webnovel

Monthsarry

*Theia's Flashback*

*Before the accident*

"Mio... Babyy.."

"Hmmm??"

Ayaw ko pa bumangon.

Nagtakip nalang ako ng unan sa mukha.

"Baby, gising naa.."

Sino ba 'to at Mio pa yung tawag?

Si Nate lang may karapatang tumawag sa'kin nun. Malamang si Kuya na naman to. Mahilig siya magpanggap na si Nate kapag ginigising ako.

"I'm still sleepy.."

"Pero lalamig na yung niluto kong agahan.."

"..."

Agahan?

Kailan pa ko pinagluto ni Kuya?

"Kung alam ko lang na ganito ka kahirap gisingin, pumayag nalang ako kay Kuya." Narinig ko pang tumawa siya. "Kung hindi ka gigising, gagawa tayo ng baby ngayon sige ka."

Wait..

Mio? Agahan?? Nate?

Napamulat ako tsaka napatingin sa gumigising sa'kin. He was holding a tray filled with food.

"Hi, baby."

"Hi."

Si Nate nga.

Wait lang.. hindi ba panaginip 'to?

I reached out for his nose and squeezed it.

"Aww!"

Napabitaw ako.

"Totoo ka talaga?"

"Totoo ako. Totoo ring mahal kita."

He's real. Corny si Nate e.

Akala ko panaginip lang yung nangyari kagabi pero kung nandito talaga siya..

Ibig sabihin..

I looked myself.

Bakit ngayon lang??

Nagmadali akong pumunta sa banyo at humarap sa salamin. Magulong buhok, mata na may muta muta at pink na cheeks.

Kumatok siya. "Are you alright, baby?"

"Wait lang, baby!"

Naghilamos na ko agad at nagsipilyo.

Narealize niya siguro kung anong ginagawa ko kasi narinig kong tumatawa siya.

Nakakahiya talaga!!

Paglabas ko, nakita ko siyang nakaupo sa higaan.

"Okay ka lang ba?"

I nodded. "Hindi kasi ako sanay na nandito ka."

"I know, mio." Sabi niya. "Don't worry, malapit na tayong magsama. Palagi na ako sa tabi mo tuwing matutulog or gigising ka."

"I like that idea." Ngumiti ako sa kanya at napatingin sa hinanda niyang pagkain. "Breakfast in bed!!!"

Tinayo niya yung table kong maliit sa gilid ng kama. Nakapatong na dun yung tray na may lamang baso ng pineapple juice, scrambled eggs, bacon at fried rice.

Kukunin ko na sana yung kutsara at tinidor pero pinigilan niya ako.

"Wait lang, baby ko."

"Bakit?" I pouted. "Gutom na ko."

"Kakain ka ng ganyan yung buhok mo?"

I touched my hair. Hindi ko pa pala naayos.

"Wait lang." He opened my drawer. "Ang alam ko nandito nakatago yun e."

"Tadaaaa!"

Pagkalabas ng kamay niya, may hawak na siyang hair brush at tali.

"Bakit alam mo kung nasaan yan?" Tinitigan ko siya. "Ikaw baby, may tinatago ka sa'kin."

Mas kabisado niya pa yung gamit ko kaysa sa'kin.

"Ano na namang kalokohan ang pumasok sa utak mo, Aletheia?"

"Napakainosente kaya ng utak ko."

"Oo na. Inosente ka na." I heard him chuckled.

"Alagang alaga mo 'ko ngayon ha." He was brushing my hair. "Para tuloy akong baby."

"Baby ka nga." Sagot niya. "Baby kita diba?"

I blushed.

Pagkatapos niya ko talian, humarap siya sa'kin.

"Pretty baby." He said. "Expert na ko sa pagtatali ng buhok mo. Sa susunod braid naman."

I can't help but smile.

Why am I so lucky to have you, Nate?

"Happy 35th month, mio." He kissed my forehead. "And that is exactly, 2 years and 11 months."

1 month nalang, 3 years na kami!

"Happy monthsary, baby."

I gave him a peck on the lips.

Nung palayo na 'ko, bigla siya yumakap sa'kin.

"Bakit smack lang?"

Nagpout siya bigla.

Cutie.

Nilapit ko yung mukha ko sa kanya and he hugged me even tighter.

"I love this." Sabi niya. "Sleeping and waking up beside you. I can imagine doing this every single day for the rest of my life. Hindi na kita papakawalan nyan."

"Sinong nagsabi na pwede mo 'kong pakawalan?" Umupo ako sa tabi niya. "Kumain ka na ba?"

"Yes, baby. Kasabay ko sila Mommy kanina." He said. "Wag daw muna kita gisingin kasi minsan ka lang naman daw makatulog ng matagal."

Tumango ako habang kumakain.

"Nahihirapan ka parin bang huminga, baby?"

"Minsan." Sagot ko. "Nakakatakot rin na baka hindi na ko magising pag natulog ako."

"Ang hirap mo nga gisingin kanina."

"Nakatulog ako ng maayos kasi nandito ka."

"Kailangan yata kitang takutin araw araw na gagawa tayo ng baby para magising ka."

O my god.

I couldn't breathe.

"Theia?? Okay ka lang?!"

Inabot niya agad yung baso at hinimas himas yung likod ko.

*gulp*

"Theia, naman." He frowned at me. "Iiwanan mo ko agad nyan sa ginagawa mo."

"Kung ano ano kasing pinagsasabi mo." I said. "Yan tuloy, nabulunan ako."

"Dun ka kaya nagising." Sagot niya. "Sinabi ko lang na gagawa tayo ng baby, bumangon ka na agad."

Nag-init bigla yung pisngi ko.

Kinikilig ba ako???

=\\\\=

"Nagkataon lang yon."

He went closer. "Nilalagnat ka ba? Namumula yung mukha mo."

"Hindi kaya."

I touched my cheeks. Mainit.

Pesteng dugo 'to. Pumunta pa sa mukha ko.

Tinataksil ako ng sarili kong katawan pagdating sa kanya.

"Oo kaya."

I kept holding my face para hindi niya mapansing namumula talaga ako.

"I think you're blushing."

He slowly removed my hands while staring at me. Sinubukan ko naman umiwas pero nahawakan niya agad yung mukha ko.

I kept my eyes away from him.

"My baby is blushing." Sabi niya. "Ang cute."

If he doesn't stop, hindi rin titigil yung pamumula ng mukha ko.

"Madaya."

He kissed me. Nagulat tuloy ako.

"Nakakarami ka na ha." Sabi ko. "Kanina ka pa nanghahalik dyan."

"Bakit bawal bang halikan yung girlfriend ko?"

"Hindi." Bulong ko.

Nakatingin nanaman siya sa lips ko.

"Again??"

He nodded while smiling.

I closed my eyes and he kissed me passionately.

I love him so much.

Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay pag nawala siya.

"Sa'kin lang yung lips mo, Theia."

That made me blush even more.

Gustong gusto niyang ganito yung epekto niya sa'kin.

"Ayan tuloy, wala na kong gana." Sabi ko. "Ikaw kasi. Kissing monster!"

"What did you say?"

"Ayan tuloy."

"Pagkatapos nun."

"Wala na kong gana."

"Ano pa?"

"Ikaw kasi."

I giggled.

I love his game. Pati siya nakangiti na.

"May isa pa. Yung dulo."

"Wala na kaya."

"Mio, don't play with me." Sabi niya. "Seryoso ako."

"Who said I was playing?" Tanong ko. "Seryoso rin kaya ako sa'yo."

His smile grew bigger.

Ugh. Ang cheesy.

"Para kang baliw dyan." Sabi ko. "Ngiti ka nang ngiti."

"Oo. Baliw na." He winked. "Baliw na baliw sa'yo."

Control, Theia.

Kanina ko pa pinipigilan yung sarili ko na tumalon sa kanya dahil sa sobrang ka-cute-an niya.

Sumimangot siya bigla nung bumelat ako.

I quickly kissed his left cheek and moved away.

"Oops!" Lalapit din sana siya but I held up my hands. "Stop. Boundaries. Boundaries."

"Sabi ko nga." He sighed. "Ikaw talaga yung kissing monster."

I'm trying hard not to laugh at his expression. Para kasi siyang bata na inagawan ng candy.

"Hindi ka na ba kakain?"

I pouted.

"Akin na nga."

Kinuha niya yung spoon and fork tapos sinubuan ako.

Palagi siyang ganito. Pinaparamdam niya sa kahit anong paraan na mahal na mahal niya 'ko.

I'm so happy.

"Thank you, mio."

Naubos ko lahat!

"Very good." He stood up and kissed me on the forehead. "Dapat palagi kang ganito kumain ha?"

"Edi lagi kang nandito para subuan ako?"

"Pwede rin." Sabi niya habang nagliligpit. "Do you want that, my Theia?"

"Yes please!" ^____^

"Date tayo mamaya?"

"Sure." Sagot ko. "Surprise me!"

"Your wish is my command." Sabi niya. "I'll just change my clothes and pick you up, okay?"

"Aye aye!"

Kinuha niya yung tray tapos sinundan ko na siya palabas ng kwarto.

Mommy and Daddy were watching tv on the living room kaya napatingin sila nung bumaba kami sa hagdan.

"Good morning!" Nilapitan ko sila and kissed them both on their cheeks.

"Good morning, baby."

"Aalis ka na ba agad, Nathan?" Daddy asked nung dumiretso si Nate sa kusina at hinugasan yung kinainan ko.

"Yes, Daddy. Magbibihis lang po ako tapos babalik agad para sunduin si Theia."

All around talaga ang aking Nate. Hihi.

"Where are you going?" Tanong ni Mommy.

Napatingin ako kay Nate pero ngumiti lang siya sa'min.

"Surprise nanaman ba?"

"Yes, Mommy."

"Nako, lalaki yung ulo ni Theia kaka-surprise mo nyan."

"Dad!" Tinignan ko siya ng masama.

"What? Nagsasabi lang ako ng totoo, baby."

"That's not true!"

"Oo na. Hindi na." Tumango tango si Daddy. "Umuusok na yang ilong mo sa galit oh."

Napatingin ako kay Mommy.

"Mommy, ba't di niyo po ako pinagtatanggol?" Tumatawa tawa kasi siya. "Parang alam ko na kung kanino nagmana si Kuya."

"Anong meron?" Biglang sumulpot si Kuya sa gilid. Nag banyo yata.

"Narealize ko lang na nagmana ka kay Daddy kasi parehas kayong bully."

They laughed at me.

Nung narinig kong tumatawa rin si Nate, I couldn't stop myself from joining them.

"Aalis na po ako, Mommy at Daddy." Nagmano siya sa kanila. Nag-apir naman sila ni Kuya Alec. "Bye, Kuya."

"Thank you Nathan. Mag-iingat ka ha."

"Salamat po."

Sinamahan ko siya palabas ng bahay.

I opened the gate and was about to follow him outside nung pinigilan niya ko.

"Mio, babalik rin ako agad."

Ayaw ko kasi siyang bitawan.

"Hindi ba pwedeng isama mo nalang ako, baby?" I asked him. "I'll behave. I promise."

Aalis na kasi siya. Nalulungkot ako.

"I'm sorry, baby pero hindi pwede." He said. "Ihahanda ko pa kasi yung surprise ko."

"But I'll miss you.."

Kumunot yung noo niya.

"Theia, I know what you're doing." He said. "Alam mo namang hindi kita matitiis kapag ganyan ka diba? But I really need to go, baby."

"Sigurado ka bang babalik ka agad?"

I pouted.

"Yes, baby. I promise." He squeezed my hand. "Hindi ko naman kayang malayo ng matagal sa'yo."

"Okay."

I saw the look on his face.

He's hesitating whether to take me or not.

My poor, baby.

"Sorry, pinapahirapan kita.."

I felt sad.

Hindi ko sinasadyang ganito yung epekto sa kanya.

"No, mio. Wag mong sabihin yun." He caressed my cheek. "You know that I love you, right?"

"And I love you too." I told him. "Sige na, paaalisin na kita, baby. Ito na, bibitaw na ko."

Before I can let go, hinila niya ako papalapit sa kanya at niyakap ako ng mahigpit.

"Ang cute mo parin kahit nagtatampo ka." Narinig kong natawa siya. "I love you so much, Aletheia Courtney Zamora."

*dugdug*

*dugdug*

*dugdug*

Kailan kaya darating yung araw na hindi titibok ng ganito yung puso ko kapag sinasabi mo ang mga salitang yan?

Never ♡

"I love you too, James Nathaniel Go."

He held my face between his hands.

"I promise babalik ako agad sa'yo, Theia." Sabi niya. "Pag hindi ako bumalik, may parusa ako."

"Talagaaa??"

Hmm.. Ano kayang magandang parusa?

"Baby, I'm scared. Nakakatakot yung itsura mo." Sinamaan ko nga ng tingin. "Joke lang!"

"Bye, baby!"

"Wag masyadong mahirap ha. Baka kung anong ipagawa mo sa'kin."

"I'll try!" Napangisi ako.

He kissed me on my lips.

I feel so loved by this man.

Sa saglit na pagbitaw niya sa kamay ko, nakaramdam ako ng kaba at lungkot.

Hindi ko maintindihan.

I watched him walk away from me.

Why do I feel that I need to remember this?

His back. His kisses. His touch. His words. His sweetness.

My Nate.

"Nate!" Lumingon siya sa'kin. "I love you!"

"Mahal na mahal rin kita, Theia!" Ngumiti siya at sumakay na sa kotse.

I watched him drive away tapos pumasok narin ako sa bahay. Wala na sila Mommy sa sala. I went upstairs para mag-isip ng susuotin ko mamaya.

May nakapatong na white box sa ibabaw ng kama ko.

Why didn't I notice this earlier?

Wala pa to nung kumain ako ng breakfast.

Isang tao lang ang makakagawa nito and the thought made me smile.

Tinanggal ko yung ribbon and saw an envelope inside. I opened the letter and saw Nate's handwriting.

My baby,

Wear these dress and heels for our date. I love you so much, Theia.

I promise babalik ako agad sa'yo at pag balik ko, hinding hindi na tayo maghihiwalay pa.

You are mine, mio.

Yours,

Nate

"Theia??"

I turned and saw Kuya standing by the door.

Lumapit siya agad sa'kin pagkakita niya sa mukha ko.

"Bakit ka umiiyak??" He held my shoulders. "Pinaiyak ka ba ni Nathan? But that's impossible. He will never make you cry."

"Of course not."

"Then why are you crying?"

"Masaya lang ako, Kuya."

I pointed the box.

"So tuloy na tuloy na talaga."

"Tuloy ang alin?"

"Yung surprise niya."

Alam niya kaya?

"Alam mo?"

"Malamang surprise ulit yan." Binelatan niya ko.

"I thought.." Sabi na nga ba trip lang ako ni Kuya.

"Anong akala mo? Alam ko yung mismong surprise niya?" He laughed. "I wouldn't, Theia. Ang surprise ay surprise. Syempre kapatid kita, bakit niya naman sasabihin sa'kin?"

"Oo na. Nag-assume lang ako."

"Even if I do, I won't ever tell you." Sabi niya. "Kapag sinabi ko sa'yo, hindi na surprise yun. Halika nga dito."

He hugged me.

"Ang alam ko lang, mahal na mahal ka niya. Ayos lang na umiyak ka kasi masaya ka." He said. "Wag na wag ka lang magkukunwaring masaya kapag ang lungkot mo na ha?"

"You always say weird things, you know?"

"Sometimes, nakakatulong yung sinasabi ko." Sabi niya. "Mag-ready ka na. Aalis rin kami ni Naomi mamaya."

"Date na naman?"

"Of course." Sabi niya. "Anong akala mo ikaw lang ang pwedeng makipagdate?"

"Hindi na ba ihahatid sundo ni Nate si Ate?" Pang-asar ko sa kanya. "May curfew siya diba?"

"Ah ganon?" He smiled. "Gusto mo ikaw rin magkaroon ng curfew?"

"Hala, hindi ah."

Paano niya nagawang ilipat sa'kin yung topic?

"Sasabihin ko yun kanila Mommy."

"Wagg!"

"Mommyy! Daddyy!" He shouted. "Gusto ni Theia ng curfew!!!"

"I love you!" I shouted back at him.

He turned around to look at me. "I love you too. Mag-ready ka na bago pa magbago isip ko."

"The best Kuya ever!"

"I know."

I giggled and looked at the white box.

Ano kayang surprise sa'kin ni Nate?

Kung ano man yun, I'm sure I'll be happy.

******

下一章