*Theia's POV*
*Brrr brrrr*
Hindi ko na napigilan. Bumangon na ko.
I'm hungry.
Anong oras na ba? I looked at the clock.
Past 12 midnight.
Madaling araw na? Pero isang meal lang yung kinain ko maghapon.
I went downstairs. Wala nang tao sa sala. Tulog na siguro sila.
Dumiretso ako sa kusina tapos kumuha ng pancit canton at utensils sa cabinet. Nilalagay ko na yung mga condiments sa plato nung narinig kong may nagbukas sarang pinto.
"Theia?"
Si Manang.
"Nang, nagising ko po ba kayo?"
"Nako, hindi." Lumapit siya sa'kin at tumingin sa ginagawa ko. "Gusto mo ba ako na gumawa nyan?"
I automatically smiled. "Thank you po, Nang."
Umupo ako sa stool the same time na nag vibrate na yung phone ko. I have missed calls and messages from Charm.
Bessy, good morning! Pupunta ako dyan mamaya ha.
Bessy, pupuntahan kita okay?
Bessy papunta na ko. Wait for me.
Tulog ka pa ba o kakatulog mo lang?
BESSY! BESSY???
Nagpapanic naman masyado si Charm. =___=
*I was made for loving you by Tori Kelly feat. Ed Sheeran now playing*
A dangerous plan, just this time
A stranger's hand clutched in mine
I'll take this chance, so call me blind
I've been waiting all my life
Please don't scar this young heart
Just take my hand
I was made for loving you
Even though we may be hopeless hearts
just passing through
Every bone screaming
All I know is, darling, I was made for loving you*
"Theia?"
Napatingin ako kay Manang.
"May tumatawag yata sa'yo, hija."
*Charm calling*
"Theia! Thank goodness sumagot ka."
"Charm? Gabi na ah."
"I know." I can hear her breathing.
Hinihingal siya.
"Bakit?" Tanong ko. "May problema ba?"
"Wait lang.." Sabi niya. "Dyan nalang po sa tabi. Salamat po."
"Hello? Charm??"
No one answered. Nag end na yung call.
*dingdong*
"Sino kaya yan?"
"Ako nalang po, nang."
Paglapit ko sa gate, nakita ko si Charm na kumakaway kaway pa.
"BESSYY!"
Bukod sa backpack, may bitbit pa siyang maleta.
"Para saan naman yang maleta mo?"
"You'll know lateeer. Lezgo." Sabi niya habang nakangisi.
I eyed her pink luggage.
I have a bad feeling about this. I'm very positive na may kalokohan siyang gagawin.
We were almost by the entrance when she stopped. Napahinto rin tuloy ako at tumingin sa kanya.
"I forgot something.."
Tumakbo siya pabalik sa gate. Paglapit niya sa'kin, may bitbit na siyang kulungan.
"Robin?"
Si Robbin nga. Yung aso ni Cyril.
"Bakit nandito si Robin?"
"Bastaaa. Lezgoo.."
At talagang dinamay niya pa yung aso?
"Gutom ka rin ba hija?" Tanong ni Manang. "Gusto mo bang ipagluto rin kita?"
"Yes please." Binaba niya si Robin katabi ng mga gamit niya.
"Punta punta ka dito tapos hindi ka pa kumakain?"
"Ehh---"
Tinakpan ko yung bibig niya.
"Mamaya na yan." Sabi ko. "Kumain na muna tayo."
Hinain ni Manang yung pancit at tinapay tapos iniwan narin kami.
"Yum. Yum."
"Uy, hinay hinay lang." Saway ko sa kanya.
Pano kasi ang lalaki ng mga subo niya.
"Bhaket? Ghutom akoh eh."
"Baka mabulunan ka." Saktong pagkasabi ko nun, nanlaki bigla yung mata niya. "Don't tell me?"
Nagsalin agad ako ng tubig sa baso at inabot sa kanya.
"Hehe. Sorry." Sabi niya. "Hindi na ko ulit magi-skip ng meals ever."
"Bakit ba kasi hindi ka nag dinner?"
"I told you, wala akong kasama sa bahay."
"Bakit wala?"
Imposible namang mag-isa lang siya dun.
"Tapos na ba kayo kumain?"
Lumabas ulit si Manang sa kwarto niya.
"Kami na po, nang."
"Nako, wag na. Ako na bahala." Sabi niya. "Matulog na kayo at mag uumaga na mga hija."
"Thank you po, Nang." Sabi niya. "Robin, dito ka muna ha."
Pahirapan niyang inakyat yung maleta sa kwarto ko.
"Iwan mo nalang kasi yan sa baba."
"Ayaw ko nga. Importanteng gamit ko yan."
"Si Robin nga naiwan mo."
"Importante man si Robin, hindi naman siya gamit, bessy."
Pilosopo talaga.
Kapag ganyan siya, nagtataka ako kung bakit ko siya kaibigan.
"Bakit ba kasi may bitbit ka pang ganyan?"
"Lagi kasi akong handa."
"Handa saan?"
Umupo siya sa kama at binuksan yung maleta niya.
"Tadaaa!"
"CHARMAINE LUX SEVERINO, ANO YANG DALA DALA MO?"
"HIHIHIHIHIHI."
Putok na putok yung maleta niya sa dami ng laman kaya pagbukas niya, kumalat agad yung mga damit niya sa paligid.
"Laging handa?" Sabi ko. "GIRL SCOUT KA BA?"
"Ano ba, bessy." She said. "Kumalma ka nga."
"Paano ako kakalma kung ganyan yung bitbit mo?"
"Pfftt.." Lalo lang siyang natawa. Mukha pa siyang excited sa nangyayari. "Ngayon mo lang binanggit ng buo yung pangalan ko."
"Look at that." I pointed my finger at her luggage. "Maiintindihan ko kung backpack lang pero hindi. Maleta yan, Charm. Bakit maleta?"
May sira yata sa ulo tong kaibigan ko e.
"Ano ba kasing nangyari?" Tanong ko. "Pati si Robin binitbit mo papunta dito."
Mamaya pinalayas na pala siya, hindi ko pa alam.
But seeing her like this, that's not possible. Siya yung mukhang naglayas at masaya pa sa nangyayari.
"Maghihiwalay na sila Mama at Papa, bessy." She looked down. "Araw araw silang nag aaway tapos umiiyak lagi si Mama. Kaya lumayas nalang ako.."
I stared at her before reacting.
Kapag ganito pa naman siya, malaki yung possibility na niloloko niya ko. And there. Hindi rin napigilang matawa ng babaeng loka loka.
"HAHAHAHAHA----"
Binatukan ko nga.
Natigilan sya bigla sa pagtawa e.
"ARAY!" She touched her head. "Ang sakit ha."
"Seryoso kasi, Charm." Sabi ko. "Aso ni Cy si Robin. Hindi pwedeng sa'yo niya ipaubaya yung aso niya."
"Ito naman si bessy, hindi na mabiro." Sabi niya. "Mago-overnight kasi ako dito."
"Overnight lang ba talaga?" Napatingin ako dun sa maleta. "Sa dinami dami ng dala mo, parang dito ka na forever."
"Oo na. You caught me." Ngumisi siya. "You're right! Dito muna ako titira."
"What?? Why?"
"Nasa Tagaytay sila. Diba may ipapatayong bagong school dun?"
Oo. Same project din nila Mommy at Daddy.
"Paano si Cy?"
"Sumama sa kanila." Sagot niya. "Bakasyon na kasi nila kaya pinasunod nalang siya dun nila Mommy."
"So si Robin.."
Tumango naman siya.
"Pinababantayan niya sa'kin."
"Ibig sabihin may dala kang dog food?"
"Yup. Wala naman pagkain ng aso dito." Sagot niya. "Baka mangayayat yang si Robin. Ako pa sisihin ni Cy."
Kaya pala mabigat yung maleta niya.
"Are you sure alam nilang nandito ka?"
Madalas kasi siyang gumawa ng lakad na hindi nila alam. Most of the time, tatawagan pa ko nila Tita para lang itanong kung nasaan yung anak nila.
"Of course." She said. "Pumayag naman sila kaya you don't have to worry about anything."
"Pumayag ba ko?" I raised an eyebrow. "You didn't even ask for my permission."
"Hindi naman ikaw yung may-ari ng bahay no." Sabi niya. "Tsaka nagpaalam na 'ko kanila Tita bago ako pumunta kasi alam kong kokontra ka nanaman. Bleh."
I was speechless.
Very wise, Charm.
"Na-amaze ka no?" Tanong niya. "Namangha ka sa talino ng best friend mo?"
"Talino? Mautak ka lang talaga."
"Hindi mo makaila na ang galing ko." She even clapped her hands. "Wahahaha!"
"Chupi ka na dun sa room mo."
"Minsan lang ako nandito ayaw mo pa ko makasama."
"Minsan? Lagi ka kayang nandito." I said. "Nagsasawa na 'ko sa pagmumukha mo."
"Nagsasawa ka na sa'kin?" She held her chin with her hands. "Itong ganda ko pinagsasawaan mo na ngayon?"
"Kay Gabby lang gagana yang gandang sinasabi mo."
"Are you telling me na minahal lang ako ni Gab dahil sa itsura ko?"
"I didn't say that. Sayo nanggaling yan."
"Hmp. Dito lang ako. Bahala ka dyan."
"Oo na, dito ka na matulog." I covered my ears.
Siguradong sisigaw nanaman to.
"THANK YOU!" She kissed me on my cheek. "The best ka talaga, Theia!"
Told you.
"Isa pang halik mo, palalayasin na talaga kita."
"Ito na po." Bumaba siya agad sa kama, kumuha ng damit na nasa ibabaw ng maleta at sabay takbo papuntang banyo. "Pahiram ng towel!"
"Kuha ka nalang dyan!"
Paano niya kaya nasigurong tama yung dinampot niyang damit?
Sinarado ko nalang yung maleta niya at tinayo dun sa gilid tsaka ako lumabas sa kwarto at pumunta dun sa cr sa baba.
******
*Ivy's POV*
Nasaan na ba yun?
Saan ko ba nalagay??
"Ai?"
Bakit wala dito?
Nandito lang dapat yun.
"Ai??"
I stopped searching tsaka napatingin sa may pintuan. Ate Ysa tood there while frowning.
"Ano bang ginagawa mo? Ba't ang gulo?"
Napatingin ako sa paligid ng kwarto. Nakabukas lahat ng drawer. Nakalabas yung mga damit. Everything was on the floor.
I closed my eyes and took a deep breath.
"Are you okay? May hindi ka ba sinasabi sa'kin at parang lalayas ka?"
Napamulat naman ako agad at tumawa sa sinabi niya. After all that happened, ngayon lang ulit ako natawa.
"Of course not." I answered. "Saan naman ako pupunta?"
"Aba malay ko ba kung gusto mo nang makipagtanan kay Ryan."
Natahimik ako agad nung naalala ko siya.
"Ano ba kasing ginagawa mo?" Sabi niya. "Are you looking for something?"
Ano nga bang hinahanap ko?
Sarili ko.
"Yung susi ng drawer."
"Saan mo ba pinatong?" She asked. "Tsaka ano bang nilagay mo dyan na parang dapat mong ingatan?"
Napaisip ako sa sinabi niya.
Hindi yung nilagay ko sa loob yung iniingatan ko.
Kundi yung sarili ko.
I'm trying to stop myself from doing something that I might regret later on.
"Do you want me to help?"
"Hindi na, Ate." Sagot ko. "I think I know where it is."
I waited for her to leave before I stepped outside and went in front of my room's window.
Nandito lang yun. Sigurado ako.
I threw it out that same day.
Madali ko namang makikita yun diba?
May heart keychain na kasama yun e.
But what if wala na dito??
Baka nakuha ng aso namin tapos nginatngat o kaya nawalis nung katulong tapos natapon.
Bat mo pa kasi naisipang ibato Ivy???
Sa lahat naman ng babatuhan, sa labas pa talaga ng bahay. Katangahan ko din umiiral.
Pag hindi ko nakita, sisirain ko talaga yung drawer na yun.
Pag angat ko nung isang paso, I finally saw what I was looking for.
Tumakbo ako papasok ng bahay diretso sa kwarto sabay lock nung pinto. Agad akong lumapit dun sa drawer na nilock ko tsaka tinitigan yung pinulot ko kanina.
This was my heart.
I've been keeping it away for the past few years. Ngayon, hindi ko na kayang itago pa.
I slowly opened the drawer and pulled out the box that Ate Ysa bought for me last time.
This is his. This will be his.
I will give it to him.
******