webnovel

CHAPTER 29

"I will be your strength when you are weak, I will be your shoulder to lean on when you are tired and I will be your hope when you want to give up."

Now playing: Sad Song

Sommer

Malalim na ang gabi, tahimik na ang paligid at mahimbing na rin ang aking pagtulog nang bigla akong magising dahil sa malakas na ringtone ng aking cellphone.

I saw an unfamiliar number from the screen of my cellphone. I still wonder if I will answer it or not because it might just be a prank call. But for some unknown reason I had a bad feeling that the call might be important so I quickly pressed the answer button.

Hindi pa ako nakakapag salita at ibubukas ko pa lamang sana ang aking labi nang marinig ko na ang umiiyak na babae mula sa kabilang linya. Kunot noo at naguguluhan pa ako noong una, ngunit agad naman na aking nakilala ang boses nito.

It's Ms. Demers. She was obviously terrified and her voice was still trembling from the other line. Agad na gumuhit ang kakaibang kaba sa aking dibdib. Hindi na ito nagpaligoy-ligoy pa. At mas lalo akong kinabahan noong banggitin nito ang tungkol kay Ivy.

Mabilis pa sa alas kwatro na sumakay ako ng aking kotse at pinasibad iyon papalayo patungo sa kanilang bahay. Hindi na rin ako makapag isip ng maayos pero kinailangan ko ng focus.

Mabilis naming isinakay ni Ms. Demers ang walang malay na si Ivy sa aking kotse at agad na nagtungo sa Hospital.

As we drove down the road, I could not help but be thankful because I was the first person Ms. Demers thought to call in this kind of situation. Dahil doon, pakiramdam ko pinagkakatiwalaan na ako nito katulad ng hinahangad kong mangyari.

Panay lamang ang pag iyak nito hanggang sa tuluyan kaming makarating sa hospital. Mabilis naman na isinugod si Ivy sa emergency room. Agad na niyakap ko si Ms. Demers to comfort her. Gosh! Ayaw na ayaw ko pa naman na nakakakita ng inang umiiyak sa aking harapan.

"O-Okay naman siya eh. N-Nag tatawanan pa kami, ngayon nalang kasi kami nakapag bonding ng ganoon, pero bigla na lamang siyang nawalan ng malay." Paliwanag nito habang nasa mga bisig ko.

"H-Hindi ko alam..." Hindi na nito naituloy pa ang kanyang gustong sabihin dahil sa pagiging sobrang emosyonal. "Hindi ko alam k-kung anong gagawin, Sommer. M-Magiging maayos diba ang anak ko?" Lumuluha parin ito.

Marahan na hinagod ko ang likod nito upang tumahan na. "Of course, she'll be alright." Sabi ko sa mahinang boses. "She's stronger than we think. Kaya alam kong magiging maayos siya." Dagdag ko pa ngunit sa loob ko, labis-labis na rin ang aking pag-aalala. Dahil maging ako ay pinanghihinaan na rin ng loob but I have to be strong para sa babaeng minamahal ko.

Matapos ang ilang sandali ay lumabas na rin ang Doctor na ama ni Prince. Syempre, inaasahan namin ang magandang balita na sasabihin nito sa amin, lalo na sa ina ni Ivy.

According to the Doctor, Ivy's condition has become more risky now. Ivy should avoid excessive stress, frequent wakefulness, or even excessive pleasure. Everything can affect her condition if it is not limited.

Lumuluha at nanlulumo ang mga tuhod noong maupo ako sa tabi nito at marahan na hinawakan ang kanyang kamay. She is sleeping peacefully now, ngunit mayroon namang karamdaman na paulit-ulit niyang nararanasan. Pakiramdam ko, pinipiga ang puso ko na makita siya palagi sa ganitong kalagayan.

She does not deserve it. She deserves better. A better life and a healthy lifestyle.

Kung sana...kung sana kaya ko lamang tanggalin ang sakit na nararamdaman niya. Kung sana kaya ko lamang pawiin ang mga paghihirap niya, matagal ko na iyong ginawa. Pero hindi eh! Hindi ganon umiikot ang mundo. Wala akong super powers na gagawa ng magic at hindi ako bampira na pweding gamutin siya sa pamamasitan ng aking dugo.

Ang kaya ko lamang gawin ay ang manatili sa kanyang tabi. Samahan siya sa lahat, alagaan siya at ipakita sa kanya kung gaano niya ka deserve na mahalin at ingatan. That no matter how difficult the situation we are in now, we can overcome it all together. And of course, with the guide of the Lord.

-----

Makalipas ang tatlong araw ay nailabas na rin naming muli si Ivy sa Hospital, naibalik na rin nito ang kanyang dating lakas at sigla ng kanyang pangangatawan. Ngunit may isa lamang na ipinagbago ito, madalas na siyang tahimik at palaging naiinis sa paligid o maging sa amin ng kanyang ina.

Habang abala pa si Ms. Demers sa ibang bagay na kailangan ni Ivy, ay dumiretso muna ako sa Resort. Kasama ko rin naman si Ivy, pero iyon na nga, hindi kami nag-uusap dahil sa labas lamang ng bintana ng sasakyan ang kanyang mga mata, at halatang walang balak makipag usap.

Bago ko tuluyang ipasok ang sasakyan sa gate ng Resort, ay inihinto ko na muna ito at agad na humarap ng maayos kay Ivy.

"Can you please, talk to me?" Pakiusap ko. Never pa talaga kaming nakapag usap simula noong magkamalay siya. Wala sa amin ng kanyang ina ang gusto nitong kausapin.

"I just really want to hear your voice. I miss talking to you." Dagdag na sabi ko pa at inabot ang kanyang kaliwang kamay, ngunit mabilis niya iyong binawi. Hindi parin nito magawang tumingin sa aking mga mata.

"Ivy..." Muling pagpupumilit ko pa bago nagpakawala ng isang malalim na pahinga at napakagat sa aking labi. "I do not know what is happening to you, did I do something wrong to make you angry with me? If so, I'm sorry----"

"Pwede bang ipasok mo na 'yung kotse sa gate?" Putol nito sa akin habang nasa unahan lamang ang mga mata. "Nakaharang eh, may mga sasakyan din na nakasunod sa atin." Dagdag pa niya. Walang nagawa na napatango na lamang ako at ginawa ang ipinag uutos niya.

Noong ipinarada ko na ang sasakyan at nang namatay na ang makina nito, ay mabilis na bumaba na si Ivy ng kotse. Mabilis na nagtungo ito sa may dalampasigan bago naupo sa isang bakantang bench na naroon.

Tahimik lamang din na sinundan ko ito. Medyo dumidilim na ang paligid at mahabog na kaya awtomatikong isinuot ko sa kanya ang isang itim na cap na hawak ko. Ngunit muli niya iyong tinanggal mula sa kanyang ulo.

Again, isang napaka lalim na buntong hininga na naman ang pinakawalan ko sa ere.

Napansin ko na papunta si Joseph sa aming kinaroroon kaya agad na sinalubong ko ito. Kinumusta lang naman si Ivy, at pagkatapos ng ilang sandali ay nakiusap ako sa kanya na kung pwede ay paki tignan-tignan lang muna nito si Ivy dahil may kukunin lamang ako sandali sa aking kuwarto.

Habang naglalakad papalayo, hindi ko maiwasan ang mag-isip ng kung anu-ano at pati na rin ang lalong mag-alala, dahil sa nangyayari kay Ivy ngayon.

Para siyang ibang tao na nasa aking harapan. I could not read anything running through her mind, I could not understand why she had to be cold now as if she was pushing me away from her. I don't really get her right now.

Pero syempre, kailangan kong habaan ang aking pasensya. Kailangan ko siyang intindihin ng intindihin hanggang sa siya na mismo ang sumuko at para kausapin na niya akong muli.

Hindi na ako nagtagal sa loob ng aking kuwarto noong mahanap ko na ang aking kailangan. Pabalik na ako kung na saan sina Joseph at Ivy nang bigla akong makaramdam ng kakaibang kabog sa aking dibdib.

Mabilis ang mga hakbang at halos tumakbo na ako makarating lamang agad kung saan ko silang dalawa iniwan kanina. Laking gulat ko nang makita na wala na silang dalawa roon.

Nagpalinga-linga ako sa paligid, pero kahit isa sa kanila ay walang nahagip ang aking mga mata. Sa mga sandaling ito ay talagang madilim na ang paligid.

"Ivy!" Pagtawag ko sa kanyang pangalan.

"What happened?" Rinig kong tanong ni Joseph mula sa aking likuran. Awtomatikong napalingon ako rito habang magkasalubong ang mga kilay.

"Where's Ivy?!" Tanong ko sa kanya. Agad na napataas ito ng kanyang dalawang kamay tanda ng pagsuko.

"Woah! Calm down." Pagpapakalma nito sa akin. "She was only here earlier when I left her because I had a phone call that needed to be answered---"

"FUCK!" Malutong na pag mura ko at napatakbong muli pabalik sa may dalampasigan.

Naisip kong tawagan ito sa kanyang cellphone, pero naalala ko na hindi niya iyon dala kanina.

"IVY!!!" Muling pag tawag ko sa kanyang pangalan.

Nakita ko na may iilang staff na rin ng Resort ang naghahanap sa kanya.

Hanggang sa hindi inaasahan ay biglang napako ang aking paningin sa isang babae na nasa tubig na at naglalakad patungo sa malalim na parte ng dagat.

Awtomatikong bumilis ang pagtibok ng aking puso, iyong kaba na nararamdaman ko kanina ay napalitan ng takot at matinding pangamba.

Mabilis akong napatakbo patungo sa kanya at hindi na nagdalawang isip na sundan siya.

"Ivy! Come back here, please!" Pakiusap ko pa habang nanlalambot ang aking tuhod at naginginig ang boses dahil sa takot sa binabalak niyang gawin.

Ngunit tila ba hindi niya ako naririnig at nagpatuloy lamang siya sa kanyang paghakbang.

"Ivy, please!" Halos mapiyok na ako sa pagsigaw sa kanyang pangalan.

"Go away, Sommer!" Ganting sigaw nito at sa wakas ay medyo nakahinga ako ng maluwag. "Go away, please! Hayaan mo na ako." Umiiyak siya. Nasasaktan siya. At Nahihirapan na siya. Alam ko 'yun, nakikita ko iyon at nararamdaman ko.

Lumuluha na hinawakan ko siya sa kanyang braso noong tuluyan ko itong naabutan at mahigpit na niyakap mula sa kanyang likod.

Pilit na nagpupumiglas siya ngunit mas malakas ako kaysa sa kanya. "Gusto ko ng mamatay! Kaya please lang, hayaan mo na ako!" Mas lalo akong nasasaktan dahil sa mga sinasabi niya.

"Pagod na pagod na akong maging kahinaan niyo. Ayoko ng maging pabigat. Ayoko ng paglaan niyo pa ng maraming oras tapos mamamatay din ako sa huli. Tama na, please!" Nagpupumiglas parin ito kaya mas hinihigpitan ko ang pagyakap.

"Please...please..." Napapailing ako habang para kaming tanga dito na nababasa ng dagat.

"Huwag mo namang gawin ito, please." Pakiusap ko sa kanya habang lumuluha. "Kaya nating lampasan ang lahat ng ito. Gagaling ka at pinapangako ko sa iyon yan." Dagdag ko pa. "Never kang naging pabigat sa amin, sa akin. Mahal ka namin Ivy, kaya gagawin namin ang lahat para sayo."

"G-Gusto ko...gusto ko sumuko na kayo. Wala na akong pag-asa, Sommer." Umiiyak parin ito pero hindi na siya nagpupumiglas katulad ng kanina. "Ayaw ko na, na mahirapan ka pa. Hindi mo deserve ito. Hindi mo ako deserve. Deserve mo ang isang healthy na partner, iyong hindi mo na kailangang alagaan palagi, hindi mo kailangang mangamba o matakot palagi." Napapailing na wika niya at tuluyang humarap sa akin.

Ang sakit. Ang sakit na makita kung gaano siya nahihirapan ng ganito. At higit sa lahat, ang sakit na makita kung paano siya sumuko para sa kanyang sarili.

"I am the one who will find many reasons to stay by your side." Lumuluha na sabi ko rito habang nakatingin ng diretso sa kanyang mga mata. "Sabi sa kantang napakinggan ko, 'You're my favorite part of me. With you standing next to me, I've got nothing to fear, Ivy." Hinawakan ko rin siya sa kanyang pisngi.

"Please, stop doing this." Pakiusap kong muli. "Minahal kita, dahil ginusto kong alagaan ka. At aalagaan kita, hanggat sa makakaya ko dahil 'yun ang ipinangako ko sa aking sarili---"

"Hindi, Sommer. Hindi mo ako naiintindihan!" Putol nito sa akin. "Hindi mo ba nakikita?! Hindi na ako mamumuhay ng normal! Para sa akin bawat pag hinga ko ay panganib ang hatid. Ni hindi na nga ako pweding maging masaya hindi ba? Dahil kahit pagiging masaya, pwede kong ikamatay!" Muling niyakap ko siya dahil sa sinabi niyang iyon.

"Together we can get through this." Wika ko. "I love you so much, Ivy. At kahit na anong sabihin mo o pagtatabuyan mo, I will never leave you. Kasama mo ako, hanggang sa maging okay na ang lahat. Hmm?" Pagpapakalma ko parin sa kanya.

"So please, stop crying. Makakasama sayo yun. Please!" At this time, hindi ko na napigilan pa ang mapahagulgol habang nasa aking mukha naman ang aking dalawang kamay na parang isang batang umiiyak sa harap ng kanyang ina.

Hanggang sa siya na mismo ang yumakap sa akin para ako ay pakalmahin.

"I'm sorry.." Pag hingi nito ng tawad. "Kung bakit kailangan mapunta ka sa sitwasyon na ganito." Dagdag pa niya.

"Minahal kita, dahil mahal kita." Sabi ko sa kanya. "At ito? Pagsubok lamang ito, kaya kakayanin natin. Ipangako mong kakayanin natin, okay?" Agad naman napatango siya.

Alam kong sa pag-ibig, walang relasyon ang hindi sinusubok ng panahon. Kaya itong sa amin ni Ivy? Alam kong isa lamang kami sa milyon-milyong kwento ng pag-ibig na hahangaan at tatangkilikin ng lahat dahil nagawa namin itong lampasan. Sabi nga nila, hindi maganda ang isang istorya kung walang problema.

Kaya ipaglalaban ko ang pagmamahalan namin, kalaban man namin ang sakit nito o maging kamatayan.

下一章