahit nanginginig ang kamay kong nakahawak sa naiwang bibig ng bote ay pinilit ko ang sarili kong lumayo sa kaniya. Namimilipit siya sa sakit pero wala na akong pakialam. Ang gusto ko lang ay ang tumakbo at makaalis sa demonyong iyon.

Itinapon ko ang basag na bibig ng bote and ran for my life. I ran as fast as I can. I ran as if I'm being chased by a demon. He didn't chased me but I never thought I will face satan that early.

Nanginginig ang buong katawan ko habang papasok ng mansion. Walang nakapansin, walang nakaalam. Naligo ako nang umiiyak at nanginginig.

I almost got... I can't even say it. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang sabihin kay Lola at Lolo. Hindi ko kayang sabihin sa iba ang nangyari sa akin. Mapapahiya ako, pagtatawanan ako, walang maniniwala sa akin. Ayokong sabihin. Gusto kong kalimutan na lang ang lahat.

Iniyak ko ang lahat, iniyak ko habang ginagamot ang kaonting sugat na natamo ko and then I hide it all the way with a sweater and a small plaster. As if it can hide away the horror I felt.

Akala ko walang makakaalam sa nangyari. Pero may nagsumbong. Same person but different reason.

I almost cried when I saw him, pilit winawala sa isipan ang nangyari nang hapong iyon. I almost cried... kung hindi ko lang nakita na nandoon din si Tibor at ang iilang kaibigan. Nakakita ako nang kaonting pag-asa, baka sakaling may maniwala sa akin at alam kong siya 'yon. Kaya puwede ko sigurong sabihin sa kaniya ang nangyari, ang alam ko susuportahan ako ni Tibor, e. Alam ko.

Lolo and Lola bombarded me with questions and asked for my explanation. Akala ko noong una, nalaman nila ang nangyari pero mali ako, maling-mali. Pumunta ng mansion ang Nanay at Tatay ni Eliseo para sabihing may sugat daw sa ulo ang anak nila at ako raw ang may gawa. Ang sabi niya, nag-uusap lang daw kami nang bigla ko raw siyang pinukpok sa ulo dahil daw naiirita ako sa kaniya.

Wow. Naiirita. Sana nga ganoon lang.

Handa na akong sabihin sa kanila ang totoo pero nanlumo ako dahil sa rason ni Eliseo. Mas lalo akong nanlumo nang sinuportahan ni Tibor ang kaibigan niya.

"Alam naming spoiled ka, Cony, pero sana naman hindi ka manakit ng ibang tao dahil lang naiirita ka sa kanila." Those were his exact words that made me want to hide the story more.

Ang sakit. Ang sakit-sakit na ang akala mong kilala ka na ay siya mismong magsasabi ng mga bagay na hindi mo naman ginawa. Mali pala ang pagkakakilala niya sa 'yo. Kaya itinago ko ang katotohanan at ako ang humingi ng sorry, kay Eliseo at sa pamilya niya. Ako ang nasaktan, ako ang nanghingi ng sorry.

Lolo paid for his medication dahil umamin ako and after that... I never came back again. Never again.

The kiss, the promise, and the memories were all gone now because of what he believed in me. Na spoiled brat ako at kaya kong manakit sa mga taong nakakairita. And I hated him for that.

I helped myself moved on. And I had the bad strategy of forgetting that bad memory. I kissed many guys para mawala ang masamang alaala. I flirted with many guys just to fight my own anxiety of what had happened to me. I conquered it alone. I conquered the horror, the demons, all by myself. Kasi feeling ko, kapag nalaman nila, kamumuhian ako ng lahat, walang maniniwala sa akin. Na gaya ng tingin ni Tibor sa akin, ganoon din akong titingnan ng mga taong makakaalam.

And now... he's here, na muling magpapaalala sa isang nakaraan na dapat ko nang nilimot. Hindi nga siya ang may gawa pero...

Punyemas! I've moved on... wala na sa akin ang nangyari dati. Pero bakit kailangan niyang magpakita sa akin?

"Ang daming pinamili ni Ma'am, ah."

Isa-isa kong binigay ang mga dala kong paper bags kay Erna at Alice. Dumiretso agad ako sa pang-isahang sofa at tinanaw ang glass wall ng penthouse.

Pagkatapos kong mag-banyo no'n, laking pasasalamat ko sa lahat ng santo nang maabutang wala na si Tibor doon. Kaya nagpatuloy ang hapon ko. Natuloy nga ang shopping spree ni Mommy Felicity pero nahalata niya yatang tulala lang ako sa pags-shopping namin kaya naisipan niyang umuwi na kami o baka may iba lang siyang appointment. Aba ewan, masiyado nga akong lutang para mapansin 'yon. Pati pagdating ko sa penthouse, lutang pa rin ako.

"Grabe po talaga kung mamili si Donya Felicity, Ma'am MJ, 'no? Halos ubusin lahat ng paninda sa mall." Narinig kong sabi ni Erna.

"Meron akong binili para sa inyo, hanapin n'yo na lang d'yan." 'Yon lang ang sinabi ko sa kanila at nagpatuloy sa pagiging tulala.

Narinig ko ang tili ni Erna habang paakyat sila sa second floor ng penthouse. Hanggang sa natahimik na naman ang buong paligid.

Ang mga aalaalang dapat ko nang kinalimutan, biglang nagsibalikan nang dahil sa kaniya. Wala na ang pangamba pero nandoon pa rin ang pighati.

Nalaman kaya niya ang nangyari sa akin? 'Yong totoong nangyari one summer afternoon? I know I've moved on and was able to erase the bad memory I had through kissing other guys but the memory of him with a kiss, a promise, and a supportive accusation made me shiver again not with fear but with pain.

Pinahinga ko ang ulo ko sa headrest ng sofa, tumingala sa mataas na ceiling ng penthouse at marahang pumikit.

Naaalala niya pa kaya ako? Naaalala niya pa kaya ang mga ginawa namin? Naaalala niya pa kaya ang nararamdaman niya sa akin? Naaalala niya pa kaya ang pangako niya sa akin? Naaalala niya pa kaya? He was the son of our ancestral home's caretaker. But look at him now, kilala na sa buong mundo bilang isang magaling na engineer. Hindi ko nga alam na gusto niya palang maging engineer. He's so succesful. Pero paano sila naging magkaibigan ni Darry? Bakit? Paano? Ano? Saan? Kailan? Ang dami kong tanong pero hindi ko alam kung sino ang tatanungin ko. At natatakot din akong magtanong, baka maungkat lang ang dapat ay nakaraan na.

Naputol ang pag-iisip ko dahil sa ring ng telepono. Walang sumagot at tinamad akong sumagot kaya sumigaw ako habang nakapikit.

"Alice 'yong telepono!"

May narinig akong yabag ng paa na pababa ng hagdan.

"Oo na, heto na. Ang lapit-lapit mo lang, e," pagmamaktol niya.

"Nag-iisip ako!" Sagot ko naman habang nasa ganoon pa ring posisyon.

"Hello Sir Darry... Opo, nandito na po siya... Mga limang minuto na po yata. Nandito na po sa sala, nakaupo, nakahilig ang ulo, nakatingala sa kisame, at nakapikit. Sabi niya nag-iisip daw siya."

What the shit?

Automatic akong napaayos ng upo at masamang tiningnan si Alice.

"Punyemas, Alice?" Kailangan ba pati ang eksaktong ginagawa ko, ay alam niya?

"At saka nagmumura po."

Mas lalong sumama na ang tingin ko sa kaniya. Tumayo ako at nilapitan siya. Inilahad ko ang kamay ko para ibigay niya sa akin ang telepono. Sinunod naman niya ang senyas ko.

"Bakit?" Bungad ko sa kaniya.

"Why are you home early? I thought you're with Mom until dinner?"

"Ah, gusto mong magpa-late ako ng uwi? Sige mamaya, aalis ako, magb-bar para gabihin ako ng uwi," sarkastikong sagot ko at halos balibagin ang teleponong hawak ko.

"No! Stay there, 'wag kang lalabas. I'll be eating dinner there."

"'Wag na! Kumain ka na sa labas, walang ulam dito!" Singhal ko sa kaniya at ibinaba na ang telepono. Nagmartsa ako papunta ng kuwarto at doon nagkulong.

Nagpahinga ako. Nilublob ko ang sarili sa bathtub ng banyo. Nilunod ang sarili sa nakaraang muling nagbabalik. Hanggang sa nakatulugan ko ang pagb-bathtub.

Nagising ako dahil sa kalabog galing sa pinto ng bathroom. Iminulat ko ang mata ko at tumayo na para sana buksan ang pinto pero kalalabas pa lang ng isang paa ko sa bathtub ay bumukas na ito at nagpakita si...

"What the shit? What are you doing here?"

Punyemas!!!!!

Mabilis pa kay flash akong bumalik sa bathtub at inilublob ang buong katawan ko at ang tanging naiwan ay ang mukha ko. Kung puwede lang ilunod lahat ginawa ko na. Shit. Damn. Punyemas. Nakita niya ba?

"What are you doing here?!" Sigaw ko ulit!

Hindi ko siya matingnan kasi hiyang-hiya ako. Nahihiya ako na baka nakita nga niya ang katawan ko. Nakita kaya niya talaga?

"Kanina ka pa namin kinakatok. Naka-lock ang pinto mo, akala namin kung napa'no ka na," kalmado ang baritono niyang boses at tila nag-echo ito sa loob ng banyo.

Wala sa sarili kong tinakpan ang katawan ko kahit na nakalublob na ito sa ilalim ng tubig. Ah bahala na! Baka lang naman makita niya. Penthouse niya pa naman 'to.

"I'm just resting. Please go out!" Tinitigan ko ang tubig habang pinipilit aninagin sa gilid ng aking mata ang bawat kilos niya. Nanatili siya sa may pinto.

"Pinag-alala mo kami."

Bakit ba siya kami nang kami? E, siya lang naman 'tong nasa loob ng banyo?

"Get out! Magbibihis ako! And can't you see, I'm naked!" Nakataas ang isang kilay ko kahit na hindi ko magawang tingnan siya.

"Bilisan mo, kanina ka pa namin hinihintay. Lumalamig na ang hapunan."

Punyemas. Mariin akong pumikit at hinintay ang pagsarado ng pinto. Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang makumpirmang wala na siya.

Isa't-kalahating tanga ka pala, MJ?

Hanggang sa nakapagbihis ako at naglalakad na palabas ng kuwarto ay iyon pa rin ang iniisip ko.

Nakita kaya niya ang buo kong katawan? Punyemas naman! Oo malandi ako pero hindi ako kasing landi nang inaakala niyo na kayang ipakita ang hubad na katawan sa kung sinu-sinong lalaki. Punyemas. Not him!

Nagsuot ako ng pinakabalot kong pajama of all times. 'Yong balot na balot na balot talaga ako. Long sleeve 'yon kasi nga nahihiya ako.

Bumaba ako ng semicircular stairs at dumiretsong dining area kung saan nakita ko ka agad ang likuran niya na nakaupo sa kabisera ng lamesa. Isang matinding tikhim ang ginawa ko para maagaw ang atensyon niya.

"Sit," sabi niya sabay muwestra sa usual spot ko sa dining area.

"Nasaan nga pala sina Alice at Erna?" Pinasadahan ko ng tingin ang mga nakahain na ulam. Hindi ito ang usual na niluluto nila Alice at Erna. Hindi naman mga pinoy foods 'to, e. Mga pinoy foods lang ang alam lutuin ng mga 'yon. Ang nakahain kasi sa lamesa ay Chicken Provencal. Kahit mukha akong walang class na mayaman, may alam din naman ako sa mga Italian cuisine.

"I let them review for their exams. Let's eat."

Matinding lunok na naman ang ginawa ko at nagsimula na siyang kumuha ng mga pagkain sa hapag. Sinunod ko naman siya at nanatiling tahimik.

"W-Who cook these?"

Ah shit, MJ? Kailangan talaga ma-utal ka?

"Ako. Ang sabi mo kasi walang ulam kaya ako na ang nagluto."

Whoa. Whoa. Whoa? Really?

"You know how to cook?"

Marami akong kilalang lalaki sa buhay ko pero hindi lahat sila ay alam at may kaalaman sa pagluluto. I'm also kind of not expecting that a Lizares knows how to cook.

"Yep, you?"

"No." Wow. Nakakahiya pala. "But I know how to cook rice," pambabawi ko. Wala lang, proud ako sa sarili kong marunong akong magsaing! Ano ka ba, it's an honor kaya!

He snorted a laugh that made me stare at the food for like five seconds. Punyemas?

"Everybody knows how to cook rice, wife."

Now he said it again. Wala sa sarili kong inilapag ang kubyertos ko at naiinis na tiningnan siya.

"I said... stop calling me wife! And why are you even talking to me?" Singhal ko sa kaniya dahilan para matigil siya sa nakakalokong ngiti niya.

Inilapag niya sa pinggang ang mga kubyertos na hawak at mukhang nagtitimping pinasadahan ako ng tingin.

"Ano ba talaga ang gusto mong gawin ko? I am now talking to you like what you want but here you are raising your voice at me like I'm some pest in our house."

Matinding pagsinghap ang ginawa ko at nang maka-recover ay sarkastikong ngisi ang ibinigay ko sa kaniya.

"Salamat ha? Salamat kasi nakipag-usap ka na sa akin dahil lang sinabi ko. Salamat kasi bukal na bukal sa loob mo ang pakikipag-usap mo sa akin ngayon. Salamat, Darry, ha?" Puno ng sarkasmong sabi ko sabay hampas sa lamesa at padarag na umalis ng dining area.

Nakakairita! Akala ko pa naman bukal sa loob niya ang ginagawa niya ngayon! Nakakapunyemas ka talaga kahit kailan, Darry Lizares!

Saktong papaakyat ako ng hagdan nang tumunog ang doorbell ng penthouse. Sinamaan ko ng tingin ang pintuan at dahil alam kong nasa kuwarto na ang dalawa at nasa kusina pa si Darry at ako lang ang nasa malapit, wala akong choice kundi ang puntahan ang pintuan at pagbuksan ito.

At dahil inis na inis pa rin ako kay Darry, padarag kong binuksan ang pinto at matalim na tiningnan ang kung sinong sugo ng demonyo ang nasa labas ng penthouse.

Limang segundo... Limang segundo kong prinoseso ang lahat.

Shit? Shit?! Shit!

"Cony..."

Pagsabog sa loob ko ang nakapagpabalik sa akin sa realidad.

Anong ginagawa niya rito? Gusto kong magsalita. Gusto kong gumalaw pero bakit hindi ko magawa?

"Cony..." Tawag niya ulit sa pangalan ko pero wala akong ibang ginawa kundi ang titigan siya.

"Who's there, wife?"

Hoooh!

Saka lang ako nakahinga nang maluwag ng marinig ang boses ni Darry mula sa loob. Humigpit ang hawak ko sa doorknob at umiwas ng tingin sa kaniya.

"M-May bisita ka Darry," medyo pasigaw na sabi ko dahil base sa boses niya kanina, mukhang nasa loob pa siya ng dining area.

"Cony, let's talk," bulong ni Tibor sa akin at pilit pang inaabot ang kamay ko pero ako na mismo ang kusang umiwas. Hindi ko kaya. Hinding-hindi ko yata talaga kakayanin.

"Oh, bay, why are you here?"

Punyemas.

Automatic akong napabitaw sa doorknob nang maramdaman ang kamay ni Darry sa baywang ko. Kahit na makapal ang tela ng pajamas ko, ramdam na ramdam ko pa rin ang init ng kaniyang palad. Punyemas! Ano ba!

Para akong statue, hindi na makagalaw dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman ko ngayon. Umabot na ako sa point na hindi ko na alam kung anong uunahin ko. Basta ang alam ko ngayon, mabilis ang tibok ng aking puso at ang hirap habulin nito.

"Dumaan lang ako, you know naman I'm living nearby, 'di ba? And gusto ko ring ibigay sana sa inyo 'to."

Mas lalo akong nag-iwas ng tingin sa kaniya at napatingin na lang sa kamay ni Darry na nasa baywang ko.

"Matutulog na ako, Dar. Mag-usap na muna kayo ni Engineer Valmayor," pormal na sabi ko at ako na mismo ang kumalas sa kamay ni Darry sa baywang ko. Mapakla kong tiningnan si Tibor . "Please excuse me, Engineer Valmayor," pormal pa rin na sabi ko at hindi na hinintay ang sagot nilang dalawa.

Dali-dali akong umakyat at pumunta ng kuwarto. Nagkulong ako roon. Masiyadong pagod ang utak ko sa mga nangyari ngayong araw. Hindi ko alam kung anong uunahin ko. Masiyado silang marami, isa lang ang utak ko, paano ko sila maiisip lahat?

Nakatulala na naman ako sa opisina. Iniisip ang ni-review ko kani-kanina lang. Nang makuntento ay tumigil ako at ini-relax ang likod sa malambot na swivel chair, pinaglalaruan ang pilot sign pen ko.

Tumunog ang intercom kaya umayos ako ng upo at hinintay ang kung anong mensahe ni Aira sa akin.

"Boss, busy po kayo?"

"Not really, why Aira?" sagot ko naman sa kalmadong paraan habang pinaglalaruan pa rin ang sign pen. Kumuha ako ng scratch paper at pumirma nang pumirma doon habang naghihintay sa sagot ni Aira.

"Nandito po si Sir Darry."

Tumigil ang kamay ko sa pagsusulat nang marinig ang sinabi ni Aira.

"Busy pala ako, Aira, pakisabi sa kaniya," at saka nagpatuloy sa pagsusulat sa blankong papel na iyon na puros pirma lang ang laman.

Wala na akong narinig mula sa intercom, siguro in-off ni Aira ang connection niya kaya in-off ko na rin 'yong akin at nagpatuloy sa walang kabuluhang ginagawa.

Ilang segundo lang ang nakalipas ay biglang nagbukas ang pintuan ng opisina ko kaya agad akong nag-angat ng tingin at nakita nga si Darry doon. Still on his usual looks: gray suit, messy hair, balbas-saradong mukha, matikas na tindig, with rimless specs, at mabangong amoy. Sa likuran niya ay ang nakayukong si Aira.

"Sorry boss, importante po raw kasi ang sadya ni Sir Darry sa 'yo."

Bumuntunghininga ako at sinamaan ng tingin si Darry.

"It's okay, Miss Macellones. I'll handle this one, you can go out now." Siya ang nagsabi kay Aira no'n habang nakatingin lang sa akin. May napansin din akong parang folder na dala niya.

Sumandal ako sa swivel chair at hinintay makalabas si Aira sa opisina at hinintay na lumapit siya at umupo sa bangkong nasa tapat ng lamesa ko.

"Why are you here?" Malamig na tanong ko at pilit kinakalimutan ang mga nangyari kagabi.

"Iniiwasan mo ba ako?" Imbes na umupo sa tapat ng lamesa ko, nanatili siyang nakatayo sa harapan ko at nag-ekis pa ang kaniyang mga braso habang hawak sa isang kamay ang medyo makapal na folder na dala niya. Pinasadahan niya ako ng tingin na animo'y isang detective na nag-iimbestiga.

I smirked.

"Bakit naman kita iiwasan? Ganoon lang talaga ang routine ko, nasanay na ako. Sa dalawang buwan ba namang ganoon lang ang nangyayari sa buhay ko, e, 'no?" I said mockingly.

Kaninang umaga kasi, mas maaga akong gumising at umalis ng opisina. Dito nga rin ako nag-agahan dahil yeah, tama siya, iniiwasan ko nga siya.

"Starting today, sabay na tayo sa lahat. Hindi ka na puwedeng umiwas sa akin at hindi mo na rin gagawing rason ang pagri-review mo para iwasan ako. Baka nakakalimutan mong asawa mo ako, wife."

Really, huh?

Tumawa ako. Tumawa ako nang sobrang lakas na animo'y mabubulabog ang natutulog na espirito sa loob ng opisina ko. Tumawa ako at sana marinig ni Aira iyon. Tumawa ako nang tumawa hanggang sa humupa ang tawa ko at naiirita siyang tiningnan mula ulo hanggang paa. Oo crush kitang unggoy ka pero masiyado ka naman yatang presko kung pagbibigyan ko 'yang sinasabi mo.

"Baka nakakalimutan mo ring dalawang buwan mo na akong asawa at dalawang buwan mo na rin akong hindi pinapansin? Baka nakakalimutan mo, Darry?"

Ano ka ngayon, gago?

I laugh more at the back of my head. Savoring the victory I've felt dahil akala niya hindi ko siya masasagot sa mga patutsada niya. Ano ka ngayon, gago?

Wala siyang naging reaksiyon sa pagtawa at sa sinabi ko. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin habang nakahalukipkip.

"Ano bang sadya mo rito at bakit ikaw pa ang nandito? Puwede mo namang ipahatid 'yan sa secretary mo o sa kahit kaninong empleyado n'yo. Bakit ikaw pa?" I mirrored his gesture, but mine is the sitting version.

"'Di ba ayaw mo sa akin? Bakit kailangan mo ang atensiyon ko? 'Di ba dapat matuwa ka pa kasi hindi kita pinapansin? Bakit ngayon, nagrereklamo ka sa trato ko sa 'yo?"

Boom. Back to you, MJ!

Hardcore na natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko at umiwas na lang ng tingin. Sino bang nagsabing ayaw ko sa kaniya, ha?

"Sabihin mo na kung anong sadya mo ngayon. Marami pa akong ri-review-hin sa araw na ito. At kung aawayin mo lang din naman ako, please mabuti pang umalis ka na," malamig na sabi ko sa kaniya at inayos ang mga notes na kailangan kong pag-aralan bukas.

Habang ginagawa ko 'yon ay may inilapag siya sa table ko kaya natigilan ako. Matagal ang naging titig ko sa folder na iyon at nang makita ang title ay huminga ako nang malalim at ibinalik sa kaniya.

"Okay na 'yan. Wala akong tutol sa planong iyan," sabi ko habang hindi pa rin siya tinitingnan sa mukha.

"Okay? You haven't check it yet and you're telling me okay? Open it and check it, then tell me if it's a good plan."

Hindi ko sinunod ang gusto niya. Tiningnan ko lang siya sa mukha at marahang bumuga ng hangin.

"I have no problem with the renovation, Darry. And like what Daddy Gabriel said, your engineer is a renowned international engineer so who would doubt that kind of credentials, Darry?"

"Then what about the materials?" May panghahamon sa boses niya kaya pumikit ako nang mariin.

"The construction firm you choose will going to use Osmeña Steel Works and Cement, right? Not against it."

"Hindi ka nakinig noong meeting, 'di ba? Kaya paano ka nakasisigurong maayos nga ang renovation?"

Punyemas?

Halos masamid ako sa sariling laway nang marinig ang sinabi niya. Paano niya nalaman na hindi nga ako nakinig? Punyemas? Nahalata ba niya?

"You spaced out during the meeting and hindi ka um-attend sa closed door meeting with Engineer Valmayor. So how sure are you na magiging okay ang proyektong ito?" Ayan na naman siya sa naghahamong tono ng baritonong boses niya. "Ganyan ka ba talaga ka-iwas sa akin para tanguan na lang ang lahat?"

May napansin nga siya pero sa maling rason naman.

Eksaherada akong bumuntunghininga at inilapag ang folder na hindi man lang niya kinuha sa kamay ko. Ipinatong ko ang siko sa lamesa at pinagsalikop ang kamay ko at pumikit.

"Bakit mo ba kailangan ang opinyon ko sa renovation ng kompanya n'yo, Darry? 'Di hamak na fresh graduate lang ako at wala pa akong napapatunayan sa mundo ng construction and engineering kaya sino ako para question-in ang isang sikat at dekalidad na inhenyerong katulad ni Engineer Valmayor?" Kalmado kong sabi habang nakapikit.

"Because you are my wife and your opinion in every matter is more important than my decision in life."

Fireworks. Sandamakmak na fireworks ang naramdaman ko nang maipasok sa utak ang sinabi niya. Asawa niya ako kaya importante ang bawat desisyon ko.

'Wag ganito Darry. Mas lalo akong mahuhulog. Mas lalo akong mahihirapang sagipin ang sarili ko kapag natapos ang lahat ng ito. 'Wag ganito.

"Boss, pasensiya na po sa disturbo pero may delivery po kayo."

Nabawasan ang tensiyon ko sa damdamin nang marinig ang boses ni Aira sa intercom.

Pero, teka? Delivery? Nang ano?

"Ipasok mo Aira." Kahit na hindi ko alam kung anong klaseng delivery 'yon ay pinapasok ko pa rin kay Aira.

Pumasok si Aira bitbit ang isang napakagandang bouquet of red tulips. Red Tulips! Punyemas? Sa sobrang gulat ko, napatayo ako nang wala sa oras habang nakatingin sa bitbit ni Aira.

"Kanino galing 'yan, Miss Macellones?" Imbes na ako ang magtanong, naunahan ako ni Darry sa pagtatanong.

Pinuntahan ko si Aira at agad kinuha sa kaniya ang bulaklak. Hinanap ko ka agad ang note habang sumasagot si Aira kay Darry.

"Wala pong iniwan kung kanino galing, Sir Darry, e. Baka nasa note po."

Ayon!

Agad kong kinuha ang note at binasa ito.

'Bakit hindi mo tinupad ang pangako natin sa isa't-isa, Cony? Bakit?

-T.V.'

Of course! Who will send me this kind of flower with this kind of note? Siya lang!

"Who sent you that, wife?"

Punyemas.

Agad kong nilakumos ang note na iyon at itinago sa bulsa ng coat ko. Hindi niya puwedeng malaman kung kanino galing ito.

"Wala, just a random business partner of the Osmeñas, sending their gratitudes towards our company." Nilingon ko si Aira at nginitian siya. "Thank you, Aira."

"Sandali lang, Miss Macellones, palagi bang may nagpapadala sa kaniya ng mga ganitong klaseng bulaklak starting when she assume the office?" Hindi tuluyang nakalabas si Aira dahil pinigilan siya ni Darry at tinanong na ang mga tanong niya.

Naglakad ako pabalik sa table ko at inilapag ang bulaklak sa lamesa at naghanap ng vase sa loob ng opisina.

"Opo, Sir Darry, kaso ito po ang unang beses na may nagpadala sa kaniya ng ganyang klaseng bulaklak tapos galing pa po sa isang hindi nagpapakilalang sender."

Punyemas.

Mariin ang naging pagpikit ko habang nakahawak sa vase. Mabuti na lang at nakatalikod ako sa puwesto niya.

"Go back to your table, Aira. I'll call you when I need anything," sabi ko at pa-simpleng sinamaan ng tingin si Aira. Bahagya siyang yumuko at lumabas na nga.

Binalikan ko ang bulaklak at isa-isa itong tinanggal sa pagkaka-arrange at inilipat sa vase. Ignoring the presence of Darry Lizares.

T.V.

Ang unang lalaking nakaalam kung anong paborito kong bulaklak. Yeah, the boy who taught me how to fall in love.

Kaya 'wag mo nang alamin, Darry, kung kanino galing. Hindi ka maniniwala.

T.V.

Thibault Valmayor.

~

下一章