webnovel

Chapter 15: Sacrificing My Own Happiness

SACRIFICING our own happiness is not easy. Mahirap at hindi madali, kung sino man ang makakapagsabing ang daling gawin ang bagay na mahirap ibigay-isampal niyo sa'kin.

Paulit-ulit kong naiisip na bakit ko ba nagawang isakripisyo ang kasiyahan ko para sa isang tao.

Sabihan niyo man ako ng kahit ano, wala akong paki-alam. Magmukhaan akong martyr, tanga, bobo o ano still I don't fucking care; wala kayong karapatan na husgahan ako. This is me sacrificing my own happiness just to see they're happy.

"Jaymark, pwede favor?" Ani Gemini at nagpapacute sa'kin alam ko kung anong kailangan niya

"Ano 'yun?" Simple kong sagot at tiningnan siya

"Pwede bang gawan mo ako nito please?" Sabi ni Gemini at ipinakita sa'kin ang index card na may pangalang Miko

"Sure!" Buong puso kong tinanggap ang pabor niya, ganyan naman talaga sila palagi eh lumalapit lang pag may kailangan

"Salamat Jaymark ah. Maaasahan ka talaga" At niyakap ako ng sobrang higpit

Doing such things that interests me is my happiness. Lahat yata ng mga kaklase, kaibigan, kapit bahay ay lumalapit sa'kin. Take note LU-MA-LA-PIT kapag may KAILANGAN, pero pag ako ang may kailangan hindi ko magawang lapitan ang isa man sa kanila.

Hangga't kaya ko, sinasarili ko-

"Oy, Jaymark pwede akin na lang 'to" Hawak ni Kristy sa portrait na gawa ni Papa

"H-hindi pwede, may sentimental value 'yan sa'kin" Kimi kong rason

"Ang damot mo naman! Kahit ito lang ayaw mo pang ibigay sa'kin-" Palatak ni Kristy at ibinalik sa tamang lalagyan ang portrait

'Yan. Ganyan sila, pag tinanggihan mo or ayaw mong ibigay sa kanila ang isang bagay sasabihan ka ng madamot. Wala ba akong karapatan maging selfish?

"Sorry talaga Kristy ah? Kay Papa kasi 'yan binigay niya sa'kin bago siya mawala-sorry talaga, hindi ko kayang ibigay..." Sincere kong pagkakasabi

"Ganyan ka naman talaga palagi Jaymark eh! Ki liit na bagay pinagdadamot mo-diyan ka na nga!" Naiinis nitong usal at nagpapadyak na umalis

Sinundan ko si Kristy ng tingin hanggang sa mawala ito.

Ki liit na bagay pinagdadamot ko? Bahala sila kung ano man ang sabihin nila sa'kin, ang dali lang sa kanila na sabihan ako ng kahit ano. Not knowing that I value the simple things they desired to have.

The day after tomorrow I received a message from the owner of Salvation's Art Exhibition. Yes, I'm a certified Artist. At nakapagbinta na ako ng self portrait na mismong ako ang may gawa

'Mr Sumalinog, punta ka dito bukas ng umaga mga alas otso ng umaga. Kailangan ka namin at ng buong staff para sa portrait mo-free ka ba?'

Napahilot na lang ako sa aking sentido. Salvation's Art Exhibition is waving at me now, paniguradong puro explanation na naman ang gagawin ko bukas. Ang lakas lang maka impromptu

-

Napapikit na lang ako sa mga nagkikislapang mga camera sa aking harapan. Kahit ilang beses akong humarap sa maraming tao ay hindi pa din ako sanay-ganito ba talaga pag sikat ka na artist?

Painting is my number one happiness, dito ko kasi naeexpress lahat ng emotions ko. Second is poetry-lahat ng nakakapagpagulo sa'kin ay sinusulat ko and I just found out na may talento din pala ako sa pagsusulat ng tula. And the third one? I don't know, hinihintay ko pa kung kailan siya dadating.

"Hi," Pukaw atensiyon ng isang babae sa'kin

"Ahm excuse me?" Nakakunot ang nuong tiningnan ko ang babae

Nginitian ako nito at tinapunan ng tingin ang portrait na ginawa ko na nakasabit sa puting dingding

"Gawa mo?" Turo nito sa abstract painting ko

"Ah, oo-" Simple kong sagot at hinagod ng tingin ang aking gawa

"Sian Foy? Is that your real name?" Nasa contract ko bilang artist ang itago sa industriya ang totoo kong pangalan pero pagdating sa babaeng 'to ay bigla na lang ako napapaamin

"Hindi-" Agaran kong sagot na ikinabigla ko

"What do you mean by 'hindi'?" Napapantistikuhang usal nito

"Don't mind it" Lihis ko at ipinagpatuloy ang ginagawa

-

Marianée Macalintal is her name. Lumapit siya sa'kin ng makahanap siya ng sapat na panahon para daw makilala ako. She even says in front of my face that she's my number one supportive fan and I can't help but to smile for what I've heard, sinong hindi mag-aakala na ang isang pintor na kagaya ko ay may nagsusuporta.

We've talked a lot, and I've heard that she's a journalist. What a coincidence

"So ano nga ang real name mo?" Pangungulit ni Marianée sa'kin

I sighed in defeat

"My real name is Jaymark Sumalinog but you can call me JM for short-" Magiliw kong sabi

Napakurap kurap ito sa narinig. I bet hindi ito makapaniwala

"Your name sounds good pero bakit kailangan mo pang gumawa ng ibang pangalan?"

"I am hiding my true identity, so I think madefying a pseudonym is good for me-" Simple kong sagot

"Bakit naman?" Napapansin kong marami na siyang tanong siguro ay gusto niya lang talaga akong makilala

"Kapag ba ibinulgar ko sa maraming tao ang totoong pagkatao ko may magbabago ba? Wala naman diba, Sian Foy is better than Jaymark Sumalinog" Nangingiti kong sabi sa kanya

"You're weird. Kung ako ang nasa puder mo gagamitin at dadalhin ko ang pangalan ko, you should be proud of it" Sagot nito na ikinabuntong hininga ko

Oo nga naman may point siya sa sinabi niya

Dapat ipagmalaki ko ang totoo kong pangalan sa larangan ng pagpipinta. Pero pa'no? Ayokong maging laman sa balita at headlines ng diyaryo-hindi ako sanay sa buhay industriya. Seldom knows my real name but nobody knows what I'm capable of.

-

Matapos kong sabihin kay Marianée ang lahat lahat nagulat na lang ako sa susunod na pangyayari-may gumawa ng report tungkol sa akin at ibinulgar ang totoo kong pagkatao. Nalaman na ng lahat ang totoo na hindi nag eexist sa mundong ito si Sian Foy.

"Ayon sa nasabing report ni Ms Madrigal ay hindi talaga Sian Foy ang totoong pangalan ng pintor kundi Jaymark Sumalinog. Ano kaya ang rason ni Mr Sumalinog sa kadahilanang nagtatago siya sa pangalang Sian Foy" Pagpapahayag ng tagapag-ulat

Napatawa siya ng pagak at pinatay ang telebisyon

Bakit niya ba kasi nakalimutan na isang journalist ang nobya niya, oo nobya niya si Marianée mahigit isang buwan na ang nakakalipas.

Sa pagkakataong ito, hindi niya pwedeng palampasin ang ginawa ng dalaga sa kanya-sumusobra na ito

"Ba't mo ginawa 'yon" Napatiim bagang na tinanong ko si Marianée

"Ang alin?" Salubong ang dalawang kilay na tanong naman nito sa'kin

"Pwede ba Marianée? H'wag kang magkunwaring hindi mo alam at wala Kang nalalaman, pinagkatiwalaan kita at nangako ka sa'kin na hindi mo ilalabas ang tunay kong pagkatao!" Sumbat at pagpapa-alala ko sa kanya

"Babe, let me explain-"

"Hindi. Hindi ko kailangan ang paliwanag mo, malinaw na sa'kin ang lahat-ginamit mo lang ako diba?" Walang kaemo-emosyon kong sabi at tiningnan siya ng puno ng pagkadisgusto

"Hindi mo 'ko naiintindihan, ginawa ko lang 'yun para sa-"

"Trabaho mo o para sa'kin? I already giving up all my happiness just for you Marianée! I choose you over my happiness at ang bobo bobo ko kasi ginawa ko 'yun." Puno ng pagsisising nagsabi ako ng totoo

Siya ang kauna-unahang taong binigyan ko ng pansin. At nagkamali ako ng pagkilala sa kanya, akala ko iba siya; ibang-ibang sa mga taong nakakasalamuha ko

"Why Marianée? Why?" Puno ng katanungan ang aking isipan na bakit niya nagawa sa'kin 'to

"Fine! I did it for myself, gusto kong mapromote bilang manager kaya naisipan kong gamitin kita. Ano masaya ka na?" Pagtataas nito ng boses

Siya pa ang may ganang magalit,

"Tinatanong mo kung masaya ako? Oo, masayang-masaya ako dahil nahulog ako sa bitag mo, masaya ako dahil naloko mo ako, at masaya ako dahil napaniwala mo akong ako talaga ang mahal mo. 'Yun pala any sarili lang ang iniisip mo- I'm such a bullshit!"

Bakit ba kasi ako nagpaloko? Ano bang kasalanan ko, bakit ako palagi ang ang bigo at palaging naiiwan? Binuhay ba talaga ako para isakripisyo ang lahat lahat? Hindi ko na kaya, pagod na pagod na akong mabuhay

Sana pagdating ng araw maranasan kong maging kuntento at maging masaya sa buhay.

下一章