webnovel

Kabanata 06

"Michael, Anak, alam mo bang pinapangarap namin ng nanay mo na magkaroon kami ng maraming apo?" bigla ani ni Papa. Muntik ko nang mabuga ang iniinom kong gatas kay Venice nang marinig ko iyon.

"Pa, bakit ako... 'di ba puwedeng itong si Venice na lang?" angal ko.

"Nagbibiro ka ba? Kinse anyos pa lang 'tong si Venice, siyempre ikaw muna," sagot ni Mama. Napasapo na lang ako sa noo ko.

"Ma, wala pa akong balak magka-girlfriend..." bulong ko.

"Masyadong awkward para makipag-date."

"Wala ka bang balak magkanobya dahil ba may balak kang magkanobyo?" biglaang pagtatanong ni Papa. Seryoso siyang nakatingin sa akin, na parang bigla na lang niya akong sasaksakin gamit ang tinidor na hawak niya. Napatingin ako kay Charleston na nakahiga sa sahig ng sala. Kahit nasa anyong-aso siya, halatang nakangisi siya sa akin nang nakakaloko.

"Wala akong balak magkanobya at magkanobyo, Pa," madiin na pagkakasabi ko. Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagbuhos ng chocolate syrup sa pancakes ko habang nagsimulang magtinginan sina Venice, Mama at Papa. May nakapintang mga misteryosong ngiti sa mga mukha nila kaya napatigil ako sa ginagawa ko.

"Anong pinaplano ninyo?" tanong ko at tinignan ko sila habang nakasimangot.

"Wala," nakangiting sagot ni Venice sa 'kin.

Tiningnan ko na lang nang masama ang kapatid ko at pinagpatuloy ang pagkain.

***

Binuksan ko ang mga mata ko at napaupo nang matuwid. Tiningnan ko ang screen ng computer ko at pinindot ang space bar. Nabuhay ang screen at nakita kong naka save na pala yung logo na ginagawa ko. Biglang sumakit ang ulo ko. Napaungol ako nang mahina at minasahe ang noo ko. Nakatulog pala ako habang nagtatrabaho.

"Charleston..." tawah ko sa kanya.

Magpapakuha sana ako ng gamot para sa sakit ng ulo ko. Tumingin ako sa paligid ng kuwarto ngunit wala akong nakitang Charleston o kahit anong kulay itim na hayop.

"Charleston?" tawag ko ulit. Nasaan na yung taong-aso na iyon?

Bigla akong nakarinig ng mga tawanan sa living room ng bahay namin. Nang bumaba ako sa hagdanan, nakita ko sina Papa't Mama kasama ni Charleston na anyong-tao. Nagkukwentuhan sila habang umiinom ng alak.

"Pa? Ma? Bakit nandito kayo?" tanong ko.

"Day-off namin ngayon," sagot ni Papa. Napatango ako at humatak ng isang upuan sa dining table papunta sa sala upang umupo.

"Hi, Charleston," bati ko sa kanya. Ngumisi siya nang bahagya sa 'kin.

"Bakit ka... napadalaw?" Ang awkward, halatang hindi ako nagulat na 'dumalaw' siya sa bahay. Kung alam lang nila na araw-araw nakatambay sa bahay namin si Charleston.

"Susunduin lang kita. You said that we'll go somewhere today, right?" sabi niya.

Napatingin lang ako sa kanya habang nagtataka. Kailan ko sinabi iyon?

"Naku, Mike! May lakad pala kayo ni Charleston ngayon? Bakit hindi ka pa nagbibihis?" tanong ni Mama. Tiningnan ko nang masama si Charleston na kanina pa nakangisi sa akin. Mangalay sana ang panga mo kakangisi diyan. 'Kala mo ikinaguwapo niya 'yon, eh mas guwapo naman ako sa kanya. Lamang lang siya sa 'kin ng tatlong paligo.

"Ah..." Napakamot na lang ako ng ulo ko. Nakakainis 'tong si Charleston, dapat sinabi niya sa 'kin kung may plano siyang gumala!

"Sorry... nakatulog kasi ako. Magbibihis na ako."

Naramdaman ko ang titig sa 'kin ni Charleston habang umaakyat ako ng hagdanan.

***

"Bakit kailangan mo pang magpakita sa mga magulang ko?" tanong ko sa kanya.

Kasalukuyan kaming naglalakad paikot sa subdivision namin. Si Charleston kasi, nagyayayang gumala pero hindi niya rin naman alam kung saan magandang pumunta.

"Wala lang." Kumibit-balikat si Charleston. "Maybe I just wanted to give them the privilege of glancing at my handsome face."

"Parang biglang humangin yata," inis na tugon kanya. Nginitian niya lang ako nang malapad.

"I'm just kidding. I just wanted to talk to your parents. I like them," natatawang sabi niya. Tumango na lang ako at nagbumuntong-hininga.

"Nagpaparamdam na sila, gusto na talaga nila akong magka-girlfriend," biglaan kong sabi habang naglalakad kami. "Feeling ko rin na sinadya ni Mama na iwan ako kasama ni Savannah sa dining room no'n. Parang kulang na lang, ibugaw na nila ako sa lahat ng mga babaeng single na kakilala nila."

"I think that Savannah likes you," sambit ni Charleston habang diretso lang ang tingin.

"Bakit mo naman 'yan nasabi?" tanong ko.

"I've seen her pass by your house once while glancing at your bedroom window," pahayag niya. "And haven't you seen the way she looked at you when you were talking? Her eyes basically turned into hearts."

"Imposible naman yata 'yon," natatawang sagot ko sa kanya. "Sinong magkakagusto sa katulad ko?"

"Who knows, maybe someone already fell in love with you, and completely obsessed with you until now." Tumigil siya sa paglalakad at tumitig sa mga mata ko.

Hindi ko alam kung bakit, pero biglang tumibok nang mabilis ang puso ko at hindi ako makahinga nang maayos. Agad akong umiwas ng tingin at binilisan ang paglalakad. Naramdaman ko pang biglang uminit ang mga pisngi ko.

Bakit ko nararamdaman ito? At bakit kay Charleston pa?

Tahimik lang kaming naglalakad hanggang sa may madaanan kaming ihawan. Agad naman akong naglakad papunta roon at sinundan naman ako ng kasama kong mahangin.

"Gusto mo?" tanong ko sa kanya. Itinaas ko isa-isa ang mga takip ng mga tupperware container. Barbeque, paa ng manok at betamax. Napangiti ako nang makita ko ang paborito kong isaw.

"Kuya, apat nga pong stick ng isaw," sabi ko kay kuyang nagtitinda. Tumingin naman ako kay Charleston na nakatitig lang sa container ng mga betamax.

"What are these brown.... squares?" tanong niya sa 'kin.

"Betamax," sagot ko habang kinukuha ang wallet ko.

"Beta– what?" nakakunot-noong tanong niya ulit.

"Betamax. Dugo ng manok," natatawang sagot ko.

"Blood?" Nanlaki ang mga mata niya.

"Oo..." nagtatakang sagot ko.

Ano bang meron sa dugo at bigla siyang nagkaganiyan? Huminga nang malalim si Charleston at ngumiti sa 'kin.

"I'll take five of those sticks," sabi niya. Tumango naman ako at nagpaihaw ng limang stick ng dugo kay kuyang tindero.

Nang maluto na ang mga order namin, nagdesisyon kami ni Charleston na kumain na lang sa playground– sa bench kung saan din kami tumambay dati.

"Alam mo, sa susunod na gala natin dapat ikaw na ang magbayad kapag kumakain tayo," ani ko habang nilalantakan ang kawawang isaw na binili ko.

Tumawa si Charleston at umupo sa tabi ko. "Ever since I watched you, I didn't take any part-time jobs anymore. I'm basically penniless right now."

"Sabi mo, galing ka sa Germany. Paano ka napadpad dito sa Pilipinas?" tanong ko habang ngumunguya ng isaw. Kung nandito lang si Mama, mababatukan niya ako kasi nagsasalita ako habang may laman ang bibig.

"I travel around the world, since I have the ability to teleport. Why would I stay in one place if I could see many places, right?" tugon niya. Kumibit-balikat na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain ng inihaw na laman-loob ng manok.

"Hindi ka kakain?" tanong ko. Nakatitig lang kasi siya sa plastic bag kung saan nakalagay yung inorder niyang inihaw na dugo.

"Of course, I will eat," mahinang sagot niya. Inilabas niya yung mga stick at nagsimulang kumain.

Tahimik lang kaming kumakain. Habang kinakain ko ang huling stick ko ng isaw, may napansin akong kakaiba sa mga mata ni Charleston.

"Bakit biglang naging pula ang mga mata mo?" tanong ko at inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya para mas makita ang mga mata niya.

Agad naman siyang umiwas ng tingin at tumalikod ng bahagya sa 'kin habang patuloy niyang inuubos ang pagkain niya. Nang matapos siya, humarap ulit siya sa 'kin. Asul na ulit ang mga mata niya.

"Kanina.. iyon mga mata mo..." putol-putol na sambit ko.

"What are you talking about? My eyes are perfectly normal," wika niya.

"P-pero..."

"You were probably hallucinating, Michael."

Nilapit niya ang mukha niya sa 'kin. Unti-unti niya akong nilalapitan hanggang sa halos mahulog na ako sa bench na inuupuan namin.

"Look at my eyes, Michael. It's blue, right?"

"O-oo."

Ngumiti siya at pinunasan ang gilid ng labi ko.

"You eat like a kid, Michael. May sauce pa na natira in the corner of your lips," nakangiting sabi niya.

Dinilaan niya ang sauce sa hinlalaki niya na galing sa mga labi ko. Halos hindi na ako pumipikit sa gulat habang nakatitig sa kanya.

"Why are you staring at me like that? C'mon, Michael. I know I'm handsome." Naging ngisi ang ngiti niya.

"Ulol," sambit ko at tumayo. "Uwi na tayo."

***

"Do you still remember my note, Michael?" pagtatanong ni Charleston. Nakadapa siya sa kama ko habang nakaupo naman ako sa tabi niya.

"Anong note?" tanong ko.

Tiningnan niya ako. "The note that I attached to that necklace," wika niya. Umupo siya nang tuwid at hinawakan ang leeg ko, kung saan nakasabit ang kuwintas na bigay niya sa 'kin.

"Ah, oo. Syempre, naaalala ko pa," sagot ko. Hinawakan ko ang pendant ng kuwintas ko at sumandal sa headboard ng kama ko. "'Maligayang kaarawan, Michael. Nagustuhan mo ba ang aking munting regalo? Saka mo na ako pasalamatan kapag nagkita na tayo," effortless kong ini-recite ang nakasulat sa papel na iyon.

"You didn't yet thank me," sabi niya habang naka-puppy eyes sa 'kin. Tumawa ako at tinitigan siya sa mga mata niyang kasing-kulay ng isang maaraw at walang ulap na langit.

"Maraming salamat sa kuwintas, Charleston," sinserong sabi ko. Nakangiti siyang tumango.

"You're always welcome," sabi niya.

"Bakit mo pala 'to binigay sa 'kin?" tanong ko. Kumuha siya ng unan at niyakap ito.

"The only way to kill an immortal is to make them mortal, aside from dismembering our body and burning into pieces," saad niya. Tumingin ako sa kanya habang nagtataka. Anong connect n'on sa kuwintas? "And there is only one known method to make us a vulnerable mortal."

"Ano naman 'yon?"

"If you stab us straight in the chest, where it would pierce our heart in a sharp object made of silver."

"Okay, hindi ko alam kung anong kaugnayan n'yan dito sa kuwintas..."

Nagbumuntong-hininga si Charleston at humarap sa 'kin. Hinawakan niya ang kuwintas at hinubad ito mula sa aking leeg. Tiningnan niya ito ng matagal bago niya inangulo palayo sa akin ang pendant. Pinindot niya ang diamante sa gitna ng tatlong beses nang mabilis at biglang may lumabas na manipis, mahaba, at matulis na bagay na parang kutsilyo. Hahawakan ko na sana iyon pero nilayo iyon sa 'kin ni Charleston.

"Do not touch it, it's extremely sharp," saway niya sa 'kin. Pinadaan niya sa hinlalaki niya ang blade ng kutsilyo para ipakita sa 'kin kung gaano ito katulis. Dumugo ang daliri niya pero agad naman itong humilom pagkatapos ng ilang segundo. Nakita niya ang pagkamangha ko at ngumiti siya sa 'kin. "I'm immortal. If I get hurt, the wound or the bruise would automatically heal itself."

"Kaya kang patayin ng kuwintas na 'yan, Charleston. Bakit mo binigay sa 'kin 'yan?" tanong ko. Pinindot ni Charleston ng isang beses ang diamante at bumalik na sa normal ang pendant ng kuwintas.

"I've been roaming this world aimlessly for more than eighty years now." Biglang nabalot ng kalungkutan ang kadalasang masayang aura ni Charleston. "I envy you mortals. Your lives may be short, but you experience a lot of things while living. Loving, caring for others, growing up, learning a lot of things... while I'm doomed to be young forever while watching everyone come and go. They say immortals like me are higher beings than humans, but..." Tumingin siya sa 'kin. "They fail to realize that it's lonely at the top."

"Gusto mong... gawin kitang mortal?" Tumingin ako pabalik sa kanya. "Hindi mo ba kayang gawin 'yon sa sarili mo?"

"I want someone special to do that for me." Hinawakan ni Charleston ang pisngi ko at inilapit ang mukha niya sa 'kin. Bigla akong nakaramdam na parang may mga paru-parung sumasayaw sa tiyan ko. Nababakla na ba ako?

"I want to be a mortal, Michael. I want to experience love." Sa sobrang lapit ng mukha niya sa 'kin, nararamdaman kong tumatama sa akin ang hininga niya. Hindi naman mabaho, amoy menthol pa nga, eh. Ano kaya ang gamit niyang toothpaste? "I want to be able to grow old with someone."

Pinikit niya ang mga mata niya at inilapit pa ang mukha niya sa 'kin. Hindi ako makagalaw. Gusto ko siyang itulak palayo. Pero sa kaloob-looban ko, gusto ko siyang manatili dito. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang biglang...

"Kuya? Kuya Mike?" May narinig akong malakas na katok sa pinto. Agad namang napalayo kami ni Charleston sa isa't isa at naramdaman kong nagiinit na naman ang mga pisngi ko.

Tahimik akong tumayo upang buksan ang pinto. Nagpapasalamat ako na inistorbo kami ni Venice, pero tila nanghihinayang pa ang malandi kong konsensiya. At nakuyom ko ang mga kamao ko. Hindi, hindi maaari. Mas gugustuhin ko pang maging asexual kaysa magkagusto kay Charleston.

"Bakit?" pagtatanong ko kay Venice nang buksan ko ang pinto. Ngumiti siya sa 'kin, pero mas lumawak ang ngiti niya nang mapansin niya si Charleston na nakaupo sa kama ko.

"Ano kasi kuya..." Pasimpleng inayos ni Venice ang buhok niya, halatang nagpapa-cute sa lalaking nakaupo sa kama ko. "Na-expire na kasi yung sim card ko, matagal ko na kasing hindi napapaloadan. Puwede ko bang mahiram yung sa 'yo?"

"May ka-text ka ba? Baka may boyfriend ka na? Dapat dumaan muna siya sa 'kin." Pinatunog ko ang mga buto sa kamao ko. Tumawa lang nang pabebe si Venice.

"Kuya naman eh, wala! Unless gusto ni kuya Charleston–" Halatang nagparinig si Venice kay Charleston. Napa-face palm na lang ako sa panlalandi ng kapatid ko at kinuha ko ang cellphone ko sa computer desk ko. Kinuha ko ang sim ko at binigay kay Venice. Nang paalis na si Venice, tumayo si Charleston mula sa pagkakaupo niya.

"Magpapaalam ako sa mga magulang mo, I'll pretend that I'm leaving already and come back here," bulong niya sa 'kin at sumunod sa kapatid kong pababa ng hagdanan.

"Hey, Venice," rinig kong bati niya sa kapatid ko. Pinanood ko lang silang bumaba ng hagdanan hanggang sa makababa na sila sa sala. Napabuntong-hininga na lang ako at isinara ang pinto ng kuwarto ko bago ako humiga sa kama ko.

下一章