Pyrrhos' POV
Ilang araw na naming hinahanap si Adiya pero hindi namin siya makita. Mukhang tama nga si Zephyrine, wala na nga siya dito sa nation. Isa lang ang alam kong lugar na pupuntahan niya kung talagang gusto niyang umalis dito pero alam naman niyang delikado pag lumabas siya ng nation, sa Black forest palang wala ng nakakalabas ng buhay and by this time, alam kong nasa gubat pa siya. Tinawagan ko ang mga kaybigan ko pati na si Zephyrine para ipaalam ang bagong plano. This will be very dangerous but we don't have a choice. We have to do it.
Nauna akong dumating sa meeting place namin which is sa may malapit sa gubat. Pagkaraan lang ng ilang minuto dumating na sila.
"May balita ka na ba kay Adiya?" bungad na tanong ni Zephyrine sakin. I just rolled my eyes at her question
"Wala" paunang sagot ko. Magsasalita sana uli ako ng bigla siyang nagtatalak.
"Wala naman pala eh bat mo kami pinapunta dito? Busy na nga kaming naghahanap sakanya. Ano ba yan, nagsasayang lang tayo ng oras dito. Tara na nga" akmang aalis na sana siya pero muli akong nagsalita.
"Eh kung pinatapos sana muna akong magsalita di ba? Bago ka nagbunganga diyan?" inis ko ring sagot sakanya.
"Yan, yan ang dahilan kung bakit umalis si Adiya. Because of your attitude. Why do you have to be a jerk all the time?" paninisi niya sakin.
"Guys stop. You both are wasting our time here. Zephyrine, instead of blaming Pyrrhos, why don't you just let him talk? Pasalamat ka nga kasi tinutulungan niya tayo eh. We need to find her as soon as possible" ani Firth. "Now Pyrrhos, spill" dagdag niya pa.
"I know where Adiya might be" sabi ko.
"Might?" tanong naman ni Zephyrine. "So hindi ka sure? Ano ba namang impormasyon yan Pyrrhos" dagdag nanaman niya. Kung hindi lang to babae baka nasapak ko na to. Hindi ba siya marunong maghintay?
"Can you just let me finish talking?" inis na sagot ko sakanya. Mukha namang nakaramdam siya dahil tinaas niya ang dalawang kamay niya as if like surrendering then she makes a sign zipping her mouth.
"As I was saying, I think she might be in the black forest. If she really wants to get away here then there's only one place where she might be" I paused. "The outside world" I added. They look at me with worried expressions plastered on their faces because they know what danger she's in right now.
"No" hindi makapaniwalang sabi ni Zephy. "She can't be in there. Why would she even go there where in fact she knows what lies beneath that forest" dagdag niya.
"And why would she even go in the outside world?" dagdag na tanong naman ni Storm.
"We have to go get her" sabi naman ni Trevet. "So what's the plan?" then he added.
"Wala dapat makaalam sa gagawin natin. This should be a secret" I said.
"Even to her parents and the committee?" tanong naman ni Zephyrine. Andami talagang tanong ng babaeng to. Hindi ba niya ginagamit ang utak niya?
"Yes" simpleng sagot ko nalang sakanya.
"Don't we need some help, do we?" tanong naman ni Storm.
"Pussy" pang asar naman na sabi ni Firth.
"Shut up, Flirthy" balik inis naman niya. Ang galing talaga ng dalawang to mag asaran, baka sa future magkakatuluyan lang din sila, wala disaster. Napatawa nalang ako sa utak ko sa kung anong mangyayari kung sakaling silang dalawa ang magkakatuluyan.
"Let's go" sabat ko na sakanila at baka kung san pa mapunta ang bangayan nilang dalawa.
"Wait, where are you going?" tanong naman ni Zephyrine ng pabalik na kami sa academy.
"Sa academy?" I said more like both a statement and a question.
"Akala ko ba hahanapin natin si Adiya?" tanong ulit niya.
"Are you serious? It's getting dark soon, it'll be very dangerous inside the forest" sagot ko naman sakanya.
"Ikaw ang are you serious. It's getting dark soon at maaaring may nangyayari ng masama kay Adiya ngayon. We shouldn't waste time. Sa bawat gabi na naroon si Adiya, baka kung napano na siya" she said na para bang naiiyak. Alam kong nag aalala siya para sa kaibigan niya pero wala kaming magagawa.
"If you want to go and look for her then go ahead, no one is stopping you. Just know that, kaya natin ipagpapabukas ang paghahanap sakanya ay para narin sa kapakanan natin, kung ngayon tayo maghahanap, malamang sa malamang hindi pa natin siya nahahanap patay na tayo. This is our best option for now Zephyrine" sabi ko sakanya. Wala rin naman kaming magagawa eh kung hindi hintayin ang umaga. "Tomorrow morning, we'll meet again here" dagdag ko pa. Mukha namang naintindihan niya ang lahat ng sabi ko dahil sa pagtango niya.
"Let's go?" tanong naman ni Storm saka siya gumawa ng portal papuntang Academy.
Adiya's POV
Nanghihina na ako dahil sa sobrang uhaw. Ilang araw na akong naglalakad dito sa gubat pero hindi ko parin mahanap ang daan palabas. Kailangan kong humanap ng ilog sa lalong madaling panahon kundi mamamatay ako hindi dahil sa kung anong meron sa gubat na to kundi dahil sa uhaw. Ilang minuto pa akong naglakad ng may makita akong ilog. Nakahinga ako ng maluwag. Papalapit na ako sa ilog ng may marinig akong kaluskos sa aking likuran. Lumingon ako ngunit wala akong makita. Naglakad ulit ako palapit sa ilog ng muling may kumaluskos. Lumingon ulit ako, nagbabakasakaling may makita ako ngunit wala. Walang tao o kung ano man. I just shake my head, maybe I am having hallucinations because of dehydration. Malapit na ako sa ilog ng may biglang lumipad sa likuran ko patungo sa ilog. Hindi maaari. Isang Black Hallow. Black hallows are known as soul eaters. From the word itself, kumakain sila ng kaluluwa, at walang matinong tao ang gustong ipakain ang kaluluwa nila.
Wala na akong lakas para tumakbo at mas lalong wala na akong lakas para lumaban pa at hindi ako tanga para kalabanin ang isang hallow maliban nalang kung sa nakaraang buhay ay may ginawa akong banal at kapuri puri para may magligtas sakin ngayon. Soul savers are the only being that can kill a soul eater but it's impossible for me to be saved because soul savers or what we call the White hallows are rare creatures. No one has ever seen a soul saver before. So it's impossible for me to fight or escape in this kind of situation. Dito nalang ba matatapos ang buhay ko? Mamamatay nalang ba akong hindi nasisilayan ang mundo sa labas ng gubat na ito?
I tried to run but I don't have the strength to even take a step, that's when it hits me. The black hallow is slowly eating my soul, it's like every energy in my body is being sucked by a vacuum until I'm beginning to succumb to darkness but then there's this powerful light that can blind an eye appears then everything went black.