Chapter 9
1week na lang, matatapos na ang sembreak kaya pasukan na ulit. 1week na rin ang nakalipas mula nang mabalita yung tungkol sa natagpuang bangkay sa loob ng isang bahay.
Pero sabi ni Papa baka yung nakita nila Kuya na tatlong lalaki, yun din yung tatlong lalaki na nakunan ng CCTV na pumasok dun sa bahay nung babae.
Sabi naman ni Kuya hindi sila yun dahil malayo raw yung hugis ng katawan. Hindi kasi kita sa CCTV yung mga mukha nila. Pero posibleng ring magkakasama lang yung mga 'yon.
Dahil wala pa namang pasok at medyo naboboring ako sa bahay, sumama muna ako kay Papa dito sa Barangay. Kasama rin namin si Mama tapos si Kuya naman kasama yung mga kaibigan at kaklase niya. May outing ata sila.
Narinig ko kasi siya minsan na may kausap sa phone at sabi niya dapat daw makapag-outing na sila bago matapos ang sembreak.
Nakaupo lang ako sa upuan na nakapwesto sa tapat ng table ni Papa habang nagcecellphone, samantalang busy naman siya sa pag-aayos ng mga papel. Si Mama naman nakaupo lang sa sofa tapos nagfifacebook.
Katext ko si Francis at sinabi niyang sabay kami magpaenroll para sa second sem. Susunduin niya na lang daw ako dito pag pupunta na kami sa School.
Isang linggo na rin pala kaming hindi nagkikita dahil wala pa naman ulit kaming pupuntahan or gagawin. Pero kahit na ganun, araw-araw naman siyang nagtetext at nagchachat kaya araw-araw ko rin siyang nakakausap.
Habang nagtatype ako ng message sa phone ko, nagulat ako nang biglang pumasok yung isang kasamahan ni Papa dito sa Barangay kaya napatingin ako sa kaniya.
"Buksan ko yung t.v mo ha! Manuod tayo ng news. Iniinterview si Vice tungkol sa mga nangyayari dito sa'tin." tapos kinuha niya yung remote na nakapatong sa ibabaw ng table at binuksan yung t.v
"Bakit si Vice ang iniinterview? Bakit hindi si Mayor?" singit ni Mama na nakatingin na rin sa t.v at inaabangan ang news.
"Eh diga wala si Mayor. Lumuwas ng Maynila kaya si Vice ang hinabol ng media. Spokesperson nga raw sabi nung mga tao diyan sa labas." sagot naman nung babaeng pumasok.
Nagsimula nang magsalita yung broadcaster at pagkatapos niya magsalita ay ipinakita naman yung video na iniinterview nung reporter yung Vice Mayor ng lugar namin.
Interviewer: Good Morning po Vice Mayor Bonifacio. Kamusta po kayo?
Vice Mayor: Maayos naman ako.
Interviewer: Ah, mabuti naman ho kung ganun. Vice Mayor, gusto lang po malaman ng taong bayan kung ano nang nangyayari dito sa bayan ng Sta. Claridel sa lugar natin. Ilang kaso na po ng murder ang nagyari tsaka may ilan na ring natokhang dahil sa talamak na bentahan at paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot. Ngunit meron na pong napatay dahil sa maling bintang. Ano ho ang masasabi niyo tungkol dito?
Vice Mayor: Ang masasabi ko lang, wag na natin masyadong isipin at problemahin ang tungkol sa kaso ng droga dahil meron naman tayong Oplan Tokhang. Para naman sa mga mabubuti nating Police, kailangan muna imbestigahan ng mabuti para walang napapahamak nang dahil sa maling bintang.
May iba pang tinanong yung nag-iinterview pero hindi ko na masyadong pinansin dahil hindi naman na tungkol sa bayan namin.
Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkulikot sa cellphone ko pero nagtaka ako nang biglang tumahimik kaya napatingin ako sa kanila. Pinatay na pala ulit yung t.v. Tapos na siguro yung balita.
"Anong sagot yun? Hayaan na lang dahil may oplan tokhang naman. Dapat nga silang mga opisyal sa isang bayan ang nagsasabi kung anong dapat gawin pag ganito nang talamak na ang patayan." reklamo nung babae.
"Ano kayang masasabi ni Mayor?" natatawang tanong ni Mama. Pailing-iling lang si Papa na sa tingin ko ay hindi rin naconvince sa isinagot ni Mayor.
"Yang mga nasa medyo mataas na posisyon, kadalasan sila pa yung mga pasimuno. Tingnan mo walang ibang masabi. Mga may kapangyarihan nga naman. Tolerate na lang nila yung mga ganyan. Hay naku!" lumabas na ulit yung babae pagkatapos niyang dumakdak.
"May alam din talaga si Ate Gina." narinig kong sabi ni Mama at pagtingin ko sa kaniya, nagcecellphone na ulit siya.
"Yan pa. Madalas din nasa munisipyo 'yan. Marami ring naririnig na mga kwento kwento." tugon naman ni Papa.
Maya-maya pa, narinig ko ang pagtigil ng motor sa harap ng Barangay kaya pumunta ako sa may pinto para tingnan kung sino yun at nang makita ko si Francis, agad akong napaalam kila Mama na magpapaenroll na ako. Tumango lang sila ni Papa saka ako lumabas at umangkas sa motor ni Francis.
★★★
Nagfifill-up ako ng enrollment form pero hindi ako makapagconcentrate dahil nararamdaman kong nakatitig sa'kin si Francis habang nagsusulat ako at naiilang dahil sa ginagawa niya.
Tapos na kasi siya magfill-up at hinihintay na lang niya ako para sabay na kami magpapasa ng form sa registrar. Binilisan ko na lang ang pagsasagot para matapos na.
May mga estudyante rin naman kaming kasabay mag-enroll kaya medyo marami ring tao ngayon dito sa School namin kahit wala pang pasok.
"Bakit ka nagmamadali? Oh tingnan mo, bakit date yung inilagay mo sa may birthday?" sabay turo niya sa form na sinasagutan ko at nakita kong mali nga yung nailagay ko.
"Hindi ko napansin. Haha" tinawanan niya lang ako tapos kinuha niya yung phone niya at yun na lang ang pinaglibangan. Hay buti naman. Atleast makakapagconcentrate na ako ng maayos dahil hindi na siya nakatingin.
Pagkatapos ko magfill-up, ipinasa na namin yung enrollment form sa registrar tapos umalis na rin kami nung sinabi ng mga tagaregistrar na okay na raw.
"Saan tayo?" tanong ni Francis habang nagdadrive ng motor niya. Napaisip naman ako kung san ba kami pwedeng pumunta pero wala akong maisip.
Ilang beses naman na kaming nakapunta sa mall, nakatambay na rin kami sa plaza tsaka sa park, masyado pang maaga para maglibang sa perya dahil paniguradong sarado pa 'yon ngayon.
"Kahit saan. Kung saan mo gusto." yun na lang ang nasabi ko at nakita ko sa side mirror ng motor ang bahagyang pagngiti niya.
"Sa bahay na lang tayo. Para naman makatambay ka rin dun kahit minsan." kinakausap niya ako pero diretso lang yung tingin niya sa daan dahil nakafocus siya sa pagdadrive. "Sige" sagot ko na lang dahil alam kong alam din naman niya na wala kaming ibang mapagtatambayan o mapapasyalan.
Nang makarating kami sa kanila, nakita agad ako ng Mama niya. Ngumiti siya sa'kin. Nung una hindi ko pa alam kung anong sasabihin ko dahil naramdaman ko ang hiya. Buti na lang at nagawa kong nginitian din siya kahit papano.
Maayos naman yung bahay nila. Hindi kalakihan pero hindi rin naman sobrang liit. Yung tama lang para sa isang pamilya. Pangalawang beses ko pa lang makarating dito. Kadalasan kasi sa bahay nila Julie ako nakatambay.
"Hello. Pasok ka." sabi nung Mama niya habang nakangiti tapos inalalayan niya akong makapasok sa loob ng bahay nila. "Upo ka muna diyan sa couch." umupo naman ako sa couch na itinuro niya.
Grabe ang bait pala ng Mama ni Francis. Medyo kamukha niya si Francis pero mukhang mas sweet siya kesa sa anak niya, dahil kita ko ang lawak ng smile niya nung makita niya ako. Sweet din naman si Francis pero parang hindi siya ganyan kashowy.
"Ang ganda mo pala sa personal. Sa picture pa lang kita nakikita eh. Sa cellphone ni Francis ang dami mong picture--"
"Maaaa!" nagulat kami dahil sa sigaw ni Francis at natawa na lang ako nung humalakhak ng malakas yung Mama niya.
"Ma, ang daldal mo." nakabusangot na reklamo ni Francis. Hindi siya pinansin ng Mama niya at lalo pa siyang inaasar. Parang bully din 'tong nanay niya eh. Hahaha
"May french fries sa ref. Lutuin niyo na lang kung gusto niyo para may makain kayo." umalis na yung Mama niya papunta ata sa likod ng bahay. Naiwan naman kaming dalawa ni Francis dito sa sala nila kaya nakahinga na rin ako ng maluwag.
Kahit alam kong mabait yung Mama niya, nahihiya pa rin ako dahil alam kong alam na niyang nililigawan ako ng anak niya.
"Tara sa kusina." tumayo naman ako at sumunod sa kaniya. Pagdating namin sa kusina, binuksan niya agad ang ref nila sabay kinuha yung isang supot ng fries.
Nakita ko yung nakataob nilang kawali sa ibabaw ng isang cabinet. Kukunin ko na sana yun para ilagay sa ibabaw ng kalan pero naunahan na niya ako.
Siya na yung nagsalang ng kawali tapos nilagyan na rin niya ng mantika. Nung medyo kumukulo na yung mantikang inilagay niya, saka niya ibinuhos dun yung french fries na hawak niya.
Lumapit ako at nung nakita kong nag-iiba na yung kulay at naluluto na yung fries, kumuha ako ng malaking plato na paglalagyan ng mga naluto nang french fries tapos tumabi ako sa kaniya bago ko isinahod yung plato.
Nang matapos siya sa pagluluto, inilapag na niya yung platong pinaglalagyan ng fries sa lamesa bago umupo sa upuan. Umupo na rin ako sa tapat niya.
"Anong gusto mong drinks? May softdrinks sa ref. Kung ayaw mo nun meron namang juice diyan na pwedeng timplahin."
Inisip ko pa kung anong drinks ang mas bagay sa fries. Masarap sana kung juice naman pero parang softdrinks ang kapartner nun eh.
"Softdrinks na lang." tumayo siya saka lumapit sa ref nila at binuksan ito tapos kumuha ng isang malaking bote ng coke.
Kumuha na rin siya ng dalawang baso at inilapag niya sa tapat ko yung isa bago siya bumalik sa upuan niya.
"Saan ka mag-aaral ng college?" napatingin ako sa kaniya. Nakatingin siya sa'kin pero tuloy pa rin ang kain niya.
"Hindi ko pa alam eh. Ikaw?" ilang segundo pa ang lumipas bago siya sumagot.
"Hindi ko pa rin sigurado. Pero gusto kong mag-aral sa Ateneo. Pangarap kong makapag-aral dun eh."
"Sa Manila kana titira?" hindi ko alam pero bigla akong nalungkot. Senior highschool na nga pala kami at ilang months na lang magkakahiwalay na kami. Hindi na kami magkakasama hanggang sa college.
Hindi pa ako handa. Alam kong darating ang panahon na kailangan na naming maghiwahiwalay dahil hindi naman iisang course at School ang papasukan namin.
Hindi pa ako handang malayo sa mga kaklase at naging teacher ko sa School na pinapasukan namin ngayon. Lalo na sa mga kaibigan ko na simula junior highschool ay sila na yung mga kasama ko.
Yung nasanay na ako na araw-araw sila yung mga nakakakwentuhan at nakakaasaran ko. Tapos sa isang iglap, kailangan pa rin naming tanggapin na balang araw magkakalayo na ang mga landas namin.
Meron nang makakahanap ng bagong kaibigan at makakasama. Pero sana kahit na ganun, hindi kami magkalimutan. Kahit may kaniya-kaniya na kaming mga buhay, dumating pa rin yung araw na magkasama ulit kami nang walang nagbago.
Gusto ko nandun pa rin yung asaran at kulitan tapos sabay-sabay naming babalikan yung mga kalokohan namin dati at masasayang ala-ala na binuo naming magkakaibigan nang magkakasama.
Syempre si Francis din. Nakakalungkot isipin na kung kelan malapit na kaming grumaduate, dun pa magkakaron ng something sa'min.
Ilang buwan ko na lang siyang makakasama. Ngayon pa na alam kong nagkakagusto na rin ako sa kaniya. Araw-araw ko siyang kausap sa phone.
Panu na lang kung college na kami. Magkakahiwalay na kami dahil baka magkaiba ang School na papasukan namin. Tapos magiging busy na kami dahil college na kaya alam kong darating talaga yung time na hindi na kami makakapag-usap.
Lalo na kung sa manila na siya mag-aaral tapos nandito pa rin ako. Masyado kaming malayo sa isa't-isa. Hindi pa ako handang mangyari yun.
"Oo. May bahay kami dun kaya walang problema sa titirhan ko." hindi ako nakapagsalita dahil sa lalim ng iniisip ko. Kapag sa mga ganito talagang sitwasyon, kung ano-anong mga possibilities ang maiisip mo.
"Kung gusto mo dun kana lang din mag-aral para magkasama pa rin tayo."
Gusto ko man yung suggestion niya, ayoko naman iwan yung pamilya ko. Iba pa rin yung kasama mo ang buong pamilya mo hanggang sa makatapos ka ng pag-aaral. Hindi ko pa nararanasang malayo sa kanila. Tsaka wala akong matutuluyan sa Manila.
"Wala naman akong matitirhan dun eh. Tsaka ayokong malayo kila Mama. Besides, marami rin namang magagandang Schools dito na pwedeng pasukan sa College. Baka diyan sa School na lang din natin ngayon ako mag-aral ng College. Diyan nga nag-aaral Kuya ko ngayon eh. College rin yun." alam ko kasing hindi ako magiging komportable kapag hindi ko kasama parents ko.
"Marami namang boarding house sa Manila eh. Pero ikaw pa rin bahala. Hindi kita pipilitin kung ayaw mo." ngumiti siya.
"Salamat. Pero pag-iisipan ko pa rin." tumango lang siya tapos kinuha niya yung bote ng coke saka binuksan iyon. Nagsalin siya sa baso niya at pati yung baso ko ay nilagyan na rin niya.
"Basta sabihin mo lang sa'kin kung gusto mo dun mag-aral ha. May apartment na malapit dun sa bahay namin. Pwede ka dun para atleast may kakilala ka agad na malapit lang sa'yo." tinanguan ko siya saka ngumiti.
"Anong bang course kukunin mo?" tanong ko na nakapagpaisip sa kaniya.
"Pinag-iispan ko pa kung I.T or Architect. Ikaw?" hindi ako nakasagot agad. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung anong course ang kukunin ko. Mahirap mag-isip ng kurso lalo na kung hindi mo alam ang babagay sa skills mo or kung ano ba talagang gusto mo.
Napakibit-balikat ako bago samagot. "Hindi ko pa alam eh. Gusto ko munang pag-isipan nang mabuti. Ayokong magpaiba-iba ng course. Baka kasi mamaya, education yung kinuha ko tapos marerealize ko na medicine pala talaga yung gusto ko."
"Meron namang first choice, second choice at third choice. Ano ba yung unang pumasok sa isip mo?" napaisip naman ako sa tanong niya.
Minsan parang gusto ko magteacher kasi nakikita ko si Mama na masayang nagtuturo. Tapos masarap din sa feeling kapag naiisip ko na ang mga teacher ang dahilan para maraming matutunan at makapagtapos ang bawat estudyante.
"Siguro educ ang first choice ko. Hindi ko pa alam ang second and third. Hehe" sabay kaming natawa dahil alam kong nahalata niyang wala talaga akong idea sa course na gusto ko.
Natawa ako hindi dahil sa nakakatawa talaga kundi dahil ang cute niya tumawa. Parang may halong kilig eh. Hahaha
"Pag-isipan mo na habang maaga pa. Malapit na tayo grumaduate ng Senior High." nginitian ko lang siya saka ako tumango.
Ang saya pala ng ganito. Yung dating once in a blue moon ko lang siya makausap kahit pa magkasama naman kami sa isang barkada, kakwentuhan ko na ngayon.
Hindi ko akalaing sa isang iglap magiging close kami. Hindi lang kaclose, manliligaw ko pa. Hahaha Sana lagi na lang ganto.
Nawala ang mga ngiti namin nang biglang magring ang phone niya. Dinukot niya 'yon sa bulsa niya saka sinagot ang tawag nang hindi umaalis sa pwesto niya.
Sana kapag naging kami na ganito pa rin siya. Yung kapag may tumawag sa kaniya, sasagutin niya yun sa harap ko. Hahaha ako na demanding.
"Sige sige. Papunta na." pinatay na niya ang tawag sabay tumayo. Nagtaka naman ako.
"Bakit?" tanong ko.
"Tumawag si Elle. Nasa waiting shed daw sila ng School. Kasama niya si Christian, umiiyak." nagulat ako sa sinabi niya. Bakit naman iiyak yun.
Patayo na rin sana ako pero hindi natuloy dahil hinawakan niya yung balikat ko at pinaupo ulit. "Inumin mo muna 'yang coke mo bago tayo umalis." wala na akong nagawa kundi sumunod sa kaniya at nang matapos ako ay umalis na rin kami kaagad. Tinakluban na lang niya ng plato yung french fries na kinakain namin.
★★★
Pagdating namin sa may labasan ng School. Nakita agad namin si Christian na nakaupo at tulala sa waiting shed habang hinihimas ni Elle yung likod niya.
"Anong nangyari?" agad kong tanong nang makalapit kami sa kanila.
"Break na sila nung syota niya." si Elle ang sumagot at nung tingnan ko si Christian, namamaga yung mata niya. Halatang katatapos lang umiyak.
"Eh bakit kayo magkasama?" tanong ni Francis sa nangangantyaw na tono kaya naisipan kong sikuhin siya. Mang-aasar pa eh... Sumeryoso naman ang mukha niya nung inis siyang tiningnan ni Elle.
"Katatapos lang namin magpaenroll. Kasama ko si Julie kanina pero nauna na siyang umuwi. Nagpaiwan naman ako dahil nakita ko 'tong si Christian na nagmumukmok dito. Hindi ko matawagan si Kinley eh kaya ikaw yung tinawagan ko." sabi niya kay Francis.
"Awww broken. Okay lang 'yan bro. Baka hindi talaga kayo destiny ni Vina." hindi siya pinansin ni Christian at nanatili lang itong nakayuko at nakatingin sa lupa.
Umupo si Elle sa tabi niya. Ganun din ako kaya bale napagigitnaan namin si Christian. "Kaya mo 'yan. Alam mo may mga bagay talaga na akala natin nakalaan na para sa atin pero hindi pala. Maaaring pinahiram lang sa'tin dahil may purpose si God. Siguro para matuto tayo sa kung ano mang bagay na dapat nating matutunan." paliwanag ni Elle habang tuloy pa rin ang paghaplos niya sa likod ni Christian para makalmahin ito...
Hindi pa rin umimik si Christian. Kahit naman siguro ako yung nasa sitwasyon niya, baka hindi rin ako makaimik. Alam kong masyadong masakit yung nararamdaman niya ngayon kahit hindi ko pa nararanasang mabroken heart.
Hindi ko naman alam kung anong maiiadvice ko dahil nga wala pa naman akong experience sa mga ganiyang problema.
"Wala akong maadvice sa'yo kundi MOVE ON!" nagtawanan kami sa sinabi ni Francis. Pati si Christian natawa rin sa narinig sabay umiling-iling.
"Alam mo kahit walang kwenta yung sinabi mo, okay na rin kasi napatawa mo si Christian." natatawang sabi ni Elle habang nakatingin kay Francis na nakatayo lang sa harap namin.
"Umuwi kana bro. Tinitingnan ka nung ibang estudyante oh. Mukha kang tanga na nagmumukmok dito sa waiting shed." sabi ni Francis kaya napatingin ako sa kaniya pero kay Elle siya nakatingin.
Nilingon ko naman si Elle at nakita kong masama ang tingin niya kay Francis. "Wala kang karapatang pagsabihan siya ng ganyan. Hindi mo alam pinagdadaanan niya." dahil sa sinabi ni Elle, naglipat-lipat yung tingin ko sa kanilang dalawa ni Francis. Parang biglang nagkaron ng tensyon ang atmosphere.
"Okay. Sorry." sagot lang ni Francis sabay iwas ng tingin. Ibinalik ko na lang ulit ang atensyon ko kay Christian.
"Everything happens for a reason." iyon na lang ang nasabi ko sa kaniya dahil wala talaga akong ibang maisip na sasabihin.
"Bakit ba kayo nagbreak?" tanong ni Francis. Umiling lang si Christian tapos tumayo.
"Uwi muna ako." malamyang sagot niya saka sumakay sa motor niya at diretsong umalis.
★★★
Hapon na nang magising ako dahil sa naririnig kong ingay mula sa sala namin. 5pm naman na kaya lumabas na rin ako ng kwarto.
Pagkatapos umulis ni Christian kanina, umalis na rin kaming tatlo pero inihatid muna namin ni Francis si Elle sa kanila bago niya ako hinatid dito sa bahay. Saktong lunch na nung dumating ako kaya kumain muna ako bago natulog.
Paglabas ko ng kwarto, nakita ko si Kuya kasama si Neil. Nilalabas nila sa malaking tray yung mga untensils na ginamit nila. Tsaka mga pagkain na hindi siguro naubos.
"Woy Jestine!" tawag sa'kin ni Neil nang makita niya ako kaya lumapit ako sa kanila.
Inabot niya sa'kin ang isang hindi kalakihang tupperware. "Anong laman nito?" kunot noo kong tanong.
"Chocolate cake. Meryenda. Oh eto pa." pinaglalapag niya sa maliit na lamesa namin yung mga snacks na kinuha niya sa tray na dala nila. May nova, vcut, piattos, roller coaster, chippy, pringles at kung ano-ano pa.
"Andami naman." reklamo ko.
"Madami talaga 'yan. Yung iba nasa bag ko na. Syempre alangan namang wala akong take out. Hehe... Ganyan kadami ang baon nung ibang department. Madaming tira kaya pinagkukuha na namin." sabay kaming natawa ni Kuya.
College outing pala yung pinuntahan nila. Kala ko outing lang ng buong klase nila. "Ganyan kami kadugas. Hahaha" sabi ni Kuya sabay tawa ng malakas.
"Sige tol uwi na'ko. Kita na lang ulit tayo sa symposium... Bye Jestine." paalam ni Neil bago lumabas ng pinto dala ang bag niya. Sasagot pa sana ako pero nakaalis na siya.
"Symposium?" tanong ko kay Kuya. Tumango naman siya.
"May nakapost na announcement sa facebook group ng Sta. Claridel at ng School natin na magkakaron daw ng symposium sa bawat School regarding sa mga krimeng nangyayari dito sa'tin. Saktong dating ni Mayor Cariaga galing sa Manila. Siya ata ang magsasalita eh."
"Kelan daw?"
"Sa Monday. Bago magsimula ang klase ng second sem." inayos na niya lahat ng mga gamit dito sa bahay na dinala niya sa outing nila.
Tinulungan ko naman siya sa pagliligpit dahil baka maabutan pa ng parents namin na kalat dito sa sala ang mga gamit namin sa kusina.
Habang nag-iimis, bigla kong naalala yung sinasabi niyang symposium. Lagi naman akong online pero wala akong nababasa announcement.
Medyo natawa naman ako sa sarili ko nang marealize kong hindi nga pala ako nagbabasa ng mga announcement at kung ano-anong mga article sa facebook.
Hindi ko hilig ang magbasa. Kaya kahit pa member na ako ng kung ano mang group yun, hindi pa rin ako updated dahil sa katamaran kong magbasa ng mga ganung bagay.
Nalalaman ko lang kapag may nagsabi sa'kin or may narinig akong nakakacurious. Katulad na lang ngayon. Kung hindi ko pa narinig na binanggit ni Neil, hindi pa ako magtatanong kay Kuya at hindi niya masasabi sa'kin kaya hindi ko rin malalaman.
Alam ko namang hindi lang ako yung ganto. Marami ring teenager na katulad ko ang hindi hilig ang magbasa ng kung ano-ano kaya okay lang. Wahahaha
*★*★*★*★*★*★*★*★*★*★*