webnovel

2 Years Before The Engagement.

"And good job! Maganda! Sa tingin ko may laban ang College of Engineering. Am I right, Engineer Lizares?"

Wala sa sarili akong napa-irap habang naglalakad papunta sa duffel bag ko.

Tatlong rounds ng practice ang ginawa namin para sa final practice na ito. Una, 'yong kami-kami lang as a group. Pangalawa, pinapanood na kami ng aming supervising faculty. Pangatlo, ang Dean of College of Engineering na ang nanunood sa amin. Sa tatlong rounds na 'yon, nandoon lang sa isang sulok si Sonny. Tahimik na nakamasidsa bawat galaw namin. Oo. Namin. Ayokong mag-assume na ako lang ang tinitingnan niya kahit halata naman.

Ngayon ay hiningan na siya ng komento ni Dean tungkol sa naging performance namin.

"Tama po kayo, Dean, magaling nga itong mga kasali sa pop dance ngayong taon."

Napapikit ako nang mariin dahil nagsisi akong lumapit agad ako sa duffel bag ko bago pa man siya nagsalita. Sana pala pinatapos ko muna siyang magsalita para hindi ako bagyuhin na may kasamang kulog dahil sa boses niya.

"Tama. Tama. Tama ka talaga, Engineer Lizares!"

Dahan-dahan akong naglakad palayo sa kaniya at palapit sa mga kasamahan ko habang bitbit ang kinuha kong tumbler sa duffel bag.

Habang naglalakad ay inuubos ko naman ang tubig dahil inuhaw ako sa pagod.

Nakatalikod si Sonny sa akin kaya nagkaroon ako ng magandang view sa mahaba niyang buhok sa may batok. Katulad ng una ko itong napansin, naka-braid pa rin ito at sa tingin ko, mas lalo itong humaba from the last time I saw him with that.

I honestly find that one cute. Bagay sa kaniya.

Oh shit! Stop it, Maria Josephina Constancia Leonardia Osmeña. What you are thinking right now is very wrong in any possible way!

Umiling na lang ako at itinoon ang atensiyon sa ibang bagay.

Sakto namang nilapitan ako ng isa kong kasamahan sa pop dance na si Ria.

"Ang guwapo talaga nitong si Sonny! Walang kupas! Isang taon na siyang wala sa Uno-R pero kilala pa rin siya ng mga taong nandito."

"Tapos ngayong nag-topnotch pa siya sa board exam nila. Edi, dagdag na mas lalo siyang naging kilala, 'di ba?" may isa na namang lumapit na si Bryan.

"Hindi lang dito sa probinsiya natin. Maging sa Manila at sa buong Pilipinas na yata. Sabagay, ma-impluwensiya naman kasi talaga ang mga Lizares."

"Talaga?" singit ko sa usapan nila. Trying to sound like an interested creature.

Mas ma-impluwensiya pa sila kesa sa mga Osmeña?

"Talaga! Sa lahat din kasi ng Lizares brothers, siya lang ang nag-aral dito. The rest, 'di ba, mga alumni ng La Salle?" ani Ria.

"Yes naman!" seconded by Bryan with his gay accent.

"Kaya nga minsan, La Sallian brothers ang tawag ng iba sa kanila instead of Lizares brothers. Hahaha," at sinabayan ni Bryan ng tawa si Ria sa sinabi nito.

Umiling na lang ako at hindi na ulit pa pinatulan ang pag-uusap ng dalawa.

Maya-maya lang din, d-in-ismiss na kami ng supervising faculty namin sa pop dance.

Nakita kong ka-usap pa rin ni Sonny si Dean at ang iilang faculty member ng Engineering department kaya I grab that chance na lumabas agad ng dance hall.

No sweat.

"MJ, see you on Monday!"

"Bye, MJ!"

Pagkalabas ko ng dance hall ay sinalubong agad ako ng paalam ng iilang kasamahan ko na hindi nakapagpaalam sa akin kanina sa loob. Na, siyempre, tinugonan ko naman.

Naglalakad na ako paputang gate nang biglang may humawak ng siko ko. Nilingon ko agad kung sino 'yon at nakita siya. Kusang tumaas ang isang kilay ko at naipag-ekis ang braso sa aking tiyan.

"Hey... ihahatid na kita."

I shifted my weight at walang gana siyang tiningnan.

"What for?"

"Teka sandali... kanina ko pa napapansin, e. Bakit ang sungit mo sa akin?"

I snorted a little bit after hearing what he said. He's like a frustrated imp with that kind of tone.

Ngumisi ako sa kaniya. A fake one.

"Hindi naman ako masungit, Sonny. Sadyang ganito lang ako sa mga taong hindi ako interesado," kibit-balikat na sagot ko.

"Wow. Sa akin ka pa talaga hindi interesado?" pangisingising sabi niya.

Kasi nga mahirap kayong abutin! Suntok sa buwan, sabi nga ni Ate Tonette! You are untouchables for heaven's sake, Sonny Lizares!

"How's that? Magkaibigan ang pamilya natin. Your Ate is bound to marry my Kuya. So that made us an automatic friends. Kaya dapat lang na pansinin kita ngayon dito, kaya dapat lang na ihatid kita pauwi sa inyo. I'm just being nice here, MJ."

I shifted again my weight and uncomfortable ko siyang tiningnan sa mga mata.

"Hindi por que magkaibigan ang pamilya natin ay kaibigan na rin kita. I have my own standards and qualifications bago ko gawing kaibigan ang isang tao. At wala akong pakialam kung ikakasal ang Ate Tonette ko sa Kuya Decart mo. Labas ako sa relasyon nilang iyon. So in short, Sonny, in case you didn't get that one, hindi mo ako responsibilidad kaya hindi mo ako kailangang ihatid at pansinin sa tuwing nagkikita tayo."

I immediately turned my back to close the conversation.

"Bakit? Ano ba ang batayan mo bago mo gawing kaibigan ang isang tao? Most especially, ang isang lalaki? Gagawin mo ba munang fling bago maging kaibigan?"

And I snapped. Kusang tumigil ang mga paa ko sa paglalakad nang marinig ang seryosong sinabi niya. Malaki ang pasasalamat ko na wala na masiyadong estudyante sa hallway ng SA building. Gabi na rin kasi.

Huminga akong malalim bago humugot ng mga salitang ibabato ko sa kaniya. Noong nakaraan ko pa napapansin ang mga titig niyang alam kong may ibig sabihin. Nagiging uncomfortable sa akin 'yon at hindi ko 'yon gusto.

Handa na ang rebuttal ko pero bigla niyang dinagdagan ang sinabi niya na mas lalong nagpatigil sa ikot ng aking mundo.

"Kung ganoon... I'm willing to be your fling just to become your friend, MJ."

Napahigpit ang hawak ko sa strap ng duffel bag at iginala ang tingin sa pinakadulo ng hallway na kinatatayuan ko.

"I can't. I can't do that," buong boses ko ang ibinigay ko para lang marinig niya nang buo ang gusto kong iparating sa kaniya.

Dahan-dahan kong inihakbang ang mga paa ko para ipagpatuloy ang naudlot na paglalakad.

"Why?" dumagundong ang mala-kulog niyang boses habang naglalakad ako.

Humarap ako sa kaniya pero nagpatuloy ako sa paglalakad, paatras nga lang.

"Kasi hindi puwedeng fling lang ang isang Lizares," 'yon lang ang sinagot ko at nagpatuloy na sa paglalakad sa kalmadong paraan hanggang sa makarating ako sa exit gate.

Pagkalabas ko ay agad akong sumakay ng jeep na Mandalagan-Libertad ang routa. Uuwi muna ako bago puntahan ang mga kaibigan ko sa Gypsy.

Sa pinakadulong parte ng jeep ako umupo. 'Yung malapit sa sakayan kasi mas gusto ko 'yong place na 'yon.

Matapos kong magbayad ng pamasahe ay ine-relax ko ang likod ko at napatingin sa labas. Sa mga sasakyang nakasunod sa jeep na sinasakyan ko.

Merong isang Ferrari ang nakasunod. Gusto ko sanang purihin kung gaano ka-ganda ang kotseng iyon pero nawalan ako ng gana. Pagod na pagod ako. Feeling ko dahil ito sa pinag-usapan namin ni Sonny. Ang galing talaga ng mga Lizares na ubusin ang enerhiya ko. Punyemas.

Ilang minuto rin ang nakaraan ay nakarating na ako sa tapat ng building na tinitirhan ko. Bumaba ako sa jeep bago tumawid dahil nasa kabilang side ng daan ang building.

Bago pa man ako makatapak sa gutter ng side walk, may bigla nang tumigil na sasakyan sa tabi nito. Hindi ko na sana papansinin kasi wala naman akong pakialam. Baka random citizen lang 'yon pero natigilan talaga ako dahil sa lakas ng kalabog ng pintuan ng kotse na kakasara lang.

Bahagya akong lumingon sa direksyon ng kotse at unang pasada ng tingin, alam ko ng isang mamahaling kotse 'yon.

"MJ!"

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may tumawag ng pangalan ko at sabay no'n ay ang paghawak sa braso ko.

"What the shit, Sonny? Anong ginagawa mo rito?"

Kusa niyang binitiwan ang braso ko kaya nagkaroon ako ng pagkakataong humakbang paatras sa kaniya.

Imbes na masindak sa pagsigaw ko, mas lalo siyang ngumisi sa akin.

"Tungkol sa sinabi mo..." he trailed off, giving me some goosebumps on the way he smirks.

"Anong tungkol doon? Anong sinabi ko?" nilakasan ko ang loob ko at pilit na pinapakalma ang sarili.

Damn. Sa kaniya 'yung Ferrari na nakita kong nakasunod sa jeep na sinakyan ko?

Damn this man! How rich are they ba?

"Kung hindi puwedeng maging fling ang isang Lizares... bakit hindi mo ako gawing boyfriend mo?"

Punyemas?

"Hahahahaha..." at hindi ko na nga napigilan ang tumawa ng malakas. Alam kong parang bruha ang dating ng pagtawa ko dahil hindi naman totoong tawa talaga iyon. More on tawa na nang-iinsulto na may halong kinakabahan.

Punyemas. Bakit ko nga ba sinabi sa kaniya 'yon kanina?

"I'm serious, MJ," sabi niya gamit na naman ang mala-kulog niyang boses.

Pinakalma ko ang sarili ko at iiling-iling na sinipat siya ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Naririnig mo ba ang sarili mo?" kusa akong nag-iwas ng tingin. "Alam mo ba kung anong ibig sabihin ng sinabi ko? Kung bakit hindi puwedeng maging fling ang isang Lizares na katulad mo?" nilingon ko ulit siya. "Bakit nga ba, Sonny? Bakit nga ba mahirap abutin ang mga Lizares? Kasi hindi ko alam, Sonny. Magpasalamat ka na lang at hindi ko sinasama sa mga pinaglalaruan ko ang mga Lizares," kibit-balikat na sagot ko atsaka ako puhimit patalikod para magpatuloy sa paglalakad papunta sa entrance ng building.

"Paano kung gusto kong masali sa mga nilalandi mo, MJ? May magagawa ka ba? I like you, MJ."

Nakakatatlong hakbang pa lang ako ay kusa na namang tumigil ang paa ko sa paglalakad.

Hindi ko siya nilingon. Hindi rin naman siya gumalaw sa kaninang puwesto niya.

Mapakla akong napangiti.

"Thank you, Sonny, but you'll eventually get tired of it," huling sinabi ko bago ako naglakad papasok sa building, this time it's for real.

~

Hindi na ulit nagtagpo ang landas namin ni Sonny Lizares. Inaamin ko, bumagabag sa utak ko ang sinabi niya. Pero sandali lang 'yon. Mga dalawang oras lang kasi I treated his confession like the confession of the other boys. What I did to him is only right 'cause after many months, hindi ko na ulit nakita kahit anino niya. Kahit na kasagsagan ng paghahanda sa kasal ni Ate.

Ngayon, sigurado akong makikita ko na siya kasi ngayong araw ang kasal ni Ate Tonette kay Decart Lizares.

Nasa simbahan na ako ngayon. Nandito na kaming lahat, kumpleto na. Ang bride na lang ang hinihintay namin.

Nakaupo ako sa pinakadulong pew ng simbahan, malapit sa aisle. Hawak-hawak ko ang isang napakagandang bouquet dahil isa ako sa mga bridesmaids. Nakatingin ako sa kabilang dulo ng simbahan, kung saan nag-uusap usap ang Lizares brothers.

Wala sa sarili akong napa-iling dahil nang makita si Sonny ilang buwan matapos ang kaniyang confession sa akin, nandito siya't may kasamang iba.

Isa ka ngang malaking gago, Sonny Lizares! Tama lang talaga ang ginawa ko. Tamang-tama lang talaga.

"Ang sama makatingin, a?"

Napakurap-kurap ako nang tapikin ni Breth ang balikat ko.

"Girlfriend ni Sonny 'yang kasama niya?" Tumabi siya sa akin at sinawalang-bahala ang sinabi niya. Iniwas ko na rin ang tingin ko sa kanila.

"Wala pa ba si Ate?" pag-iiba ko sa usapan.

Gusto ko sanang samahan si Ate kanina sa hotel room niya pero she insisted na paunahin ako sa simbahan kasama sina Mama at Papa at ang iba pa naming kapamilya. Ang tanging naiwan lang doon sa hotel room niya ay ang bestfriend niya at si Ate Ada.

"Wala pa. May twenty minutes pa si Ate Tonette para umatras."

Bigla kong nahampas si Breth dahil sa sinabi niya. Isang masamang biro.

"Ano ba 'yang pinagsasabi mo, Breth. Shut it out! Hindi nakakatuwa."

"Biro lang. 'To naman, o," pabirong hinagod ni Breth ang likuran ko pero inirapan ko lang ito. "Oo nga pala, nagparamdam na si Kuya Yosef."

What?

Agad na namang naagaw ni Breth ang atensiyon ko.

"How? Where is he?"

"He's fine and he will come home soon. Alam ng mga Ate at Kuya natin kung nasaan siya at request niya talagang 'wag sabihin sa atin ang whereabouts niya."

"Kaya ba umalis ng bansa si Kuya Clee noong nakaraang taon? Pinuntahan niya si Kuya?"

"Yep..." kibit-balikat na sagot niya.

"Kahit kailan talaga si Kuya Yosef!" napabuntonghininga ako sa napagtanto.

Tama nga ang hinala ko, may alam ang mga nakakatandang pinsan namin sa situwasiyon ngayon ni Kuya.

At kung bakit niya nagawa 'yon? Hindi ko alam at mukhang hindi ko na maiintindihan. Mahirap intindihin kung bakit nagawang iwan ni Kuya Yosef ang pamilya niya at ipahiya ito para lang sa lintik na pag-ibig niyang hindi ko maintindihan.

"Where the hell is Maria Theodora Antonette, Ada? Nasaan ang pinsan mo?"

Sabay naming nalingon ni Breth ang entrance ng simbahan nang dumagundong ang malakas na sigaw ni Mama.

Napatayo pa kami ni Breth para mapuntahan sila.

"T-Tita... hindi ko po alam. Pinuntahan namin ang hotel room niya para sana e-check siya pero wala na roon ang glam team niya, pati na rin siya. Pero nag-iwan po siya ng isang sulat," nanginginig na inabot ni Ate Ada ang isang papel na nakatupi.

Padarag na hinablot ni Decart Lizares ang inabot ni Ate Ada at kahit na nakatalikod si Decart sa amin, alam kong masama ang ipinukol na titig niya kay Ate Ada dahil tiningnan na muna niya ito bago binuksan ang papel.

"What is it, Decart?"

Lumapit na rin ang mga magulang ko sa kaniya para makiusyoso sa kung anong laman ng sulat.

Nagsimula nang magkagulo sa loob ng simbahan dahil sa pangalawang pagkakataon, ipinahiya na naman ng mga kapatid ko ang pamilya namin.

Hindi ko na alam kung anong sunod na nangyari. Bigla akong inilayo ng mga pinsan ko. Pinalabas ako ng simbahan at hindi hinayaang makihalubilo sa panibagong problemang ginawa ni Ate Tonette sa imahe ng pamilya namin.

Yes, Ate Tonette is a runaway bride.

"Sabihin n'yo nga sa akin, may alam na naman ba kayo sa ginawa ni Ate?" pagbasag ko sa namumutawing katahimikan.

Nakasakay ako ngayon sa kotseng pagmamay-ari ni Kuya Yohan. Siya na rin ang nagda-drive. Si Kuya Mikan naman ang nasa front seat at ako ang nasa back seat.

Kanina pa umaandar ang kotse pero hindi ko alam kung nasaan na kami.

Katahimikan. 'Yan ang sinagot ng dalawa sa akin.

"Tungkol na naman ba 'to sa isang lalaki? Lumayas ba si Ate at nakipagtanan sa lalaki niya?"

Wala na namang sumagot sa kanilang dalawa kaya padarag akong sumandal sa kinauupuan ko rito sa back seat at masamang tiningnan silang dalawa.

"Ibalik n'yo ako sa simbahan. Kailangan ako ni Mama at Papa."

"Hindi puwede, MJ. Kaya na ng mga Tito at Tita natin na ayusin ang gulong ginawa ni Tonette."

At sa wakas ay nagsalita na si Kuya Yohan.

"So may alam talaga kayo. May alam kayo na mangyayari ang ganito sa mismong araw ng kasal ni Ate. May alam kayo na idi-ditch ni Ate si Decart Lizares."

Pinilit kong ikalma ang sarili ko pero hindi ko magawa. Lumalabas talaga sa boses ko ang pagkakairita sa ginawa ni Ate.

Pinahiya niya ang pamilya namin.

"H-Hindi sa ganoon, MJ-"

"Alam n'yo na ngang mali, kinonsente n'yo pa ang ginawa ni Ate!" pinutol ko ang sasabihing rason ni Kuya Mikan.

"Pull over, Yohan," si Kuya Mikan.

Biglang bumagal ang takbo ng kotse hanggang sa ihinto na nga ni Kuya Yohan sa isang tabi. Mga sugarcane ang nasa magkabilang gilid ng daan, hula ko, papunta kami sa bahay ngayon.

"Ginawa lang namin ang sa tingin nami'y tama, MJ," kalmadong sabi ni Kuya Yohan kaya napatingin ako sa kaniya.

Umiling ako at padarag na lumabas ng kotse. Halos suntukin ko ang kotse ni Kuya Yohan dahil sa frustration na nararamdaman ko sa buong sistema ko.

Sabay naman na lumabas ang dalawa at nilapitan ako.

"MJ, calm down!" ani Kuya Mikan.

"Kailan pa tama ang paglalayas? Kailan pa tama ang suwayin ang mga magulang?" sumigaw na ako dahil galit na galit ako.

Galit na galit ako sa ginawang kahihiyan ng mga kapatid ko.

I always look up to them! Always! Tapos ganito? Ipapahiya nila ang pamilya namin? Kasi ayaw nila? Hindi ba puwedeng magtiis sila para sa pamilya? Kasi para naman ito sa kompanya at sa pamilya namin, e. Mahirap ba talagang magsakripisyo nang kahit kaonti?

"Kasi mahal ni Ate Ada si Decart, MJ! Mahal na mahal! Ginawa 'yon ni Tonette dahil sa pinsan niya. Mas mahal niya ang pinsan niya kaya umalis siya."

Habol ang hininga kong tiningnan si Kuya Mikan.

"Tapos ano? Mahal din ni Ate Tonette si Decart pero dahil sa cousin code, nagpaubaya siya? Ganoon ba? E, lintik pala talaga ang pag-ibig na 'yan! Wala nang nagawang matino sa mga buhay ng tao!" sinipa ko nang buong puwersa ang gulong ng kotse. Hindi alintana ang sakit na naramdaman ng paa ko.

"Kumalma ka nga, Maria Josephina Constancia!" si Kuya Yohan. "Mali ang iniisip mo. Walang nararamdaman si Tonette kay Decart. Mahal na mahal ni Tonette si Uly."

Mariin kong hinilot ang sentido ko. Lintik na pag-ibig.

"E, bakit ganito? Bakit umabot sa ganito? May balak pa lang indianin ni Ate ang kasal bakit pinagastos niya pa ang mga Lizares? Bakit kailangang umabot sa simbahan bago niya isagawa ang plano niya?"

"Kasi pinilit ni Tito Rest at Tita Blake," ani Kuya Yohan.

"Hindi, Yohan. Tuso talaga ang mga Lizares. Alam nila na labag sa kalooban ni Tonette ang kasal na ito. Nahihimigan na nilang aatras na si Tita at Tito kaya minadali nila ang kasal. May nararamdaman si Decart kay Tonette kaya ipinilit. Alam na alam ng mga Lizares 'yan pero dahil tuso sila, umabot sa ganito," mahabang explanation ni Kuya Mikan sabay hawak sa balikat ko. "Kaya tama ang sinabi ni Tonette sa'yo, MJ. 'Wag kang magtiwala sa mga Lizares."

~

"Woooh! Body shots! Body shots!"

"MJ! MJ! MJ! MJ!"

Mas lalong lumawak ang ngisi ko nang halos lahat ng nakapalibot na tao sa akin ay isinisigaw ang pangalan ko. Mas lalo akong ginanahan na gawin ang dare nila.

Bitbit ang isang shot glass ng tequila, malagkit kong tiningnan ang nakaupo sa isang monobloc chair na nasa gitna mismo ng mga taong nakapaligid sa amin. Basically, dalawa kaming nasa gitna.

Half-naked siya ngayong nakasalampak sa upuang 'yon. Ang six pack abs niya ay nilagyan ng asin para sa dare.

Dahan-dahan akong lumapit sa nakabukakang binti niya.

"Wooooh! Go bro!"

"Waaaah! MJ the best!"

Mas lalong naghiyawan ang lahat dahil sa distansiya naming dalawa.

Nakatingala siya sa akin, habang ako naman ay nakatingin pa rin sa mga mata niya. Pinasadahan ko ng tingin ang adam's apple niya na nang gumalaw ito sa matinding paglunok.

Oh no? Don't tell me, kinakabahan ang isang Chuck Francisco?

Dahan-dahan kong tinungga ang tequila shot na hawak ko, hindi pa rin binibitiwan ang pagkakatitig sa kaniya.

No'ng ma-bottoms up ko na ang shot glass, naghiyawan ulit ang lahat. Sobrang ingay na mas maingay pa sila sa music ng bar.

Yumuko ako at unti-unting lumapit sa bandang tiyan niya para madilaan ang asin na nandoon.

I did it in a very sensual way... 'yong tipong sunod-sunod ang ginawa niyang paglunok dahil sa sensasyong ibinigay ko sa kaniya gamit ang mahiwaga kong dila.

Damn it, Chuck!

Matapos kong madilaan ang asin ay dahan-dahan naman akong lumapit sa mismong mukha niya. Ngayon, sigurado akong nagwawala na ang mga taong nasa paligid namin. Na-entertain sa nakikita nilang show mula sa amin ni Chuck Francisco.

Sobrang lapit na ng mukha naming dalawa. 'Yong tipong nagpapang-abot na ang tungki ng aming matatangos na ilong.

Nakatitig pa rin ako sa kaniyang mga mata habang itinatagilid ang ulo para hindi masagi ang tungki ng aming ilong.

Kaonting galawa na lang at maglalapat na ang aming mga labi. Kaonting-kaonti na lang.

No'ng napalunok ulit siya, bigla akong tumayo nang maayos at nginisihan siya.

Well... I'm just teasing him. I really thought Chuck Francisco, the Governor's only son, is as aggressive like me. But I am wrong, very wrong.

Tumalikod ako sa kaniya at isa-isang h-in-igh five ang mga kakilalang nanunood sa amin.

"Woooh! MJ, idol!"

"Nice one, MJ!"

Iilan lang 'yan sa mga sigawan ng mga kakilala kong nandito sa isang high-end bar na pinagtatambayan namin.

Inaapiran ko lang sila hanggang sa makarating ako sa table namin ng mga kaibigan ko. Sumaludo muna ako sa mga college classmates and friends ko na nasa kabilang table lang bago ako umupo sa mismong table ng barkada ko.

Ang na-iwang nakaupo roon ay si Vad at Maj kasama ang mga jowa nila. Kasunod ko naman sa pagdating sa table ang girl friends ko na paniguradong nanood sa little show na ginawa ko kanina.

"Naks! Bitin Queen ka pa rin!" sinabayan ng masahe ni Jessa ang likuran ko nang sabihin niya iyon. Isa-isa silang nagsi-upuan.

"Iniwan na naman ni MJ sa ere si Chuck?" natatawang tanong ni Vad habang nakaakbay sa jowa niya.

"Oo! Grabe. Akala ko naman talaga hahalikan na niya si Chuck, e," maaksyong kuwento ni Nicole.

"Licking his abs is enough. Giving him a kiss is another story," parang walang ganang sabi ko tapos ay kumuha ako ng isang kropik at kinain.

"Grabe talaga itong si hija! Breaking news! Chuck Francisco... anak ni Governor Ramon Francisco ng Negros Occidental, dinilaan ni MJ Osmeña ang kaniyang mahiwagang abs. Iniwan pa sa ere ng Bitin Queen! Mwahahaha!" at kasing lakas ng music ang naging tawa ni Lorene.

Umiling na lang ako at hinayaan silang magkuwento sa boys kung anong nangyari kanina sa circle na iyon.

Katatapos lang ng school year. Katatapos ko lang sa fourth year college. Here we are, enjoying, celebrating for another success school year. As usual, pasado na naman.

Mabilis ang pagdaan ng mga araw kaya nandito na ako ngayon.

Last year, grumaduate na sina Nicole, Jessa, Paulla, Ressie, Lory, at Lorene. May mga trabaho na ang mga girl friends ko. Si Ressie, magsi-second year na sa Law School. Si Vad at Maj naman, kagra-graduate lang noong isang araw. At ako? Magiging fifth year na sa pasukan.

We're here to celebrate. We're here to enjoy. Kasali ang nangyari kanina sa kasiyahan namin. Hindi ko nga lang inaasahan na madidilaan ko ang abs ni Chuck Francisco.

But somehow, I did enjoy it.

"MJ, masaya ka ba?"

Napataas ang isang kilay ko sa narinig kay Paulla. Ako lang ang nakarinig no'n kasi mahina ang pagkakasabi ni Pau, e. Sinadyang ako lang dapat ang makarinig.

"Anong klaseng tanong 'yan, Pau. Siyempre, oo naman!" sabi ko sabay tungga sa Heineken na hawak ko.

"Ni minsan ba... naisip mong pumasok sa isang seryosong relasyon?"

What?

Halos maibuga ko ang Heinekem nang marinig ang sunod na tanong ni Paulla.

Confuse na confuse ko siyang tiningnan.

"What kind of questions do you have, Pau? Lasing ka na ba?" dinaan ko pa sa biro dahil na-weirduhan ako sa mga tanungan ni Paulla, e.

"Just random thoughts, MJ. Sagutin mo na lang kasi."

"Paullita Hannabelle, parang hindi mo naman ako kilala n'yan? Siyempre, hindi. Hindi bagay sa akin ang magseryoso," lumagok ulit ako sa beer na hawak ko.

"Alam mo, MJ, napansin ko lang ha... feeling ko talaga isa kang lesson sa mga lalaking naging fling mo."

Woah!

Kunot-noo kong nilingon ulit si Paulla.

"Paano mo naman nasabi?"

"Kasi, imagine... lahat ng naging fling mo sa nakaraan, ang gaganda ng lovelife ngayon. And that happened right after you dump them," seryoso talagang saad ni Paulla.

Nagugulohan man ay pinagtoonan ko ng pansin ang sinabi niya. Napukaw kasi ang atensiyon ko dahil doon.

"Please enlighten me, Paulla. I still don't understand what you're talking about."

"Napansin ko lang naman. Kasi tingnan mo naman si Vad at Major, pareho na silang may lovelife ngayon tapos ang tatagal na nila sa mga karelasyon nila," bahagya pa niyang iminuwestra ang puwesto ng dalawang boys kaya wala sa sarili akong lumingon din doon.

"Sa pagkakaalala ko, hindi naman agad nagka-girlfriend ang dalawa matapos kong bustedin, a?"

Biglang nag-poker face si Paulla dahil sa naging sagot ko.

"Oo nga. Hindi nga. Pero bago sila nagka-girlfriend, ikaw ang naging huling niligawan nila. Makinig ka nga muna sa akin," parang naiiritang sabi niya kaya bahagya akong natawa. Mukhang may tama na itong si Paulla, a. "Heto kasi 'yon... 'di ba after kay Vad at Maj, si Albert Ballesteros ang naging ka-fling mo?"

Albert Ballesteros? I don't know. Kilala ko siya pero nakalimutan ko kung siya ba ang naging fling ko after Vad and Maj. I lost count.

"Siguro, bakit?"

"Albert Ballesteros is now engaged to his long time girlfriend, Alyssa Chua."

"Oh? Talaga?"

I'm quite shocked. Ilang taon nga ulit si Albert no'n nang nagkiringking kaming dalawa? Basta ang alam ko, ahead siya sa amin ng year level.

"Yep. What about Rocky Geroso? Naging fling mo rin no'ng high school, 'di ba?"

"Rocky Geroso? Ay, oo, 'yong malambot. Ano nang balita sa kaniya?"

"Ayon... isa nang social media influencer and meron nang boyfriend ang bakla."

What?

Tuluyan na talaga akong nasamid sa iniinom ko dahil sa sinabi niya.

"Seryoso, Pau?"

"Oo nga! It's all over twitter na kaya. Ang suwerte nga ni bakla sa foreigner boyfie niya tapos may bali-balita pa na magpapakasal na raw ang dalawa sa ibang bansa. Maybe this year or the next. Usap-usapan pa naman."

"Wow!" wala akong ibang masabi kundi ang pagkamangha. Pagkamangha dahil once in my life, may pinatulan akong isang bakla. Wow.

"Next is Justine Saratobias... ang tinawag mong lame kisser?"

Napa-second look talaga ako kay Paulla dahil sa sinabi niya.

"Tinawag ko siyang ganoon?" hindi makapaniwala sa sariling kasalanan.

"Oo kaya! Pinangalandakan mo pa nga 'yon sa mukha ko, e."

"Oh, anong meron sa kaniya?" lumagok ulit ako sa Heineken na hawak.

"Ayon, happily married kay Gelanie Martinez, 'yong sikat na singer?"

"Ba't 'di ko alam ang tungkol sa mga ganito? Paano mo nalaman ang mga tungkol sa kanila?"

"Like duh, Maria Josephina Constancia! It's all over social media kaya. It's all over facebook, instagram, and twitter. Alam ng mga tiga-atin ang tungkol sa mga 'yon, ikaw lang naman siguro ang hindi. Mag-social media ka na kasi," asik ni Paulla sa akin na nginiwian ko lang.

"Maayos naman ang social life ko. Masaya naman kaya bakit pa ako magso-social media?"

"Oo na. Ayaw mo na sa social media."

Kumuha ulit ako ng panibagong bote ng beer na iniinom ko at binuksan ito bago ako lumingon kay Paulla.

"Ang point ko lang naman sa pinagsasabi ko ay masaya ang mga naging lovelife ng mga taong dumaan sa iyong mga kamay. Pero ikaw, hanggang ngayon, naglalaro pa rin. Para ka tuloy miserable sa buhay."

Napangiwi ako sa sinabi ni Paulla.

"Anong miserable? Masaya kaya ako!" ngumiti pa ako ng malawak sa kaniya para ipakitang masaya talaga ako.

Bumuntonghininga siya, indicating na hindi siya convince sa ginawa ko.

"Oo na. Hindi ka na miserable. Masaya ka na sa palaro-laro lang pero hanggang kailan ka ganiyan, MJ? Hanggang kailan ka makikipaglaro sa pag-ibig?"

"Woah there, kaibigan! Bakit nasali na sa usapan ang pag-ibig?"

Huminga ulit siya ng malalim at iniwas ang tingin sa akin.

"Concern lang ako sa'yo, MJ. Hindi na kasi tayo pabata. 'Yong edad natin ay papunta na sa mga seryosong relasyon, sa kasalan, sa adulting, sa totoong buhay. Concern lang ako sa'yo na baka hindi mo makita ang taong totoong magmamahal sa'yo kasi ayaw mong sumugal sa pag-ibig."

Nahihimigan ko talaga ang pagiging seryoso ni Paulla sa bawat salitang binibitiwan niya. Kahit na hindi siya nakatingin sa akin, alam kong tinamaan ako sa sinabi niya.

Pero mahirap nang baguhin ang nakasanayan.

"Pau, baka nakakalimutan mong itinakda akong ikasal sa isang tao? 'Wag ka nang mag-alala sa akin."

Dahil sa sinabi ko ay nabalik sa akin ang tingin ni Paulla.

"Kilala mo na ba kung sinong ipapakasal sa'yo?"

Ako naman ngayon ang nag-iwas ng tingin.

"Hindi pa. Ayoko munang makilala. Hindi ako makakapag-enjoy sa buhay, e," dinaan ko sa biro ang sagot ko.

"May tiwala kami kay Tito at Tita sa pagpili sa ipapakasal sa'yo. And above all, we respect your family tradition. Pero mas maganda pa rin kung ikaw mismo ang pipili sa kung sinong magiging asawa mo at magpapakasal ka hindi para sa negosyo o kahit anong rason, kundi dahil mahal n'yo ang isa't-isa."

Natameme ako sa sinabi ni Paulla. Ilang segundo lang 'yon.

"Imposible 'yang sinasabi mo, Pau. Hindi ako naniniwala d'yan, e."

"Ewan ko sa'yo, MJ. Kahit kailan talaga hindi ka makausap nang matino."

What?

Napangiwi ako sa sinabi ni Paulla.

Anong hindi makausap nang matino? 'Yon na 'yong pinakamatinong pag-uusap naming dalawa, e. Mabuti nga'y hindi pa ako tinatamaan sa halo-halong inumin na na-inom ko kanina, e.

"Woy, ano 'yang pinag-uusapng n'yong dalawa? Masiyado yatang seryoso."

Kararating lang ni Jessa nang sabihin niya 'yon. Hindi ko lang alam kung saan siya galing.

"Nasabi ko na sa kaniya 'yong mga gusto kong sabihin," sagot ni Paulla.

"Ano? Na-internalize mo ba ang pinagsasabi ni Pau?" baling ni Jessa sa akin.

Lumagok lang ako sa beer at hindi sinagot si Jessa. Ang hirap i-digest nang pinagsasabi ni Paulla.

"Hoy bruha!"

May sumingit na naman sa usapan namin, at katulad ng drama ni Jessa, kararating lang din ni Lorene sa table galing sa kung saan.

"May nasagap akong balita galing sa kabilang table!" halos tumili na si Lorene sa pagku-kuwento niya.

"Ano 'yon, twin sis?"

"At kaninong table?" si Ressie.

"Sa table ng mga Lizares!" may impit na tiling sabi ni Lorene.

Walang gana akong napasandal sa couch dahil sa sinabi ni Lorene.

Lizares na naman.

"Anong meron?" kuryusong tanong ni Nicole.

"Kilala n'yo 'yong girlfriend ni Engineer Sonny Lizares?" tanong ni Lorene.

Wala sa sarili akong napa-irap.

Oo, kilala ko. Siya 'yong girlfriend matapos mag-confess sa akin, 'yong dinala niya sa araw sana ng kasal ni Ate at ng kapatid niya. Oo, paano ko hindi makikilala 'yon?

"Beatrix Gallardo. 'Yong sikat na model? Anong meron sa kaniya?" tanong ni Paulla.

"Naku! Oo, siya nga! No'ng nag-powder room ako kanina, nadaanan ko ang table nila at saktong nagwawala itong si model!"

Napa-iling ako sa inaasta ngayon ni Lorene. Parang hindi siya teacher, more like a professional chismosa.

"Chismis na naman, girls?" biglang singit ni Vad kaya napatingin kaming lahat sa kaniya.

"Lina, pakibusalan nga ang bibig niyang syota mo. Chismoso, e," naiiritang sabi ni Jessa. Natawa naman si Lina, girlfriend ni Vad, sa sinabi ng kaibigan ko. "Continue, bruha!"

"Oo na. Heto na. Nagwawala na nga itong si girl," pagpapatuloy ni Lorene. "Alam n'yo ba kung anong winawangal nitong si girl?" pambibitin niya pa. "Sinisigaw niya sa lahat nang nandoon na nagseselos daw siya. At alam n'yo kung kanino siya nagseselos?"

Umirap ako nang todo sa pinagsasabi nitong si Lorene.

"Just get straight to the point, Lorene."

Sinamaan ako ng tingin ni Lorene. Naniningkit ang mga mata niya habang nakaturo sa akin.

"I have a gut feeling na alam mo ang ibig kong sabihin."

Iling lang ang naging sagot ko.

"Sige na, Lorene, ano na?" atat na tanong ni Nicole.

"So 'yon na nga, nagsisisigaw na nga itong si girl. Sinasabi niyang 'nagseselos ako..." she obviously mimick someone's expression after saying those words. "Nagseselos ako... nagseselos ako kay MJ!"

Gusto ko sanang tumawa sa maaksyong pagku-kuwento ni Lorene pero bago ko pa magawa 'yon ay nawala na lang bigla ang ngisi ko nang marinig ang huling sinabi ni Lorene. Sinamahan pa na diretso siyang nakatingin sa akin.

"Ha? Bakit MJ?" may pagtataka sa boses ni Ressie.

"Si MJ natin ba 'yan, Lorene?" tanong ng kaniyang kakambal.

"Anong ginawa mo, MJ?" may pag-aakusang tanong ni Jessa kaya napalingon ako sa kaniya.

"Huh? Bakit ako? Wala naman akong ginagawa, a? Ako lang ba ang MJ dito sa lugar na 'to?" depensa ko.

Wala akong ginagawang masama. Wala talaga kaya wala akong ideya kung ano 'yang pinagsasabi ni Lorene.

"Gusto ko sanang paniwalaan ang alibi mo, MJ, pero ang sabi ng mga ka-chismiship ko roon... si MJ Osmeña raw ang tinutukoy ni Beatrix."

Nanlaki agad ang mata ko sa gulat! Sino bang hindi?

"So now, MJ, sabihin mo sa amin kung anong ginawa mo kung bakit nagseselos si Beatrix sa'yo? May alam ako pero gusto kong sa bibig mo mismo manggaling," seryosong dagdag ni Lorene.

"Anong ginawa mo na ikaseselos ng isang Beatrix Gallardo, MJ?" si Paulla.

Umayos ako sa pagkakaupo at inilapag ang bote ng Heineken sa table at isa-isa silang tiningnan.

"If my memory serves me right, that happened years ago kaya imposibleng iyon ang rason nang pagseselos ni Beatrix. Other than that, wala na akong makitang rason para pagselosan niya ako," panimula ko.

"So ano nga'ng ginawa mo?" seryosong tanong ni Jessa.

"Wala akong ginawa. Pero si Sonny, meron."

Kaniya-kaniyang singhap sila nang marinig ang sinabi ko.

"Anong ginawa ni Sonny sa'yo?"

Napalingon kaming mga babae sa left side ko nang magsalita si Maj. Wala ang girlfriend niya sa tabi at sa tingin ko kanina pa siya nakikinig sa usapan namin.

"Noong nasa first year pa lang ako sa engineering, nag-confess siya na may gusto siya sa akin."

I don't want to brought this one up kasi lahat ng ito ay nasa past na but it left me with no choice. I can't get out alive with those kind of stares kaya might as well sabihin sa kanila.

Namutawi ang katahimikan sa table namin matapos kong sabihin 'yon. Tanging ang music ng bar lang ang maingay at iilang usapan ng katabing table.

Nabasag ang katahimikang iyon ng malakas na tawa mula sa kanilang lahat. Sabay-sabay.

Sumandal ako sa couch at pumikit nang mariin.

Hindi ba talaga kapanipaniwala? Sabagay, maski ako, hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwalang nakapag-confess nga sa akin si Sonny.

"Palabiro ka talaga, MJ!"

Nang medyo humupa ang tawanan nila, nagsalita na si Lory. Pero natatawa pa rin.

"Talkshit ka kahit kailan, MJ. Hindi ka talaga makausap nang matino!" si Paulla habang nagpipigil ng tawa.

'Yong iba, nakatingin lang sa akin pero nagpipigil din ng tawa.

May isang hindi natawa sa sinabi ko. Diretso siyang nakatingin sa akin.

"So totoo talaga na may gusto si Engineer Sonny sa'yo?"

Unti-unting nawala ang tawanan nila nang marinig nila ang seryosong sinabi ni Lorene.

"T-Teka... seryoso talaga? Nag-confess siya sa'yo?" si Jessa.

"Mapaglaro ako pero hindi ako sinungaling," asik ko sa kanila.

"Oh shit?" gulat na tanong ni Maj.

"Anong nangyari sa 'the Lizares are untouchables,' MJ?" seryosong tanong ni Vad.

"Kaya nga hindi ko tinanggap, 'di ba? Kaya nga b-in-usted ko kasi ayoko sa mga taong nagko-confess at mas lalong ayoko sa mga Lizares!" depensa ko.

"Kailan ulit 'yan? No'ng first year ka kamo? 'Yan ba 'yong minsang nagpunta siya sa campus? 'Yong nilapitan ka niya bigla? 'Yon ba 'yon?" si Ressie na animo'y binalikan ang araw na iyon.

I told you, it's been years.

Tinanguan ko ang sinabi ni Ressie kaya nanlaki talaga ang mata niya dahil sa gulat.

"Nag-confess siya sa'yo pero hindi mo man lang sinabi sa amin?" si Jessa.

"Kasi... para sa akin, wala lang 'yon. Feeling ko nga nagbibiro lang siya, e, kaya hindi ko na ginawang big deal pa."

"Shit? Isang Lizares, b-in-usted? What the hell! That's a freaking bad news!" hysterical na sabi ni Lorene.

"Just forget it, guys. Matagal na panahon na 'yon. He has a girlfriend now."

"But shit, Maria Josephina Constancia! Nagseselos pa rin si Beatrix sa'yo. Ibig sabihin, hanggang ngayon may gusto pa rin si Sonny sa'yo."

~

(To be continued... She Leaves - 6)

Hi, I'm back! My stories are into tagalog. Please approach me if you want an english version. Lovelots. Stay safe and stay negative!

_doravellacreators' thoughts
下一章