Nagsalita naman si Gu Jingze, "Tama na. Baka maglaway ka na sa mga damit na iyan."
Tumawa si Lin Che at pinunasan ang gilid ng kanyang bibig. "Hindi ako naglalaway, noh."
Tahimik na tinitigan siya ni Gu Jingze. "Hindi ba pwedeng kumilos ka ng katulad ng isang babae?"
"Saang banda ba ako mukhang hindi babae?"
Sumagot si Gu Jingze, "Mukhang-pera."
Ngumuso lang si Lin Che. Hindi na niya pinansin ang sinabi nito. Buong kasibaan na hinaplos niya ang mga damit. "Ano namang problema mo? Magpapanggap ako sa harap ng ibang tao pero hindi ko kailangang gawin pa iyon sa harapan mo. Kung ako ay magiging pormal, mahinhin, tahimik, at sosyal, hindi ka ba magkakagusto sa akin?" Pagalit na tugon ni Lin Che habang nakatingin kay Gu Jingze.
Tahimik naman na sinamaan siya ng tingin nito.
Marahil ay totoo naman talagang wala siyang dapat ipagpanggap, kaya hindi ito nagalit sa kanyang tugon.
Pumasok na si Lin Che sa banyo dahil sabik na siyang suotin ang mga damit. Paglabas niya ay nakasuot na siya ng hindi hapit at kulay-dilaw na mahabang dress. Napakaliwanag niya katulad ng sikat ng araw.
Lumiwanag naman ang mga mata ni Gu Jingze nang makita ang malaking ipinagbago ng anyo nito.
Dahan-dahang lumibot si Lin Che, dahilan upang magmistulang isang bagong sibol na bulaklak ang kanyang damit. Parang isa itong maliwanag araw.
Tinanong siya ni Lin Che. "Bagay lang ba sa akin?"
Bahagyang nag-aatubili na sumagot si Gu Jingze. "Mukha kang disente."
Nang marinig iyon ni Lin Che, nagsalita din ito. "Kakaiba talaga kapag mamahalin ang isang damit."
Masaya siyang umupo pabalik sa kanyang wheelchair.
Sa isip naman ni Gu Jingze ay nagrereklamo siya. Ang hina naman ng utak nito. Pinupuri niya ito pero hindi man lang nito napansin?
Maganda nga pero mahina naman.
Maya-maya ay itinulak na siya ni Gu Jingze palabas at umalis na sila sa hotel na iyon.
"Napakaganda ng hotel na ito. Malaki ang ibinayad mo dito, ano?" Bulalas ni Lin Che.
Sumagot si Gu Jingze nang hindi tumitingin sa kanya. "Pag-aari namin ang hotel na ito. Hindi ko na kailangan pang magbayad."
Mabilis namang napalingon si Lin Che para suriing muli ang kagandahan ng hotel na iyon. Marahil ay marami ang stars nito.
"Five-star?"
"Seven", pagwawasto ni Lin Che sa sarili. "Lahat ng hotel na pagmamay-ari ng mga Gu ay seven-stars."
Nagsisi naman si Lin Che na hindi sila nagtagal doon.
"Pambihira naman! Sana sinabi mo kaagad sa'kin kanina. Hindi ko pa naranasang makapasok sa ganito kagandang hotel. Dapat sana ay nanatili pa ako dito ng isang gabi. Wala naman palang bayad eh."
Sumagot sa kanya si Gu Jingze. "Kung gusto mo, maaari tayong bumalik agad ngayon."
Simple lang ang pagsagot nito pero lumingon si Lin Che sa kanya. "Kung babalik tayo doon, tayong dalawa din ba ang mananatili doon?"
"Hindi ako sanay manatili sa isang hotel. Hindi safe."
"Hoy, imposible naman iyan. Hindi ba't nasa hotel ka noon nang una kitang makita?" Dahil kung hindi, paano naman niya itong mapagkakamalang si Jingyu?
Wala sa loob na tiningnan siya ni Gu Jingze.
Oo. At iyon nga ang dahilan kung bakit pakiramdam niya ay hindi na safe ang manatili sa hotel gaano man ito kaprotektado.
"Hmmm, simula ng araw na iyon, hindi na ako pumapasok sa mga hotel."
". . ." Tumawa na lang nang mahina si Lin Che.
Ah, siya pala ang dahilan.
Nahihiyang tumawa si Lin Che at mabilis na iniba ang usapan. "Kung ganoon, dahil nakapag-stay ka na sa hotel na kasama ako, hindi ka na dapat mangamba pa. Legal na ang relasyon natin ngayon. Magkaiba ang pakiramdam ng nasa bahay ka lang at kapag nasa hotel ka." Tumagilid siya at sumandal sa katawan nito.
Ikiniling naman ni Gu Jingze ang ulo. "Bakit pupunta ka pa sa hotel kung may bahay ka naman?"
Itinaas ni Lin Che ang kanyang ulo at pinalibot ang mga mata. "Kailangan ng mga mag-asawa ng kaunting excitement paminsan-minsan. Hindi mo ba napansin na parang kakaiba ang energy sa loob ng mga hotel?"
Tiningnan ni Gu Jingze ang nakausli nitong labi. Ang mga mata nito ay puno ng buhay at parang may ibang ibig ipahiwatig ang mga salita niyang iyon. Parang gumalaw ang puso niya.
Hindi niya napigilan ang mga tingin na dumako sa dibdib nito.
Ang maliit na linya sa gitna ay nagpapakita ng malalambot na kurbada ng dibdib nito.
Wala itong kaalam-alam kung gaano mapanukso ang mga dibdib nito.
Sumimangot siya at nagpatuloy sa pagtulak kay Lin Che. "Hindi."
"Well, pwede din namang gawin iyon sa loob ng sasakyan. Sa katunayan nga ay mas exciting doon. Ang masikip nitong espasyo, ang mga taong naglalakad sa labas, ang panganib na baka matuklasan ng ibang tao kung ano ang nangyayari..."
". . ." Parang gustong basagin ni Gu Jingze ang ulo ni Lin Che para makita kung anong mga basura ba ang nasa utak nito.
Ngunit, habang nanlalaki ang kanyang mga mata ay nanunuyo naman ang kanyang bibig.
Napansin ng driver na nasa unahan kung paano sila magtitigan sa isa't-isa. Mistualang hindi magtatagal ay magtatagpo na ang apoy nilang dalawa. Tahimik nitong iniisip kung ano ba ang ginagawa ng mag-asawang ito.
Balak ba talaga nilang gawin iyon dito sa loob?
Nandoon pa siya at sana maisip ng mga ito na may pakiramdam din siya...
Ngunit, ano man ang balak nilang gawin ay isa lamang siyang driver. Matinding training ang ginawa sa kanya at tiyak na hindi siya magsasalita ng kahit ano.
Ganoon pa man, ayaw niya talagang makakita ng kahit ano...
Mabuti na lang at itinulak pa rin ni Gu Jingze si Lin Che, nahihiyang sabihin dito na bahagyang nakabukas ang kanyang damit.
Ngumiti si Lin Che sa kanya. "Hoy, Gu Jingze. Bakit namumula ang mukha mo?"
Tiningnan niya ito nang masama para tumigil na sa pagsasalita.
Tumawa ng malakas si Lin Che at nagsalita. "Woah. Nahihiya ka ba, Gu Jingze? Sino naman mag-aakalang mayroon ka palang ganyang side?"
"Shut up!"
"Huwag mong sabihin sa'kin na hindi mo pa talaga iyan kasama si Miss Mo?" hinila nito ang kamay ni Gu Jingze.
Nagdilim ang kanyang mukha. "Sa tingin mo ba lahat ng tao ay walang hiya katulad mo?"
Tumigil na si Lin Che sa pagsasalita. Sinasabi na nga niya, itong si Miss Mo na talaga ang pinaka-the best.
Nanlumo naman ang kanyang mukha nang maalala si Mo Huiling.
Napansin iyon ni Lin Che kaya tinapik siya nito. "Oo na. Huwag ka ng magalit. Nagbibiro lang naman ako."
Habang nakasalad dito, huminga nang malalim si Lin Che. "Alam ko naman kung gaano ninyo kamahal ni Miss Mo ang isa't-isa pero hindi kayo pwedeng magsama. Nandiyan lang siya sa tabi pero hindi mo man lang siya mayakap. Ang saklap naman ng pag-ibig na 'yan... Ngayong naisip ko ito, talagang naaawa nga ako sa kanya. Tiyak na nami-miss ka niya araw-araw."
Lalo lang nanlumo si Gu Jingze nang marinig iyon.
Mukhang hindi alam ni Lin Che ang kanyang mga sinasabi, "Ikaw rin, pwede mo namang puntahan si Miss Mo sa halip na puntahan mo ako dito dahil marami ka namang bakanteng oras, diba. Dapat sana'y masaya kayong kumakain ngayon."
Tiningnan siya ni Gu Jingze. "Ang thoughtful mo naman."
Siguro dapat siyang bigyan ng "Best Wife" award?
"Pero syempre, ano ba ang mayroon sa pagitan natin? Dahil nagsasama naman tayo sa iisang bahay, tungkulin ko ang samahan ka sa iyong mga problema. Okay lang sa'kin iyon. Pwede mong sabihin sa akin ang kahit ano na ikinagagalit mo. Tutulungan kita na mawala ang iyong mga alalahanin at pagagaanin ko ang iyong pakiramdam para hindi ko na kailangang makakita ng malungkot na pagmumukha sa bawat araw. Sa ganiyang paraan ay magiging masaya din ako. Patas lang tayo."
"Hindi na kailangan. Kung gusto ko ng isang tagapayo, mas pipiliin kong maghanap ng isang professional."
"Ah, pero kailangan mong magbayad sa isang professional. Dahil malaking pera na ang nagastos mo sa akin, mas mabuti kung papakinabangan mo nalang ako. Huwag kang mag-alala. Maaari mo akong ituring bilang isang doktor."
". . ."
Nagpatuloy pa rin si Lin Che. "Seryoso ako. Oo nga pala. Ang Doctor Chen na iyon. Magkano ba ang ibinabayad mo sa kanya kapag pumupunta siya dito?"
Sumagot si Gu Jingze. "30 million yuan ang sahod niya sa isang taon."
(Note***: Mahigit P213 million ang katumbas nito dito sa Pilipinas.)
". . ."
"Jingze, pwede mo naman talaga akong kunin eh. Hindi ako masyadong mahal katulad niya. Pupuntahan kita kahit saan o kahit kailan. Itatago ko nang maayos ang lahat ng mga sekreto mo. Magiging responsable ako at mag-asawa naman tayo, diba. Mas matibay ang dugo kaysa tubig!"