Chapter 10. Doubt
Zephy's POV
"Dito muna kayo pansamantala" ani Arthur habang ginigiya kami sa isang kwarto. Nang makapasok kami, inikot ko ang aking mata sa kabuuan ng silid. Halatang luma na ang buong bahay dahil sa itsura nitong konting uga lang ay mukhang magigiba na ito. May limang simpleng kama sa silid.
"Pasensya na, hindi naman kasi ako sinabihan ng gag*ng yun" turan nito na ang sa tingin kong tinutukoy niya ay si Pyrrhos. Maraming tanong ang nag uunahan sa isip ko na gusto kong itanong kay Arthur. Gaya nalang kung pano niya nakilala si Pyrrhos, kung tao ba ito o hindi.
"Sabihan niyo nalang si Gwuinie kung may kaylangan kayo at pagpasensyahan niyo nalang siya" sabi nito saka kami tinalikuran at umalis na.
"Who the hell is he?" nakakunot na tanong ni Storm saka siya umupo sa isa sa mga kama na malapit sa bintana.
"At bakit siya kilala ni Pyrrhos? At saka nasan ba ang taong yun?" sunod na sunod na tanong ni Storm. Gusto ko ring magtanong, marami rin akong itatanong sakanya pero walang lumabas ni isang salita sa bibig ko. Hindi ko alam kung dapat ba naming pagkatiwalaan si Pyrrhos. Dahil ang alam ko lang ay muntik na niya kaming patayin nung match.
"Gano niyo kakilala si Pyrrhos?" yan ang biglang tanong na biglang lumabas sa bibig ko. Napatingin naman silang tatlo sa akin.
"We've known him since he entered the academy and that is 7 years ago" si Trevet ang sumagot.
"And?" tanong ko ulit, expecting something that can ease my doubt of him.
"And what?" tanong naman ni Storm.
"Gaano niyo siya kilala? Do you trust him?" I ask.
"San nanggagaling ang mga tanong mo?" balik tanong rin ni Storm sakin.
"So kung ganun kilala niyo si Arthur?" balik tanong ko rin.
"What the hell are you talking about? Pinagdududahan mo ba kami?" naiinis na sabi nito.
"Wala akong sinabing ganun Storm, ang sakin lang hindi ko kayang pagkatiwalaan ang taong muntik ng pumatay sa akin at ang dahilan kung bakit nawawala si Adiya" inis ko ring sabi sakanya tsaka ako naglakad sa isang kamang malayo sakanya na malapit lang sa pintuan saka ako humiga patalikod sakanila. Na I stress ako lalo kay Storm.
"I've known Pyrrhos since childhood" sambit naman ni Firth. Hindi nalang ako nagsalita dahil wala ako sa mood makipag away pero hindi ko rin maiwasang makinig.
"What?" mukhang gulat na tanong ni Storm.
"Yeah, but he didn't give me a reason to doubt him, he's been good to me, kahit hindi halata" aniya.
"Is that the reason why you're always with him?" tanong ni Trevet.
"What do you mean?" tanong ni Firth na may pagtataka sa boses niya.
"Do you like him?" agad na tanong ni Trevet. Napangiti nalang ako ng may mahalata ako sa paraan ng pagtatanong ni Trevet.
"What?" parang hindi naman makapaniwalang tanong ni Firth sakanya. Hindi ko maiwasang hindi makinig sa usapan nila so I turn around facing them, finding Firth sitting at the edge of the bed while looking at Trevet who's now lying on the bed while looking at the ceiling.
"You heard me" kibit balikat nitong tanong habang nakatingin parin sa kisame. Tumayo si Firth saka siya naglakad patungo sa kamang inuupuan niya saka ito humiga. Umirap muna siya bago niya sagutin si Trevet.
"Pyrrhos is like an older brother to me" turan nito saka siya tumingin sa kisame at ginawang unan ang kanyang dalawang kamay.
"He's the only family I have" may lungkot sa boses na dagdag nito. Nakita kong napatingin si Trevet sakanya ng ilang segundo saka siya nag iwas ng tingin ng nakita niyang napatingin ako sakanya. Hindi ko maiwasang mapangiti, alam ko kung anong tunay na nararamdaman ni Trevet.
"Nang paalisin ako ng mga magulang ko ng malaman nilang may kapangyarihan ako siya ang tumulong sakin. My parents we're both human, I'm a Gifted" lumaki ng bahagya ang mata ko sa rebelasyon ni Firth.
Gifted are those mages na ang mga magulang ay parehong tao. The story of the Gifted is quite famous in Elemental history.
It begun with a human couple na napadpad sa nation, the wife is 9 months pregnant back then. They are searching for a shelter ng mapadpad sila sa black forest, at alam ng lahat kung ano ang nasa forest na iyon ngunit ang mag asawa, wala silang ka alam alam hanggang sa makita nila ang isang itim na hallow. Hindi nila alam ang gagawin nila, lalo na ang asawa nitong lalake, kaylangan niyang protektahan ang mag ina niya. Tumakbo sila ng tumakbo hanggang sa may makita silang kweba, pumasok sila rito. Hindi na nakayanan ng asawang babae ang sakit ng tiyan at wala rin silang choice kaya doon nalang ito nanganak.
Matapos manganak ang buong akala nila ay ligtas na sila sa ano mang kapahamakan sa loob ng kweba ang hindi nila alam maraming Hallow ang nag aabang sakanila sa loob nito, ang akala ng mag asawa ay iyon na ang katapusan nila ang hindi nila alintana may isang nilalang ang nagmamatyag sakanila, simula ng makapasok sila sa gubat ay hindi na nito nilubayan ang pamilya. Walang magawa ang mag asawa habang hinihigop ang enerhiya nila pero hindi nila hinayaang higupin din ang enerhiya ng kanilang munting anak kaya pilit silang lumaban kahit alam nilang wala silang kakayahan para patumbahin ang mga ito. Nakita ng nilalang ang halong sakit at pagmamahal sa mukha ng mag asawa kaya lumabas ang nilalang sa kanyang pinagtataguan. Isa itong putting Hallow, ngunit hindi ito isang ordinaryong Hallow, it was the Hallow Goddess. Oo, ang Hallow Goddess ang nagbigay ng kapangyarihan sa batang kapapanganak lamang, binigyan niya ito ng kapangyarihan para maipagtanggol ang mga magulang niya, pero hindi lahat ng tao ay biniyayaan ng ganitong kapangyarihan, pili lang ang mga ito, and that is the legend of the Gifted.
Hindi kami lubos na makapaniwala sa sinabi ni Firth. Halata rin ang gulat sa mukha ni Storm na napabangon pa mula sa pagkakahiga ngunit nanatiling walang reaksyon si Trevet, nakahiga lang siya na para bang inaasahan niyang iyon ang sasabihin ni Firth. Alam ba niya?
"You're a Gifted?" nakakunot na tanong ni Storm habang nakaupo sa kama.
"Pero di ba ang mga gifted ay yung mga biniyayaan ng kapangyarihan mula sa Hallow Goddess na may mga taong magulang?" tanong ni Storm.
"Yes, my parents we're both humans" walang emosyong sabi ni Firth. Napairap nalang ako sa tanong ni Storm, halatang hindi nakikinig ang gag*.
"Hindi ka ba magtatanong?" turan nito na ang tinutukoy ay si Trevet.
"I already know" simpleng sagot nito, nakatingin parin sa kisame. Ano bang tinitingnan nito sa kisame? Halata namang nagulat si Firth sa sinabi nito. Magtatanong sana siya ng biglang magsalita si Storm.
"The hell Trevet. Alam mo? Bat di mo sinabi sakin? So we're keeping secrets from each other now?" nagtatampong tanong naman nito. He just doesn't really know when to shut up.
Napairap nalang ako sa ere. Konting konti nalang malalagutan na talaga ng hininga si Storm at ako mismo ang gagawa nun, mabuti nalang at hindi pinansin ng dalawa ang pagdadrama nito.
"You knew?" gulat na tanong ni Firth sakanya. Napalingon sila sa isa't isa.
"Pyrrhos told me. Kaya ka nga niya ipinagkatiwala sakin eh, to protect you" malumanay nitong sabi. Magsasalita nanaman sana si Firth ng bigla nanamang sumabat si Storm.
"Alam niyo nakakatampo na talaga kayo hah. Mukhang wala talaga akong alam ah, o ayaw niyo lang talagang ipaalam sakin? Why are you always keeping me in the dark?" turan nito na may hinanakit sa boses. Napatingin ako sa mukha ni Storm, nakangiti siya pero ang ngiting yun ay puno ng sakit at hinanakit. Mukhang hindi na siya nagbibiro ngayon.
"Hindi ko alam kung anong rason kung bakit hindi kayo nag sasabi ng mga bagay bagay sakin. Is it the fact na madaldal ako? Damn that reason, kahit naman madaldal ako mapagkakatiwalaan naman ako kahit papano, okay lang kung maglihim kayo sakin pero hindi ko lubusang maisip kung bakit pati ang kakambal ko nagawang maglihim sakin" sabi nito habang nakatungo, ilang segundo siyang natahimik ng bigla siyang tumayo at naglakad sa may pintuan.
"Storm" tawag namin sakanya pero hindi siya lumingon. Akmang pipihitin na sana niya ang knob ng pintuan ng bigla itong bumukas at bumungad doon si Pyrrhos. Napatingin si Storm kay Pyrrhos ng ilang sandali ng nilampasan siya ni Storm.
"What happened to him?" nagtatakang tanong naman ni Pyrrhos ng tuluyan na siyang makapasok. Akmang susundan sana siya ng kakambal niya ng pigilan ko siya.
"Ako na. The last thing he wants right now is to talk to you" sabi ko sakanya. Bumagsak nalang ang balikat ni Trevet sa sinabi ko saka siya tumango and with that lumabas ako sa kwarto and I searched for Storm.