Adiya's POV
"Trevet can you form a mountain?" tanong ni Pyrrhos kay Trevet na naghahanda ng mag ensayo. Tumingin ako sa paligid ko at gaya ni Trevet ganun din ang mga ginagawa nila. Nakita ko naman sa di kalayuan ang buong pamilya na nanonood lang.
Nabalik lang ang atensyon ko ng bigla nalang nayanig ang lupa at ganun nalang ang panlalaki ng mata ko ng biglang umangat ito at nagmistulang isang malaki at mataas na bundok, ang pinagkaiba lang ay wala itong mga puno o kung ano man, basta lupa lang siya.
"Okay, so for your first test. Climb that mountain. Don't use any of your powers. You have at least 30 minutes to do that" ani ni Pyrrhos habang nakatingala sa bundok. Napanganga nalang ako sa tinuran niya. Kaya ko bang akyatin yan?
"You think you can handle that?" tanong niya sakin. Napatingala ako sa bundok saglit at binalik kay Pyrrhos ang tingin ko, ngunit bigla nalang tumibok ng mabilis ang puso ko ng makita kong nakatingin siya sa akin. Nag iwas nalang ako ng tingin ng biglang uminit ang pisngi ko. Ano bang nangyayari sakin?
"Your time starts now. We cannot waste any more time" sabi niya saka ako iniwan at naglakad palayo.
"What?" hindi makapaniwalang tanong ko habang nakatingin sa papalayo niyang bulto. Hindi niya ako sinagot o nilingon man lang. Kahit kailan talaga nakakainis ang lalaking iyon.
"Jerk" I muttered in annoyance saka inis na nagmartsang naglakad patungo sa bundok. 30 minutes. I have to climb this giant mountain in 30 minutes. Great.
Pyrrhos' POV
"Aren't you too harsh on her?" biglang tanong ni Trevet ng makalapit ako sa pwesto niya.
"If I am going to be easy on her then she doesn't even have a single percent to win. We're running out of time" sagot ko sakanya.
"That's the reason why Adiya hates you. Pinapahirapan mo siya palagi" turan ng isang tinig sa may likuran namin. Hindi ko na kailangang lumingon kung sino ito dahil sa boses at tono palang ng pananalita niya ay kilala ko na.
"She can hate me all she wants, I don't care" simpleng sagot ko sakanya. Nakita ko naman sa peripheral view ko na bigla siyang tumabi sa akin kasama si Elgorth. Ano namang ginagawa niya rito?
"Don't blame her kapag bigla nanaman siyang nawala. She's been punishing herself for so long. Hindi mo naman na kelangang dagdagan pa yun" halata sa boses niya na naiinis na ito.
"If she'll crumble by hearing those words and easily give up on my test then all I can say is she's just weak. The world isn't a better place Zephy, and Adiya of all people should know that" sagot ko habang nakatitig sakanya. Nakita kong mas lalo siyang nainis sa sinabi ko.
"What the hell is wrong with you? Don't you think your too much?" sigaw niya sa akin.
"Hey Zephy, calm down" pagpapakalma sakanya ni Trevet.
"Calm down? I can't calm down. Ganyan ba talaga kagago yang kaibigan niyo?" galit niyang turan kay Trevet. Nakita kong bahagyang natawa si Trevet. Hindi ko alam kung anong nakakatawa sa sinabi nito.
"It's not just Adiya" sagot naman ni Trevet.
"Ano?" nakakunot na tanong ni Zephy sakanya. Hindi na rin siya nakasigaw.
"Hindi lang naman ikaw o si Adiya ang nagsasabing gago si Pyrrhos eh. We three also said the same thing about him. Kung tutuusin wala pa sa kalingkingan ang training ni Adiya sa training namin. Ours is brutal and suicidal" natatawang sagot ni Trevet sakanya. Hindi ko nalang sila pinansin at naglakad nalang ako pabalik sa kung saan nag eensayo si Adiya.
Adiya's POV
Letche talagang Pyrrhos yun. Pag ako nakababa dito babanatan ko talaga yun at pag hindi naman ako nakababa ng buhay dito at mamamatay ako, mumultuhin ko nalang siya.
"Shit" napaigik nalang ako sa sakit ng biglang tumama ang sugat ko sa tuhod sa lupa. Ilang beses na akong muntik mahulog at mamatay. Ilang gasgas narin ang natamo ko. Balak talaga ata akong patayin ng lalaking yun. Pagod na ako at namamanhid na rin ang mga paa at kamay ko. Hindi ko alam kung maaayat ko ba ito sa tamang oras o hindi. Tumingala ako at hindi ko maiwasang mapangiti ng makita kong malapit na ako sa tuktok. Konting tiis nalang, kaya ko to. Akmang hahakbang na sana ako at iliipat ang paa ko ng bigla nalang natibag ang tinutungtungan kong lupa kasabay ng pagkabitaw ko. Napamura nalang ako ng nasa ere na ako at mahuhulog na. Kung mahuhulog man ako dito at makakaligtas na imposibleng mangyari ay kakatayin ko ng buhay ang gagong yun. Wala akong magawa kung hindi ang pumikit nalang at ihanda ang aking sarili sa pagbagsak ko. What a terrible way to die. Hindi ko alam kung ilang segundo na akong nasa ere at patuloy parin sa pagbagsak ng bigla nalang bumigat ang pakiramdam ko at nahihilo na rin ako. Ilang segundo pa ay tuluyan na ring nilamon ng dilim ang buong kapaligiran.
Zephy's POV
Gusto kong suntukin ang pagmumukha ni Pyrrhos ng bigla nalang kaming nilayasan dito at nagpunta sa kung saan nag eensayo si Adiya. Ano bang problema ng lalaking yun kay Adiya?
"Ano namang ibig sabihin ng sinabi mo kanina?" naiinis ko ring tanong kay Trevet.
"Our training back then is worse than Adiya's training right now. That training of hers right now, naranasan na rin narin namin yan, but with a twist. We have 30 kilos of ultra compressed weights in our ankles and wrist. One of our training also includes swimming with a shackle and a 50 kilos boulder in our feets" natatawang ani Trevet.
"Balak niya ba kayong patayin?" nakakunot noong tanong ko sakanya. Natawa nalang siya ng bahagya saka tumingin sa kung saan nag eensayo si Adiya. Nakikita kong nahihirapan na siya. Mas lalo lang tuloy akong nainis kay Pyrrhos. Bakit ba niya pinahihirapan si Adiya? Akala ko pa naman may gusto siya kay Adiya. Kung titigan niya kasi ito ay parang may kakaiba o baka naman guni guni ko lang iyon. Hindi naman niya pahihirapan ng ganyan si Adiya kung may gusto siya rito eh.
Nakita kong hirap na hirap na si Adiya sa pag akyat ng bundok at ganun nalang ang panlalamig at paninigas ng katawan ko ng biglang natibag ang tinutungtungan nito at nakabitaw siya sa pagkakahawak sa tipak ng lupa at nahulog.
"No!" sigaw ko saka ako tumakbo. Medyo may kalayuan ang pwesto namin sakanya kaya imposibleng makakaabot ako sakanya sa tamang oras. Ilang segundo pa ay malapit na siyang bumagsak sa lupa ngunit bago pa bumagsak ang katawan niya sa lupa ay nasalo na siya ng isang bulto. Hindi ko makita kung sino ito dahil sa alikabok na gawa ng lupa at bilis ng pagtakbo ng isang tao. Nang unti unti nang nawala ang alikabok ay nakita ko si Pyrrhos habang karga ang walang malay na si Adiya. Tumakbo ako palapit sakanya.
"Adiya!" sigaw ko saka ako lumapit. Nanlumo nalang ako ng makita ko ang kabuuan ni Adiya. May mga gasgas siya gawa ng mga matutulis na parte ng lupa.
"Adiya. Wake up" tinampal ni Pyrrhos ang pisngi niya at pilit na ginisgising ngunit wala parin.
"What happened?" tanong ng humahangos na si Elgorth. Halata ang pag aalala sa mukha niya. Nakita kong nagsidatingan narin sila Trevet, Storm, Firth, tita Ellaine at tito Emmanuel.
"She fell" simpleng sagot ni Pyrrhos. "Heal her" dagdag pa niya saka nilapag ang kanyang katawan sa lupa. Sinunod naman ni Firth ang sinabi nito at lumapit kay Adiya para gamutin.
Nabigla nalang kaming lahat ng biglang sinugod ni Elgorth si Pyrrhos at kinwelyuhan ito.
"She fell?" nanggagalaiting ani Elgorth.
"Hindi naman sana siya mahuhulog kung hindi mo siya pinaakyat ng bundok hindi ba?" dagdag pa nito. Namumula na ang buong mukha ni Elgorth dahil sa galit. I can't blame him. Napatingin ako kay Pyrrhos at halos manlambot ako sa kinatatayuan ko ng makita ko ang mukha niya. His face is grim, cold and stoic.
"Elgorth" rinig kong suway ni tito Emmanuel sakanyang anak. Binitawan naman nito ang kwelyo ni Pyrrhos saka dumistansya sakanya.
"Now is not the time for you to fight" ma autoridad na sabi ni tito Emmanuel.
"Do you have a plan on killing her?" tiim bagang na tanong ni Elgorth. Hindi umimik si Pyrrhos at napakunot noo nalang ako ng mapansin kong iba ang kinikilos ni Pyrrhos. Nakakunot ang noo nito at parang may pinapakiramdaman.
"Answer me, you asshole!" sigaw ni Elgorth sakanya.
"Elgorth, carry Adiya. Storm, create a portal that leads to the nation" biglang utos nito. Napakunot noo kaming lahat sa utos nito.
"Carry Adiya. Storm, the portal now!" utos nito ulit na agad namang sinunod ng dalawa.
Magtatanong na sana ako ng bigla nalang may sumabog. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig ng makita kong sumabog ang bahay nila tita Ellaine.
"No. Ehzcy!" rinig kong sigaw ni tita Ellaine saka tatakbo na sana siya ng pigilan ni Pyrrhos.